“Hinihingal na huminto ako sa gilid ng kalsada, simula kaninang madaling araw pa ako naglalakad at hindi ko na alam kung nasaan na ako. Medyo masakit na rin sa balat ang sikat ng araw kaya namumula na ng husto ang aking mukha. Gustuhin ko mang tumigil muna upang makapagpahinga ngunit hindi ko magawa dahil sa mga matang nakamasid sa akin. Hindi ako kumportable sa paraan ng tingin nila sa akin habang nagbubulungan. Lalo na ang mga lalaki na pakiramdam ko ay hinuhubaran na yata ako sa kanilang mga mata. Malaki ang bawat hakbang ng aking mga paa na kulang na lang ay tumakbo ako para lang mabilis na makalayo sa kanila. Huminto sa paglalakad ang aking mga paa ng matapat ako sa isang boutique shop. Marahil ay nagtataka ang mga tao sa paligid ko dahil sa kakaibang suot ko. Saan ka naman kasi nakakita na tirik ang araw pero ang suot ko ay isang long sleeve na bestida habang ang kardigan ko ay nakasampay sa aking balikat. Mainit na rin sa paa ang suot kong boots. Nagmamadali na pumasok ako
“Nasaan ang babae?” Seryosong tanong ng isang bagong dating na lalaki na nasa edad fifty five. Mula sa matapang na awra ng kanyang mukha ay halatang hindi ito gagawa ng mabuti. Siya si Stevan ang lalaking palihim na sumasabotahe sa mga negosyo ni Storm. At ng dahil sa kanyang mga illegal na negosyo ay kailangan niya si Storm upang magpatuloy ang mga ito. “Nasa itaas.” Sagot ng kanyang tauhan kaya pumanhik ang lalaki sa hagdan. Pagdating sa ikalawang palapag ay kaagad na binuksan ng matanda ang pintuan at muli itong isinarado. Tumambad sa kanyang harapan si Misaki na nakahiga sa kama. Nakahantad ang magandang katawan nito dahil sa suot niyang manipis na pulang nighties. Litaw ang maputi at malusog nitong dibdib kaya halos tumulo ang laway ng matanda dahil sa magandang si Misaki at literal na nakatitig si Stevan sa pagitan ng mga hita nito. “Ngayon alam ko na kung bakit baliw na baliw sayo si Hilton, maging ako ay parang mawawala sa katinuan kapag hindi ka natikman. “ Anya ng matanda
Mula sa gilid ng sasakyan ay hindi mapakali na nag pabalik-balik si Storm sa kanyang kinatatayuan. Huminto lang siya ng lumapit ang kanyang tauhan na bitbit ang damit ng kanyang asawa na suot nito bago pa ito nawala. “Boss, nanggaling nga dito si Ms. Misaki, at ayun sa mga tao ay tinangay daw ito ng mga hindi kilalang lalaki at sapilitan na isinakay sa sasakyan.” Mahabang paliwanag ng kanyang tauhan. “S**t! Hmp! hmp!” Galit na pinagsusuntok ni Storm ang hood ng kanyang sasakyang kulang na lang ay sumabog siya sa matinding galit. Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone mula sa kanyang bulsa at nanggigigil na sinagot ang tawag. “What?” Matigas niyang sagot at lalo lang siyang napikon ng biglang humalakhak ang nasa kabilang linya. “Relax, Mr. Hilton wala pa akong sinasabi ay kumukulo na kaagad ang dugo mo.” Tila nang -aasar na sagot ng caller. “Don’t waste my time, Stevan.” Napipikon na sabi ni Storm at akmang papatayin na niya ang tawag ay audlot ito dahil sa huling tinuran ng k
“M-Mr. Storm…” parang pinunit ang puso ko ng marinig ko ang malambing na tinig ng aking asawa, lalo na ng haplusin ng nanginginig nitong mga palad ang magkabilang pisngi ko. “Don’t worry, Sweetheart, they will pay dearly.” Matigas kong bulong sa kanya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok nito na nagkalat sa mala anghel niyang mukha. Ngunit isang mapusok na halik ang naging tugon niya sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan maging ang hindi normal na paghinga nito. Masyadong agresibo ang bawat kilos ni Misaki, dahil habang hinahalikan niya ang mga labi ko ay tinatanggal din nito mula sa pagkakalock ang butones ng aking polo. “N-Naze son'nani atsui no ka…” ito ang paulit-ulit na lumalabas sa kanyang bibig, habang patuloy na gumagapang ang kanyang mga labi sa buong mukha ko pababa sa aking leeg. Mabilis na nag-init ang aking katawan dahil sadyang nakakaakit ang aking asawa. Hinawi ko ang aking sarili dahil alam ko na nasa ilalim ng espiritu ng droga ang aking si Mio.
