Ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay tila musika sa aking pandinig, at sa pagmulat ng aking mga mata ay ang maaliwalas na kapaligiran ang tumambad sa aking paningin. Sadyang makapangyarihan ang may kapal dahil sa matalino niyang paglikha malaya kong nasisilayan ang natural na ganda ng kalikasan na animoy nasa isang paraiso. Labis akong nagpapasalamat sa kanya dahil nilikha niya ang gwapong lalaki na nasa aking harapan kaya naman walang pagsidlan ang labis na kasiyahan sa puso ko. Napasinghap ako ng bigla akong kabigin ni Hanz palapit sa kanya at saka mapusok na hinalikan ang aking mga labi. Kaagad na tinugôn ang mga halik nito kaya ang simpleng halik ay nauwi sa isang mainit na tagpo. Nasa Ikatlong araw na kami ng honeymoon namin dito sa England at bukas ay babalik na kami sa Montenegro dahil maraming responsibilidad na naghihintay sa amin. Kapwa naghahabol ng hininga ngunit wala ni isa man sa amin ang may nais sumuko, masyado kaming mapusok sa isa’t-isa na wari mo ay ilang d
Seryoso ang mukha na pumasok ako sa loob ng opisina ni General, pagdating sa harap nito ay nakastand straight na kaagad akong sumaludo sa kanya habang ang aking ulo at mga mata ay nakalock sa isang direksyon lamang. “Please sit down, Hilton.” Ani nito sa akin sa seryosong tinig, kaagad naman akong sumunod at naupo ako sa harap nito. Nandito ako ngayon sa kanyang opisina upang mag report. Katatapos lang ng honeymoon naming mag-asawa kaya naman balik trabaho na ulit ako. Napansin ko na parang may bumabagabag sa aking ninong dahil mabigat ang bawat buntong hininga na pinapakawalan nito. Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.“May problema ba Nong?” Nag-aalala kong tanong, nag-angat siya ng mukha at makahulugan na tumitig sa akin ang mga mata nito. “Nababahala na ako dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga baguhang sundalo mula sa kabilang departamento. Halos ilan na ang inasigned kong tao na humawak sa kaso na ‘yun ngunit iisa ang kanilang mga sinasabi. Wala daw anomalya silang
Summer’s Point of view “Attention!” Nang marinig ng lahat ang malakas na tinig ng isang officer na lalaki ay nagmamadaling pumila ang mga bagong recruit na sundalo. Kahit hirap na hirap sa dala nilang mga bag ay pinilit pa rin nila na tumayo ng presentable sa harap ng officer. “Harap sa kaliwa... Na!” Muling sigaw ng matigas na tinig ngunit hindi malaman ng mga bagong aplikante kung saan haharap. Isa na ako sa parang tanga na iniisip kung saan ba ang kaliwa ko gayong nakaharap sa amin ang officer. Halos hindi na maipinta ang mukha ng officer ng magmukha kaming mga tanga dahil halos magka-harapan kami ng mga kasamahan ko. “Nasaan ba ang kaliwa nyo!” Galit na sigaw ng officer kaya napapa-kamot sa ulo na pumihit kami sa kaliwang direksiyon kung nasaan ang kaliwang kamay namin. “Hahaha! Brad mukhang sasakit ang ulo mo sa mga baguhang ito.” Nang-aasar na sabi ng isang sundalo bago tinapik sa balikat ang officer in charge sa aming grupo. “Two steps, right ..face!” Ani nito kaya humakbang
Nang hawakan ni James sa kamay ang lalaki na nasa aking tabi ay ito ang naging hudyat kung bakit nag-init bigla ang ulo ng dalawa pa nitong kasama. Mayabang na tinapǐk ng isa sa kanila ang kamay ni James kasunod nun ay nagulat ang lahat ng isang suntok ang tumama sa sikmura ng aking kaibigan. “ ahk...” narinig kong daing ni James habang na mamaluktot ito at hawak ang nasaktang sikmura. Muling umangat ang isang kamay ng lalaki at nagpakawala ng isa pang suntok ngunit imbes na tumama ito sa mukha ni James ay lumapat ito sa palad ko. Halos sabay na lumipad ang tingin ng tatlong lalaki sa mukha ko ngunit nanatiling blangko ang expression ng aking mukha. “Baka pwede nating pag-usapan ‘to? Hindi naman tayo ang magkalaban dito, dapat kapatid ang turingan natin sa isa’t-isa.” Anya sa malumanay na paraan, sinusubukan ko na mahilot pa ang mga ito sa maayos na usapan ngunit ewan ko ba, dahil mukhang may problema ang mga ito. Imbes kasi na huminahon ay lalo pang nag-init ang kanilang mga ulo. U
