“Miles!” Isang malakas na boses ng lalaki ang bumasâg sa nananahimik kong diwa habang abala ako sa pagkalikôt mula sa ilalim ng sasakyan. Nagpakawala ako ng isang marahas na buntong hininga bago ko itinulak ang aking sarili kaya gumulong paalis mula sa ilalim ng kotse ang kinahihigaan kong malapad na skateboard. “Harold, naman, ano bang problema mo at kung makasigaw ka ay parang akala moy nasa kabilang bundok ang kausap mo?” Irritable kong tanong habang tinatanggal ang suot kong gloves. “Bro, may naghahanap sayong mga pulis, putcha, Pare, wanted ka yata! Pasensya na bro, pero sa pagkakataong ito ay hindi na muna kita kilala.” Anya ng siraulo kong kaibigan bago humakbang paatras ng dalawang beses. “Tsk, taba ng utak mo.” Seryoso kong sabi bago ko siya nilampasan, pero ang gago sumunod din naman sa likuran ko. Ilang sandali lang ay may lumitaw na dalawang pulis sa entrance ng talyer ko. “Miles Zephyr Ramirez.” Anya ng isang pulis habang naglalakad palapit sa akin, sa likuran nito
“So pano, Sarge? alam n’yo naman kung saan ako hahanapin. Importante ang bawat oras sa akin, I really need to leave.” Ani ko sa seryosong tinig bago walang emosyon na humarap sa mayabang na lalaki. “You can put me in jail whenever you want, sa nakikita ko kaya mo namang baliktarin ang batas.” Matigas kong pahayag ngunit ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig lang sa aking mukha. Napakahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip nito kaya hindi ko alam kung anong pagkatao mayroon ang lalaking ito. At pakiramdam ko, ang pananahimik nito ay may hatid na panganib. So what? I’m not afraid, mas gusto ko pa nga ang mamatay na lang para matapos na ang lahat ng mga problema ko. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko at sa aking ama, marahil ay matagal na akong patay. “So, kung nakapag desisyon ka na, file a case against me, hm?” Ani ko na tila walang gana sa aking kausap. Pagkatapos kong sabihin iyon ay muli kong sinipat ang itsura nito hanggang sa huminto ang aking paningin sa asul niya
“Ohhhh… hmmmp…” walang tigil sa pag-alpas ang mga ungol mula sa bibig ng babae habang patuloy itong gumigiling sa aking kandungan. Kung tutuusin mula sa nakakaakit na halinghing ng babae ay siguradong ma********n ka. Ngunit, nakapagtataka na wala man lang itong epekto sa akin. Imbes na magising ang lahat ng libog ko sa katawan ay parang gusto ko pang busalan ang bibig nitong nakaawang dahil napakaingay nito. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa salas ng aking condo habang nakaupo ako sa sofa. Saglit na huminto ang balakang ng babae na hindi ko na maalala kung ano ang pangalan. Nagtataka na tumitig siya sa mukha ko, marahil, napansin niya na para akong wala sa aking sarili habang lagpasan ang tingin sa kanyang katawan. “What happened? Bigla ka na lang natulala d’yan?It seems you are not happy with what we are doing.” Ani nito habang marahan na gumagalaw sa aking kandungan. Mukhang kahit wala ako sa mood ay pinipilit pa rin niyang makaraos. Tuluyan na akong nawalan ng gana kaya hi
Miles Point of view “Bro, ikaw na ang bahala dito.” Ani ko kay Harold, dahil siya ang pinagbabantay ko sa aking kapatid para lang masiguro ko na hindi ako nito matatakasan. “Don’t worry, I can manage.” Anya sabay kindat pa sa akin habang nakangiti, nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha ko. Lumapit ako sa aking sasakyan habang bitbit sa kanang kamay ko ang isang tool’s. Ngunit, naudlot ang sanay pagpasok ko sa loob ng kotse ng may biglang dumating na isang sasakyan. Pa-balagbag na huminto ito sa loob mismo ng bakuran. Tumalim ang tingin ko dito ng makilala ko ang sasakyan na ito. Dahil ito ang naghatid sa kapatid ko tatlong araw na ang lumipas. Padarag na bumukas ang pintuan ng itim na kotse at bumaba ang isang lalaki na may matapang na mukha. Sa palagay ko ay matanda lang ako dito ng dalawang taon at mukhang anak mayaman din ito. Mula sa kabilang gilid ng sasakyan ay bumaba ang dalawa pa nitong kasamahan. Ramdam ko na problema ang dala ng mga ito. “Where’s, Maurine?” Kung mag
