“Huh!” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan ng matapos kong ikabit ang pinakahuling piyesa ng sasakyan. “Ma’am Miles, kanina pa nagriring ang cellphone mo, sa tingin ko importanteng tawag ‘yun.” Ani ng aking tauhan kaya mabilis na pinagulong ko ang skateboard na aking kinahihigaān paalis mula sa ilalim ng sasakyan. Nang makalabas ay kaagad akong tumayo at hinubad ang suot kong gloves na nangingitim na dahil sa grasa. Tinanggal ko rin ang suot kong safety goggles. “Yes?” Anya ng sagutin ko ang tawag, “ Ma’am, company has facing a big problem. We need your presence here, right now.” Natataranta na report sa akin ng aking sekretarya, si Mercy. Ramdam ko sa pagsasalita nito na balisâ siya mula sa kabilang linya. “Okay, I’ll be there in a few minutes.” Kaagad kong sagot at malaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng aking opisina. May pagmamadali sa bawat kilos ko habang naghuhubad ng aking damit. In 15 minutes ay mabilis kong tinapos ang paliligo sa loob ng banyo
“Lakas-loob na pumasok ako sa entrance ng Hilton’s Global Infotechnology Corporation, ngunit, hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay hinarang na ako ng isang security personnel. “Good afternoon, Ma’am, may appointment po ba sila?” Tanong nito sa akin, batid ko na sa oras na malaman nito na wala akong appointment ay maaari akong ipagtabuyan nito. Marahil ay dala ng galit kaya mabilis na nag-init ang ulo ko. “I need to talk Mr. Xavien Hilton, right now, sabihin mo sa kanya na harapin ako ngayon din.” Matigas kong sagot ng hindi na pinag-iisipan ang kasalukuyang sitwasyon. Very emotional ako ng mga oras na ito, na para bang gusto ko ng umiyak at mag-lupasay sa sahig dahil sa nangyari sa kumpanya ng aking mga magulang. Sa kabila ng galit ko ay nanatili pa ring kalmado ang aking kausap, base na rin sa obserbasyon ko ay very trained ang empleyado ng mga Hilton. “I’m sorry, Ma’am, pero maari ko bang malaman kung sino sila?” Muling tanong niya sa akin sa magalang na paraan. Humigit ako ng
“Be my sex slave.” Halos mabingǐ ako ng marinig ko ang mga salitang namutawi mula sa bibig ng aking kausap. Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat sa akin at natulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulala sa mukha nito na wala naman akong ibang maaninag kundi kaseryosohan sa tinuran nito. “Kapag pumayag ka, I will make it sure na bubuhayin kong muli ang kumpanya mo, baka triple pa ang bumalik sayo. At malaki ang posibilidad na mababawi mo ang mga nawalang ari-arian ng iyong pamilya.” Balewala nitong saad habang prente na nakaupo, hawak ang ballpen sa kanang kamay na kasalukuyang pinapaikot ng kanyang mga daliri. “At paano kung ayokong pumayag?” Seryoso kong tanong, kita ko kung paanong nagdilim ang mukha nito, mukhang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. “The door is open, you may leave because you are wasting my time. Actually I don’t care about your company, dahil wala naman akong mapapala sa isang basura.” Sarkastik nitong pahayag, kay
“Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng bahay ay sumalubong na kaagad sa akin ang aking ama na kasalukuyang nag-iinom ng alak sa lamesa. “Bakit mo ginawa ‘yun?” Matigas kong tanong sa kanya habang nakatayo sa likuran nito. Malakas ang tahip ng dibdib ko dala ng matinding galit. Imbes na sumagot ay pinunan nito ng alak ang kanyang braso saka walang pakundangan na tinungga ito bago pabagsak na ibinaba ang maliit na baso sa ibabaw ng lamesa. “Sumagot ka, Dad! Paano na nagawa mong ipagbili ang kumpanya ng hindi ko nalalaman!?” Galit kong tanong at sa pagkakataong ito ay mataas na ang boses ko. “Let’s stop, this , anak, huwag mo ng lokohin ang sarili mo, dahil alam ko, na alam mong wala na talagang pag-asa pang makabangon muli ang kumpanya. Pinahihirapan mo ang ang sarili mo.” Walang gana nitong sagot ng hindi lumilingon sa akin. Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamay at nakatitig sa likod ng aking ama. “Iyon na lang ang natitirang alaala sa ati
