Nagulat ang lahat ng mga tauhan ni Storm dahil sa biglaang pagdating ng apat na van. Mula sa mga bagong dating na sasakyan ay bumaba ang nasa dalawampung kalalakihan. Naalarma ang mga tauhan ni Storm ng palibutan sila ng mga ito. Sinubukan nilang kumilos upang sanay protektahan ang kanilang mga sarili sa mga maaaring mangyari. Ngunit, naudlot ito dahil sa pagdating ng isang mamahaling kotse. Natigilan ang mga tauhan ni Storm ng mula sa bagong dating na kotse ay bumaba si Summer. Mabilis na tumayo ng tuwid ang lahat ng makita ang kanilang officer at sabay-sabay na sumaludo ang mga ito sa kanya. “I’m here because of trust issues, If I were you, ngayon pa lang ay aamin na ako, believe me madali kong malalaman kung sino ka.” Makahulugan niyang sabi pagkababa pa lang ng sasakyan. Dahan-dahan na naglakad ito sa harap ng mga tauhan niya na nakahilera sa magkabilang gilid. Isa-isa niyang sinusuri sa mukha ang bawat malampasan niyang mga lalaki. Umangat ang sulok ng kanyang bibig ng wala ma
Misaki Point of view Nagising ako na masakit ang aking buong katawan, sinubukan kong bumangon ngunit nahirapan akong kumilos dahil sa mabigat na nakadagan sa ‘king mga hita. Maging sa ilalim ng dibdib ko ay may isang malaking braso na nakayakap dito. “Hmmmm…” naiinis kong ungol sabay mulat ng aking mga mata, ganun na lang ang panggigilalas ko ng tumambad sa aking paningin ang gwapong mukha ni Mr. Storm. “Huh? Nasaan ako? Sa pagkakatanda ko ay may mga dumukot sa akin, pero ngayon ay nasa ibang kwarto na ako at kasama ang taong pilit kong tinatakasan. Maingat akong kumilos upang hindi ito magising, ngunit kaunting galaw ko lang ay bigla itong nagmulat ng kanyang mga mata. “Where do you think you’re going, Wifey?” Anya ng bruskong tinig nito, napalunok ako ng wala sa oras at hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Natigilan ako ng makita ko ang benda sa noo nito, dapat ay magalit ako sa kanya at kamuhian ko ito, pero, bakit tila nakokonsens
“Why are you so long?” Irretableng tanong sa akin ni Storm paglabas ko ng restroom, hindi na ako umimik at nanatili na lang akong tahimik. Dahil sa totoo lang ay kinakabahan na ako, at hindi ko alam kung paano ko maihahalo ang laman ng botelya sa inumin ni Mr. Storm. Bumalik sa reyalidad ang isip ko ng maramdaman ko ang muling paghapit niya sa aking baywang. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na kanina pa pala nakatitig sa mukha ko si Mr. Hilton. Hindi ako kumportable sa paraan ng tingin niya sa akin kaya mas pinili ko na lang na tumingin sa ibang direksyon. Iginiya niya ako patungo sa naka saradong pintuan. Kaagad na binuksan ito ng kanyang tauhan at pagpasok namin sa loob ay tumambad sa akin ang malawak na silid. Napaka aliwalas ng buong silid dahil ang nagsisilbing pader nito ay salamin kaya kita ang kabuuan ng malawak na Siyudad mula sa labas ng salamin.. Hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa ganda ng paligid at sa tingin ko, ang gusali na aming kinaroroon
“Hindi!” Natataranta kong sigaw habang nanlalaki ang aking mga mata. Nagtataka na inilayo ni daddy ang kanyang sarili sa akin at labis itong naguguluhan kung bakit ang mukha ko ay parang natuyuan ng dugo. Mabilis na bumitaw ako sa aking ama, at nagmamadali na lumapit kay Mr. Storm. Nanginginig ang aking mga kamay na ikinulong ko ang mukha ni Mr. Storm sa ‘king mga palad. “I’m sorry! I’m sorry! Hindi ko sinasadya! Please! Pakiusap huwag mo akong iiwan! Huwag!” Natataranta kong sabi habang patuloy ako sa pag-iyak. Palipat-lipat ang mga tingin ko sa kanyang mga mata na nanatili lang nakatitig sa aking mukha. Sa sobrang pagkataranta ko ay inilapat ko ang aking bibig sa kanyang bibig. Halos s******n kong maigi ang kanyang mga laway habang hawak ko ng mahigpit ang magkabilang pisngi niya. “H-Hindi ko kaya, kapag namatay ka, mas mabuti pang mamatay na rin ako na kasama mo.” Nauutal kong saad sa tuwing ilalayo ko ang aking bibig mula sa kanya. Gusto kong s******n ang lahat ng lason sa loob
