"HI Ja! Ngayon pwede na kitang batiin ng isang mataba at busog na GOOD MORNING!" punong-puno ng enerhiyang bati nito at napakalapad rin ng ngiti sa mga labi, hindi katulad kahapon na halos parang gusto na nitong sumuko sa buhay.
Napakamot siya ng ulo at alanganing napangiti. Her smile, for some reason scares her. "Good morning Meg," parang napipilitan lang niyang bati dito, "Saan nga pala ako pupwesto?"
"Ah sa loob ng opisina ni Sir, nandoon kasi sa loob yung personal copy niya ng lahat ng files," ngiting-ngiting sagot nito na biglang ikinanginig ng tuhod niya.
'Ano??!!! Ibig sabihin doon ako maghapon???!' Pakiramdam niya natunaw bigla yung kinain niya kaninang agahan, bigla kasi siyang nanlambot sa ideyang buong araw niya itong makikita at makakasama.
"Seryoso? Bakit doon?!" she asked nervously.
"Eh ganoon talaga," napangiwi ito at napakamot ng ulo, "Masyado kasing partikular si Sir pag dating sa mga documents. He wants everything organize at may copy siya... at saka hindi lang files pati narin mga music materials niya na ginagamit sa trabaho. You need to keep his office clean and well-organize too, or else the Dragon will burn you alive, and lastly his coffee," paliwanag nito na may kasamang babala, at pananakot.
'Yung totoo?! Talagang tinakot pa ko?' Hindi na nga magkandaugaga sa pagtambol yung puso niya sa loob ng dibdib nang malamang doon siya sa loob maghapon, tapos ganoon pa yung paraan ng pagkakasabi nito?
Napasimangot na lang siya at napanguso, "Akala ko ba tutulungan mo ko?! Eh bakit ka na nanakot diyan?" sumbat niya dito.
"Oo nga, kaya nga ngayon pa lang sinasabi ko na yung ie-expect mo, para less mistake. You need tons of patience and bulletproof che-" napahinto ito sa pagsasalita at bahagyang nanlaki ang mga mata nang mapabaling sa likod niya, kaya naman wala sa sarili din niyang nalingunan ang direksyon kung saan napako ang mata nito.
"Don't you guys think it's too early for gossip?" his cold tone sends shivers down her spine.
Matalim nitong pinukol ng tingin si Meg na mabilis na yumuko, nag-sorry na animo'y pagong na nanliliit na pumasok sa shell nito at dahan-dahang lumayo sa kanya.
And then to her. "And you..." He put one hand on his pocket. "... you haven't started yet and you are already gossiping?"
She holds her breath when she met those cold but burning gaze from his sharp brown eyes. Gusto niya sanang sumagot pero may pakiramdam siyang hindi makakabuti yun.
'Ano Ja matatakot o matutunaw? Magdesisyon kana aba!' He is so damn handsome na to the point na hindi niya alam kung anong uunahing maramdam. Ang aga-aga para magpantasya pero paano bang hindi? 'Eh para itong bagong lutong waffles sa fresh at bango ng amoy nitong nakaka pang-akit.'
"I want an Iced Americano in 5 minutes." At tumuloy na ito sa pagpasok sa opisina, ngunit hindi pa rin siya makagalaw, hindi nga rin niya sigurado kung nahinga pa siya.
"Hoy kape daw!" Tapik nang atribidang si Meg sa kamay niya at iyon ang nagbalik sa kanya sa mundong ibabaw na agad niyang ikinataranta. Mabilis siyang tumakbo papuntang coffee station at sinimulang gawin ang Iced Americano.
"Ang aga-aga Iced Americano?" kuno't noong kausap niya sa sarili, "Luh! Baka malamigan naman ang tiyan niya."
"For Yuki?"
"Ayyy Koala!" Gulat niyang bulalas sa taong nagsalita mula sa likuran niya.
He chuckled when he saw her almost jump. "Sorry, I didn't mean to startle you. Oh-" Bahagyang napataas ang dalawang kilay nito nang makilala siya. "You also work here?"
Nanlaki din ang mata niya nang mapagtanto kung sino ito, "Ah... oo kagabi lang din ako nah-hire dito Sir, as File Keeper," nahihiyang tugon niya rito.
"Ah.. I see well nice to see you again, and Nasser na lang huwag ng Sir. Hindi cool pakinggan eh, at saka bata pa rin naman ako, kasing edad ko lang yung boss mo." His side smile causes a dimple to form on his one cheek. Ngayon niya lang na-realize how attractive this man is, lalo na pala pagngumingiti ito. Dimples lang pala ang katapat at wala ng pag-uusapan. "You really are working hard."
Napayuko nalang siya at alanganing napangiti. "Ah can I help you?"
