“So pano, Sarge? alam n’yo naman kung saan ako hahanapin. Importante ang bawat oras sa akin, I really need to leave.” Ani ko sa seryosong tinig bago walang emosyon na humarap sa mayabang na lalaki. “You can put me in jail whenever you want, sa nakikita ko kaya mo namang baliktarin ang batas.” Matigas kong pahayag ngunit ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig lang sa aking mukha. Napakahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip nito kaya hindi ko alam kung anong pagkatao mayroon ang lalaking ito. At pakiramdam ko, ang pananahimik nito ay may hatid na panganib. So what? I’m not afraid, mas gusto ko pa nga ang mamatay na lang para matapos na ang lahat ng mga problema ko. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko at sa aking ama, marahil ay matagal na akong patay. “So, kung nakapag desisyon ka na, file a case against me, hm?” Ani ko na tila walang gana sa aking kausap. Pagkatapos kong sabihin iyon ay muli kong sinipat ang itsura nito hanggang sa huminto ang aking paningin sa asul niya
“Ohhhh… hmmmp…” walang tigil sa pag-alpas ang mga ungol mula sa bibig ng babae habang patuloy itong gumigiling sa aking kandungan. Kung tutuusin mula sa nakakaakit na halinghing ng babae ay siguradong ma********n ka. Ngunit, nakapagtataka na wala man lang itong epekto sa akin. Imbes na magising ang lahat ng libog ko sa katawan ay parang gusto ko pang busalan ang bibig nitong nakaawang dahil napakaingay nito. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa salas ng aking condo habang nakaupo ako sa sofa. Saglit na huminto ang balakang ng babae na hindi ko na maalala kung ano ang pangalan. Nagtataka na tumitig siya sa mukha ko, marahil, napansin niya na para akong wala sa aking sarili habang lagpasan ang tingin sa kanyang katawan. “What happened? Bigla ka na lang natulala d’yan?It seems you are not happy with what we are doing.” Ani nito habang marahan na gumagalaw sa aking kandungan. Mukhang kahit wala ako sa mood ay pinipilit pa rin niyang makaraos. Tuluyan na akong nawalan ng gana kaya hi
Miles Point of view “Bro, ikaw na ang bahala dito.” Ani ko kay Harold, dahil siya ang pinagbabantay ko sa aking kapatid para lang masiguro ko na hindi ako nito matatakasan. “Don’t worry, I can manage.” Anya sabay kindat pa sa akin habang nakangiti, nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha ko. Lumapit ako sa aking sasakyan habang bitbit sa kanang kamay ko ang isang tool’s. Ngunit, naudlot ang sanay pagpasok ko sa loob ng kotse ng may biglang dumating na isang sasakyan. Pa-balagbag na huminto ito sa loob mismo ng bakuran. Tumalim ang tingin ko dito ng makilala ko ang sasakyan na ito. Dahil ito ang naghatid sa kapatid ko tatlong araw na ang lumipas. Padarag na bumukas ang pintuan ng itim na kotse at bumaba ang isang lalaki na may matapang na mukha. Sa palagay ko ay matanda lang ako dito ng dalawang taon at mukhang anak mayaman din ito. Mula sa kabilang gilid ng sasakyan ay bumaba ang dalawa pa nitong kasamahan. Ramdam ko na problema ang dala ng mga ito. “Where’s, Maurine?” Kung mag
Natigil ang akmang paglabas ko ng bahay nang marinig ko mula sa loob ng kwarto ng aking kapatid ang mabilis na mga yabag nito. Sinundan ito ng pagbagsak ng pintuan nang banyo. Dahil iyon lang naman ang pintuan sa loob ng kwarto nito. Nag-aalala na binuksan ko ang pintuan ng silid nito at kaagad na pumasok sa loob. Nadatnan ko si Maurine na nasa loob ng banyo, habang patuloy na dumuduwal sa bowl at kulang na lang ay ilublob ang mukha nito sa loob ng bowl. Nag-aalala na lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod nito. Nang mahulasan ay nagmumôg ito bago umiiyak na humarap sa akin. Nanginginig ang kanyang katawan habang pinagpapawisan siya ng malapot. Dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at mabilis na pinunasan ang maganda nitong mukha. Natigilan ako ng bigla siyang yumakap ng mahigpit sa akin kaya naramdaman ko ang matinding tensyon mula sa kanyang katawan. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko, at gumanti ng yakap sa kanya. Kahit gaano pa kalaki ang galit ko sa aking kapa