Natigil ang akmang paglabas ko ng bahay nang marinig ko mula sa loob ng kwarto ng aking kapatid ang mabilis na mga yabag nito. Sinundan ito ng pagbagsak ng pintuan nang banyo. Dahil iyon lang naman ang pintuan sa loob ng kwarto nito. Nag-aalala na binuksan ko ang pintuan ng silid nito at kaagad na pumasok sa loob. Nadatnan ko si Maurine na nasa loob ng banyo, habang patuloy na dumuduwal sa bowl at kulang na lang ay ilublob ang mukha nito sa loob ng bowl. Nag-aalala na lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod nito. Nang mahulasan ay nagmumôg ito bago umiiyak na humarap sa akin. Nanginginig ang kanyang katawan habang pinagpapawisan siya ng malapot. Dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at mabilis na pinunasan ang maganda nitong mukha. Natigilan ako ng bigla siyang yumakap ng mahigpit sa akin kaya naramdaman ko ang matinding tensyon mula sa kanyang katawan. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko, at gumanti ng yakap sa kanya. Kahit gaano pa kalaki ang galit ko sa aking kapa
“Congratulations, Bro.” Bati sa akin ni Xion, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit? Dahil batid ko na nang-aasar lang ito sa akin. “Dad, seryoso ka ba talaga na ipakasal ako sa babaeng iyon? You know naman kung gaano kaarte ang anak ni Mr. Perez. And besides, I don’t need their company, I have a stable company na kayang tumayo sa sarili nitong mga paa.” Paliwanag ko sa aking ama, nagbabakasakali ako na magbago pa ang isip nito. “Ngayon ka pa nag-inarte, samantalang wala ka namang pinipili, lahat na yata ng flavor ay natikman mo na.” Nang-aalaska na singit ni Xaven, kaya isang matalim na tingin ang ibinato ko dito. Imbes na tulungan ako na makumbinsi ang aming Ama ay tila ginatungan pa nito kaya I’m sure na malabo ng magbago pa ang desisyon nito. “Just grab it, son, it’s for your good future. This is not about wealth, ito na lang ang paraan na nakikita ko para mapatino ka.” Ani ni daddy habang seryoso na naghihiwa ng steaks para kay Mommy. “Tama ang daddy mo, Xavien, dah
Mula sa malaking Cathedral ng Makati ay matiyagang naghihintay ang lahat ng mga bisita sa pagdating ng pamilyang Hilton at ng pamilya ng Bride. Halos sabay na napalingon ang lahat sa bagong dating na isang itim na Mercedes Benz. Nang bumaba si Timothy, Xion at Xaven ay halos himatayin ang mga kadalagahan dahil sa kakisigan ng tatlo. Suot nila ang mamahaling barong habang nakasuot ng black shades. Walang pakialam ang mga ito na pumasok sa loob ng church. Para sa pamilyang Hilton ay tila isang ordinaryong araw lang ang magaganap na kasalan. Dahil isa lang itong business marriage, unlike sa iba nilang mga kapatid na ikinasal dahil mahal nila ang isa’t-isa. Ang mga tao sa kanilang paligid ay patuloy na kinikilig at labis na humahanga sa kasalang magaganap. Ngunit, walang alam ang mga ito sa totoong nangyayari sa pagitan ng dalawang pamilya. Ika nga business is a business, nothing more. Sunod na humimpil sa harap ng Cathedral ang isang limousine. Nang bumaba ng sasakyan Summer kasama an