"No, I'm fine." He shook his head. "Prepare his coffee first, because for sure he gave you a time limit... right?"
"Ha?" lihim siyang napamura sa isip nang maalala niyang 2 minutes nalang ang natitira sa binigay nitong oras nang mapatingin sa orasan na nakasabit sa pader ng coffee station.
Mabilis niyang nilagay ang dalawang shot ng espresso at vanilla syrup sa highball. Dinagdagan niya ito ng malamig na tubig na galing bottled water bago pinuno ng yelo at sa huli ay hinalo.
"Woah! You seem like an expert, no wonder Hoseff hired you," he said in awe while watching her do her job.
Nagpasalamat muna siya sa pagpuri nito bago tuluyang dinala iyon sa opisina ng amo niya.
"Ah Sir ito na-"
"Don't you know how to knock?" he slightly tilts his head on the side and shoots her again with his serious cold sexy eyes.
"Ah... s-sorry Sir," alanganing siyang napangiwe bago tuluyang lumapit dito at maingat na nilapag sa lamesa nito ang kapeng inutos nito.
Napansin niyang maraming nakalagay sa lamesa nito and mostly are music gadgets. May parang maliit na piano sa ibaba ng keyboard ng computer nitong may tatlong curve monitor, headset na parang pang studio at marami pang ibang aparato na may mga pihitan na hindi niya alam ang tawag. May mga music book din doon na may sulat kamay na mga nota at mangilan-ngilan na bura-bura.
"Your job is to clean that mess..." Sabay turo sa isang parte ng opisina nito kung saan may nakakalat na mga kahon na punong-puno ng CD at mga sinaunang plaka. "...not to stare at me like freak."
Pasimple siyang napasimangot sa sinabi nito bago tuluyang tumalikod. Ngali-ngali niya itong kutusan. Matapos niya ito ipagtimpla ng kape ay susungitan lang siya.
'Lord help me, kailangan ko ng extrang pasensya.'
Nang makalapit siya sa itinuro nito ay wala sa loob siyang napanganga. It's like a small library of CDs at naka alphabetically arrange ang mga ito. Nakaayos ang mga iyon sa mga de hatak na shelves at naka paloob sa parang cabinet na set up nitong lalagyan.
"Woah," she mouthed to herself as she felt so amazed and envious at the same time while looking at all of his collections.
Pangarap niya iyon, ang makabili ng albums ng mga paborito niyang singer pero wala siyang kakayanan, dahil sa dami ng dapat unahin kesa doon, samantalang ito'y kompleto. Kahit nga siguro hindi naman nito iniidolo ay meron doon.
Ang gara at napakalaki rin ng opisina nito, it's a combination of minimalist and industrial interior pero elegante pa ring tignan. Sa mga ding-ding nito ay may iba't-ibang klaseng vintage na gitarang nakasabit. Meron ding Wall of Fame spot kung saan nakadisplay sa isang napakataas na estante ang isang katutak na awards at sa gitna ay mayroong mga couch at coffee table na mukhang sinadya para sa mga panauhin.
Sinimulan niyang ayusin ang mga ito ayon sa sistemang na obserbahan upang abalahin na rin ang sarili at panadaliang hindi maisip na may Dragon siyang kasama.
Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos nang maramdaman niyang may matang nakamasid sa kanya, kaya naman napalingon siya kung saan nanggagaling yung pakiramdam na iyon. And she is right, he is looking at her o mas tamang sabihing pinapanood yata siya nito, pero hindi man lang ito natinag nang magtama ang mga mata nila. Walang emosyon siyang nababanaag sa mukha nito at nakatitig lang talaga sa kanya na para bang isa siyang kawalan, but it's sending her goosebumps, dahil hindi siya sanay na matitigan ng ganoon plus, she gets easily destructed by his unfair good-looks.
"Ah... Sir m-may kailangan ka?" kahit utal ay naitawid niyang tanong dito.
He grins while tapping the pencil that he is holding on his lips, "Bakit ang sakit mo sa mata?"
Napakuno't ang noo niya kasabay ng pagngiwe. 'Ano daw? Bakit anong meron sa akin at masakit ako sa mata?!' pasimple niya tuloy tinignan ang sarili. Ok naman ang damit niya, pasok naman sa corporate attire kahit medyo luma na ay plinantya naman niya iyon ng maige. It's the same type of clothes like yesterday except that her blouse is color pink and as far as she can remember her face is something that she can be proud of or maybe because she's not wearing any make-up? Hindi pa kasi siya nakakabili. 'Eh hindi pa nga ako kasi sumasahod,' pagdadahilan niya sa sarili. naisip niya baka nga mukha siyang hagard.
