Natigil ang akmang paglabas ko ng bahay nang marinig ko mula sa loob ng kwarto ng aking kapatid ang mabilis na mga yabag nito. Sinundan ito ng pagbagsak ng pintuan nang banyo. Dahil iyon lang naman ang pintuan sa loob ng kwarto nito. Nag-aalala na binuksan ko ang pintuan ng silid nito at kaagad na pumasok sa loob. Nadatnan ko si Maurine na nasa loob ng banyo, habang patuloy na dumuduwal sa bowl at kulang na lang ay ilublob ang mukha nito sa loob ng bowl. Nag-aalala na lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod nito. Nang mahulasan ay nagmumôg ito bago umiiyak na humarap sa akin. Nanginginig ang kanyang katawan habang pinagpapawisan siya ng malapot. Dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at mabilis na pinunasan ang maganda nitong mukha. Natigilan ako ng bigla siyang yumakap ng mahigpit sa akin kaya naramdaman ko ang matinding tensyon mula sa kanyang katawan. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko, at gumanti ng yakap sa kanya. Kahit gaano pa kalaki ang galit ko sa aking kapa
“Congratulations, Bro.” Bati sa akin ni Xion, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit? Dahil batid ko na nang-aasar lang ito sa akin. “Dad, seryoso ka ba talaga na ipakasal ako sa babaeng iyon? You know naman kung gaano kaarte ang anak ni Mr. Perez. And besides, I don’t need their company, I have a stable company na kayang tumayo sa sarili nitong mga paa.” Paliwanag ko sa aking ama, nagbabakasakali ako na magbago pa ang isip nito. “Ngayon ka pa nag-inarte, samantalang wala ka namang pinipili, lahat na yata ng flavor ay natikman mo na.” Nang-aalaska na singit ni Xaven, kaya isang matalim na tingin ang ibinato ko dito. Imbes na tulungan ako na makumbinsi ang aming Ama ay tila ginatungan pa nito kaya I’m sure na malabo ng magbago pa ang desisyon nito. “Just grab it, son, it’s for your good future. This is not about wealth, ito na lang ang paraan na nakikita ko para mapatino ka.” Ani ni daddy habang seryoso na naghihiwa ng steaks para kay Mommy. “Tama ang daddy mo, Xavien, dah
Mula sa malaking Cathedral ng Makati ay matiyagang naghihintay ang lahat ng mga bisita sa pagdating ng pamilyang Hilton at ng pamilya ng Bride. Halos sabay na napalingon ang lahat sa bagong dating na isang itim na Mercedes Benz. Nang bumaba si Timothy, Xion at Xaven ay halos himatayin ang mga kadalagahan dahil sa kakisigan ng tatlo. Suot nila ang mamahaling barong habang nakasuot ng black shades. Walang pakialam ang mga ito na pumasok sa loob ng church. Para sa pamilyang Hilton ay tila isang ordinaryong araw lang ang magaganap na kasalan. Dahil isa lang itong business marriage, unlike sa iba nilang mga kapatid na ikinasal dahil mahal nila ang isa’t-isa. Ang mga tao sa kanilang paligid ay patuloy na kinikilig at labis na humahanga sa kasalang magaganap. Ngunit, walang alam ang mga ito sa totoong nangyayari sa pagitan ng dalawang pamilya. Ika nga business is a business, nothing more. Sunod na humimpil sa harap ng Cathedral ang isang limousine. Nang bumaba ng sasakyan Summer kasama an
“Huwag kayong lalapit kung hindi, babarilin ko ang lalaking ito!” Matigas na saad ni Miles habang patuloy sila sa pag-atras. Nagtaka pa ang dalaga ng umatras ang mga body guard ng mga Hilton hanggang sa tuluyan silang nawala sa paligid. “Pwede ba, ilayo mo nga sa akin ‘yang baril mo! Mukhang hindi ka pa yata marunong gumamit ng baril.” Ani ni Xavien na may balak pa yatang mang-asar. “Pero, kung iniisip niya na kakagatin ko ang pang-aasar nito sa akin ay nagkakamali siya. Dahil hindi ko hahayaan na magkaroon ito ng pagkakataon na maisahan ako.” Ito ang tumatakbo mula sa isipan ni Miles habang patuloy na hinahatak palabas ng Cathedral ang binata. “Paano mo nalaman na hindi ako marunong gumamit ng baril? Actually, first time kong humawak nito.” Ani ni Miles, umangat ang sulok ng bibig nito ng makita niya kung paano na namutla ang mukha ng binata. “S**t, ilayo mo sa akin ‘yan! Sasama ako kung saan mo ako gustong dalhin!” Irritable nitong saad kaya naman parang gustong bumunghalit
