Hanz Point of view“Hindi ko na alam kung gaano katagal kaming nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Halos ayoko na ngang alisin ang aking mga mata sa mukha ng tatlong bata na nakaupo sa aking harapan. Kung paano ko silang titigan ay ganun din sila sa akin, pakiramdam ko ay para akong na-nanalamin kaya hindi maikakaila na anak ko nga ang mga batang ito. Hindi na kailangan ng DNA test dahil lukso pa lang ng dugo ay ramdam ko na ang koneksyon namin sa isa’t-isa. Parang gusto kong matawa sa hitsura naming mag-ama dahil kapwa hindi na kumukurap ang aming mga mata mula sa pagkakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at hinihingal na pumasok sa loob ng opisina ko ang aking mga magulang. “Nasaan na sila, Hanz? Kapag nalaman ko na niloloko”- naputol ang sanay sasabihin ng aking Ina ng tumambad sa kanyang paningin ang mukha ng triplets. Namilog ang mga mata nito na parang akala mo ay nakakita ng multo. Wala sa sarili na lumapit sila sa tatlong bata, habang ang akin
Summer’s Point of view “Kasalukuyan akong nagmamaneho ng aking wrangler at tinatahak ang daan patungo sa Mansion. Kabababa ko lang ng bundok galing duty kaya sa bahay agad ako dumeretso ng uwi upang makasama ko naman ang aking mga anak. Ngunit pagdating ko sa Mansion ay nagtataka ako kung bakit wala ni isang katulong ang sumalubong sa akin. Bumaba ako ng sasakyan at hinubad ang suot kong shade saka sinukbit ang mabigat na bag sa aking likod. “Mom!” Malakas kong sigaw ngunit katahimikan ang sumagot sa akin. Nagtataka na tinungo ko ang aking kwarto at pabagsak na ibinaba ang mabigat na backpack sa single sofa. “Ano bang nangyayari sa bahay na ito nasaan na ang mga tao dito?” Naguguluhan kong tanong sa aking sarili bago hinubad ang suot kong combat. Isinunod kong hubarin ang lahat ng saplot ko sa aking katawan at tanging panty at bra na lang ang tinira ko saka tinungo ang banyo upang maligo.Pagpasok ko sa loob ng banyo ay napasinghap ako ng mula sa likuran ay biglang yumakap ang dala
Summer’s Point of view “Hindi ako makapaniwala sa magandang ayos ko ngayon, dahil maliban sa nagmukha akong diwata mula sa isang fairytale ay suot ko ngayon ang pinakamagandang traje de boda na sa tingin ko ay hindi biro ang halaga. Hindi ako tanga para hindi maunawaan kung ano ang ibig sabihin nito. At ang labis na ikinaiinis ko ay bakit wala man lang nagsabi sa akin na ngayong araw mismo pala ay ikakasal ako? Halos hindi kumukurap ang apat na babae na nag-ayos sa akin at matinding paghanga ang makikita sa kanilang mga mata. Seryoso ang mukha na lumabas ako ng kwarto ngunit wala ang taong hinahanap ng aking mga mata bagkus ay ang nakangiting mukha ni Mommy ang sumalubong sa akin at ang nabusangot na mukha ng kapatid kong Storm na mukhang napilitan lang ito na magsuot ng mamahaling itim na tuxedo. “Mom? Anong ibig sabihin nito? Bakit biglaan yata?” Naguguluhan kong tanong sa aking ina. Humakbang palapit sa akin si mommy at natutuwa na hinawi ang ilang hibla ng buhok ko bago ako ni
Ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay tila musika sa aking pandinig, at sa pagmulat ng aking mga mata ay ang maaliwalas na kapaligiran ang tumambad sa aking paningin. Sadyang makapangyarihan ang may kapal dahil sa matalino niyang paglikha malaya kong nasisilayan ang natural na ganda ng kalikasan na animoy nasa isang paraiso. Labis akong nagpapasalamat sa kanya dahil nilikha niya ang gwapong lalaki na nasa aking harapan kaya naman walang pagsidlan ang labis na kasiyahan sa puso ko. Napasinghap ako ng bigla akong kabigin ni Hanz palapit sa kanya at saka mapusok na hinalikan ang aking mga labi. Kaagad na tinugôn ang mga halik nito kaya ang simpleng halik ay nauwi sa isang mainit na tagpo. Nasa Ikatlong araw na kami ng honeymoon namin dito sa England at bukas ay babalik na kami sa Montenegro dahil maraming responsibilidad na naghihintay sa amin. Kapwa naghahabol ng hininga ngunit wala ni isa man sa amin ang may nais sumuko, masyado kaming mapusok sa isa’t-isa na wari mo ay ilang d