"You know what, the maid in our mansion looks more professional and wears better clothes than you," he sounds sarcastic and insulting.
'Well kelan ba hindi?!' Mukhang normal naman na sa pagkatao nito ang manglait ng kapwa. Sobrang passionate talaga ito sa ganoong gawain. 'Parang more lait more fun ang motto ng hudyo na ito ah!'
Bahagya niyang kinagat ang labi upang timpiin ang hatid na kirot nang pang-iinsulto nito. Hindi nito alam na sa mga oras na iyon ay tanging ang mga damit lang na iyon ang matatawag niyang kanya, na wala siyang choice kundi ang pagtyagaan ang mga iyon dahil wala siyang pambili, hindi katulad nito na baka nga itinatapon na ang damit matapos suotin sa isang araw dahil sa sobrang yaman.
"Ganoon ba Sir? Pasensya na ito lang meron ako," She made it sound unaffected but she failed. For sure she looks in pain.
Bumuntong-hininga ito at bahagyang pinatunog ang leeg. Umiling-iling pa ito bago tuluyan siyang inignora at ibinalik ang atensyon sa ginagawa nito.
Nang tumalikod siya ay napabuga nalang siya ng hangin. 'Topak amp!'
Maya-maya pa ay narinig niyang tumayo ito dahilan upang silipin niya mula sa gilid ng shelves.
"Come here," he called out.
Mabilis naman siyang lumapit dito at tahimik na naghintay sa iuutos nito.
"Hold this." pasimple nitong initya sa kanya ang isang folder kaya naman natataranta niyang sinapo ito at napalapit dito, medyo malayo kasi siya. "And this..." Mga apat pa na makakapal na folder yung ipinatong nito sa naunang folder na nasapo niya na nag-uumpisa ng bumigat, kaya dalawang kamay niya na ang ginamit sa pagbitbit noon.
"Let's go," kaswal nitong wika na agad nagpasunod sa kanya sa likuran nito. Ito yung tipo ng tao na parang hindi tao kundi isang bato na wala kang madadama kundi ang matigas nitong kalooban. Ito yung tipong hindi magrereact kahit umiyak ka sa harapan niya ng dugo. Ito rin yung tao na hindi alam yung salitang awa basta ang importante masunod lang ang kagustuhan.
Halos hindi siya magkandadala sa mga folder tapos ang bilis pa nitong maglakad. Kaya para siyang kawawang hahabol-habol dito.
Pasimple pa silang nag-usap sa mata ni Meg nang makalabas sila nito. Sumenyas ito ng okey at parang nagtatanong ang mga mata. Pinaikot nalang niya ang eyeballs niya ng 360 degrees bilang tugong na dahilan upang mapatakip ito sa bibig para huwag makagawa ng ingay bunga ng paghagikgik nito.
'Aba nagawa pang tumawa ng loka! Yung totoo siya yung sekretarya o ako?' Lihim niyang maktol.
Habang naglalakad siyang nakasunod sa likuran nito ay hinayaan nalang muna niya ang sariling malibang muli sa mga nakapaskil na larawan sa pasilyo upang pagaangin ang loob niya at hindi masyadong maisip na ang bigat ng dala niya.
Nakita na naman niya si Travis at Jake kaya agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya. They really look surreal and imagine that she met them yesterday, 'Ang bongga ng feeling!!!!' Lihim niyang tili sa sarili.
Kakapantasya niya hindi na niya namalayang huminto na yung sinusundan niya kaya naman nagulat nalang siya nang bumunggo siya sa dibdib nito na dahilan upang masinghot niya ang kabanguhan nito.
"What the hell?" narinig pa niyang inis na sambit nito. Naramdaman din niya ang isang braso nitong napasapo sa gilid ng kanyang baywang at gawa ng manipis na tela ng kanyang damit ay parang dama din niya ang init mula sa palad nito.
Nang magtama ang mga mata nila ay halos hindi maipinta ang mukha nitong nakatitig sa kanya.
'Luh grabe walang pores!' Napanganga siya nang matitigan ito sa malapitan. 'Pucha mas gwapo pala ang dragon na ito sa malapitan at sobrang bango!!!!' Nagdulot iyon ng mumunting kuryenteng kumikiliti sa kanyang mga ugat.
Naramdaman niya ang marahang paglayo nito sa kanya dahilan upang mataranta din siya at dumeretyo ng tayo.
"S-sorry Sir." Bahagya pa siyang yumuko at hiyang-hiya na humingi ng paumanhin.
Matalim lang siya nitong tinignan at inirapan.
'Grabe galit agad?! Hindi naman sinasadya eh!' Gusto niyang mainis pero natatalo iyon ng patuloy paring nangingiliting kuryente na hanggang ngayon ay dumadaloy sa ugat niya.