“Busy ako sa pagkalikôt mula sa ilalim ng toyota fortuner ng marinig ko ang malakas na tahol ni Shepherd. Napilitan akong isama siya dito sa talyer dahil may nilakaran si Harold at ang kapatid ko na si Maurine. Napapansin ko ang madalas na paglabas ng dalawang ‘yun, at kakaiba na rin ang closeness nila ngayon kung ikukumpara mo noon. Dati kasi ay hindi magkasundo ang kapatid ko at si Harold halos walang araw na hindi sila nagbabangayan na parang akala mo ay alergic sa isa’t-isa. Malimit ko pa ngang marinig si Maurine na pinapalayas nito si Harold. Pero ngayon ay halos hindi na nahihiwalay ang dalawang ‘yun kaya may hinala ako na ibang relasyon na ang namamagitan sa kanila. Hindi naman ako tutol kung piliin ni Maurine si Harold dahil kahit walang pinag-aralan ang kaibigan kong ‘yun ay maaasahan mo naman ito sa lahat ng bagay. At higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan din ito. Ipinagtapat sa akin ni Maurine, na ang nakita ko palang larawan mula sa kanyang diary ay isa sa mga triple
“Habang sinasaid ni Xavien ang alak mula sa hawak niyang baso, biglang lumabas si Miles mula sa pintuan ng kanyang silid. Napatanga ang binata ng makita niya na ang tanging suot ng dalaga ay ang kanyang itim na t-shirt. Litaw ang bilugan at maputi nitong mga hita at pakiramdam niya ay parang nagliyab yata ang kanyang katawan. Natatakam na siya na mahawakan ang malambot at malagatas nitong balat. “You know, huwag na tayong mag paligoy-ligoy pa, ibigay mo sa akin ngayon din ang mga dokumento ng property ko at kunin mo na ang gusto mo ng makaalis na ako dito. Dahil marami pa akong nakatenggang trabaho.” Diretsahan kong sabi bago umupo sa mahabang sofa sa mismong tapat nito. Yeah, I know na nagmukha akong cheap dahil ako mismo ang nag-alok ng sarili ko sa kanya. So what? For me, wala naman ng kwenta ang pagkabirhen ko dahil wala akong balak na mag-asawa pa. Mas gugustuhin ko na lang na buruhin ang sarili ko kaysa ang magpaloko pa sa mga kalahi ni Adan. Isa ‘yan sa ugali ko, na sa oras
“F**k you, Hilton!” Naiinis kong sigaw bago dinampot ang unan at itinakip ito sa mukha ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang ipagpatuloy ang naistorbo kong pagtulog. Ngunit, nagsisimula pa lang na maging payapa ang tulog ko ng muli na namang mag-ingay ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa. Nasagad na talaga ang pasensya ko kaya naiinis na dinampot ang aparato at saka ito ini-off. Lalo akong naimbyerna ng tuluyang nawala ang antok ko kaya bitbit ang dalawang tuwalya na lumabas ng silid. Nagdadabog na pumasok ako sa loob ng banyo upang maligo. Simula ng may nangyari sa amin ng lalaking iyon ay wala na itong ginawa kundi ang bantayan ang bawat kilos ko. Halos minu-minuto na lang ito kung tumawag na labis kong ikinaiinis. Kesyo daw nasa kontrata na kailangan kong ireport kung nasaan ako maging kung sino ang kasama ko!? Hell no! Nakakasakal, tinalo pa n’ya ang isang asawa kung makapag demand! Katulad na lang ngayon, halos isang araw pa lang akong hindi nagpapakita sa kanya, k
