Summer’s Point of view “Hindi na magkandaugaga ang mga katulong sa paglilinis at pag-aayos ng buong kabahayan. Habang ang aking asawa pati ang mga magulang nito ay kasalukuyang nagbibihis sa kanilang mga kwarto. May kanya-kanya silang make-up artist at marami ring nag-aasikaso sa kanila upang ma-sigurado na magmu-mukha silang kagalang-galang at maganda sa paningin ng publiko. Samantalang ako na asawa ng birthday celebrant ay kasalukuyang abala sa paglilinis ng buong Villa kasama ang mga katulong. Ngayong September six ay magaganap ang isang magarbong pagdiriwang ng ika-30th birthday ng aking asawa. Kaya sigurado ako na maraming mga celebrities ang darating mamaya, at maaaring mapuno ng media ang buong venue. Tulad ng nakagawian sa tuwing may magaganap na okasyon sa bahay ng mga Zimmer ay mananatili ako sa loob ng aking kwarto. Isa iyon sa mahigpit na bilin ng aking biyenan upang walang makaalam ng tungkol sa akin. Pabor naman sa akin ‘yun dahil makakaiwas ako sa mga media. Hindi m
“Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo pa rin ako? Leave me alone, Wilma, tapos na tayo at pinutol ko na ang kaugnayan ko sayo.” Matigas na sabi ni Johnny sa mahinang boses upang walang ibang makarinig sa kanilang pag-uusap. “Pakiusap, John, kailangan ko ng suporta mo, buntis ako at mas higit na kailangan kita ngayon.” Nagsusumamo na sabi ni Wilma habang pilit na inaabot ng mga kamay nito ang binata ngunit makailang ulit na kanabig nito ang kanyang mga kamay na wari mo ay nandidiri. “Napakasimple ng problema mo, ipalaglag mo ang bata.” Tila nauubusan na ng pasensya na sabi ni Johnny. Ramdam sa tinig nito na wala siyang pakialam sa pinagbubuntis ng dating nobya. Saglit na natigilan si Wilma at hindi makapaniwala na nakatitig sa mukha ng lalaki. Ngayon niya pinagsisisihan ang pagpatol sa lalaking ito dahil napaka-walang kwentang tao nito. “Hayop ka! Pagkatapos mong magpakasarap sa katawan ko ay ni hindi mo man lang mapanagutan ang obligasyon mo sa anak mo!” Galit na sigaw niya sa b
Natikman ni Johnny kung paano magalit ang isang Hilton. Naisin man niyang lumaban ay batid niya na kahit babae si Summer ay hindi siya mananalo. Dahil isa siya sa mga nakasaksi kung paanong nagchampion si Summer sa mga international martial arts. Bukod pa roon ay ang kasanayan nito sa pakikipag sagupaan sa mga rebeldeng kalaban nito sa bundok sa tuwing sasabak ito sa isang mission bilang sundalo. Alam lahat ni Johnny ‘yan dahil isa siya sa mga nagsabit ng mga awards na natatanggap nito. Kaya batid niya na sadyang mapanganib ang dalaga sa oras na sagarin mo ang pasensya nito.“Minahal kita, alam mo ‘yan…” madamdaming pahayag ni Summer, “augghh…” tanging ungol lang ang naging sagot ni Johnny dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ni Summer habang nagta-tagisan sila nito ng lakas para maalis ang kamay nito sa kanyang leeg. Nakalapat ang katawan ni Summer sa katawan ng binata habang gahibla na lang ang layo ng mga labi nito mula sa pisngi ni Johnny dahil patuloy sa pagsasalita si Summer
Halos hindi na mabilang ni Hanz kung ilang beses na siyang nagpa-balik-balik sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Summer. Narong gusto na niyang katukin ang pintuan nito ngunit bigla namang magbabago ang kanyang isip. Sa totoo lang ay hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Basta namalayan na lang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng kwarto ng kanyang asawa. Hindi agad nakahuma si Hanz ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kanyang asawa. Parang tumigil sa paggalaw ang kamay ng orasan nang magtama ang kanilang mga mata. Napalunok pa siya ng wala sa oras at kakat’wa na bigla ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Ilang segundo na nagkatitigan ang dalawa na wari mo ay na-hipnotismo sa isa’t-isa. Isang nagtatanong na tingin ang makikita sa mukha ni Summer habang naghihintay sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng asawa? Marahil ay nainip ang dalaga kaya tahimik na nilampasan nito si Hanz at palihim na pinag-aralan ang kabuuan ng condo nito. Nang makita n