Tila saglit na huminto sa pag-ikot ang mundo ng maghinang ang aming mga mata, bigla ang pagkabôg ng dibdib ko at parang gusto ko ng tumakbo palayo. O di kaya ay maglaho sa harapan ng lalaking ito. Naumid bigla ang dila ko at halos wala na akong maapuhap na sasabihin lalo na ng humakbang siya palapit sa akin. Huminto siya sa mismong harapan ko at lihim akong napalunok ng pasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan, mula ulo hanggang paa. Yumukod siya at pinagpantay ang aming mukha bago inilapit ang bibig nito sa tapat ng aking tainga saka bumulong. “So, asan na ngayon ang tapang mo? You will pay for this dearly, young woman, lasapin mo ang galit ng isang Hilton." Mapanganib niyang wika na may halong pagbabanta. Ngunit, ang labis na ikinabigla ko ay nang dilaan niya ang sensitibong bahagi ng aking leeg. Nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan at ibayong kilabot ang kumalat sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay nag-init na yata ang buong mukha ko at talagang nabulabog ang sist
“Huh!” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan ng matapos kong ikabit ang pinakahuling piyesa ng sasakyan. “Ma’am Miles, kanina pa nagriring ang cellphone mo, sa tingin ko importanteng tawag ‘yun.” Ani ng aking tauhan kaya mabilis na pinagulong ko ang skateboard na aking kinahihigaān paalis mula sa ilalim ng sasakyan. Nang makalabas ay kaagad akong tumayo at hinubad ang suot kong gloves na nangingitim na dahil sa grasa. Tinanggal ko rin ang suot kong safety goggles. “Yes?” Anya ng sagutin ko ang tawag, “ Ma’am, company has facing a big problem. We need your presence here, right now.” Natataranta na report sa akin ng aking sekretarya, si Mercy. Ramdam ko sa pagsasalita nito na balisâ siya mula sa kabilang linya. “Okay, I’ll be there in a few minutes.” Kaagad kong sagot at malaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng aking opisina. May pagmamadali sa bawat kilos ko habang naghuhubad ng aking damit. In 15 minutes ay mabilis kong tinapos ang paliligo sa loob ng banyo
“Lakas-loob na pumasok ako sa entrance ng Hilton’s Global Infotechnology Corporation, ngunit, hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay hinarang na ako ng isang security personnel. “Good afternoon, Ma’am, may appointment po ba sila?” Tanong nito sa akin, batid ko na sa oras na malaman nito na wala akong appointment ay maaari akong ipagtabuyan nito. Marahil ay dala ng galit kaya mabilis na nag-init ang ulo ko. “I need to talk Mr. Xavien Hilton, right now, sabihin mo sa kanya na harapin ako ngayon din.” Matigas kong sagot ng hindi na pinag-iisipan ang kasalukuyang sitwasyon. Very emotional ako ng mga oras na ito, na para bang gusto ko ng umiyak at mag-lupasay sa sahig dahil sa nangyari sa kumpanya ng aking mga magulang. Sa kabila ng galit ko ay nanatili pa ring kalmado ang aking kausap, base na rin sa obserbasyon ko ay very trained ang empleyado ng mga Hilton. “I’m sorry, Ma’am, pero maari ko bang malaman kung sino sila?” Muling tanong niya sa akin sa magalang na paraan. Humigit ako ng
“Be my sex slave.” Halos mabingǐ ako ng marinig ko ang mga salitang namutawi mula sa bibig ng aking kausap. Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat sa akin at natulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulala sa mukha nito na wala naman akong ibang maaninag kundi kaseryosohan sa tinuran nito. “Kapag pumayag ka, I will make it sure na bubuhayin kong muli ang kumpanya mo, baka triple pa ang bumalik sayo. At malaki ang posibilidad na mababawi mo ang mga nawalang ari-arian ng iyong pamilya.” Balewala nitong saad habang prente na nakaupo, hawak ang ballpen sa kanang kamay na kasalukuyang pinapaikot ng kanyang mga daliri. “At paano kung ayokong pumayag?” Seryoso kong tanong, kita ko kung paanong nagdilim ang mukha nito, mukhang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. “The door is open, you may leave because you are wasting my time. Actually I don’t care about your company, dahil wala naman akong mapapala sa isang basura.” Sarkastik nitong pahayag, kay