“Congratulations, Bro.” Bati sa akin ni Xion, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit? Dahil batid ko na nang-aasar lang ito sa akin. “Dad, seryoso ka ba talaga na ipakasal ako sa babaeng iyon? You know naman kung gaano kaarte ang anak ni Mr. Perez. And besides, I don’t need their company, I have a stable company na kayang tumayo sa sarili nitong mga paa.” Paliwanag ko sa aking ama, nagbabakasakali ako na magbago pa ang isip nito. “Ngayon ka pa nag-inarte, samantalang wala ka namang pinipili, lahat na yata ng flavor ay natikman mo na.” Nang-aalaska na singit ni Xaven, kaya isang matalim na tingin ang ibinato ko dito. Imbes na tulungan ako na makumbinsi ang aming Ama ay tila ginatungan pa nito kaya I’m sure na malabo ng magbago pa ang desisyon nito. “Just grab it, son, it’s for your good future. This is not about wealth, ito na lang ang paraan na nakikita ko para mapatino ka.” Ani ni daddy habang seryoso na naghihiwa ng steaks para kay Mommy. “Tama ang daddy mo, Xavien, dah
Mula sa malaking Cathedral ng Makati ay matiyagang naghihintay ang lahat ng mga bisita sa pagdating ng pamilyang Hilton at ng pamilya ng Bride. Halos sabay na napalingon ang lahat sa bagong dating na isang itim na Mercedes Benz. Nang bumaba si Timothy, Xion at Xaven ay halos himatayin ang mga kadalagahan dahil sa kakisigan ng tatlo. Suot nila ang mamahaling barong habang nakasuot ng black shades. Walang pakialam ang mga ito na pumasok sa loob ng church. Para sa pamilyang Hilton ay tila isang ordinaryong araw lang ang magaganap na kasalan. Dahil isa lang itong business marriage, unlike sa iba nilang mga kapatid na ikinasal dahil mahal nila ang isa’t-isa. Ang mga tao sa kanilang paligid ay patuloy na kinikilig at labis na humahanga sa kasalang magaganap. Ngunit, walang alam ang mga ito sa totoong nangyayari sa pagitan ng dalawang pamilya. Ika nga business is a business, nothing more. Sunod na humimpil sa harap ng Cathedral ang isang limousine. Nang bumaba ng sasakyan Summer kasama an
“Huwag kayong lalapit kung hindi, babarilin ko ang lalaking ito!” Matigas na saad ni Miles habang patuloy sila sa pag-atras. Nagtaka pa ang dalaga ng umatras ang mga body guard ng mga Hilton hanggang sa tuluyan silang nawala sa paligid. “Pwede ba, ilayo mo nga sa akin ‘yang baril mo! Mukhang hindi ka pa yata marunong gumamit ng baril.” Ani ni Xavien na may balak pa yatang mang-asar. “Pero, kung iniisip niya na kakagatin ko ang pang-aasar nito sa akin ay nagkakamali siya. Dahil hindi ko hahayaan na magkaroon ito ng pagkakataon na maisahan ako.” Ito ang tumatakbo mula sa isipan ni Miles habang patuloy na hinahatak palabas ng Cathedral ang binata. “Paano mo nalaman na hindi ako marunong gumamit ng baril? Actually, first time kong humawak nito.” Ani ni Miles, umangat ang sulok ng bibig nito ng makita niya kung paano na namutla ang mukha ng binata. “S**t, ilayo mo sa akin ‘yan! Sasama ako kung saan mo ako gustong dalhin!” Irritable nitong saad kaya naman parang gustong bumunghalit
Tila saglit na huminto sa pag-ikot ang mundo ng maghinang ang aming mga mata, bigla ang pagkabôg ng dibdib ko at parang gusto ko ng tumakbo palayo. O di kaya ay maglaho sa harapan ng lalaking ito. Naumid bigla ang dila ko at halos wala na akong maapuhap na sasabihin lalo na ng humakbang siya palapit sa akin. Huminto siya sa mismong harapan ko at lihim akong napalunok ng pasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan, mula ulo hanggang paa. Yumukod siya at pinagpantay ang aming mukha bago inilapit ang bibig nito sa tapat ng aking tainga saka bumulong. “So, asan na ngayon ang tapang mo? You will pay for this dearly, young woman, lasapin mo ang galit ng isang Hilton." Mapanganib niyang wika na may halong pagbabanta. Ngunit, ang labis na ikinabigla ko ay nang dilaan niya ang sensitibong bahagi ng aking leeg. Nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan at ibayong kilabot ang kumalat sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay nag-init na yata ang buong mukha ko at talagang nabulabog ang sist