Diniinan niya ang pagkagat sa labi upang pigilan ang namumuong ngiti roon. Pakiramdam niya kasi ay mapapatili siya dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. Hindi niya rin maintindihan kung bakit may sumasakit na parte ng dibdib niya.
Mula sa elevator hanggang makarating sila kung saan man ito pupunta ay nanatili silang walang imikan. Pumasok sila sa isang recording studio kung saan agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dalawang kani-kanina lang ay pinagpapantasyahan niya.
Oras siguro ng ensayo ng mga ito. Nasa kabilang side ito ng silid na hinahati ng isang malaking salamin. The two are standing back to back with each of them have their own hanging microphone and they are also wearing headset. Meron ding bandang nakapaligid sa kanila na nakapwesto sa kani-kanilang hawak na instrumento.
Sinalubong naman sila ni Nasser. "Bro," And they did the same hand gesture na nakita niyang ginawa ng amo niya sa coffee shop. Naupo ito sa isa sa mga bakanteng upuan doon kung saan meron pang isang lalaki na mukhang ito ang namamahala sa napakalaking aparato na maraming buton at pihitan na hindi niya naiintindihan kung para saan.
Pasimple lang din siyang binati nito, "Hey Ja, come have a sit," Ipinaghila pa siya nito ng upuan sa gilid.
"You know her?" Napataas ang isa nitong kilay nang marinig ang ginawang pagbati sa kanya ni Nasser.
Parehas pa silang napamaang nang mapalingon dito.
"Ah yeah, I met her in..." Mabilis niyang pasimpleng inilingan ito nang mapatingin sa kanya. "I-i met her in the coffee station a while ago." Alanganin itong napatawa. Buti na lang nakuha nito ang ibig niyang sabihin.
Hindi na ito nag-react at ibinaling ang atensyon sa unahan. Sinuot nito ang headset at abalang nakipag-usap na sa isang lalaki.
"Hindi niya alam?" mahinang pabulong na tanong sa kanya ni Nasser.
Umiling lang siya at napangiwi.
"Buti hindi ako nadulas." Napahagikgik silang dalawa nang mapakamot ito sa ulo.
Sa totoo lang komportable siyang kausap ito. He seems like a nice guy. Actually, he is polite and gentleman plus, the fact that he is also good-looking and cool too. Ipinaghila pa siya nito ng upuan samantalang yung amo niya alipin ang tingin sa kanya at eyesore.
'Che! Gwapo pero maitim ang budhi!' Pasimple niya itong inirapan sa utak ng silipin ito, abala ito sa pakikipag-usap kaya malaya niya itong namamasdan. 'Ano kayang pinaghuhugutan nito ng kasamaan ng ugali? Gwapo pa naman... sayang na sayang, hmmp!'
Tila nalibang na siya kakatitig dito na para bang feeling niya nakatingin na din ito sa kanya at tanging tibok ng puso na lang niya ang naririnig niya sa kabila ng ingay sa paligid.
"Hey Ja, are you ok?"
Napapitlag pa siya ng tapikin siya sa balikat ni Nasser, "Yuki's asking for the folders."Napakurap-kurap pa siya nang mapatingin kay Nasser at mabilis na na-inabot ang folder dito.
Nang muli niyang balikan ng tingin ang amo niya ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya dahilan upang manlaki ang mga mata niya. 'Patay nahuli ba ako kanina?!' Nagpa-panic niyang tanong sa sarili.
Inirapan na naman siya nito nang maiabot ni Nazzer ang folder.
'Shit! Nakakahiya ka Ja!' Inis na kutya niya sa sariling kagagahan. Mukhang hindi imagination na nakatingin din ito sa kanya kanina.
She can't believe what she's hearing. Basta na lang nanayo ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan nang marinig ang kantang katatapos lang awitin nung dalawang pantasya niya sa kabilang kwarto. Pinahiram kasi siya ni Nasser ng headset upang mapakinggan din niya.
She have never heard of that song before, marahil ay bagong likhang awitin yoon para sa dalawa. Medyo matagal na din kasi nung huling naglabas ng album ang mga ito kaya siguradong pinaghahandaan talaga ang kanilang muling pagbabalik.
Malungkot ang kantang iyon at damang-dama niya bawat salitang nilalaman pati na rin ang labis na emosyon bumabalot dito na talaga namang nabigyan ng hustisya nung dalawang iniidolo niya. Para bang ang lalim ng pinaghuhugutan ng sumulat nito.
Hindi naging sapat ang mga luha,
Upang piliin mong ako ang makasama
Wala na bang natitirang puwang sa puso mo ang isang katulad ko?
Hindi ba naging sapat ang pasamo,
Upang piliin mong huwag lumayo.