“Huwag kayong lalapit kung hindi, babarilin ko ang lalaking ito!” Matigas na saad ni Miles habang patuloy sila sa pag-atras. Nagtaka pa ang dalaga ng umatras ang mga body guard ng mga Hilton hanggang sa tuluyan silang nawala sa paligid. “Pwede ba, ilayo mo nga sa akin ‘yang baril mo! Mukhang hindi ka pa yata marunong gumamit ng baril.” Ani ni Xavien na may balak pa yatang mang-asar. “Pero, kung iniisip niya na kakagatin ko ang pang-aasar nito sa akin ay nagkakamali siya. Dahil hindi ko hahayaan na magkaroon ito ng pagkakataon na maisahan ako.” Ito ang tumatakbo mula sa isipan ni Miles habang patuloy na hinahatak palabas ng Cathedral ang binata. “Paano mo nalaman na hindi ako marunong gumamit ng baril? Actually, first time kong humawak nito.” Ani ni Miles, umangat ang sulok ng bibig nito ng makita niya kung paano na namutla ang mukha ng binata. “S**t, ilayo mo sa akin ‘yan! Sasama ako kung saan mo ako gustong dalhin!” Irritable nitong saad kaya naman parang gustong bumunghalit
“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili ni
Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon. “Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki. Pero, hindi ko na ito pinansin pa basta nag-concentrate lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang isang puting roba. “Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nito na maisuot ang roba sa katawan ko. “Excuse me, hindi ko type ang matandang ‘yun, nandito ako para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito na siya ring tumatayong assistant ko. “Kailangan ka ng manager mo sa opisina. Hinihint
“I-I can’t believe this, I’m a father now?” Nanlalaki ang mga mata habang nakapako ang mga mata nito sa aking tiyan. Nagulat pa ako ng bigla niya akong halikan sa labi at mas mahigpit pa sa nauna ang yakap na ginagawa niya sa akin ngayon. Umiiyak na gumanti ako ng yakap habang paulit-ulit na sinasabi ang katagang, “I’m sorry…” “Sssshh… it’s okay, I understand, kasalanan ko naman talaga ang lahat.” Ani nito habang patuloy na pinapatakān ng pinong halik ang buong mukha ko. Maya-maya ay lumuhod siya sa harapan ko at masuyong h******n ang aking tiyan. “Dad! Look, I’m a father now! May anak na ako.” Buong pagmamayabang na pahayag ni Xavien na parang akala moy bata na binigyan ng isang malaking regalo. Natawa ang mga tao sa aming paligid habang ang ina ni Xavien ay umiiyak dahil sa labis na kasiyahan para sa kanyang anak. “It’s triplets.” Pag-aanunsyo ko na siyang ikinasinghap ng lahat at tulad ni Xavien ay umawang din ang bibig ng mga tao sa aming paligid. “Oh my God! Thank you so mu
Mula sa isang malawak na hardin ng hotel ay tahimik na nagaganap ang isang kasalan. Tanging mahahalagang mga panauhin at miyembro ng pamilya nang mga ikakasal ang umattend para sa engrandeng kasalan na ‘to. “Habang isinasagawa ang seremonya ng kasal ay tahimik sa kabilang bahagi ang magkakapatid na Hilton. Ang atensyon ng lahat ay nasa unahan kaya walang nakapansin sa pagdating ko. “Ikaw Cristina, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa”- “Itigil ang kasal!” Matigas kong sigaw habang matalim na nakatitig sa mga taong ikinakasal. Parang iisang tao na lumingon ang lahat sa direksyon ko. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita ako, bakas ang labis na pagkagulat sa kanilang mga mukha. Kahit hirap na hirap ako dahil sa laki ng aking tiyan ay pinilit ko pa ring makalakad ng maayos upang makalapit sa unahan. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato ko sa groom na ngayon ay nakaawang ang bibig nito habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha ko at sa malaki kong tiyan.
