“Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng bibig nito at ilang sandali pa ay mula sa likuran ng babae, lumitaw ang isang tigre na may mabangis na mukha. Pumihit paharap sa kanyang alaga ang babae. Bumaba ang mukha nito sa ulo ng tigre at isang banayad na halik ang iginawad nito sa kanyang alaga. Sa ginawa ng babae ay marahas na umungol ang tigre habang nakatitig sa akin ang matalim nitong mga mata. Nagsimula sa marahang paghakbang ang tigre habang nanatiling nakatitig ito sa akin, maingat na umatras ang aking mga paa habang ang dalawang kamay ko ay nanatiling nakalahad sa ere. Sa isang iglap ay matulin akong tumakbo kaya naman nagsimula na ring tumakbo ang tigre patungo sa direksyon ko. Mabigat ang bawat bagsak ng aking hininga dahil patuloy lang ako sa matuling pagtakbo. Habang tumatakbo ay kasalukuyang abala ang utak ko sa kung paano kong matatakasan ang tigre. Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong tumatakbo at pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa
“Where’s my wife!?” Galit na tanong ko sa isang lalaki na nagpakilala sa akin na Clinton. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo nito, nanginginig na ang katawan ko dahil sa matinding pagpipigil na huwag itong suntukin sa mukha.Pagkatapos naming magtalo ni Summer nang araw na ‘yun ay hindi ko rin natiis ang aking asawa kaya sinundan ko ito sa kanilang campo. Doon ko lang nalaman na nagpasa na pala ito ng resignation letter at ayon kay General ay hindi pa nga daw ito naipa-process dahil kailangan pa na mag report ni Summer sa kanilang opisina.Naguguluhan ako sa mga nangyayari, bakit kailangan pa niyang magpaalam sa akin para sa isang misyon kung nagre-sign na pala siya sa trabaho. Nang araw ding ‘yun ay nalaman ko mula kay General na ilang araw na hindi nagrereport sa kanya ang aking asawa. Maging sila ay naguguluhan dahil sa ilang araw na hindi ito nagparamdam pagkatapos na mag-iwan ng kanyang resignation letter. Isang malaking katanungan para sa akin kung nasaan ang aking asawa sa
“Hm, hm, yeah, Mommy is not missing!” Malakas na sabi ng bibong si Tyrone habang sa tabi nito ay nakangiti naman na tumatango ang kapatid na si Tylor.Sabay na napalingon ang lahat sa direksiyon ng triplets at nagmamadali na lumapit si Hanz sa kanyang anak.“What do you mean, sons?” Kunot noo na tanong ni Hanz, maging ang grupo ni Clinton ay lumapit na rin sa mga bata. “Look, daddy, mommy is not missing, she’s here.” Anya ni Terrence sabay turo ng isang red dot na mabilis na gumagalaw ngunit paikot-ikot lang ito sa isang lugar. “You see, daddy? mommy was so naughty because she’s moving fast.” Ani ni Tyrone habang pinapanood nila ang bawat galaw ng pulang tuldok sa screen ng device.“Where did you get this tracking device?” May pag-aatubili na tanong ni Hanz sa kanyang mga anak. “While playing hide and seek, mommy teaches us where my location is and also mommy’s location.” Bibong sagot ni Tylor.“Yeah! And she told us that if she’s moving fast like this? We don’t need to worry becaus
Hinihingal na itinukôd ni Summer ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang tuhod habang ang mga mata ay matalim na nakatitig sa mukha ng lalaki na nasa kanyang harapan. Nawala na ang kaputian ng suot niyang t-shirt dahil sa mga dugong natuyo at mga putik na dumikit sa kanyang katawan ng gumapang siya kanina sa lupa. Kahabag-habag na ang kanyang itsura ngunit hindi pa rin maitatago ang kagandahan nito mula sa ilang bahagi ng kanyang mukha na nanatiling malinis. “Pasensya na, pero walang kasiguraduhan na makakalabas ka pa dito ng buhay.” Mayabang na wika ng lalaki, kasabay ang paglitaw ng isang matalim na ngiti sa sulok ng bibig nito. Ngunit nanatiling blangko ang expression ng mukha ni Summer. Ilang sandali pa ay mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamay, inihanda ang sarili para sa paparating na kalaban. “Ahhhh!” Sigaw ng lalaki habang mabilis na sumugod sa kanya, umangat ang kamay nito na may hawak na mahabang tubo upang ihampas sa kanya. Mabilis na lumundag paatras si Summer kaya naiw