Dahil ang sakit ay parang hindi na natatapos... simula nung akoy iyong lisanin.
Mga linyang tumatak sa isip niya. 'Yung gusto ko lang makinig pero mapanaket sila.' Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at pakiramdam niya na-depress siya ng konti.
"What do you think?" tila walang ganang tanong ng amo niya sa lalaking kaninang maraming pinipihit na kung ano-ano sa harapan nila habang nakikinig sila.
'Luh manhid hindi man lang na apektuhan?'
"Eh boss wala na kong ma-isasuggest pa," nangingiting sagot nito dito at bahagyang nag-inat. "Pag ikaw talaga ang gumawa, walang revision."
"Oo Bro, I don't think it will be needing any adjustment. It's perfect the way it is." second the motion ni Nasser.
Bahagya siyang napakagat ng labi at pasimpleng kinokotongan ang sarili sa loob ng kanyang isip. Nauuna kasi talaga yung judgemental niyang utak. 'Eh sino bang mag-aakala na siya ang lumikha noon???? Saan banda ba kasi ng Dragon mo matatagpuan ang puso nito?'
"Woah! Boss Yuki napakalupit mo talaga! Isa kang alamat. We love your song, we are so honored for you letting us sing your masterpiece."
Napaangat siya ng ulo nang marinig ang mga tinig nito. Nakalabas na ang mga ito mula sa kabilang kwarto.
"Kaya nga Boss! Sumakit yung puso ko dun pero, damn we love it so much!" Napahaplos pa ito sa dibdib habang nakapikit as his nose cringkled cutely.
'Si Travis at Jake!!! Emeyged!!!!' Super gwapo ng mga ito na to the point na kahit may mga bandana itong nakatali sa ulo na parang ermitanyo ay nagmukmukhang fashion trend dahil sa tikas ng mga itong magdala.
"Woah." Napahinto ito nang mahagip siya ng paningin. "S-si Janine ba yun?" Gulat na gulat nitong turo sa kanya. Jake's big doe-eyes melts her heart. 'He looks like a baby!' Naaalala siya nito. Siguro kasi kahapon lang naman sila nito nagkakilala pero kasi sino ba naman siya para maalala ng mga katulad nito.
"Woah!!! Oo nga!" bumakas rin ang labis na kasiyahan sa mukha ni Travis nang masilip siya dahil bahagya siyang natatakpan ni Nasser at mabilis na lumapit sa kanya.
'Isa pa ito!!! Paki dampot na lang sa sahig yung puso ko Lord!'
"What are you doing here?! Siguro gusto mo kong makita noh?!" tuwang-tuwang tanong nito at nagpacute pa nang pinakutitap nito ang mga mata. Ikinagulat pa niya nang yumuko ito at sapuhin ng dalawang palad ang mga pisngi niya. Tila tumigil sa pagbomba ng hangin ang baga niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya at nakangiting minasdan siya.
'Ano ito panaginip? Luh masasampal ko talaga kapag may gumising sa akin promise!'
"Hoy! Huwag mo ngang hawakan si JA ng ganyan napaka-feelingero mo!" Mabilis ding sugod sa kanila si Jake at inagaw siya kay Travis kaya napatayo siya at pagkatapos ay itinago siya sa likod nito. "Hindi naman kayo close eh!"
"Aiiish! Ang sabihin mo na-iinggit ka lang!" mapang-asar na balik dito ni Travis na bahagyang pinatirik ang mata na dahilan upang mapatawa siya.
Napangiti naman ito nang marinig ang hagikgik niya sabay kindat na siyang nagpabatobalani sa kanya habang naiwang nakaawang ang bibig.
"Nasser, what's wrong with this two?" nakasimangot na tanong ng amo niya habang pinapanood sila.
Alanganin napatawa si Nasser at napakamot sa batok. "Growing up? I guess."
"How did you guys know her?"
"She's working for Kuya Hoseff in Purple Macchiato," walang prenong bibig na sagot ni Travis.
Nagkalingunan sila Nasser na hindi napigilang mapatampal sa noo.
Napataas naman ang kilay ni Travis nang makita ang naging reaction nilang dalawa ni Nasser at tila nakuha ang ibig sabihin nun at napasapo na lang sa bibig nang mapagtanto ang nagawa.
"I didn't know she's immortal," kaswal na wika nito at muling ibinalik sa folder ang atensyon na dahilan upang makahinga siya ng tuluyan. Akala pa naman niya magagalit ito pero buti na lang hindi.
"Daldal kasi," Narinig pa niyang kutya ni Jake kay Travis na pasimpleng gumanti ng make-face dito.
Minsan naiisip niya tuloy kung paano naging duo ang mga ito kung laging nag-aangilan.