Miles Point of view “Lumitaw ang matamis na ngiti mula sa aking mga labi ng masilayan ko ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Ang paglubog ng araw, nandito ako ngayon sa may dalampasigan, nakaupo sa isang malaking tipak ng bato habang nag-aabang sa paglubog ng haring araw. Ramdam ko ang bawat halik ng alon sa aking mga paa at ibayong ginhawa ang hatid nito sa aking pakiramdam. Kasamang inililipad palayo ng malamig na simoy ng hangin ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay kaya kay gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandito ako sa tabing dagat. Sinundan ng aking tingin ang mataas na paglipad ng mga ibon. Minsan, iniisip ko na sana ay ibon na lang ako, malayang nakakalipad kahit saan nila naisin ng walang iniisip na anumang problema. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay ito na ang nakagawian ko, ang tumambay sa dalampasigan at mag-abang kung kailan lulubog ang haring araw. Sa tuwing ginagawa ko kasi ito ay na-nanariwa ang mga alaala nung mga panahon na kasama
“Oh, my god, Xavien!” “Shit! Stop it, Xavien!” Halos sabay na sigaw ni Mrs. Lexie Hilton at ng asawa nitong si Cedric Hilton. Maging ang kapatid niya na si Andrade ay labis na nagulat sa eksena na kanilang nadatnan sa loob ng opisina ni Xavien. Mabilis na lumapit ang tatlo. Mula sa likuran ay mahigpit na niyakap ni Andrade si Xavien saka pwersahan na hinila ito palayo. Habang ang ama nilang Cedric ay mahigpit na kinapitan ang braso ng anak at pilit na tinanggal ang kamay nito sa leeg ng babae. Nahirapan pa sila bago tuluyang nailayo si Xavien mula sa babae, nanghihina na bumagsak ang babae sa sahig habang naghahabol-hininga. Masuyo namang hinagod ng kanilang ina ang likod ng babae at matinding takot ang makikita sa mukha ni Mrs. Hilton dahil sa labis na pag-aalala. “What’s wrong with you!?” Nakapamewang na bulyaw ni Cedric sa kanyang anak na tila wala sa katinuan. Nasasaktan siya sa itsura ng kanyang anak dahil napakalayo na nito sa dating makulit at masayahing si Xavien. “Let
“Ahhhh! “Crash!” Halos maglupasay ako sa sahig habang humahagulgol ng iyak. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nagwawala dito sa loob ng condo ko. Wala ng natira ni isang matinong gamit, lahat wasak! Kung gaano kagulo at kadilim ang aking condo ay ganun din ang buhay ko! For me, my life is useless! Everything that I have is nothing, because Miles is my everything to me. “Ahhhh! Ahhhh…” halos mamaos na ako dahil sa walang humpay na kakasigaw, na kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko. Gusto kong isigaw ang sakit. I don’t care kahit nag mukha na akong bakla sa harap ng pamilya ko! I don’t even care kahit mawalan na ako ng dignidad dahil sa pagkaka-lugmok mula sa matinding sakit. B-because I love her! I love her so much… Six months have passed since Miles suddenly disappeared. Walang sinuman ang nakakaalam sa kinaroroonan nito even her family. Nagising na lang sila kinaumagahan na wala na si Miles sa sarili nitong silid, maging ang mga importanteng gamit ng dalaga.
“Paglabas ko sa elevator ay tumambad sa akin ang isang magulong eksena. Ang secretary ni Xavien habang nakikiusap sa dalawang babae na tumigil na sa pag-aaway. Sinisikap na paalisin ng secretary ang dalawang babae ngunit nahirapan siyang gawin ito dahil nag-aaway na ang mga ito. “What happened here?” Seryoso kong tanong kaya napunta sa akin ang atensyon ng nilang lahat. Napansin ko na natigilan ang secretary ni Xavien, ang ekspresyon ng mukha nito ay wari moy nakakita ng multo. “M-Ma’am?” Ani nito na hindi ko pinapansin dahil ang mga mata ko ay nakapako sa dalawang babae na natigil sa pagpapalitan ng maaanghang na salita. Maganda naman ang mga ito kaso sa kapal ng make up nila, para sa akin nagmukha tuloy silang payaso. Halos makita na rin ang kanilang mga singit dahil sa masyadong liberated nilang pananamit. Sabay pa na lumingon sa akin ang dalawang babae, ngunit sa talim ng tingin ng mga ito ay kulang na lang bumulagta ako sa sahig. “Huh? Don’t tell me, isa ka rin sa mga na
Xavien Point of view “Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na sumiksik sa akin ang mainit na katawan ni Miles. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang maganda at maamong mukha ng aking nobya. Isa ito sa mga gusto kong maranasan tuwing gigising sa umaga. Buong pagsuyo na niyakap ko siya ng mahigpit habang mariin na nakalapat ang aking mga labi sa ulo nito. “I love you...” ito ang paulit-ulit na sinisigaw ng puso ko. Habang nilalasap ang sarap sa pakiramdam ng pagkakalapat ng aming mga hubad na katawan. “Xav, I think tanghali na, marami ka pang appointment ngayong araw na ito at hindi mo pwedeng ikansela ang mga ‘yun.” Ani nito sa inaantok na boses. She’s right at kahit labag sa kalooban ko napilitan na rin akong bumangon. Nagtaka ako ng hindi siya kumilos at nanatili lang ito sa kanyang posisyon. “Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala kong tanong, bago sinalat ang noo nito. Nakahinga ako ng maluwag ng