“Parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil ako ang unang nag-initiate sa aking asawa pero ang ending ay tinulugan ko lang ito. Nilingon ko si Hanz na mahimbing na natutulog sa aking tabi habang nakayakap ang mga braso nito sa aking baywang. Nang makita ko sa orasan na alas kwatro na ng madaling araw ay maingat akong bumangon at tinungo ang banyo. Dahil sa matinding pagod ay nasira ang plano ko na maging romantic ang gabi para sa aming mag-asawa. Akala ko kaya ko pa pero mismong katawan ko na rin ang sumuko. Pagkatapos na maligo ay isinuot ko ang aking roba bago lumabas ng banyo. Balak ko sanang mag jogging sa labas ngunit ng magawi ang tingin ko sa aking asawa na kasalukuyang mahimbing na natutulog ay biglang nagbago ang isip ko. Maingat na bumalik ako sa kama, hinubad ko ang aking roba saka inangat ang kumot at mula sa likuran nito ay masuyo kong niyakap ang malapad nitong likod. Mariin kong naipikit ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mainit na singaw ng kaniyang katawan
“Pagpasok namin sa loob ng resthouse ay nilagay ko ang black shades sa aking ulo habang ang kay Hanz ay nakasabit sa tapat ng dibdib nito. Natigil sa kanilang mga ginagawa ang lahat at nalipat sa aming direksyon ang atensyon ng lahat. Aaminin ko na medyo kinabahan talaga ako at ewan ko ba kung bakit tila mahalaga sa akin ang anumang impression nila tungkol sa akin. “Oh, nandito na pala ang manugang ko.” Masayang anunsyo ni Mrs. Zimmer at nakangiti itong lumapit sa akin at saka mahigpit kaming nagyakap.“Kumusta, Mom?” Ani ko sa malambing na tinig bago masuyong hinagod ito sa likod. Abot tenga ang ngiti nito habang nakahawak sa maliit kong baywang. “Naku, Iha, ang saya namin ng mga bata sa bahay, halos hindi kami natulog ng daddy mo. Alam mo ba na nag camping kami sa hardin at doon na kami natulog!” Masayang pagkukwento nito sa akin haabng tumatawa kaya natawa na rin ako. Nakikita ko sa mukha ng aking biyenan ang labis na kasiyahan at sa tingin ko ay para itong bumata ng sampung taon
“Cut! Okay guys, let’s break!” Narinig kong sigaw ng director, halos hindi na maalis ang ngiti ko habang nakamasid kay Hanz na kasalukuyang naglalakad patungo sa direksyon ko. Suot ko ang malaking shades kaya malinaw kong nakikita ang bawat expression ng mukha nito kahit pa matingkad ang sikat ng araw. Ito na ang huling movie na gagawin ni Hanz at nagsabi siya sa akin na hihinto na siya sa pag-aartista at magpo-focus na lang daw siya sa aming mga negosyo.Simula ng ikasal kami ay naging dalawa na ang kumpanyang minominitor naming mag-asawa. Pasalamat na lang talaga ako at nand’yan ang biyenan kong lalaki na katuwang namin sa pagpapatakbo ng aming mga negosyo. Nagulat nga sila ng malaman nila na ang aking kumpanya ay magkakaroon ng unang branch nito sa labas ng bansa. Bukod pa roon ay lalong lumago ang kumpanya ng pamilyang Zimmer dahil naging sister company na ito ng kumpanya ko. Hindi na kayang pagsabayin ng aking asawa ang pagiging artista nito sa pagiging CEO ng tatlong kumpanya.
