“You can’t do that, Sir!” Matigas na tutol ni lieutenant Salazar habang matapang na nakatitig sa mukha ni Major. Mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay na bahagyang nanginginig pa dahil sa matinding tensyon.“That’s an order.” Kalmado ngunit matigas na saad ni Major habang matalim ang mga mata na sinalubong ang galǐt na titig ni lieutenant Salazar. Makikita sa mukha ng Major ang katatagan na tila walang sinuman ang maaaring sumuway sa kanyang utos. Dala ng mataas na katungkulan ay masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Halos ilang segundo na naghinang ang kanilang mga mata ngunit sa huli ay kusang nagbaba ng tingin si lieutenant Salazar tanda ng pagsuko. Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Major at isang matalim na ngiti ang lumitaw sa sulok ng bibig nito. Maya-maya ay bagsak ang mga balikat ni lieutenant Salazar na lumabas ng opisina ni Major.Tila wala sa kanyang sarili na naglakad si lieutenant hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng m
Araw ng Miyerkules, 1:30 ng madaling araw tanging mga panaghoy ng mga naghihingalong sundalo ang maririnig sa buong paligid. Ang kanilang pagtangis ay nanunuot hanggang sa kailaliman ng iyong laman dahil sa matinding kilabot na hatid ng mga tinig na halos namamaos na sa paghingi ng tulong. Sino bang mag-aakala na ang lahat ng hirap na pinagdaanan at mga kasiyahan sa piling ng mga bago mong kaibigan mula sa mga training na inyong pinagdaanan ay mauuwi lang sa isang malagim na pagsasakripisyo?Nang mga sandaling ito ay binalot ng matinding kapighatian ang puso ni Summer, wala siyang magawa kundi ang kagat-labi na mag bingi-bingihan sa kung paano na ubusin ng mga armadong kalaban ang mga inosenti niyang kasamahan mula sa kabilang pangkat. Nang mga sandaling iyon ay higit na siya ang nakakaalam ng mga dapat gawin sa kanilang sitwasyon. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.“Back up, James.” Matigas niyang utos sa kanyang kasama, tila naunawaan ng binata ang nais mangy
Mabilis na bumaba si General Gronovius sa kanyang sasakyan maging ang mga sundalo na sakay ng ilang track. Mabilis na tumayo ng tuwid sina Major at ang lahat ng mga sundalo na nasa ilalim ng departamento nito. Halos i-isang tao na sumaludo ang mga ito habang nanatiling hawak ng mga ilang sundalo ang nakaluhod na si Summer. Hindi naman maintindihan ng mga baguhan kung ibababa ba nila ang kanilang mga baril at sasaludo sa bagong dating na tulad ng ginawa nila Major. Ngunit ng makita nila na walang balak bitawan ng mga tauhan ni Major ang kasamahan nilang si Summer ay mas pinili nila na manatiling nakatutok ang kanilang mga baril sa kanilang kabaro.“Anong nangyayari dito? Matigas na tanong ni Gen. Gronovius, nagngangalit ang mga bagang nito habang nakatingin kay Summer. “May nagtraydor sa departamento natin at ang babaeng ito ay espiya! Siya ang dahilan kung bakit maraming kawawang sundalo ang namatay ngayong gabi.” Matigas na pahayag ni Major ang mukha niya ay kakikitaan ng masyadong
7:30 ng gabi ng dumating si Hanz galing trabaho. Pagbukas niya ng pintuan ay sumalubong sa kanya ang mga katulong na kaagad na kinuha ang kanyang attached case at ang hinubad niyang cardigan.“Ang mga bata?” Matamlay niyang tanong niya sa kanilang butler, bahagya itong yumukod bago sumagot.“Sir, maaga pong sinundo ng iyong ina at pinasasabi niya na doon muna pansamantala ang mga bata sa kanilang Villa.” Magalang nitong sagot bago muling tumayo ng tuwid habang sa tabi nito ay nakatayo ang mga naka unipormeng katulong.Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Hanz na tila ba kay laki ng problema nito sa buhay. Tinalikuran na niya ang kanilang butler at pumanhik na ng hagdan. “Sir, hindi ba muna kayo magdi-dinner?” Nakangiting tanong nito ngunit ang tinig ay kababakasan ng pag-aalala.“No thank you, wala akong ganang kumain.” Tinatamad na sagot ni Hanz habang patuloy na humahakbang paakyat ng hagdan. “Lagi na lang ganito sa tuwing uuwi ako ng bahay, walang asawa na sasalubo
“Parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil ako ang unang nag-initiate sa aking asawa pero ang ending ay tinulugan ko lang ito. Nilingon ko si Hanz na mahimbing na natutulog sa aking tabi habang nakayakap ang mga braso nito sa aking baywang. Nang makita ko sa orasan na alas kwatro na ng madaling araw ay maingat akong bumangon at tinungo ang banyo. Dahil sa matinding pagod ay nasira ang plano ko na maging romantic ang gabi para sa aming mag-asawa. Akala ko kaya ko pa pero mismong katawan ko na rin ang sumuko. Pagkatapos na maligo ay isinuot ko ang aking roba bago lumabas ng banyo. Balak ko sanang mag jogging sa labas ngunit ng magawi ang tingin ko sa aking asawa na kasalukuyang mahimbing na natutulog ay biglang nagbago ang isip ko. Maingat na bumalik ako sa kama, hinubad ko ang aking roba saka inangat ang kumot at mula sa likuran nito ay masuyo kong niyakap ang malapad nitong likod. Mariin kong naipikit ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mainit na singaw ng kaniyang katawan
“Pagpasok namin sa loob ng resthouse ay nilagay ko ang black shades sa aking ulo habang ang kay Hanz ay nakasabit sa tapat ng dibdib nito. Natigil sa kanilang mga ginagawa ang lahat at nalipat sa aming direksyon ang atensyon ng lahat. Aaminin ko na medyo kinabahan talaga ako at ewan ko ba kung bakit tila mahalaga sa akin ang anumang impression nila tungkol sa akin. “Oh, nandito na pala ang manugang ko.” Masayang anunsyo ni Mrs. Zimmer at nakangiti itong lumapit sa akin at saka mahigpit kaming nagyakap.“Kumusta, Mom?” Ani ko sa malambing na tinig bago masuyong hinagod ito sa likod. Abot tenga ang ngiti nito habang nakahawak sa maliit kong baywang. “Naku, Iha, ang saya namin ng mga bata sa bahay, halos hindi kami natulog ng daddy mo. Alam mo ba na nag camping kami sa hardin at doon na kami natulog!” Masayang pagkukwento nito sa akin haabng tumatawa kaya natawa na rin ako. Nakikita ko sa mukha ng aking biyenan ang labis na kasiyahan at sa tingin ko ay para itong bumata ng sampung taon
“Cut! Okay guys, let’s break!” Narinig kong sigaw ng director, halos hindi na maalis ang ngiti ko habang nakamasid kay Hanz na kasalukuyang naglalakad patungo sa direksyon ko. Suot ko ang malaking shades kaya malinaw kong nakikita ang bawat expression ng mukha nito kahit pa matingkad ang sikat ng araw. Ito na ang huling movie na gagawin ni Hanz at nagsabi siya sa akin na hihinto na siya sa pag-aartista at magpo-focus na lang daw siya sa aming mga negosyo.Simula ng ikasal kami ay naging dalawa na ang kumpanyang minominitor naming mag-asawa. Pasalamat na lang talaga ako at nand’yan ang biyenan kong lalaki na katuwang namin sa pagpapatakbo ng aming mga negosyo. Nagulat nga sila ng malaman nila na ang aking kumpanya ay magkakaroon ng unang branch nito sa labas ng bansa. Bukod pa roon ay lalong lumago ang kumpanya ng pamilyang Zimmer dahil naging sister company na ito ng kumpanya ko. Hindi na kayang pagsabayin ng aking asawa ang pagiging artista nito sa pagiging CEO ng tatlong kumpanya.
Summer’s Point of View “Marahil kung hindi ko lang nakikilala ang aking kaibigan ay iisipin ko na hindi si Wilma ang babaeng nakaluhod sa kalsada. Napakalayo na ng itsura nito kung ikukumpara mo noon. Nawala na dating ganda nito na nababalot ng magagara at mamahaling damit. Maging ang magandang kutis ng balat niya na lalong kumikinang dahil sa mga kumikislap na suot nitong alahas ay pinaig na ng kahirapan. Tanging ang suot nito ay isang lumang bestida, at makikita sa kanyang awra na nasa mababang antas ito ng pamumuhay. Ngunit ang higit na umantig sa puso ko ay ang imahe ng isang ina na nagmamakaawa para sa buhay ng kanyang pinakamamahal na anak. Nang mga sandaling ito ay wala akong makapa na anumang galit para sa aking kaibigan bagkus ay nangingibabaw ang matinding awa ko sa kanya. Nang makita ko na nahihirapan na ang bata mula sa mga kamay ng lalaking walang puso ay dumilim ang mukha ko. Matigas ang expression na lumapit ako sa kanilang kinaroroonan ngunit hindi ako tuluyang makal