Share

Chapter 5

Isang mabigat at mabalahibuhing hita ang gumising sa nahihimbing kong diwa. Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang bawat haplos ng isang kamay sa aking dibdib kaya hindi ko na napigilan pa ang pag-alpas ng isang mahabang ungol mula sa aking bibig kasabay nito ang pag-liyad ng aking katawan. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit wala naman akong ibang makita kundi ang madilim na paligid.

Ano ba ang nangyari kagabi? Ang tanging natatandaan ko lang ay nasa isang bar ako para magpakalunod sa alak upang makalimot ngunit paano na humantong ako sa kama ng iba? Nilingon ko ang kaliwang bahagi ko at pilit na inaaninag ang lalaking nakahiga sa tabi ko. Napasinghap ako ng bigla na lang itong kumilos at mabilis na lumipat sa ibabaw ng katawan ko.

Kay bilis ng mga pangyayari dahil sa isang iglap ay malaya na naman nitong inaangkin ang aking katawan. Wala na akong ginawa kung hindi ang umungol. Imbes na manlaban ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa bawat haplos ng kanyang mga palad.

“Why so idiot, Summer, hindi ka na lasing, ngunit bakit nagawa mo pa ring magpatangay sa lalaking ito? Bakit hinahayaan mo na angkinin ka niya ng paulit-ulit? Kastigo ko sa aking sarili. Right, matino ang pag-iisip ko ngunit bakit tila nagkakaisa ang aking katawan maging ang aking puso na tanggapin ng buo ang lalaking ito? Kahit na paulit-ulit na umuukilkil sa aking isipan ang mahigpit na bilin ng aking ama ay wala pa ring silbi. Bakus maging ang aking utak ay naging alipin na rin ng makamundong pagnanasa.

Napuno ng mga ungol ang buong silid. Hindi ko na alam kung makailang beses na ba na may nangyari sa amin, basta ang alam ko ay talagang masakit na ang katawan ko. Kapwa pawisan at halos habol na ang aming mga hininga ngunit patuloy pa rin siyang nagpapakasasa sa aking katawan na wari mo ay wala ng bukas pa.

“I will never tire of possessing you over and over again…” matigas niyang sabi habang patuloy na gumagapang ang kanyang mga labi sa makinis kong leeg. Ramdam ko ang mabigat na hampas ng kanyang hininga na tumatama sa aking balat kaya lalo lang akong nawawala sa aking katinuan. Tuluyan na akong naging alipin ng makamundong pagnanasa dahil ang katawan ko ay mabilis niyang napapasunod sa ritmo ng musika na kanyang nilikha. Hanggang sa narating namin ang r***k ng matinding pagnanasa.

Hinihingal na bumagsak sa ibabaw ko ang kanyang katawan, hindi alintana ang bigat nito kaya halos lumubog na ako sa malambot na kama. Maya-maya ay umalis siya sa ibabaw ko ngunit nagulat ako ng hatakin niya ako palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit na wari moy natatakot na baka mawala ako sa tabi n’ya. “I’m your first, you’re mine, Sweetheart..” mapang-angkin niyang bulong sa tapat ng aking tainga. Natigilan akong bigla ng marinig ko ang sinabi nito, higit ang kanyang tinig na tila pamilyar sa akin. Minsan ko ng narinig ang kanyang tinig sa personal kaya hindi ako maaaring magkamali.

“Hanz?” Ang piping sambit ko ngunit walang tinig na lumabas sa bibig ko. Umangat ang aking kamay upang sanay hawakan ang gwapo niyang mukha ngunit natigil sa ere ang kamay ko ng maalala ang panloloko sa akin ng boyfriend ko at ng bestfriend kong si Wilma.

Paano kung sa huli ay lokohin din ako ng lalaking ito?O baka marahil ay hindi niya panagutan ang nangyari sa amin at tulad din ng mga taong pinagkatiwalaan ko ay lokohin din ako nito. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi di yata’t lahat ng kamalasan ay sinalo ko ng lahat?

Nawalan na ako ng kaibigan, pinagpalit pa ako ng boyfriend ko sa isang ordinaryong babae, at ngayon naman ay nawala sa akin ang pinaka iingatan kong yaman. Ano pa ang susunod na mawawala sa akin? Aware naman ako sa kung ano ang pakay sa akin ni Johnny at iyon ay ang maidikit ang pangalan niya sa aking pamilya upang mas maging matatag ang kanilang kumpanya. Hindi naman ako tanga para hindi mabasa ang totoong pakay ng lalaking iyon. Sa katunayan nga ay ako pa ang nagsuggest sa kanya na magpakasal kami para mas lalong lumago ang negosyo ng kanilang pamilya.

Batid ko rin na masyado na akong naging mabait sa pamilya ni Wilma dahil isa ako sa nag sponsor sa nagsisimula pa lang nilang negosyo. In short ginamit lang nila ako para umangat sila. At ngayong nakuha na ng lalaking ito ang aking katawan sigurado ako na baka hindi rin ako nito magustuhan.