Pasimple niya uling nilingon ang amo niya na naabutan niyang matamang nakatingin rin sa kanya pero agad na inalis nang pa-irap as usual. 'Boy Irap yarn?!' She scoffs inside her.
"HOW long have you been working for him?"Wala sa loob siyang napalingon dito. Magkasama na naman sila sa loob ng elevator at pabalik na ng opisina. After kasi nitong malaman na nagtatrabaho siya sa Purple Macchiato ay hindi naman na ito muling nagtanong pa tungkol doon. Obviously wala naman itong pakealam, pero naisip niyang baka hinintay lang talaga nito na silang dalawa na lang at saka siya nito tatadtarin ng sermon. Bigla tuloy siyang inatake ng kaba."Ah... actually, ito din Sir yung first day ko sa kanya," may kalakip na alinlangan na sagot niya dito.They are just standing side by side and the only way that their eyes are meeting is by looking at the mirror door of the elevator. Wala
LUMIPAS ang isang linggo at unti-unti na siyang nasasanay sa bugnutin niyang amo. Masungit pa rin ito at laging pahirap sa tuwing ioorder niya ng lunch, na buti na nga lang ay laging to the rescue ang mabait niyang boss sa Purple Macchiatto.Ngunit isa lang ang napansin niya, na sa tuwing tatanungin niya ito about kay Yuki, pasimple nitong iniiba ang usapan. Kaya tuloy lalo lang siyang naku-curious kung bakit?'Hindi kaya may alitan ang dalawa?'Sa loob loob niya, pero hindi din naman malayong mangyari dahil sa sama ng ugali ng amo niya.."Hoy, tulala lang girl?" Napakurap-kurap pa siya nang ikaway ni Meg ang kamay sa tapat ng mukha niya. Kasabay kasi niyang nananghalian ito a
"WOW!" nakangangang nasambit na lang ni Meg nang makita siya, "Grabe ikaw na! Sana all marunong magtimpla ng kape," inggiterang kantyaw nito habang nang-iinis na nginiwe ang labi.Hindi na siya nagtataka sa reaksyon nito, dahil kahit siya ay hindi nakilala ang sarili nang mamasdan ang itsura sa harap ng salamin kanina.Oo nga at napakalaki nung diperensiya nang suotin at gamitin niya yung mga gamit na binigay sa kanya kahapon. Nag-search pa nga siya sa yutubee kung paano mag-make-up dahil hindi naman siya sanay gumamit ng mga kolorete sa mukha. Mabuti na nga lang at nakakita siya kung paanong gawin ang
"WE have good news and bad news. Which do you want to hear first?" Nasser pressed his lips together, making a fine line that signifies trouble.There are only three of them in the office. Jimiel, Nasser and him, because he sent out the annoying Filekeeper for a while. Kahit hindi ito nagsasalita kapag kasama niya ito sa loob ng opisina ay ramdam niya kapag sinisilip siya nito at pasimpleng pinagmamasdan.Hindi naman siya ganoon ka manhid para hindi maramdaman iyon. Hindi niya lang talaga ito pinapansin. Paminsan nga ay nahuhuli niya pa ito at biglang magpapanggap na may ginagawa kapag sinasamaan niya ng tingin.For some reason, he could stand her presence. Hindi katulad nung mga na unang Fi
"OH, Janine ang aga mo naman?" Napataas ang dalawang kilay nito nang makita siya habang nagpupunas ng lamesa."Hi Ja!" masiglang bati din sa kanya nung isa sa likod ng counter na abala din sa pagliligpit doonNakangiting binati niya rin ang morning shift duo ng Purple Maccchiato. This two boys are actually nice kahit sandaling oras niya lang nakakasama ang mga ito sa araw-araw na pumapasok siya sa coffee shop. Nalaman din niyang mga talent trainees pala ito sa HOO pero nakaka-tatlong buwan palang ang mga ito and they need to undergo 3 years of training before they can debute. Requirements din nila ang makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang grado kaya naman ganoon na lang ang supportang ginagawa ng amo nila dito.