“You can’t do that, Sir!” Matigas na tutol ni lieutenant Salazar habang matapang na nakatitig sa mukha ni Major. Mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay na bahagyang nanginginig pa dahil sa matinding tensyon.“That’s an order.” Kalmado ngunit matigas na saad ni Major habang matalim ang mga mata na sinalubong ang galǐt na titig ni lieutenant Salazar. Makikita sa mukha ng Major ang katatagan na tila walang sinuman ang maaaring sumuway sa kanyang utos. Dala ng mataas na katungkulan ay masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Halos ilang segundo na naghinang ang kanilang mga mata ngunit sa huli ay kusang nagbaba ng tingin si lieutenant Salazar tanda ng pagsuko. Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Major at isang matalim na ngiti ang lumitaw sa sulok ng bibig nito. Maya-maya ay bagsak ang mga balikat ni lieutenant Salazar na lumabas ng opisina ni Major.Tila wala sa kanyang sarili na naglakad si lieutenant hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng m
Araw ng Miyerkules, 1:30 ng madaling araw tanging mga panaghoy ng mga naghihingalong sundalo ang maririnig sa buong paligid. Ang kanilang pagtangis ay nanunuot hanggang sa kailaliman ng iyong laman dahil sa matinding kilabot na hatid ng mga tinig na halos namamaos na sa paghingi ng tulong. Sino bang mag-aakala na ang lahat ng hirap na pinagdaanan at mga kasiyahan sa piling ng mga bago mong kaibigan mula sa mga training na inyong pinagdaanan ay mauuwi lang sa isang malagim na pagsasakripisyo?Nang mga sandaling ito ay binalot ng matinding kapighatian ang puso ni Summer, wala siyang magawa kundi ang kagat-labi na mag bingi-bingihan sa kung paano na ubusin ng mga armadong kalaban ang mga inosenti niyang kasamahan mula sa kabilang pangkat. Nang mga sandaling iyon ay higit na siya ang nakakaalam ng mga dapat gawin sa kanilang sitwasyon. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.“Back up, James.” Matigas niyang utos sa kanyang kasama, tila naunawaan ng binata ang nais mangy
Mabilis na bumaba si General Gronovius sa kanyang sasakyan maging ang mga sundalo na sakay ng ilang track. Mabilis na tumayo ng tuwid sina Major at ang lahat ng mga sundalo na nasa ilalim ng departamento nito. Halos i-isang tao na sumaludo ang mga ito habang nanatiling hawak ng mga ilang sundalo ang nakaluhod na si Summer. Hindi naman maintindihan ng mga baguhan kung ibababa ba nila ang kanilang mga baril at sasaludo sa bagong dating na tulad ng ginawa nila Major. Ngunit ng makita nila na walang balak bitawan ng mga tauhan ni Major ang kasamahan nilang si Summer ay mas pinili nila na manatiling nakatutok ang kanilang mga baril sa kanilang kabaro.“Anong nangyayari dito? Matigas na tanong ni Gen. Gronovius, nagngangalit ang mga bagang nito habang nakatingin kay Summer. “May nagtraydor sa departamento natin at ang babaeng ito ay espiya! Siya ang dahilan kung bakit maraming kawawang sundalo ang namatay ngayong gabi.” Matigas na pahayag ni Major ang mukha niya ay kakikitaan ng masyadong
7:30 ng gabi ng dumating si Hanz galing trabaho. Pagbukas niya ng pintuan ay sumalubong sa kanya ang mga katulong na kaagad na kinuha ang kanyang attached case at ang hinubad niyang cardigan.“Ang mga bata?” Matamlay niyang tanong niya sa kanilang butler, bahagya itong yumukod bago sumagot.“Sir, maaga pong sinundo ng iyong ina at pinasasabi niya na doon muna pansamantala ang mga bata sa kanilang Villa.” Magalang nitong sagot bago muling tumayo ng tuwid habang sa tabi nito ay nakatayo ang mga naka unipormeng katulong.Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Hanz na tila ba kay laki ng problema nito sa buhay. Tinalikuran na niya ang kanilang butler at pumanhik na ng hagdan. “Sir, hindi ba muna kayo magdi-dinner?” Nakangiting tanong nito ngunit ang tinig ay kababakasan ng pag-aalala.“No thank you, wala akong ganang kumain.” Tinatamad na sagot ni Hanz habang patuloy na humahakbang paakyat ng hagdan. “Lagi na lang ganito sa tuwing uuwi ako ng bahay, walang asawa na sasalubo