Sa estado ng buhay ko, maging sa mundong ginagalawan ko ay mahirap matukoy kung sino ang totoo sa akin. Nilamon ng matinding kalungkutan ang puso ko dahil sa mga katotohanan na ngayon ko lang napagtanto; na ang pamilya namin ay napapaligiran ng mga huwad at manggagamit na tao. Nagkataon lang na matalino ang mga kapatid ko, at ma-utak ang aking ama kaya napaka-hirap makuha ng tiwala nito.

Mula sa banayad na paghilik ay batid ko na mahimbing na ang tulog ng lalaking kasiping ko kaya maingat na umalis ako sa tabi nito. Maingat na dinampot ko ang mga nagkalat kong damit, para akong isang pusa kung kumilos, wala kang maririnig na anumang ingay kaya malaya kong naisuot ang aking mga damit ng hindi nagigising ang lalaking nakahiga sa kama. Bago tuluyang lisanin ang condo nito ay isang huling sulyap ang ginawa ko sa lalaking pinagsukuan ko ng lahat sa akin. Kahit papaano ay masaya ako dahil siya ang lalaking naka-una sa akin.

Tuluyan ko ng nilisan ang lugar na ito na magulo ang isipan. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay hindi lang puso ang nawasak sa akin kundi maging ang pagkatao ko. Dahil tuluyan ng nawala ang tiwala ko sa lahat maging sa aking sarili.

Mabuti pa siguro ay lumayo muna ako, pupunta ako sa lugar na walang nakakaalam. Kailangan kong buuin muli ang aking sarili.”

Nang gabing iyon ay naglahong parang bula si Summer, walang nakakaalam ni isa sa kanyang pamilya ang pag-alis ng dalaga…

“Tita, nandito na po ba si Summer?” Nag-aalala na tanong ni Johnny sa Ina ng kanyang girlfriend. Lumalim ang gatla sa noo ng magandang ginang at nagtatakang tingin ang binigay niya sa binata.

“Di’ba Wilma kayo ang magkasama ni Summer ko kahapon ng umalis dito sa bahay?” Naguguluhan na tanong ni Mrs. Hilton sa kaibigan ng kanyang anak.

“Ahm, Tita, pasensya na po nagkaroon po kasi ng emergency kahapon kaya na una po akong umalis sa Mall at naiwan si Summer na mag-isa.” Matamang nakatitig si Ginang Lexie Hilton sa dalawang tao na nasa kanyang harapan. Kalmado man siyang tingnan ngunit ang pagdududa sa kanyang dibdib ay nagsisimula ng umusbong.

Lumaki siya sa pangangalaga ng mga terrorista kaya marunong siyang kumilatis ng tao. Alam niya kung ang taong kaharap ay nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. At base na rin sa kinikilos ng dalawa sa kanyang harapan ay batid niya na may tinatago ang mga ito ngunit mas pinili na lang niya ang manahimik at ipagkatiwala sa anak ang lahat.

Isa ‘yan sa estilo ng pagpapalaki nilang mag-asawa sa kanilang mga anak; Ang kusa silang matuto na solusyonan ang problema na kanilang kinakaharap. Saka lang silang mag-asawa nangingialam kapag nakikita nilang kailangan na talaga ng mga ito ng kanilang tulong.

“Nag-away na naman ba kayo ni Summer, Iho?” Malumanay na tanong ni Lexie sa boyfriend ng kanyang anak habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. Isa sa napansin niya ay ang malikot nitong mga mata. Halatang hindi makatingin ng diretso sa kanya ang lalaki kaya batid niya na may mali.

“Meron lang pong hindi pagkakaunawaan.” Tipid niyang sagot bago ngumiti si Johnny sa ina ng kanyang nobya. Sunod na lumipat ang tingin ng ina ni Summer kay Wilma at maging ito ay hindi rin makatingin ng diretso sa kanya ngunit imbes na magtanong ay isang simpleng ngiti ang ibinigay niya sa mga ito.

“Sige po Tita, aalis na po kami baka nasa kanyang rest house lang si Summer.” Paalam ni Johnny sa ina ng kanyang nobya maging si Wilma ay magalang na nagpaalam din dito.

May sampong dipa na ang layo ng dalawa sa ina ni Summer ng i-abot ng kasambahay nito ang telepono sa Ginang.

“Kumusta ang pakiramdam ng baby ko?” Naglalambing na tanong niya sa anak habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi.

“I miss you, Mom.” Parang bata na sabi ni Summer sa kanyang ina kaya lalong napangiti ang ina nito dahil batid niya na matatag ang kanyang anak. Wala sa kanilang mga anak ang may mahina ang loob.

“I know, Sweetheart, hindi na ako magtatanong pa because I know na kaya mo itong ihandle. I trust you, Sweetheart. Don’t worry ako na ang bahala na magpaliwanag sa daddy mo.” Nakakaunawa na sabi ng kanyang ina, ni hindi man lang ito nagbanggit ng tungkol sa kanyang boyfriend.

“Thank you, Mom, I love you.” “I love you too, Sweetheart.” Malambing na tugon ng kanyang ina bago pinatay ang tawag. Isang sulyap ang kanyang ginawa sa dalawang tao mula sa malayo na sa tingin niya ay kasalukuyan ng nagtatalo ang mga ito. Kahit hindi niya alam kung nasaan ang anak ay hindi niya kailangan na mangamba sapagkat higit siya ang nakakakilala sa kanyang anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status