Share

Chapter 120

“Hinihingal na huminto ako sa gilid ng kalsada, simula kaninang madaling araw pa ako naglalakad at hindi ko na alam kung nasaan na ako. Medyo masakit na rin sa balat ang sikat ng araw kaya namumula na ng husto ang aking mukha. Gustuhin ko mang tumigil muna upang makapagpahinga ngunit hindi ko magawa dahil sa mga matang nakamasid sa akin.

Hindi ako kumportable sa paraan ng tingin nila sa akin habang nagbubulungan. Lalo na ang mga lalaki na pakiramdam ko ay hinuhubaran na yata ako sa kanilang mga mata.

Malaki ang bawat hakbang ng aking mga paa na kulang na lang ay tumakbo ako para lang mabilis na makalayo sa kanila. Huminto sa paglalakad ang aking mga paa ng matapat ako sa isang boutique shop. Marahil ay nagtataka ang mga tao sa paligid ko dahil sa kakaibang suot ko. Saan ka naman kasi nakakita na tirik ang araw pero ang suot ko ay isang long sleeve na bestida habang ang kardigan ko ay nakasampay sa aking balikat. Mainit na rin sa paa ang suot kong boots.

Nagmamadali na pumasok ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status