[Book 5 of Hiltons family] “Ang buong paligid ay napapalibutan ng magagandang bulaklak. Habang sa gitna ng hardin ay nakalatag ang isang mahabang pulang carpet. Patungo ito sa unahan kung saan ay naghihintay ang Pari, na siyang magkakasal sa amin ng aking kasintahan. Napaka gandang tingnan nang lahat ng mga bisita sa okasyong ito at hindi maikakaila ang kanilang karangyaan dahil sa malahigh class na kasuotan ng mga ito. Tanging kasiyahan ang makikita sa mukha ng mga taong dumalo sa okasyong ito. Napasinghap ang lahat ng lumitaw ang isang babae mula sa kung saan. Nakasuot ito ng magandang damit na pangkasal. Nang pumailanlang ang isang malamyos na musika ay nagsimula sa marahang paghakbang ang bride at tanging nasa kanya lang ang atensyon ng lahat. Habang sa unahan ay matiyaga akong naghihintay na makarating siya sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang kilig na nararamdaman ng mga babae sa paligid ko habang pasimpleng sumusulyap sa akin ang mga ito. Walang sinumang babae ang kakayanin
“Where’s Xavien?” Galit na tanong ni Storm sa kanyang kapatid na si Xaven ang isa sa mga triplets. “He told me, he’s on the way now.” Sagot naman Xion na halatang nagpipigil na huwag tumawa. Dahil nakikita niya sa mukha ng kapatid ang pagmamadali na matapos kaagad ang kasal nila ng asawa nitong si Misaki. “Oh, nandito na si fuckboy.” Nang-aasar na sabi ni Timothy. Sinundan ng lahat kung saan ito nakatingin, ngunit, nagulat sila ng makita ang hitsura ni Xavien. Magulo ang suot nitong americana at naroon pa ang grasa sa puting polo nito na gawa ng babaeng naka engkwentro niya kanina. “Shit, don’t tell me na mas i-nuna mo pa ang pambababae mo kaysa sa kasal ko?” Galit na sita ni Storm habang matalim na nakatingin sa magaling niyang kapatid. “Mali kayo ng iniisip, binangga ng mayabang na babaeng ‘yun ang bago kong sasakyan.” Matigas na sabi ni Xavien na halatang nanggigil pa ito sa galit. “Hm, I love that girl, I wish someday ay makilala ko s’ya para pasalamatan.” Nang-aasar na p
“Miles!” Isang malakas na boses ng lalaki ang bumasâg sa nananahimik kong diwa habang abala ako sa pagkalikôt mula sa ilalim ng sasakyan. Nagpakawala ako ng isang marahas na buntong hininga bago ko itinulak ang aking sarili kaya gumulong paalis mula sa ilalim ng kotse ang kinahihigaan kong malapad na skateboard. “Harold, naman, ano bang problema mo at kung makasigaw ka ay parang akala moy nasa kabilang bundok ang kausap mo?” Irritable kong tanong habang tinatanggal ang suot kong gloves. “Bro, may naghahanap sayong mga pulis, putcha, Pare, wanted ka yata! Pasensya na bro, pero sa pagkakataong ito ay hindi na muna kita kilala.” Anya ng siraulo kong kaibigan bago humakbang paatras ng dalawang beses. “Tsk, taba ng utak mo.” Seryoso kong sabi bago ko siya nilampasan, pero ang gago sumunod din naman sa likuran ko. Ilang sandali lang ay may lumitaw na dalawang pulis sa entrance ng talyer ko. “Miles Zephyr Ramirez.” Anya ng isang pulis habang naglalakad palapit sa akin, sa likuran nito
“So pano, Sarge? alam n’yo naman kung saan ako hahanapin. Importante ang bawat oras sa akin, I really need to leave.” Ani ko sa seryosong tinig bago walang emosyon na humarap sa mayabang na lalaki. “You can put me in jail whenever you want, sa nakikita ko kaya mo namang baliktarin ang batas.” Matigas kong pahayag ngunit ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig lang sa aking mukha. Napakahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip nito kaya hindi ko alam kung anong pagkatao mayroon ang lalaking ito. At pakiramdam ko, ang pananahimik nito ay may hatid na panganib. So what? I’m not afraid, mas gusto ko pa nga ang mamatay na lang para matapos na ang lahat ng mga problema ko. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko at sa aking ama, marahil ay matagal na akong patay. “So, kung nakapag desisyon ka na, file a case against me, hm?” Ani ko na tila walang gana sa aking kausap. Pagkatapos kong sabihin iyon ay muli kong sinipat ang itsura nito hanggang sa huminto ang aking paningin sa asul niya