“Huh!” Para akong nabunutan ng tinik nang sa wakas ay naikabit ko rin ang pinakahuling part ng kotse. Napaupo ako sa sahig ng dahil sa matinding pagod ngunit hindi maikakaila ang matinding kasiyahan sa mga ngiti ko ng mapagmasdan ko ang kinalabasan ng bagong sasakyan na inasemble ko. Halos ilang taon ko ring pinag-ipunan ang sasakyan na ito, at ni ultimong sentimo ay itinatabi ko para lang mabili ang bawat pyesa nito. Brand new ang lahat ng ginamit kong piyesa sa kotseng ito kaya kung sakaling ibenta ko ‘to ay siguradong aabot ng two million dollars ang halaga nito. Pero wala akong plano na ibenta ang aking sasakyan kahit pa naghihirap na ako. Dahil isa ito sa pangarap ko na magkaroon ng sariling sasakyan na ako mismo ang gumawa. “Nice.” Anya ng isang tinig mula sa aking likuran, napaigtad ako dahil sa labis na pagkagulat, lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hindi nito alintana ang maruming sahig habang nakatulala sa makintab at itim na sasakyan na nasa harapan namin. Mula sa
“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili ni
Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon. “Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki. Pero, hindi ko na ito pinansin pa basta nag-concentrate lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang isang puting roba. “Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nito na maisuot ang roba sa katawan ko. “Excuse me, hindi ko type ang matandang ‘yun, nandito ako para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito na siya ring tumatayong assistant ko. “Kailangan ka ng manager mo sa opisina. Hinihint
“I-I can’t believe this, I’m a father now?” Nanlalaki ang mga mata habang nakapako ang mga mata nito sa aking tiyan. Nagulat pa ako ng bigla niya akong halikan sa labi at mas mahigpit pa sa nauna ang yakap na ginagawa niya sa akin ngayon. Umiiyak na gumanti ako ng yakap habang paulit-ulit na sinasabi ang katagang, “I’m sorry…” “Sssshh… it’s okay, I understand, kasalanan ko naman talaga ang lahat.” Ani nito habang patuloy na pinapatakān ng pinong halik ang buong mukha ko. Maya-maya ay lumuhod siya sa harapan ko at masuyong h******n ang aking tiyan. “Dad! Look, I’m a father now! May anak na ako.” Buong pagmamayabang na pahayag ni Xavien na parang akala moy bata na binigyan ng isang malaking regalo. Natawa ang mga tao sa aming paligid habang ang ina ni Xavien ay umiiyak dahil sa labis na kasiyahan para sa kanyang anak. “It’s triplets.” Pag-aanunsyo ko na siyang ikinasinghap ng lahat at tulad ni Xavien ay umawang din ang bibig ng mga tao sa aming paligid. “Oh my God! Thank you so mu
Mula sa isang malawak na hardin ng hotel ay tahimik na nagaganap ang isang kasalan. Tanging mahahalagang mga panauhin at miyembro ng pamilya nang mga ikakasal ang umattend para sa engrandeng kasalan na ‘to. “Habang isinasagawa ang seremonya ng kasal ay tahimik sa kabilang bahagi ang magkakapatid na Hilton. Ang atensyon ng lahat ay nasa unahan kaya walang nakapansin sa pagdating ko. “Ikaw Cristina, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa”- “Itigil ang kasal!” Matigas kong sigaw habang matalim na nakatitig sa mga taong ikinakasal. Parang iisang tao na lumingon ang lahat sa direksyon ko. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita ako, bakas ang labis na pagkagulat sa kanilang mga mukha. Kahit hirap na hirap ako dahil sa laki ng aking tiyan ay pinilit ko pa ring makalakad ng maayos upang makalapit sa unahan. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato ko sa groom na ngayon ay nakaawang ang bibig nito habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha ko at sa malaki kong tiyan.