Nagulat ang lahat ng mga tauhan ni Storm dahil sa biglaang pagdating ng apat na van. Mula sa mga bagong dating na sasakyan ay bumaba ang nasa dalawampung kalalakihan. Naalarma ang mga tauhan ni Storm ng palibutan sila ng mga ito. Sinubukan nilang kumilos upang sanay protektahan ang kanilang mga sarili sa mga maaaring mangyari. Ngunit, naudlot ito dahil sa pagdating ng isang mamahaling kotse. Natigilan ang mga tauhan ni Storm ng mula sa bagong dating na kotse ay bumaba si Summer. Mabilis na tumayo ng tuwid ang lahat ng makita ang kanilang officer at sabay-sabay na sumaludo ang mga ito sa kanya. “I’m here because of trust issues, If I were you, ngayon pa lang ay aamin na ako, believe me madali kong malalaman kung sino ka.” Makahulugan niyang sabi pagkababa pa lang ng sasakyan. Dahan-dahan na naglakad ito sa harap ng mga tauhan niya na nakahilera sa magkabilang gilid. Isa-isa niyang sinusuri sa mukha ang bawat malampasan niyang mga lalaki. Umangat ang sulok ng kanyang bibig ng wala ma
Misaki Point of view Nagising ako na masakit ang aking buong katawan, sinubukan kong bumangon ngunit nahirapan akong kumilos dahil sa mabigat na nakadagan sa ‘king mga hita. Maging sa ilalim ng dibdib ko ay may isang malaking braso na nakayakap dito. “Hmmmm…” naiinis kong ungol sabay mulat ng aking mga mata, ganun na lang ang panggigilalas ko ng tumambad sa aking paningin ang gwapong mukha ni Mr. Storm. “Huh? Nasaan ako? Sa pagkakatanda ko ay may mga dumukot sa akin, pero ngayon ay nasa ibang kwarto na ako at kasama ang taong pilit kong tinatakasan. Maingat akong kumilos upang hindi ito magising, ngunit kaunting galaw ko lang ay bigla itong nagmulat ng kanyang mga mata. “Where do you think you’re going, Wifey?” Anya ng bruskong tinig nito, napalunok ako ng wala sa oras at hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Natigilan ako ng makita ko ang benda sa noo nito, dapat ay magalit ako sa kanya at kamuhian ko ito, pero, bakit tila nakokonsens
“Why are you so long?” Irretableng tanong sa akin ni Storm paglabas ko ng restroom, hindi na ako umimik at nanatili na lang akong tahimik. Dahil sa totoo lang ay kinakabahan na ako, at hindi ko alam kung paano ko maihahalo ang laman ng botelya sa inumin ni Mr. Storm. Bumalik sa reyalidad ang isip ko ng maramdaman ko ang muling paghapit niya sa aking baywang. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na kanina pa pala nakatitig sa mukha ko si Mr. Hilton. Hindi ako kumportable sa paraan ng tingin niya sa akin kaya mas pinili ko na lang na tumingin sa ibang direksyon. Iginiya niya ako patungo sa naka saradong pintuan. Kaagad na binuksan ito ng kanyang tauhan at pagpasok namin sa loob ay tumambad sa akin ang malawak na silid. Napaka aliwalas ng buong silid dahil ang nagsisilbing pader nito ay salamin kaya kita ang kabuuan ng malawak na Siyudad mula sa labas ng salamin.. Hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa ganda ng paligid at sa tingin ko, ang gusali na aming kinaroroon
“Hindi!” Natataranta kong sigaw habang nanlalaki ang aking mga mata. Nagtataka na inilayo ni daddy ang kanyang sarili sa akin at labis itong naguguluhan kung bakit ang mukha ko ay parang natuyuan ng dugo. Mabilis na bumitaw ako sa aking ama, at nagmamadali na lumapit kay Mr. Storm. Nanginginig ang aking mga kamay na ikinulong ko ang mukha ni Mr. Storm sa ‘king mga palad. “I’m sorry! I’m sorry! Hindi ko sinasadya! Please! Pakiusap huwag mo akong iiwan! Huwag!” Natataranta kong sabi habang patuloy ako sa pag-iyak. Palipat-lipat ang mga tingin ko sa kanyang mga mata na nanatili lang nakatitig sa aking mukha. Sa sobrang pagkataranta ko ay inilapat ko ang aking bibig sa kanyang bibig. Halos s******n kong maigi ang kanyang mga laway habang hawak ko ng mahigpit ang magkabilang pisngi niya. “H-Hindi ko kaya, kapag namatay ka, mas mabuti pang mamatay na rin ako na kasama mo.” Nauutal kong saad sa tuwing ilalayo ko ang aking bibig mula sa kanya. Gusto kong s******n ang lahat ng lason sa loob