Summer’s Point of view Walang pagsidlan ang labis na kasiyahan sa puso ko dahil sa wakas ay nagbago na ang pakikitungo sa akin ni Hanz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala ng kausapin ako nito at makipag-ayos siya sa akin. Dahil sa ginawa nito ay nabuhayan ako ng loob, marahil ay ito na ang simula ng lahat sa amin hanggang sa dumating sa punto na tuluyan na niya akong matanggap. Pagkagaling ko sa Villa ay kaagad na akong dumiretso sa trabaho ng aking asawa. Ipinagluto ko pa siya ng masarap na pananghalian. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa tuwing lumalapit siya sa akin dahil baka hindi ko na mapanindigan ang pagiging malamig ko sa kanya. Isa pa sa labis na pinangangambahan ko na baka isang araw ay magbago ang isip ni Hanz at muli niyang hilingin ang kanyang kalayaan. Nangibabaw ang takot sa puso ko dahil sa isipin na ‘yun, sa maikling panahon na nakasama ko si Hanz kahit na hindi maganda ang trato nila sa akin ay minahal ko pa rin siya. Nagising ang diwa ko ng hum
Summer’s Point of view Katanghaliang tapat at tirik na tirik ang sikat ng araw. Patuloy akong naglalakad pauwi ng bahay habang bitbit sa kanang kamay ko ang ilang mga pinamili ko. Tagaktak na ang pawis ko dahil sa makapal na suot ko at matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko upang huwag hubarin ang peke kong katawan. Ilang metro pa ang layo ng condo ni Hanz at pakiramdam ko ay dehydration na yata ang aabutin ko bago pa ako makarating ng bahay. Magmula ng dalhin ako ni Hanz sa kanyang condo ay dito na kami namalagi at hindi na rin niya hinayaan na bumalik pa ako ng Villa. Kaya kahit papaano ay naging tahimik na ang buhay ko. Hindi katulad noon na lahat ng kilos ko ay bantay sarado at halos araw-araw ay tambak ang trabaho ko. Kahit na malinis na ang sahig ay ipapaulit pa sa akin ng aking biyenan ang paglalampaso nito. At syempre para makuha ko ang loob nito ay tahimik ko itong sinusunod, at ni minsan ay hindi ako nagreklamo. Sa tingin ko ay hindi na yata darating ang araw na mat
Pagkatapos ng tawag ay malungkot na lumapit si Hanz sa kanyang asawa. Kinuha niya ang mga kamay nito bago dinala sa kanyang bibig upang halikan. Nagtaka pa siya sa kamay ng asawa ngunit binalewala niya iyon dahil okupado ang isip niya sa problemang natanggap mula sa isang tawag. “I’m so sorry, Sweetheart, mukhang hindi na kita masa-sabayan pa sa pagkain, dahil nagkaroon ng emergency problem sa site at kailangan nila ang presensya ko doon.” May pag-aatubili na paalam nito sa kanyang asawa. “It’s okay, maybe tonight? Can we have a dinner date because we have important things to discuss about us.” Malumanay kong sabi habang nakapaskil ang isang magandang ngiti sa mga labi ko. “Oh, I love that, sure, Sweetheart. I’m gonna go now.” Pagkatapos sabihin iyon ay nagmamadali na itong tumalikod. Lumapit muna ito sa isang estante at kinuha ang susi ng kanyang kotse bago tuluyang lumabas ng bahay. “Nang mawala na siya sa paningin ko ay wala sa loob na napatili ako. Kung hindi lang ako buntis
Summer’s Point of view“Anong ibig mong sabihin?” Wala sa sarili kong tanong na kung tutuusin ay alam ko na kung ano ang mga susunod nitong sasabihin.“Sadyang nakakabulag talaga ang pag-ibig.” Nang-aasar niyang sabi kaya humigpit ang pagkaka-kuyom ng aking mga kamay. Sa totoo lang ay nangangati na ang mga kamay ko na suntukin ito sa mukha ngunit hindi ko ginawa bagkus ay pasimple akong nagpakawala ng tatlong buntong hininga.“Simple, he needs to pretend that he cares of you and be a good husband hanggang sa dumating ang araw na makuha na niya mula sayo ang kanyang nais. Freedom….” Ani nito na pagdating sa bandang huli ay pabulong ang pagbanggit niya ng salitang freedom.“Mahal ko si Hanz at hindi ko na kaya ang manood na lang kung paano niyang pinagtitiisan na pakisamahan ka para lang mabawi ang kalayaan na ninakaw mo sa kanya.” Matigas nitong sabi na ngayon ay nanlilisik na sa galit ang kanyang mga mata. Halos hindi na ako humihinga dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko. Nap