"JA," Nagulat pa siya nang biglang siyang hawakan nito sa braso nang akmang bababa na siya ng kotse. Sumabay kasi siya dito papasok, dala ang magagarang gamit na binigay sa kanya noong Dragon. Balak niya itong ibalik dahil wala ng dahilan para itabi niya ang mga iyon at isa pa ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito gayong hindi naman siya nagtatrabaho para dito. "Gusto mo ako na lang ang magbalik niyan?" may kalakip na pag-aalalang suhestyon nito. Pinilit niya itong dulutan ng ngiti upang iparating na wala itong dapat ipag-alala. "Ok lang ako ate, at saka ang dami nito gusto mong mag-thumbling yang bulinggit sa loob ng tiyan mo?" Napatawa ito at mahinang nahampas ang braso niya. "Lukaret ka talaga, oh siya ikaw ang bahala... ang iniisip ko lang naman baka bugbugin mo yung amo namin bigla," birong sabi nito nang makababa sila. "Oh-" kunwari'y gulat
PAKIRAMDAM niya natuklaw siya ng ahas nang ituro nito ang direksyon niya. 'S***a!' Abot-abot na lang ang kanyang pag-sisisi sa pagiging Marites niya dahil hayun at nadamay na nga siya ng tuluyan. Parang gusto na nga din niyang sugurin si Jimiel at siya na lang ang sasakal dito. Akalain mong hindi na talaga ito nakonsensya sa mga nagawa sa kanya at ngayon ay inilalagay pa siya sa alanganin. Tuluyan ng nawala ang pagtingin niya dito at labis na pagkabwisit na ang pumalit doon. Natulos siya sa kinatatayuan nang bumaling sa kanya ang matanda at walang pakundangan siyang sinuri mula ulo hanggang paa hanggang sa marating nito ang harapan niya na talaga naman halos ikalaglag na ng mga mata niya sa sahig dulot ng sobrang kaba. Hindi niya maipaliwanag pero parang
"OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm
'S***A ang gwapo!' hindi niya napigilang mapatili sa utak nang magslow motion ito sa paglabas doon. Panandalian siyang na destruct sa ganap nito. Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas ang sa bandang dibdib kung saan may pasilip sa makinis at maputi nitong dibdib, nakatuping pataas ang manggas sa mga braso na binagayan ng ragged denim skinny gray pants kung saan naka tuck-in ang pang itaas. He looks so damn good-looking at mukhang parating bagong ligo dahil tingin pa lang parang napakabango na. Ayos na ayos din ang blonde nitong buhok na naka brush-up showing his flawless forehead. Bagay na bagay dito yung dala nitong oto, na para bang mas pinatikas nito ang datingan ng ubod sa kisig na lalaking iyon. 'Kaso bakla ang hudyo. Hmmp!' Nauwi sa pangngiwi at panghihinayang ang kanya sanang pagpapantasya. "Yuki, what happened? Oh my God, you're bleeding," may pag-aalalang bungad nito sa kanila at agad na hinawakan sa pulso ang kasintahan. Mukhang hindi na ito galit at tanging lab
"WE heard that the best always comes the last." Sabay- sabay silang lahat napalingon sa tatlong taong kararating lang.It's the guy from a while ago, Harry. May kasama din itong isang lalaki at babae na sa tantya niya ay hindi nalalayo sa kanyang edad. For sure magkapatid ang dalawang kasama nito dahil magkamukha ang mga ito. Wala talagang tapon sa lahi ng mga Dragon. Lahat ng mga ito ay may kanya kanyang palanggang dala nang magsabog ang Diyos ng kagandahan sa lupa. Natitiyak niyang napakaganda at gwapo ng mga magulang nito."Oh! Akala ko hindi kayo makakarating?!" Tuwang-tuwang sinalubong ito ng lolo ni Yuki at nakipagbeso-beso na siyang sinundan din ng iba pang kamag-anak nito maliban kay Yuki na hindi man lang natinag sa tabi niya at parang walang kainte-interes habang pinapanood ang sosyalan sa harap nila."We can't miss this," nakangiting ani ng babae na bahagya pang sinilip ang direksyon nila ni Yuki at kumindat. "Plus, Popsie and Momsie wants proof and pictures when we go bac
"WOAH!" hindi niya napigilang bulalas nang makarating sila sa lugar kung saan magaganap ang sinasabi nitong dinner. Nanlalaking mga mata niyang binalingan si Yuki na daig pa ang mukha ng nalugi sa paninda nitong puto't kutsinta. Halatang-halata dito na napipilitan lang na pumunta doon. Actually, napipilitan lang din naman siya kanina, pero ngayon nakalimutan niya na ang ideyang yon nang makita ang buong lugar.Napakapit siya sa braso nito ng wala sa oras na agad umani ng pagkuno't ng noo nito sa kanya."Grabe Sir Yuki, ano ka anak nang maharlika? At saka may ganito pa lang lugar sa Pilipinas?! Hindi man lang ba ito nababalita sa TV?" curious na curious niyang usisa dito.Napangiwi ito at parang allergic na inialis ang mga kamay niya sa pagkakakapit sa braso nito. "Hindi ako maharlika and obviously meron lugar na ganito. Ayan na nga nasa harap mo na diba? Nagtatanong pa?" Inirapan siya nito at nagpatuloy
