“Sweetheart, what are we doing here?” Nagtataka na tanong ni Hanz ng tumambad sa kanyang paningin ang mga dikit-dikit na bahay. Napaka-itim din ng malapot na tubig sa mga kanal na nasa magkabilang gilid ng makipot na daan. Para kay Hanz ay nakakasulasok ang amoy ng paligid kaya halos hindi na maipinta ang mukha nito. Sinundan lang niya ang daan na itinuro ng kanyang asawa hanggang sa huminto sila sa isang lugar na may hindi kaaya-ayang tanawin. Ito ang normal na reaksyon ng mayayaman sa mga ganitong klaseng lugar. Ngunit kahit nababahuan na si Hanz ay bumaba pa rin siya sa motor at kaagad na sumunod sa asawa. Mabilis namang sumunod ang kanilang mga bodyguard na nakabuntot sa kanilang likuran simula pa kanina ng umalis sila ng Villa. “Just follow me, Sweetheart, and you will know everything.” Si Summer na wala kang makikitang pandidiri sa itsura nito bagkus ay mukha pa itong kampante na naglalakad sa makipot na eskinita. Sadyang mabaho ang lugar na iyon dahil malapit ito sa dump site
“Ahhhh!” Isang malakas na sigaw ang labis na nagpanindig sa balahibo ng bawat isa sa kanila, kasabay nito ang pagkalat ng matinding takot sa buong pagkatao ng lahat.“Gemini!” Malakas na sigaw ni Pisces mula sa kanyang earphone, natataranta na tumakbo siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi alintana ang dumudugong sugat sa kanyang tagiliran dahil sa tama ng baril. Nang mga sandaling ito ay tanging ang malakas na kabog ng kanyang dibdib ang naririnig ni Pisces dahil sa labis na pag-aalala sa kanilang kasamahan na si Gemini. Halos hindi na maaninag ni Pisces ang kanyang dinadaanan dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nang makarating sa lokasyon ng kanyang kasamahan ay ganun na lang ang kanyang panlulumo ng tanging bakanteng kalsada na lang ang kanyang nadatnan. “Gemini!” Malakas niyang sigaw na halos ikapaos na niya, natataranta na sinuri niyang mabuti ang buong paligid. Umaasa na baka sakaling nasa paligid lang ito ngunit kalaunan ay nanghihina na napaluhod siya sa basâng semento. Halo
Summer’s Point of view“Ilang araw na akong nagmamanman sa mga lugar na maaaring puntahan ng mga kalaban. Ngunit tulad ng mga naunang araw ay bigo kami na makakuha ng kahit na katiting na impormasyon. Para kaming mga daga na naghahanap ng karayom mula sa isang kumpol ng mga dayami. Bago magsimula ang misyong ito ay matinding pakiusapan pa ang ginawa ko sa aking asawa. Ngunit hindi ako nagtagumpay na makuha ang permiso nito kaya batid ko na galit siya ngayon sa akin..Flashback…“Nag-usap na tayo para dito, Summer! Huwag mong sagarin ang pasensya ko.” Matigas na sabi ni Hanz bago ako nito tinalikuran. Nagdadabog na pumasok siya sa loob ng kwarto naming mag-asawa. Ngunit hindi pa rin ako sumuko kaya sinundan ko siya hanggang sa loob ng silid.“Sweetheart, pangako last na talaga ito at titigil na ako sa trabahong ‘to.” Ani ko sa nagsusumamo na tinig, ngunit naging matigas pa rin ito at ramdam ko na talagang galit na siya sa akin.“‘Yan din ang sinabi mo sa akin noong isang araw, nangako
Summer’s Point of view “Hmmm...” Isang ungol ang nanulas sa bibig ko ng naalimpungatan ako dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit muli akong napapikit dahil sa matinding pagkasilaw. Nanatiling nakapikit ang kanang mata ko habang ang kaliwang mata ay bahagyang nakadilat. Halos magdikit ang mga kilay ko dahil sa labis na pagtataka ng makita ko ang aking paligid. Pawang mga puno at mga sariwang damo ang nakikita ng aking mga mata. “Anong ginagawa ko sa gitna ng kagubatang ito?” Nagtataka na tanong ko sa aking sarili. Dahil sa pagkakatanda ko ay sinadya kong magpahuli sa mga kalaban para malaman ko ang lahat ng kanilang mga kalakaran. Kailangan ko kasing gawin ‘yun para magkaroon ng progress ang kasong hinahawakan namin. Ngunit kahit isang kalaban ay wala akong makita sa paligid, hindi ito ang inaasahan ko. Maingat akong tumayo habang sinusuri ang buong paligid. Saka ko lang napansin ang damit na suot ko. D
“Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng bibig nito at ilang sandali pa ay mula sa likuran ng babae, lumitaw ang isang tigre na may mabangis na mukha. Pumihit paharap sa kanyang alaga ang babae. Bumaba ang mukha nito sa ulo ng tigre at isang banayad na halik ang iginawad nito sa kanyang alaga. Sa ginawa ng babae ay marahas na umungol ang tigre habang nakatitig sa akin ang matalim nitong mga mata. Nagsimula sa marahang paghakbang ang tigre habang nanatiling nakatitig ito sa akin, maingat na umatras ang aking mga paa habang ang dalawang kamay ko ay nanatiling nakalahad sa ere. Sa isang iglap ay matulin akong tumakbo kaya naman nagsimula na ring tumakbo ang tigre patungo sa direksyon ko. Mabigat ang bawat bagsak ng aking hininga dahil patuloy lang ako sa matuling pagtakbo. Habang tumatakbo ay kasalukuyang abala ang utak ko sa kung paano kong matatakasan ang tigre. Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong tumatakbo at pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa
“Where’s my wife!?” Galit na tanong ko sa isang lalaki na nagpakilala sa akin na Clinton. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo nito, nanginginig na ang katawan ko dahil sa matinding pagpipigil na huwag itong suntukin sa mukha.Pagkatapos naming magtalo ni Summer nang araw na ‘yun ay hindi ko rin natiis ang aking asawa kaya sinundan ko ito sa kanilang campo. Doon ko lang nalaman na nagpasa na pala ito ng resignation letter at ayon kay General ay hindi pa nga daw ito naipa-process dahil kailangan pa na mag report ni Summer sa kanilang opisina.Naguguluhan ako sa mga nangyayari, bakit kailangan pa niyang magpaalam sa akin para sa isang misyon kung nagre-sign na pala siya sa trabaho. Nang araw ding ‘yun ay nalaman ko mula kay General na ilang araw na hindi nagrereport sa kanya ang aking asawa. Maging sila ay naguguluhan dahil sa ilang araw na hindi ito nagparamdam pagkatapos na mag-iwan ng kanyang resignation letter. Isang malaking katanungan para sa akin kung nasaan ang aking asawa sa
“Hm, hm, yeah, Mommy is not missing!” Malakas na sabi ng bibong si Tyrone habang sa tabi nito ay nakangiti naman na tumatango ang kapatid na si Tylor.Sabay na napalingon ang lahat sa direksiyon ng triplets at nagmamadali na lumapit si Hanz sa kanyang anak.“What do you mean, sons?” Kunot noo na tanong ni Hanz, maging ang grupo ni Clinton ay lumapit na rin sa mga bata. “Look, daddy, mommy is not missing, she’s here.” Anya ni Terrence sabay turo ng isang red dot na mabilis na gumagalaw ngunit paikot-ikot lang ito sa isang lugar. “You see, daddy? mommy was so naughty because she’s moving fast.” Ani ni Tyrone habang pinapanood nila ang bawat galaw ng pulang tuldok sa screen ng device.“Where did you get this tracking device?” May pag-aatubili na tanong ni Hanz sa kanyang mga anak. “While playing hide and seek, mommy teaches us where my location is and also mommy’s location.” Bibong sagot ni Tylor.“Yeah! And she told us that if she’s moving fast like this? We don’t need to worry becaus
Hinihingal na itinukôd ni Summer ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang tuhod habang ang mga mata ay matalim na nakatitig sa mukha ng lalaki na nasa kanyang harapan. Nawala na ang kaputian ng suot niyang t-shirt dahil sa mga dugong natuyo at mga putik na dumikit sa kanyang katawan ng gumapang siya kanina sa lupa. Kahabag-habag na ang kanyang itsura ngunit hindi pa rin maitatago ang kagandahan nito mula sa ilang bahagi ng kanyang mukha na nanatiling malinis. “Pasensya na, pero walang kasiguraduhan na makakalabas ka pa dito ng buhay.” Mayabang na wika ng lalaki, kasabay ang paglitaw ng isang matalim na ngiti sa sulok ng bibig nito. Ngunit nanatiling blangko ang expression ng mukha ni Summer. Ilang sandali pa ay mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamay, inihanda ang sarili para sa paparating na kalaban. “Ahhhh!” Sigaw ng lalaki habang mabilis na sumugod sa kanya, umangat ang kamay nito na may hawak na mahabang tubo upang ihampas sa kanya. Mabilis na lumundag paatras si Summer kaya naiw