Summer’s Point of View “Marahil kung hindi ko lang nakikilala ang aking kaibigan ay iisipin ko na hindi si Wilma ang babaeng nakaluhod sa kalsada. Napakalayo na ng itsura nito kung ikukumpara mo noon. Nawala na dating ganda nito na nababalot ng magagara at mamahaling damit. Maging ang magandang kutis ng balat niya na lalong kumikinang dahil sa mga kumikislap na suot nitong alahas ay pinaig na ng kahirapan. Tanging ang suot nito ay isang lumang bestida, at makikita sa kanyang awra na nasa mababang antas ito ng pamumuhay. Ngunit ang higit na umantig sa puso ko ay ang imahe ng isang ina na nagmamakaawa para sa buhay ng kanyang pinakamamahal na anak. Nang mga sandaling ito ay wala akong makapa na anumang galit para sa aking kaibigan bagkus ay nangingibabaw ang matinding awa ko sa kanya. Nang makita ko na nahihirapan na ang bata mula sa mga kamay ng lalaking walang puso ay dumilim ang mukha ko. Matigas ang expression na lumapit ako sa kanilang kinaroroonan ngunit hindi ako tuluyang makal
Natigil sa masayang kwentuhan ang pamilyang Zimmer ng biglang pumasok si Summer sa pintuan ng Villa. Halos sabay na napalingon sa kanya ang lahat. Nagtataka na tumayo si Hanz at sinalubong ang asawa nitong seryoso ang mukha. Batid niya na galit ito base na rin sa expression ng mukha nito, ngunit ang labis na ipinagtataka ni Hanz ay kung saan galing ang kanyang asawa.“Sweetheart, kanina pa kita hinahanap, where have you been?” Seryoso niyang tanong bago ito hinalikan sa labi. Natigilan si Hanz ng mapansin niya na ang mga mata ng kanyang asawa ay tanging nakatuon lang sa pinsan niyang si Johnny. Binalot ng matinding selos ang dibdib ni Hanz at tumigas ang expression ng mukha nito nang lampasan siya ng kanyang asawa na para bang wala itong pakialam sa kanya. Napansin naman ito ni Johnny kaya tumayo siya at sinalubong ang kanyang ex-girlfriend. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin si Johnny kay Summer at matinding panibugho ang nararamdaman nito para sa kanyang pins
“Sweetheart, what are we doing here?” Nagtataka na tanong ni Hanz ng tumambad sa kanyang paningin ang mga dikit-dikit na bahay. Napaka-itim din ng malapot na tubig sa mga kanal na nasa magkabilang gilid ng makipot na daan. Para kay Hanz ay nakakasulasok ang amoy ng paligid kaya halos hindi na maipinta ang mukha nito. Sinundan lang niya ang daan na itinuro ng kanyang asawa hanggang sa huminto sila sa isang lugar na may hindi kaaya-ayang tanawin. Ito ang normal na reaksyon ng mayayaman sa mga ganitong klaseng lugar. Ngunit kahit nababahuan na si Hanz ay bumaba pa rin siya sa motor at kaagad na sumunod sa asawa. Mabilis namang sumunod ang kanilang mga bodyguard na nakabuntot sa kanilang likuran simula pa kanina ng umalis sila ng Villa. “Just follow me, Sweetheart, and you will know everything.” Si Summer na wala kang makikitang pandidiri sa itsura nito bagkus ay mukha pa itong kampante na naglalakad sa makipot na eskinita. Sadyang mabaho ang lugar na iyon dahil malapit ito sa dump site
“Ahhhh!” Isang malakas na sigaw ang labis na nagpanindig sa balahibo ng bawat isa sa kanila, kasabay nito ang pagkalat ng matinding takot sa buong pagkatao ng lahat.“Gemini!” Malakas na sigaw ni Pisces mula sa kanyang earphone, natataranta na tumakbo siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi alintana ang dumudugong sugat sa kanyang tagiliran dahil sa tama ng baril. Nang mga sandaling ito ay tanging ang malakas na kabog ng kanyang dibdib ang naririnig ni Pisces dahil sa labis na pag-aalala sa kanilang kasamahan na si Gemini. Halos hindi na maaninag ni Pisces ang kanyang dinadaanan dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nang makarating sa lokasyon ng kanyang kasamahan ay ganun na lang ang kanyang panlulumo ng tanging bakanteng kalsada na lang ang kanyang nadatnan. “Gemini!” Malakas niyang sigaw na halos ikapaos na niya, natataranta na sinuri niyang mabuti ang buong paligid. Umaasa na baka sakaling nasa paligid lang ito ngunit kalaunan ay nanghihina na napaluhod siya sa basâng semento. Halo
Summer’s Point of view“Ilang araw na akong nagmamanman sa mga lugar na maaaring puntahan ng mga kalaban. Ngunit tulad ng mga naunang araw ay bigo kami na makakuha ng kahit na katiting na impormasyon. Para kaming mga daga na naghahanap ng karayom mula sa isang kumpol ng mga dayami. Bago magsimula ang misyong ito ay matinding pakiusapan pa ang ginawa ko sa aking asawa. Ngunit hindi ako nagtagumpay na makuha ang permiso nito kaya batid ko na galit siya ngayon sa akin..Flashback…“Nag-usap na tayo para dito, Summer! Huwag mong sagarin ang pasensya ko.” Matigas na sabi ni Hanz bago ako nito tinalikuran. Nagdadabog na pumasok siya sa loob ng kwarto naming mag-asawa. Ngunit hindi pa rin ako sumuko kaya sinundan ko siya hanggang sa loob ng silid.“Sweetheart, pangako last na talaga ito at titigil na ako sa trabahong ‘to.” Ani ko sa nagsusumamo na tinig, ngunit naging matigas pa rin ito at ramdam ko na talagang galit na siya sa akin.“‘Yan din ang sinabi mo sa akin noong isang araw, nangako