"AH Sir Yuki wait lang ha, I just need to answer this call," paalam ng Stylist sa kanya bago lumabas ng VIP room na bahagya niyang natunguan. Halata sa mukha nito ang pagka-stress sa kanya. Actually wala namang panget sa sinukat ng Filekeeper niya, wala pa lang talaga siyang napipiling sobrang nagustuhan niya, dahil hindi siya nasanay na pumili ng ok lang kung hindi yung the best dapat, pero lahat naman bagay dito. Actually, kahit anong isuot nito nagmumukhang mamahalin, kahit nga yung mga lumang damit nito noon ay bagay naman dito kaso lang manipis lang talaga at nakakaasiwang tignan. "Sir Yuki!" He heard her whisper yells while peeping behind the Fitting room's curtain. "What?" Napataas naman ang isa niyang kilay. Ano na naman kayang problema nito? "Nasaan yung Stylist?" "He went outside to take a call. Why?" "I need help," she
MGA 30 minutes na din silang bumabiyahe at habang nababawasan ang gusaling nakikita nila merong isang gusaling pumukaw sa kanyang atensyon. On the upper part of the building there's a label that says "The Gold Web Tower" and it's made out of shinny gold metals, na kumikislap sa kintab lalo na kapag tinatamaan ito ng sinag ng araw. The whole building was made out of dark coffee shade tinted glass. It's not too high maybe 50 to 55 floors and it looks separated from city since, napapaligiran ito ng daan na puno ng mga matatas na ibat-ibang klaseng mga puno, but mostly Pine trees. It's like between being the urban and rural area. The path looks exclusively made only for those people who will go exactly to that building. Bago ka rin makapasok doon ay dadaan ka sa napakalaking black and gold gate kung saan may
KABANG-KABA siya nang maalimpungatan dahil wala na ang among si Yuki sa tabi niya. "Nasaan na yon?" Kuno't noo niyang inilibot ang paningin sa buong lugar, ngunit medyo madilim na kaya wala siyang gaanong maaninag. Tanging ang buwan lamang sa labas ng bintana ang pinanggaggalingan ng liwanag Tumayo siya at dahan-dahang humakbang upang masigurong hindi siya mabunggo sa kahit ano ngunit, napahinto siya sa paghakbang nang makita niyang may bultong nakaupo sa upuan ng amo niya, pero hindi siya sigurado kung ito nga si Yuki dahil nanggagaling sa likod nito ang liwanag ng buwan. "S-sir Yuki, ikaw ba yan?" ewan niya kung bakit siya nanginginig pero parang horror ang ambiance ng opisina nito bigla. Ganoon pala doon pag gabi, mabuti na lang pala at maaga siyang umuuwi lagi.'S***a takot ako sa multo!!'Bahagya niyang naikuyom ang kamao na animo'y inihahanda ang depensa para sa sarili sakaling may biglang lumita
'HAYYYS, ako na third wheel, ewan ko sayo Ja.'Nailingan na lang niya ang sarili sa isip. Ewan niya kung bakit lagi na lang niya naisasali ang sarili sa mga ganitong bagay? Kung tutuusin dapat ay mag-oout na siya at hayahay na sanang papasok sa paborito niyang amo, pero hindi at adelantada siyang nagvolunteer na bantayan itong kolokoy na pasaway. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na pwedeng magback out kaya naman... "Sir Yuki, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka diyan ah?" "Check out," walang gana nitong utos. Nakatingala ito at tulalang pinagmamasdan ang kisame. 'Kita mo itong loko-lokong ito!'Siya na nga nagvoluteer siya pa yung pinauwi? "Ahhh... Sir Yuki hindi kita-" "I don't need you, I can take care of myself, just check out," kuno't noo itong nilingon siya, hindi dahil sa masungit ito pero parang may masakit dito. Nakita niy
PAPASOK na sana siya ng elevator nang matigilan. Babatiin niya sana ang mga ito ngunit parang hindi siya nito kilala. Nakasimangot na tumingin sa taas si Jake at si Travis naman ay animo'y may interesanteng tinigtignan sa sapatos nito. Kaya naman hindi na niya itinuloy at tahimik na lang na pumasok doon."Gosh I hate rumors," Travis mumbled after he lets out of a deep sigh. Napatingin tuloy siya sa mga ito mula sa salamin. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit agad na inalis nang magtama ang mga mata nila."If... that is a rumor. What if it's the truth?" Pasimple din siyang tinapunan ng makahulugang tingin ni Jake pero mabilis na inilipat sa partner nito."Well, She should've at least share it to her soulmates right?" sabi nito na pailalim pang tumingin sa kanya, "If she really trust them, but it seems like she doesn't," may pagtampong ani nito na pasimple pa siyang inirapan.Kung pwede lang niyang pag-untugin ang dalawang
"OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm