Ilang segundo ang lupimas ay nanatiling nakatitig sa isa’t-isa si Xavien at Fatima. “It’s a long time ago, it seems that you’ve been totally moved on.” Maya-maya’y basag ni Fatima sa pananahimik nilang dalawa. “Oh, come on, Fatima, hindi mo na kailangan pang ibalik ang mga walang kwentang nakaraan.” Walang ganang pahayag ni Xavien sabay dampot sa isang basong may lamang wine na nasa kanyang harapan. “Yeah, you’re right, it’s a nonsense, for you, but for me it’s important, dahil ang nakaraan ay nananatili pa rin sa kasalukuyan.” Matigas na pahayag ni Fatima kasabay ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Nang lingunin siya ni Xavien ay nakita ng binata ang pagbangon ng galit mula sa mga mata ng babae. “What do you mean by that?” Naguguluhan na tanong ni Xavien kay Fatima habang matiim na nakatitig sa mukha ng seryosong babae. Umangat ang sulok ng bibig ni Fatima saka maarteng dinampot nito ang inumin na nasa kanyang harapan. “I accepted when you rejected to marry me, dahil
Napatda sa kanyang kinatatayuan si Xavien ng datnan niya na magkayakap si Miles at Harry. Habang ang dalaga ay umiiyak sa dibdib ng kanyang kaibigan. Sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang paningin, na para bang wala na siyang ibang nakikita kundi ang dalawang tao sa kanyang harapan. “Pinatawad na ba ni Miles si Harry? Nagkabalikan na ba ang dalawa? N-No! Hindi ako papayag! Miles is mine!” Anya ng isang galit na tinig mula sa kanyang isipan habang ang mga kamao nito ay nanginginig mula sa mahigpit na pagkakakuyom. Tuluyang sumabog sa galit si Xavien ng makita niya na hinalikan ni Harry ang kanyang nobya. Malaki ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito. Walang salita na hinaklit niya sa balikat ang kanyang kaibigan. Sa pagpihit ng mukha nito paharap sa kanya ay isang malakas na suntok ang ibinigay niya dito. Humandusay sa sahig ang nagulat na si Harry, nahilo ito sa lakas ng suntok at sinubukan niyang makatayo ngunit hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon. Dahil magkasunod na sun
Matuling pinatakbo ni Xavien ang sasakyan habang sa tabi nito ay tahimik lang na nakamasid sa labas ng bintana ang dalagang si Miles. Halata sa mukha nito na masama pa rin ang loob niya dahil sa ginawa ni Xavien. Maya-maya ay lumalim ang gatla sa noo ni Miles ng napansin niya na iba na ang daang tinutumbok ng kanilang sasakyan. “Where are we going?” Nagtataka na tanong ni Miles ngunit wala siyang natanggap na anumang sagot mula sa binata. Basta patuloy lang ito sa matuling pagmamaneho. “Xavien, saan mo ako dadalhin? Answer me!” Matigas na tanong ni Miles na ang tinig nito ay kababakasan mo ng pangamba. Nagsimula na siyang magpanik dahil sa kakaibang ikinikilos ng binata. “Stop the car, now!” Matigas niyang utos ngunit parang wala itong narinig habang diretsong nakatingin sa unahan ng kotse. “Kapag hindi mo itinigil ang sasakyan ay tatalon ako!” Banta niya dito ngunit nagkibit balikat lang ito na lalong ikinainis ng dalaga. Kumilos ang kamay ni Xavien, habang nagmamaneho ang isa
Miles Point of view “Ilang beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa malawak na salas. Naikot ko na kasi ang buong Isla at halos wala akong makitang paraan na makaalis pa sa islang ‘to. Tanging chopper lang ang paraan para makalabas sa isla o di kaya ay isang bangka. Kasalukuyan na nasa ikalawang palapag si Xavien at basta na lang akong iniwan nito dito sa salas. Kampante ang loob nito na iwan akong mag-isa dahil alam niya na hindi ako makakaalis ng Isla. Iniisip ko ngayon ang mga responsibilidad at trabaho ko na naiwan sa lungsod. Hindi ako pwedeng mawala ng matagal dahil siguradong hahanapin ako ng aking mga kliyente. Baka pati ang talyer ko ay mawala din sa akin. Natigil sa paghakbang ang aking mga paa ng napansin ko si Xavien na kasalukuyang bumababâ ng hagdan. Huminto siya sa tapat ko na may limang hakbang ang layo mula sa aking kinatatayuan. Galit na hinarap ko s’ya at isang nakamamatay na tingin ang ibinigay ko dito. “Hindi mo ako pwedeng ikulong sa Islang ito Hilt
Naalimpungatan ako ng malanghap ko ang mabangong aroma ng matapang na kape. Pikit mata na kinapa ko ang kabilang bahagi ng kama. Mukhang maagang nagising si Miles and I’m sure nagluluto na ito sa kusina. Hindi talaga ako kumuha ng kahit isang katulong, maging ang mga bodyguard ko ay pinaalis ko rin. Kaming dalawa lang ni Miles ang nandito sa Isla, para malaya naming magawa ang lahat ng gusto naming gawin, oh, should I say, lahat ng gusto kong gawin? Isang pilyong ngiti ang lumitaw sa mga labi ko at masiglang bumangon dahil ngayong araw ay sisimulan kong binyagan ang bawat parte ng islang ito. Kaagad na pumasok sa loob ng banyo para ayusin ang aking sarili. Suot ang white t-shirt at boxer shorts na lumabas ng silid. Ngunit, pagdating ko sa dining room ay tanging ang nakahandang pagkain sa lamesa ang nadatnan ko. Kunot noo na nilibot ko ang buong kabahayan subalit hindi ko nakita si Miles. Lumabas na ako ng bahay. Marahil ay nasa paligid lang ito. Pagdating sa labas ay napatda ako s
Miles Point of view “Pwede ba, lumayo ka nga sa akin.” Naiinis kong sabi. Hinawi ko ang mga kamay nito na nakayakap sa aking baywang. Nakasimangot na lumapit ako sa sofa at pabagsak na umupo. Ngunit, ang magaling na lalaki ay nakasunod sa likuran ko ng hindi nawawala ang magandang ngiti sa mga labi nito. Nabubwisit ako sa kalandian ng lalaking ito dahil wala na siyang ginawa kundi ang dumikit at yumakap sa akin. Halos araw-araw na lang ay ang mukha nito ang nakikita ko na kulang na lang ay magpalit na kami nito ng mukha. “Hindi ka ba kinikilig kapag kasama ako? Your so lucky dahil nasa iyo ang buong atensyon ko.” Anya sabay baon ng mukha nito sa pagitan ng aking leeg, eto na naman s’ya, nagsisimula na naman ang gago na ‘to. Isa ito sa ikinaiinis ko ang maya-maya na lang akong gagamitin na parang akala mo ay laging nagmamadali. “Tama ka, kinikilig ako, dahil naiihi ako! Ano ba lubayan mo nga ako!” Asar-talo kong sabi saka tinabig palayo ang kamay nito na nagsisimula ng gumapang
Ilang minuto na nakatitig si Xavien sa naka saradong pinto ng silid, habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay. Batid niya na naging totoo lang ang dalaga sa kung ano ang nararamdaman nito. Ngunit, hindi pa rin maiwasan na masaktan siya sa mga salitang binitiwan nito. Pakiramdam niya ay tila nagkapira-piraso ang kanyang puso at halos hindi na niya kayanin ang bigat ng kanyang dibdib. Bagsak ang mga balikat na tumungo siya sa kabilang kwarto para maligo at upang makapag bihis. Pagkatapos ay tahimik niyang nilisan ang Isla. Halos mag-i-isang linggo na silang namamalagi sa isla pero hanggang ngayon ay bigo pa rin siya na mabuksan ang puso nito para sa kanya. Makalipas ang ilang oras ay nasa tapat na siya ng kanilang Mansion. Mula sa salas ay nagulat si Summer at ang ina nito na si Mrs. Hilton, dahil sa biglaang pagdating ni Xavien. Sabay pa na kumunot ang kanilang mga noo ng hindi man lang sila pinansin ng kapapasok lang na si Xavien. Dumiretso kaagad ito sa counter ng kani
Nang tuluyang makaalis si Xavien ay napako naman ang tingin ni Summer at ng ina nito sa mukha ni Storm. “What?” Inis na tanong ni Storm bago muling tinungga ang laman ng kanyang baso. “Nag-away ba kayo ni Misaki, Storm?” Tanong ni Mrs. Hilton habang si Summer ay tahimik lang na nakamasid, naghihintay sa paliwanag ng kanyang kapatid. Ngunit, nanatili na tahimik lang si Storm na akala mo ay walang narinig. Makikita sa mukha nito na irritable siya at halatang may kinakaharap na problema. Ito ang mahirap kay Storm, hindi basta naglalabas ng sama nang loob at madalas ay sinasarili ang problema. Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone nito na nasa kanyang harapan. Pagkatapos itong sulyapan ay isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago sinagot ang tawag. “Nasaan na ang pangit na ‘yun!? Sabihin mo sa kanya na umuwi siya dito!” Nagulat ang mag-inang Lexie at Summer ng marinig ang galǐt na boses ni Misaki mula sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. Pa