Miles Point of view “Lumitaw ang matamis na ngiti mula sa aking mga labi ng masilayan ko ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Ang paglubog ng araw, nandito ako ngayon sa may dalampasigan, nakaupo sa isang malaking tipak ng bato habang nag-aabang sa paglubog ng haring araw. Ramdam ko ang bawat halik ng alon sa aking mga paa at ibayong ginhawa ang hatid nito sa aking pakiramdam. Kasamang inililipad palayo ng malamig na simoy ng hangin ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay kaya kay gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandito ako sa tabing dagat. Sinundan ng aking tingin ang mataas na paglipad ng mga ibon. Minsan, iniisip ko na sana ay ibon na lang ako, malayang nakakalipad kahit saan nila naisin ng walang iniisip na anumang problema. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay ito na ang nakagawian ko, ang tumambay sa dalampasigan at mag-abang kung kailan lulubog ang haring araw. Sa tuwing ginagawa ko kasi ito ay na-nanariwa ang mga alaala nung mga panahon na kasama
“Oh, my god, Xavien!” “Shit! Stop it, Xavien!” Halos sabay na sigaw ni Mrs. Lexie Hilton at ng asawa nitong si Cedric Hilton. Maging ang kapatid niya na si Andrade ay labis na nagulat sa eksena na kanilang nadatnan sa loob ng opisina ni Xavien. Mabilis na lumapit ang tatlo. Mula sa likuran ay mahigpit na niyakap ni Andrade si Xavien saka pwersahan na hinila ito palayo. Habang ang ama nilang Cedric ay mahigpit na kinapitan ang braso ng anak at pilit na tinanggal ang kamay nito sa leeg ng babae. Nahirapan pa sila bago tuluyang nailayo si Xavien mula sa babae, nanghihina na bumagsak ang babae sa sahig habang naghahabol-hininga. Masuyo namang hinagod ng kanilang ina ang likod ng babae at matinding takot ang makikita sa mukha ni Mrs. Hilton dahil sa labis na pag-aalala. “What’s wrong with you!?” Nakapamewang na bulyaw ni Cedric sa kanyang anak na tila wala sa katinuan. Nasasaktan siya sa itsura ng kanyang anak dahil napakalayo na nito sa dating makulit at masayahing si Xavien. “Let
“Ahhhh! “Crash!” Halos maglupasay ako sa sahig habang humahagulgol ng iyak. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nagwawala dito sa loob ng condo ko. Wala ng natira ni isang matinong gamit, lahat wasak! Kung gaano kagulo at kadilim ang aking condo ay ganun din ang buhay ko! For me, my life is useless! Everything that I have is nothing, because Miles is my everything to me. “Ahhhh! Ahhhh…” halos mamaos na ako dahil sa walang humpay na kakasigaw, na kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko. Gusto kong isigaw ang sakit. I don’t care kahit nag mukha na akong bakla sa harap ng pamilya ko! I don’t even care kahit mawalan na ako ng dignidad dahil sa pagkaka-lugmok mula sa matinding sakit. B-because I love her! I love her so much… Six months have passed since Miles suddenly disappeared. Walang sinuman ang nakakaalam sa kinaroroonan nito even her family. Nagising na lang sila kinaumagahan na wala na si Miles sa sarili nitong silid, maging ang mga importanteng gamit ng dalaga.
“Paglabas ko sa elevator ay tumambad sa akin ang isang magulong eksena. Ang secretary ni Xavien habang nakikiusap sa dalawang babae na tumigil na sa pag-aaway. Sinisikap na paalisin ng secretary ang dalawang babae ngunit nahirapan siyang gawin ito dahil nag-aaway na ang mga ito. “What happened here?” Seryoso kong tanong kaya napunta sa akin ang atensyon ng nilang lahat. Napansin ko na natigilan ang secretary ni Xavien, ang ekspresyon ng mukha nito ay wari moy nakakita ng multo. “M-Ma’am?” Ani nito na hindi ko pinapansin dahil ang mga mata ko ay nakapako sa dalawang babae na natigil sa pagpapalitan ng maaanghang na salita. Maganda naman ang mga ito kaso sa kapal ng make up nila, para sa akin nagmukha tuloy silang payaso. Halos makita na rin ang kanilang mga singit dahil sa masyadong liberated nilang pananamit. Sabay pa na lumingon sa akin ang dalawang babae, ngunit sa talim ng tingin ng mga ito ay kulang na lang bumulagta ako sa sahig. “Huh? Don’t tell me, isa ka rin sa mga na
Xavien Point of view “Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na sumiksik sa akin ang mainit na katawan ni Miles. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang maganda at maamong mukha ng aking nobya. Isa ito sa mga gusto kong maranasan tuwing gigising sa umaga. Buong pagsuyo na niyakap ko siya ng mahigpit habang mariin na nakalapat ang aking mga labi sa ulo nito. “I love you...” ito ang paulit-ulit na sinisigaw ng puso ko. Habang nilalasap ang sarap sa pakiramdam ng pagkakalapat ng aming mga hubad na katawan. “Xav, I think tanghali na, marami ka pang appointment ngayong araw na ito at hindi mo pwedeng ikansela ang mga ‘yun.” Ani nito sa inaantok na boses. She’s right at kahit labag sa kalooban ko napilitan na rin akong bumangon. Nagtaka ako ng hindi siya kumilos at nanatili lang ito sa kanyang posisyon. “Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala kong tanong, bago sinalat ang noo nito. Nakahinga ako ng maluwag ng