Scarlett Point of view “Pak!” “Ahhh!” Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Mr. Vill kaya padapa na bumagsak ako sa ibabaw ng kama. “Hayop ka! Bakit hindi mo na lang ako patayin!” Halos isigaw ko na ito sa pagmumukha niya habang walang humpay sa pagpatak ang mga luha ko, sagad sa buto ang galit ko sa lalaking ito. Pagkatapos nila akong dukutin ay ginawa nila akong bilanggo sa kwartong ito. Sinira niya ang buhay ko at ginawa ako nitong kabit. Akala ko mabait siyang tao dahil sa magandang pakikitungo niya sa akin pero kalaunan ay lumabas din ang tunay nitong ugali. Madalas na niya akong pag-buhatan ng kamay dahil sa pagiging seloso nito. Napangiwi sa sakit ang mukha ko ng mahigpit niyang hawakan ang aking panga. “Huwag mo akong hinahamon dahil baka balatan kita ng buhay.” Matigas niyang sabi bago marahas na binitawan nito ang panga ko. Lumayo na siya sa akin at kinuha ang kanyang coat na nakapatong sa ibabaw ng kama. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng ilang katok sa
Matigas ang expression ng kanyang mukha habang patuloy na nakikipagbarilan si Summer sa mga ilang lalaki na natira mula sa kalaban. Habang sa likuran niya ay nakalapat ang likod ni Gemini sa kanyang likod na tulad niya ay inaasinta ang bawat kalaban na bigla na lang sumusulpot, mula sa kung saan. “Ahk!.” ang daing ng lalaki ng tamaan ito ng bala sa dibdib, kaya tulad ng mga naunang kalaban ay mabilis na bumagsak ito sa damuhan. Solid ang bawat tama ng mga bala na kanilang pinapakawalan na wari mo ay nasa isang shooting target lang ang dalawa. Hinihingal na huminto sila ng bumagsak ang huling kalaban. Maingat na dinama ni Summer ang lupa, sinusuri ang bawat bahagi nito. Nagbabakasakali siya na makakita ng palatandaan na baka may tunnel sa ilalim ng lupa oh, di kaya ay anumang lagusan na maaari nilang daanan para makaalis sa lugar na ‘to. Mula sa lupa ay mabilis na umangat ang mukha ni Summer, “ssshh…” anya na siyang nagpahinto sa pagkilos ni Gemini habang nasa ere ang isang kamay ni
“Is this what you want? Huh? Look at yourself, tell me, are you happy now?” Seryosong tanong ni Hanz ngunit pakiramdam ko ay tila inuusig ako nito dahil sa katigasan ng ulo ko. Bumuka-sara ang aking bibig ngunit walang anumang salita ang lumabas. Nang magsimulang lumabo ang aking mga mata ay mabilis na lumipat ang tingin ko sa sahig. Hanggang sa yumugyog ang mga balikat ko, kasunod nito ay ang pagpatak ng aking mga luha. “I-I’m sorry.” Ito ang tanging nasabi ko sa garalgal na tinig, pagdating sa harap ni Hanz ay isa akong ordinaryong babae. Kapag kaharap ko ang aking asawa ay ramdam ko ang pagiging babae ko, isang babae na nangangailangan ng kalinga mula sa kanyang asawa. Parang gusto kong makulong sa kanyang mga bisig dahil batid ko na ligtas ako sa mga bisig nito. “I am trying my best to be a good husband to you, Summer. Gusto kong ibigay ang isang perpektong pamilya para sayo, because you deserve it. Gusto ko ng isang asawa na dadatnan ko sa bahay pagdating ko sa trabaho. Gusto k
“Mommy! Mommy! We are in heaven now!” Naalimpungatan ako dahil sa pagpasok ng aking mga anak sa kwarto naming mag-asawa. “Hanz…” tawag ko sa aking asawa na mahimbing na natutulog habang nakasiksik ito sa aking likuran. Kulang na lang ay mapisa ang aking katawan dahil sa mahigpit na pagkaka-yakap nito.“Hmm…” ungol nito ngunit muling bumalik lang ulit ito sa kanyang pagtulog at lalo pa siyang nag sumiksik sa akin. Nag-init ang aking mukha dahil ramdam ko na mas lalo pang dumiin ang pagkakabaôn ng naninigas niyang alaga mula sa aking lagusan. Napalunok ako ng wala sa oras dahil ngayon ko lang napagtanto na kapwa pala kami nakahubad sa ilalim ng makapal na blanket.“Hanz! Ano ba, nandito ang mga anak mo.” Naiinis kong bulong habang nakangiti sa mga bata na kasalukuyang abala sa pagda-daldalan. “What happened?” Inaantok na tanong ni Hanz ngunit ang pilyong lalaki ay bigla kumilos ang balakang. “ Hanz.” Babala ko sa kanya ngunit hindi ako niya ako pinansin. “You know, daddy, we are in a