Seryoso ang mukha na pumasok ako sa loob ng opisina ni General, pagdating sa harap nito ay nakastand straight na kaagad akong sumaludo sa kanya habang ang aking ulo at mga mata ay nakalock sa isang direksyon lamang. “Please sit down, Hilton.” Ani nito sa akin sa seryosong tinig, kaagad naman akong sumunod at naupo ako sa harap nito. Nandito ako ngayon sa kanyang opisina upang mag report. Katatapos lang ng honeymoon naming mag-asawa kaya naman balik trabaho na ulit ako. Napansin ko na parang may bumabagabag sa aking ninong dahil mabigat ang bawat buntong hininga na pinapakawalan nito. Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.“May problema ba Nong?” Nag-aalala kong tanong, nag-angat siya ng mukha at makahulugan na tumitig sa akin ang mga mata nito. “Nababahala na ako dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga baguhang sundalo mula sa kabilang departamento. Halos ilan na ang inasigned kong tao na humawak sa kaso na ‘yun ngunit iisa ang kanilang mga sinasabi. Wala daw anomalya silang
Summer’s Point of view “Attention!” Nang marinig ng lahat ang malakas na tinig ng isang officer na lalaki ay nagmamadaling pumila ang mga bagong recruit na sundalo. Kahit hirap na hirap sa dala nilang mga bag ay pinilit pa rin nila na tumayo ng presentable sa harap ng officer. “Harap sa kaliwa... Na!” Muling sigaw ng matigas na tinig ngunit hindi malaman ng mga bagong aplikante kung saan haharap. Isa na ako sa parang tanga na iniisip kung saan ba ang kaliwa ko gayong nakaharap sa amin ang officer. Halos hindi na maipinta ang mukha ng officer ng magmukha kaming mga tanga dahil halos magka-harapan kami ng mga kasamahan ko. “Nasaan ba ang kaliwa nyo!” Galit na sigaw ng officer kaya napapa-kamot sa ulo na pumihit kami sa kaliwang direksiyon kung nasaan ang kaliwang kamay namin. “Hahaha! Brad mukhang sasakit ang ulo mo sa mga baguhang ito.” Nang-aasar na sabi ng isang sundalo bago tinapik sa balikat ang officer in charge sa aming grupo. “Two steps, right ..face!” Ani nito kaya humakbang
Nang hawakan ni James sa kamay ang lalaki na nasa aking tabi ay ito ang naging hudyat kung bakit nag-init bigla ang ulo ng dalawa pa nitong kasama. Mayabang na tinapǐk ng isa sa kanila ang kamay ni James kasunod nun ay nagulat ang lahat ng isang suntok ang tumama sa sikmura ng aking kaibigan. “ ahk...” narinig kong daing ni James habang na mamaluktot ito at hawak ang nasaktang sikmura. Muling umangat ang isang kamay ng lalaki at nagpakawala ng isa pang suntok ngunit imbes na tumama ito sa mukha ni James ay lumapat ito sa palad ko. Halos sabay na lumipad ang tingin ng tatlong lalaki sa mukha ko ngunit nanatiling blangko ang expression ng aking mukha. “Baka pwede nating pag-usapan ‘to? Hindi naman tayo ang magkalaban dito, dapat kapatid ang turingan natin sa isa’t-isa.” Anya sa malumanay na paraan, sinusubukan ko na mahilot pa ang mga ito sa maayos na usapan ngunit ewan ko ba, dahil mukhang may problema ang mga ito. Imbes kasi na huminahon ay lalo pang nag-init ang kanilang mga ulo. U
“You can’t do that, Sir!” Matigas na tutol ni lieutenant Salazar habang matapang na nakatitig sa mukha ni Major. Mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay na bahagyang nanginginig pa dahil sa matinding tensyon.“That’s an order.” Kalmado ngunit matigas na saad ni Major habang matalim ang mga mata na sinalubong ang galǐt na titig ni lieutenant Salazar. Makikita sa mukha ng Major ang katatagan na tila walang sinuman ang maaaring sumuway sa kanyang utos. Dala ng mataas na katungkulan ay masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Halos ilang segundo na naghinang ang kanilang mga mata ngunit sa huli ay kusang nagbaba ng tingin si lieutenant Salazar tanda ng pagsuko. Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Major at isang matalim na ngiti ang lumitaw sa sulok ng bibig nito. Maya-maya ay bagsak ang mga balikat ni lieutenant Salazar na lumabas ng opisina ni Major.Tila wala sa kanyang sarili na naglakad si lieutenant hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng m