Beranda / Romance / I KNOW HIS SECRET / Chapter 7: The Hot Coffee in the Evening

Share

Chapter 7: The Hot Coffee in the Evening

Penulis: Miss PK
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-05 21:40:15

LUMIPAS ang isang linggo at unti-unti na siyang nasasanay sa bugnutin niyang amo. Masungit pa rin ito at laging pahirap sa tuwing ioorder niya ng lunch, na buti na nga lang ay laging to the rescue ang mabait niyang boss sa Purple Macchiatto.

Ngunit isa lang ang napansin niya, na sa tuwing tatanungin niya ito about kay Yuki, pasimple nitong iniiba ang usapan. Kaya tuloy lalo lang siyang naku-curious kung bakit?

'Hindi kaya may alitan ang dalawa?' Sa loob loob niya, pero hindi din naman malayong mangyari dahil sa sama ng ugali ng amo niya..

"Hoy, tulala lang girl?" Napakurap-kurap pa siya nang ikaway ni Meg ang kamay sa tapat ng mukha niya. Kasabay kasi niyang nananghalian ito at ang Ate Mariane niya pero parang lutang naman siya at wala ganang kumain.

"Hindi ka ba gutom? Akin na lang itong Lumpiang Shang-" Akmang tutusukin na ni Meg ang Lumpiang Shanghai sa plato niya nang paluin niya ang kamay nito. "Aray! Mapanaket dahil sa lumpia kita ugali?!" d***g nito nang mahaplos ang sariling kamay.

"Kunin mo na lahat huwag lang ang Lumpia." Pinandilatan niya pa ito ng mata. Ang totoo hinuhuli niya lang iyon kainin dahil iyon ang paborito niya. Inilagay niya sa plato nito ang isang manok na may sarsa na agad na nagpabago ng reaksyon sa mukha nito at lumuwang ang ngiti sa bibig, para talaga itong bata ang daling utuin.

Nangingiting napailing-iling na lang siya.

"Baka naman nasosobrahan ka sa pagod JA, dalawa-dalawa kasi yang trabaho mo." Napabaling siya sa Ate Mariane niya. Naroon ang pag-aalala sa mukha nito.

Bumuntong-hininga siya at matipid na ngumiti. "Kaya pa naman ate, at saka na-iimmune na kong kasama yung Dragon."

"Oo nga Ate Mariane, kayang-kaya yan ni Janine," sangayon ni Meg habang sinisimulang lantakan ang ibinigay niyang manok dito. "At saka hindi na nga masyadong nagsusungit yung Dragon nitong dumating si JA, pero syempre suplado pa rin. May magic nga ata talaga ang kape, dahil mas madalas na itong nagpapatimpla kesa noong dati. Saka si Janine na lagi ang sinasama niya sa mga rounds."

"Ganoon ba? Basta JA pagka may problema magsabi ka lang ha?"

Nakangiting tumango na lang siya dito upang huwag ng mag-alala pa sa kanya. Ang totoo nga mas inaalala niya ito dahil lumalaki na talaga ang tiyan at madalas gabi na siya kung umuuwi, kaya naman minsan tinatawagan niya pa ito kapag hindi siya busy upang i-check kung ayos lang ba ito. Minsan naiisip niya kung paano nito nahahandle ang stress sa ganoong kalagayan.

'Asan na kaya yung hudyong nagtanim ng binhi kay ate?' Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya alam ang kwento tungkol doon dahil mukhang ayaw naman nitong pag-usapan ang bagay na iyon.

Agad siyang bumalik sa trabaho after niyang mag-lunch. Naabutan niyang nandoon na naman si Jimiel. Nakaupo ito sa may ibabaw ng lamesa sa bandang gilid habang nakikipagkwentuhan sa amo niya na prenteng nakasandal sa upuan nito.

Sometimes she would see Jimiel laughing and his boss will slightly smile, only Jimiel can cause that reaction to him and nobody else. Lahat pareparehas nang seryoso lagi ang reaksyon ng mukha nito. Naisip niya tuloy siguro nga ay super close talaga ang dalawa at nakakabilib lang kung paanong napapangiti ni Jimiel ito, 'Eh parang krimen pagnapangiti mo ito.' He is also the only person who can receive a concern from this heartless man.

Napabaling ang dalawa sa kanya nang makapasok siya.

"Hey Ja!" nakangiting bati sa kanya ni Jimiel na bahagya niyang ginantihan ng tipid na ngiti baka naman kasi mapagbinatngan na naman siyang nakikipag-flirt. Kahit ang totoo parang normal lang naman ang ganoong ugali kay Jimiel, yun tipong malambing at jolly. He is nice but he never crosses the line, maybe a little bit kapag tumititig sa kanya pero sa side lang naman niya iyon, kaya hindi din niya maintindihan kung saan nakuha ng amo niya ang ideyang nakikipag-flirt siya. 'Yung totoo... ni jowa nga hindi pa ako nagkaroon tapos paano yung flirt? Paki explain.' Napaismid na lang siya ng lihim sa sarili.

Nang bumaling naman siya sa kanyang amo, ay matalim na tingin na naman ang pinukol sa kanya na para bang nagbabadyang bumuga ng apoy gaya ng normal nitong gawain sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

'Ano na namang hanash nito?'

"Alam mo itapon mo na lang yang cellphone mo kung wala ka rin namang balak sagutin ang mga tumatawag diyan," mainit na ulong bungad nito sa kanya.

"H-hah?" Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nakitang may 5 missed calls. Napaawang ang bibig niya at lihim na napamura nang makitang naka silent ito. Dahan-dahan niya itong nilingon. "S-sorry Sir, hindi ko po naialis sa silent." Parang gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan. Yari na naman siya, sermon na naman ang aabutin niya.

"Kanina pa ko tumatawag dahil may kailangan akong file," nakasimangot nitong sabi.

"S-sorry Sir," nakayukong hingi niya ulit ng tawad, "Ah ano po bang file yung kailangan mo? Kukunin ko na po agad."

"Wala na, nahanap ko na. Pati yung hindi ko trabaho ako na rin ang gumagawa, the hell is happening in this company?" Napabuga ito ng hangin at napatingin sa kaibigan na nagkibit balikat lang. "Ano pang tinatanga-tanga mo diyan?" Tinaasan siya nito ng isang kilay.

"Ah.. y-yes Si-" Hindi na niya natuloy nang matalisod siya sa mga nakaharang na mga paperbags sa likod ng sofa at tuluyan nag-swimming sa sahig dahilan upang tumilapon ang cellphone niya sa ere at walang kalaban-labang tumama sa marmol na lamesa at nang bumagsak ito sa sahig ay naging tatlong piraso na ito.

"Ooops!" Narinig pa niyang reaksyon ni Jimiel na mabilis tumayo at dinaluhan siya upang tulungan makatayo. "Are you ok?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. Iindahin sana niya ang sakit ngunit nadestruct siya sa itsura nito. Napakalapit ng gwapo nitong mukha sa kanya at parang nakaakap na rin ito sa katawan niya nang alalayan siya sa may baywang. "Huy JA," pinisil nito ng marahan ang pisngi niya dahilan upang mabalik siya sa huwisyo at tuluyang tumayo.

"Tsk." Parehas pa sila ni Jimiel napalingon sa palatak nito. "Aiissh..." Malalim itong napabuntong-hininga at nakangiwing napailing-iling habang nakatingin sa kanya.

Agad na namula ang mga pisngi niya bunga ng hiya, bakit kasi ngayon pa siya sinumpong ng kalampahan? 'Pero sino ba kasing naglagay doon ng mga paperbags s***a?!' Pero ang nakakainis na part sa lahat ay yung kahit hindi ito magsalita ay parang sinasabi nitong ang tatanga-tanga na nga siya ay lampa pa.

"Yung cellphone mo JA." Pinulot nito at nakangiweng iniabot sa kanya ang ngayo'y nahati na sa 3 piraso niyang cellphone. Wasak ang LCD nito, may bitak ang gilid ng battery, at may crack ang takip sa likod.

Nanlulumo niya iyong tinanggap mula kay Jimiel at nangilid ang luha. Halos mag-aanim na taon na sa kanya ang cellphone na iyon. Oo, at luma na ito ngunit pinaghirapan niya ang pag-iipon para mabili iyon. Ilang beses niyang tiniis ang sariling hindi bumili ng mga paborito niyang pagkain para lang makaipon ng pambili noon.

Jimiel pouts when he saw her slightly teary eyes. "I'm sorry about that,"

Napakaga't siya ng labi upang pigilan ang sariling tuluyang maiyak.

"If you want I can-"

"Jimiel," hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang tawagin ito ni Yuki, "Let's go out... I need some air." Tumayo ito sa kinauupuan at nakapamulsang lumakad patungo sa pintuan.

"Oh... ok," Muli itong bumaling sa kanya. "Ah sige JA later na lang." At tinalikuran na siya nito.

"I need a photocopy of those folders on my table. Make sure its done when I come back," bilin nito bago tuluyang lumabas.

Kaya tuluyan ng tumulo ang matatabang luha sa kanyang mga mata na mabilis niyang pinahid ng likod ng palad. Cellphone lang iyon pero feeling niya para siyang nawalan ng boyfriend. Kahit never pa naman siyang nagkaroon dahil napaka higpit ng nanay niya sa ganoong bagay.

"Siguro nga time na para i-let go kita," parang timang niyang kausap dito habang pinagmamasdan sa kanyang palad.

Nang matapos niyang ikalma ang sarili at mailabas ang sintemyento ay sinimulan na niyang gawin ang pinapagawa nito kahit pa nga tila nanlalambot siya sa sinapit ng cellphone niya.

Hindi siya pwedeng matagal magmoments dahil wala nga pa lang puso ang amo niya. Hindi nito maiintindihan yung pakiramdam ng isang katulad niya, dahil ang mga bagay dito ay mabilis lang nitong pwedeng palitan. Kung yung mga tao ngang mawawala sa kompanya ay walang halaga dito, yung bagay pa kaya? Kaya nang matapos niya ang ginagawa ay maayos niyang inalagay ang lahat ng iyon sa lamesa nito at itinuloy na ang ibang pang gawain.

Niligpit din niya ang ilang mga kalat-kalat na papel sa sahig, mga nilamukos na nito at tinapon lang sa sahig. Natukso siyang buksan ang isa sa mga iyon upang malaman kung ano nga bang mga nakasulat doon at at kung bakit ibinasura na nito.

Hearing your voice teaches my poor memory not to forget,

How beautiful it sounds into my ears.

How it gently caress my lonely soul,

A sweet melody that flies me to that blue sky inside my head.

I want to know where you are...

'Siya ba talaga nagsusulat ng mga ito? Paano? Parang hindi naman kapanipaniwala.' Napapakuno't na lang ang noo niya, pero hindi napigilang tiklupin ito ng maayos at ilagay sa bulsa. Bahagya pa nga siyang tumingin sa paligid na para bang sinisiguradong walang nakakita sa kanya. 'Sayang ang ganda-ganda, tinapon lang hayyys.'

Maya-maya pa ay narinig niyang bumukas ang pinto kaya mabilis siyang napatayo at wala sa sariling nabitbit ng mga kamay niya ang basurahan.

As usual seryoso ang anyo ng mukha nito. "What are you doing?" Tinaasan na naman siya nito ng isang kilay.

"Ah... sir kinukuha ko lang yung basura para mailabas ko na." Alanganin siyang napangiti dito na nauwi nalang sa pagngiwe.

"Then hurry, I still have so many things to do at hindi ko magagawa yun kung nakaharang ka diyan." Then he rolled his eyes at her.

'May sumpong na naman siya, Diyos ko patawarin!'

Mabilis siyang umalis doon at tuluyan na itong pumwesto sa trono nito. Napansin niyang may dala itong puting paper bag. Naisip niya tuloy, marami pa pala itong gagawin pero nagawa pang magshopping, pero dahil Boss nga naman ito ay pwedeng-pwede na mag-pethics.

"Bring me cappuccino double portion, when you come back." Pahabol nito bago siya makalabas.

"Yes Sir," matipid niyang tugon na hindi na ito nilingon pa.

Pakiramdam niya tamad na tamad siyang kumilos habang ginagawa ang kape nito, parang gusto na niya mag out at pumunta na lang sa Purple Macchiato, baka sakaling gumaang ang pakiramdam niya pag nakita niya ang ngiti noong isa niyang amo.

"Hayyyyy." Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

"Something wrong?"

"Ayyy kuneho!" gulat niyang bulalas nang may magsalita mula sa likuran niya.

He chuckles and she died.

'Charot!!! Emeyged bakit ba kasi nangbibigla ito?!' Nagkikikisay siya sa loob ng utak niya.

"S-sir J-ake.. ikaw pala." Gusto niyang hatakin ang sariling dila sa sobrang inis. Daig niya pa yung bulol sa kakautal niya.

"Luh grabe Sir talaga?!" His doe-eyes pop open and his lips form a small protruding O shape, making him the cutest creature on earth. "I'm sure I'm younger than you."

Napakamot tuloy siya ng ulo. Paano niya ba ito tatawagin? Feeling niya kasi akward ang tawagin ito sa pangalan, dahil hindi naman sila close nito, at isa pa Superstar ito, at siya ay hamak na Filekeeper lang. Though she still feels proud dahil marangal naman ang trabaho niya, ang kaso hindi maitatangging malayo ang diperensya ng katayuan nilang dalawa.

"Eh kung ganoon ok lang bang tawagin ka sa pangalan mo?" nahihiyang tanong niya dito.

"Oo naman... kung gusto mo tawagin mo na lang akong Baby, Sweety Pie o kaya naman Honey Bunch, hindi naman ako magrereklamo." Bahagya pang nagtaas-baba ang kilay nito at ngumiti ng pilyo.

Gusto niya sanang kiligin pero mas nagmukhang nakakatawa ito sa sinabi. Style kasi nito ay bulok, halatang bata pa kaya kung ano-anong sinasabi. Hindi niya napigilang mapatawa.

"Kaloka ka, last mo na yun."

"Joke lang, pinapatawa lang kita. Mugto kasi yung mga mata mo. I know working for Sir Yuki might be a little stressful." Lumapit ito sa gilid niya kung saan nandoon ang Beverage Fridge, kumuha ito ng maiinom at sumandal muna doon habang binubuksan ang hawak na bottled icedtea na pasimple pa siyang inalok na magalang niyang tinanggihan.

"Anong little stressful? Sobrang stressful kamo!" She made face and rolled her eyes making him giggle.

"I agree, minsan kahit kami nasesermunan din, pero alam mo kahit ganoon, naiintindihan naman namin ni Travis na... he is just doing his job. Being a CEO is not an easy job and it will never will. Imagine you need to know everything in the company, you have to make sure na ok ang production, dahil kapag nagkaroon ng bulilyaso sa kanya ang sisi noon. Just imagining it, I'm having goosebumps, the stress and pressure for him is higher compare to us." Pasimple pa itong parang nilamig sa ideya.

Hindi siya naka-imik sa sinabi nito. May point nga ito, pero hindi ba't parang ang OA naman nung lagi lang itong seryoso at parang galit sa mundo?

Nang makabalik siya sa opisina dala ang ginawang double portion na cappuccino nito ay nakita niyang nakasandal ito sa swivel chair at nakapikit habang nakapatong sa armrest ang mga braso. Naisip niya na baka nakatulog na ito, gusto man niyang pigilan ang sariling makaramdam ng awa para dito ay hindi niya mapigilan.

'Siguro nga pagod lang ito palagi kaya masungit.' She pouts as she places the coffee on his table carefully trying not to make any noise to wake him up. He still looks seriously handsome even in his sleep.

'Kung ako yan malamang tulo laway at nakanganga pa.'

"Hindi ka nga nag-ingay, but you still staring at me like a creep," wika nito nang unti-unting bumukas ang namumungay na mata, "Kung inaakala mong matutunaw ako sa tingin mo pwes ibahin mo ko."

'Luh paano niya nalaman?! May third eye yarn??'

"Ah s-sorry Sir." Mabilis siyang tumalikod dito at akmang hahakbang na nang...

"Take this!"

Paglingon niya ay natataranta niyang sinalo ang initsa nitong white na paper bag na dala nito kanina at halos mabuwal na siya masalo lang iyon, buti na nga lang ay may sofa siyang nasandalan.

'Bakit ba ang hilig nitong ihagis ang mga bagay-bagay?!' Paano pala kung hindi siya magaling sumapo edi sa sahig lahat dadamputin ang mga hinahagis nito. She sighs in relief ng masapo naman ito.

Kuno't noo niyang pinag-masdan ang paperbag na may nakasulat na Samsang X20. Sa pagkakaalam niya brand iyon ng cellphone kaya nalilito siyang napatingin ulit dito na ngayon ay sinisimulan ng ihipan ang kapeng ginawa niya matapos haluin.

Napakagat siya ng labi, tama ba ang pagkakaintindi niya? Binibigyan siya nito ng cellphone? Tila kinilabutan siya sa ideya, 'May sakit ba ito o nasasapian ng mabuting espirito?'

"Will you stop staring at me like that? It's annoying, seriously." Matalim na naman siya nitong pinukol ng tingin, "And also take that paperbags with you, ayoko ng makalat na office ko."

Napalingon siya sa anim na paperbag sa likod ng sofa na dahilan kung bakit siya natalisod kanina at kung bakit dumami ang cellphone niya.

"Ah... ano ito Sir?"

"Starting tomorrow make sure that you will not miss any of my calls or else... bring your resignation." Seryoso siya nitong tinignan. "And please...for Pete's sake burn your old wardrobe, starting tomorrow ayoko ng makikita ang mga lumang damit na yan na pauli-ulit mong sinusuot. You will not have anymore reason coming to work looking cheaper than my maids." Matapos siya nitong insultuhin ay ibinalik na nito ang atensyon sa harap ng computer nito.

Hindi siya nakaimik nang silipin ang laman ng anim na malalaking paperbags, It's a five set of corporate attire with matching shoes and bags. There's make-up and perfumes too. All of it are branded. Ibig ba nitong sabihin ay sa kanya na lahat ng iyon?

'S***a seryoso?! Iba pala mairita itong lalaking ito! May pa-shopping!'

"Eh S-sir, h-hindi ko po kayang bayaran ito," Baka naman kasi naka-charge iyon sa sasahurin niya ayaw niyang magpadalos-dalos.

Muli siya nitong sinamaan ng tingin. "Mag-check out ka na nga bago ko pa pabayaran lahat ng iyan sa iyo!" inis na hasik ito sa kanya, "Akala mo naman kayang bayaran, kahit habang buhay ka pang maging Filekeeper, hindi mo ma-aafford yan, " nakasimangot nitong kutya sa kanya habang nakatutok sa computer.

'Ayyy edi wow! Ako na hampas lupa,' Kung ihampas niya kaya ito sa langit?

"Pero S-sir bakit?" Kahit naiinis na ito feeling niya hindi siya mapapakali paghindi niya nalaman ang dahilan ng pagbibigay nito sa kanya ng mga gamit na iyon.

"Aiiiish! You don't have common sense, do you?" He gave her a sarcastic look. "Wala bang salamin sa bahay mo at hindi mo nakikitang hindi maganda sa imahe ng kompanya ko yang suot mong damit? Kailangan ko pa talagang iexplain yun sayo? Isang linggo nang sumasakit ang mata ko sayo!"

She can't help shrinking in the way he nags at her. 'Grabe siya manglait!!! With feelings yarn?! Sobrang taas ng standard s***a!'

"Ok na? Na-gets mo na?" Tinaasan siya muli nito ng kilay bago inirapan.

Napatango-tango nalang siya at napakagat na lang sa ibabang labi.

"Now get out of my sight!"

Halos mapatakbo siya patungong pintuan kahit hindi siya magkandadala sa dami ng bitbit.

"Oh, yan yung nireceive ko kanina ah... saan mo dadalin yan?" takang usisa ni Meg nang makita ang mga bitbit niyang mga paperbag.

"Eh binigay n-ni Sir."

"What?!!!! Binigay?!!! Bakit?!!!! Hala Mag-eend of the world na ba?!! May sasabog bang bulkan?!! Magpapatawag na ba ko ng albularyo?!!!!!" halos OA na histerikal na bulalas nito.

After nitong maglitanya ay tinitigan siya nang maige sa mukha na para bang doon nito mahahanap ang sagot. Bigla itong napapikit at napasuntok sa hangin bago lumayo at nagsiklot ang mga braso.

"Sinasabi ko na eh, tsk!" napapalatak ito at pinaningkitan siya ng mata.

Napakuno't naman siya ng noo. 'Ano na naman kayang umaandar sa utak ng atribidang ito?'

"Umamin ka nga sa akin," Bahagya ulit itong lumapit at bumulong, "Nilagyan mo ng gayuma yung kape ano?"

"Luh! Baliw hindi nuh?!" mariin niyang tanggi.

"Weh, Siguro nilalagyan mo nang tinga mo yun noh?" dagdag pa nito.

"Yuck! Kadiri ka naman!" diring-diring bulyaw niya dito. Malamang na nakotongan niya ito ng wala sa oras kung wala lang siyang bitbitin. "Mamaya may makarinig sayo s***a ka!"

Hindi pa rin siya nito tinatanggalan ng mapanuring tingin.

"Aiiiish! Siguro gawain mo yun noh?!" bwelta niya dito.

"Hoy, excuse me no! Sa ganda kong ito hindi ko kailangan ng gayuma." tinalikuran siya nito at bumalik na sa upuan nito na para bang biglang nawalan ng interes sa asaran nila.

Sinimangutan niya ito, "Kinakabahan nga ako baka mamaya naka-charge ito sa sahod ko." Bumuntong-hininga lang siya.

"Don't worry kahit ganyan yang Dragon na yan galante naman ang lolo mo. Barya lang lahat sa kanya yan. Pag nga may successful project nagpapabook yan ng dinner para sa mga tao niya, at minsan may pa out of the country tour pa," kwento nito habang nakatutok pa rin ang mga mata sa computer. Ngunit muling tumingin sa kanya nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. "Baka naawa sayo kasi sa totoo lang girl yung outfit mo medyo halatang luma na. Tapos ang nipis pa ng tela, kita na yun kaluluwa mo at alam naman naming lahat na biniyayaan ka ng sexing katawan. Kahit nga ako napapatunganga minsan lalo na sa ganda ng legs mo pagnagtutuwad ka diyan." Inirapan siya nito. "Kung ganyan lang ako ka sexy, kakinis at kaganda... ay malamang wala ako dito sa lamesang ito at nandoon ang litrato ko sa pasilyo."

Pinigil niyang sumungay ang ngiti sa labi dahil baka ma-misinterpret nito pero sa halip nauwi siya sa paghagikgik. "Baliw ka talaga Meg!"

"Aiiisshhh, sus naniwala ka naman?" Pinanlakihan siya nito ng mata.

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at nginiwian ito. "Buset."

"Mag-check out kana bago ko pa arborin yung isa diyan."

"Oh siya ba-bye!"

Nagpaalam din siya sa kanyang Ate Mariane na mauuna na siyang umuwi dahil sa dami ng dala niya. Medyo nagtaka din ito pero dahil abala ay hindi na masyadong nag-usisa.

Bab terkait

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 8: Who's Flirting?

    "WOW!" nakangangang nasambit na lang ni Meg nang makita siya, "Grabe ikaw na! Sana all marunong magtimpla ng kape," inggiterang kantyaw nito habang nang-iinis na nginiwe ang labi.Hindi na siya nagtataka sa reaksyon nito, dahil kahit siya ay hindi nakilala ang sarili nang mamasdan ang itsura sa harap ng salamin kanina.Oo nga at napakalaki nung diperensiya nang suotin at gamitin niya yung mga gamit na binigay sa kanya kahapon. Nag-search pa nga siya sa yutubee kung paano mag-make-up dahil hindi naman siya sanay gumamit ng mga kolorete sa mukha. Mabuti na nga lang at nakakita siya kung paanong gawin ang

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-07
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 9: Fired

    "WE have good news and bad news. Which do you want to hear first?" Nasser pressed his lips together, making a fine line that signifies trouble.There are only three of them in the office. Jimiel, Nasser and him, because he sent out the annoying Filekeeper for a while. Kahit hindi ito nagsasalita kapag kasama niya ito sa loob ng opisina ay ramdam niya kapag sinisilip siya nito at pasimpleng pinagmamasdan.Hindi naman siya ganoon ka manhid para hindi maramdaman iyon. Hindi niya lang talaga ito pinapansin. Paminsan nga ay nahuhuli niya pa ito at biglang magpapanggap na may ginagawa kapag sinasamaan niya ng tingin.For some reason, he could stand her presence. Hindi katulad nung mga na unang Fi

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-08
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 10: Night Buddies

    "OH, Janine ang aga mo naman?" Napataas ang dalawang kilay nito nang makita siya habang nagpupunas ng lamesa."Hi Ja!" masiglang bati din sa kanya nung isa sa likod ng counter na abala din sa pagliligpit doonNakangiting binati niya rin ang morning shift duo ng Purple Maccchiato. This two boys are actually nice kahit sandaling oras niya lang nakakasama ang mga ito sa araw-araw na pumapasok siya sa coffee shop. Nalaman din niyang mga talent trainees pala ito sa HOO pero nakaka-tatlong buwan palang ang mga ito and they need to undergo 3 years of training before they can debute. Requirements din nila ang makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang grado kaya naman ganoon na lang ang supportang ginagawa ng amo nila dito.

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-09
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 11: When Karma Strikes

    "JA," Nagulat pa siya nang biglang siyang hawakan nito sa braso nang akmang bababa na siya ng kotse. Sumabay kasi siya dito papasok, dala ang magagarang gamit na binigay sa kanya noong Dragon. Balak niya itong ibalik dahil wala ng dahilan para itabi niya ang mga iyon at isa pa ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito gayong hindi naman siya nagtatrabaho para dito. "Gusto mo ako na lang ang magbalik niyan?" may kalakip na pag-aalalang suhestyon nito. Pinilit niya itong dulutan ng ngiti upang iparating na wala itong dapat ipag-alala. "Ok lang ako ate, at saka ang dami nito gusto mong mag-thumbling yang bulinggit sa loob ng tiyan mo?" Napatawa ito at mahinang nahampas ang braso niya. "Lukaret ka talaga, oh siya ikaw ang bahala... ang iniisip ko lang naman baka bugbugin mo yung amo namin bigla," birong sabi nito nang makababa sila. "Oh-" kunwari'y gulat

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-11
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 12: Stuck in the Trap

    PAKIRAMDAM niya natuklaw siya ng ahas nang ituro nito ang direksyon niya. 'S***a!' Abot-abot na lang ang kanyang pag-sisisi sa pagiging Marites niya dahil hayun at nadamay na nga siya ng tuluyan. Parang gusto na nga din niyang sugurin si Jimiel at siya na lang ang sasakal dito. Akalain mong hindi na talaga ito nakonsensya sa mga nagawa sa kanya at ngayon ay inilalagay pa siya sa alanganin. Tuluyan ng nawala ang pagtingin niya dito at labis na pagkabwisit na ang pumalit doon. Natulos siya sa kinatatayuan nang bumaling sa kanya ang matanda at walang pakundangan siyang sinuri mula ulo hanggang paa hanggang sa marating nito ang harapan niya na talaga naman halos ikalaglag na ng mga mata niya sa sahig dulot ng sobrang kaba. Hindi niya maipaliwanag pero parang

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-12
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 13: Back to Work

    "OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-13
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 14: Ill Heart

    PAPASOK na sana siya ng elevator nang matigilan. Babatiin niya sana ang mga ito ngunit parang hindi siya nito kilala. Nakasimangot na tumingin sa taas si Jake at si Travis naman ay animo'y may interesanteng tinigtignan sa sapatos nito. Kaya naman hindi na niya itinuloy at tahimik na lang na pumasok doon."Gosh I hate rumors," Travis mumbled after he lets out of a deep sigh. Napatingin tuloy siya sa mga ito mula sa salamin. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit agad na inalis nang magtama ang mga mata nila."If... that is a rumor. What if it's the truth?" Pasimple din siyang tinapunan ng makahulugang tingin ni Jake pero mabilis na inilipat sa partner nito."Well, She should've at least share it to her soulmates right?" sabi nito na pailalim pang tumingin sa kanya, "If she really trust them, but it seems like she doesn't," may pagtampong ani nito na pasimple pa siyang inirapan.Kung pwede lang niyang pag-untugin ang dalawang

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-15
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 15: Between the Lines

    'HAYYYS, ako na third wheel, ewan ko sayo Ja.'Nailingan na lang niya ang sarili sa isip. Ewan niya kung bakit lagi na lang niya naisasali ang sarili sa mga ganitong bagay? Kung tutuusin dapat ay mag-oout na siya at hayahay na sanang papasok sa paborito niyang amo, pero hindi at adelantada siyang nagvolunteer na bantayan itong kolokoy na pasaway. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na pwedeng magback out kaya naman... "Sir Yuki, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka diyan ah?" "Check out," walang gana nitong utos. Nakatingala ito at tulalang pinagmamasdan ang kisame. 'Kita mo itong loko-lokong ito!'Siya na nga nagvoluteer siya pa yung pinauwi? "Ahhh... Sir Yuki hindi kita-" "I don't need you, I can take care of myself, just check out," kuno't noo itong nilingon siya, hindi dahil sa masungit ito pero parang may masakit dito. Nakita niy

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-16

Bab terbaru

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 21: The Deal

    'S***A ang gwapo!' hindi niya napigilang mapatili sa utak nang magslow motion ito sa paglabas doon. Panandalian siyang na destruct sa ganap nito. Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas ang sa bandang dibdib kung saan may pasilip sa makinis at maputi nitong dibdib, nakatuping pataas ang manggas sa mga braso na binagayan ng ragged denim skinny gray pants kung saan naka tuck-in ang pang itaas. He looks so damn good-looking at mukhang parating bagong ligo dahil tingin pa lang parang napakabango na. Ayos na ayos din ang blonde nitong buhok na naka brush-up showing his flawless forehead. Bagay na bagay dito yung dala nitong oto, na para bang mas pinatikas nito ang datingan ng ubod sa kisig na lalaking iyon. 'Kaso bakla ang hudyo. Hmmp!' Nauwi sa pangngiwi at panghihinayang ang kanya sanang pagpapantasya. "Yuki, what happened? Oh my God, you're bleeding," may pag-aalalang bungad nito sa kanila at agad na hinawakan sa pulso ang kasintahan. Mukhang hindi na ito galit at tanging lab

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 20: Dinner with Alphas

    "WE heard that the best always comes the last." Sabay- sabay silang lahat napalingon sa tatlong taong kararating lang.It's the guy from a while ago, Harry. May kasama din itong isang lalaki at babae na sa tantya niya ay hindi nalalayo sa kanyang edad. For sure magkapatid ang dalawang kasama nito dahil magkamukha ang mga ito. Wala talagang tapon sa lahi ng mga Dragon. Lahat ng mga ito ay may kanya kanyang palanggang dala nang magsabog ang Diyos ng kagandahan sa lupa. Natitiyak niyang napakaganda at gwapo ng mga magulang nito."Oh! Akala ko hindi kayo makakarating?!" Tuwang-tuwang sinalubong ito ng lolo ni Yuki at nakipagbeso-beso na siyang sinundan din ng iba pang kamag-anak nito maliban kay Yuki na hindi man lang natinag sa tabi niya at parang walang kainte-interes habang pinapanood ang sosyalan sa harap nila."We can't miss this," nakangiting ani ng babae na bahagya pang sinilip ang direksyon nila ni Yuki at kumindat. "Plus, Popsie and Momsie wants proof and pictures when we go bac

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 19: Mansion De La Araña

    "WOAH!" hindi niya napigilang bulalas nang makarating sila sa lugar kung saan magaganap ang sinasabi nitong dinner. Nanlalaking mga mata niyang binalingan si Yuki na daig pa ang mukha ng nalugi sa paninda nitong puto't kutsinta. Halatang-halata dito na napipilitan lang na pumunta doon. Actually, napipilitan lang din naman siya kanina, pero ngayon nakalimutan niya na ang ideyang yon nang makita ang buong lugar.Napakapit siya sa braso nito ng wala sa oras na agad umani ng pagkuno't ng noo nito sa kanya."Grabe Sir Yuki, ano ka anak nang maharlika? At saka may ganito pa lang lugar sa Pilipinas?! Hindi man lang ba ito nababalita sa TV?" curious na curious niyang usisa dito.Napangiwi ito at parang allergic na inialis ang mga kamay niya sa pagkakakapit sa braso nito. "Hindi ako maharlika and obviously meron lugar na ganito. Ayan na nga nasa harap mo na diba? Nagtatanong pa?" Inirapan siya nito at nagpatuloy

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 18: Casuality

    "AH Sir Yuki wait lang ha, I just need to answer this call," paalam ng Stylist sa kanya bago lumabas ng VIP room na bahagya niyang natunguan. Halata sa mukha nito ang pagka-stress sa kanya. Actually wala namang panget sa sinukat ng Filekeeper niya, wala pa lang talaga siyang napipiling sobrang nagustuhan niya, dahil hindi siya nasanay na pumili ng ok lang kung hindi yung the best dapat, pero lahat naman bagay dito. Actually, kahit anong isuot nito nagmumukhang mamahalin, kahit nga yung mga lumang damit nito noon ay bagay naman dito kaso lang manipis lang talaga at nakakaasiwang tignan. "Sir Yuki!" He heard her whisper yells while peeping behind the Fitting room's curtain. "What?" Napataas naman ang isa niyang kilay. Ano na naman kayang problema nito? "Nasaan yung Stylist?" "He went outside to take a call. Why?" "I need help," she

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 17: Preparation for the Biggest Lie

    MGA 30 minutes na din silang bumabiyahe at habang nababawasan ang gusaling nakikita nila merong isang gusaling pumukaw sa kanyang atensyon. On the upper part of the building there's a label that says "The Gold Web Tower" and it's made out of shinny gold metals, na kumikislap sa kintab lalo na kapag tinatamaan ito ng sinag ng araw. The whole building was made out of dark coffee shade tinted glass. It's not too high maybe 50 to 55 floors and it looks separated from city since, napapaligiran ito ng daan na puno ng mga matatas na ibat-ibang klaseng mga puno, but mostly Pine trees. It's like between being the urban and rural area. The path looks exclusively made only for those people who will go exactly to that building. Bago ka rin makapasok doon ay dadaan ka sa napakalaking black and gold gate kung saan may

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 16: Best in Akward

    KABANG-KABA siya nang maalimpungatan dahil wala na ang among si Yuki sa tabi niya. "Nasaan na yon?" Kuno't noo niyang inilibot ang paningin sa buong lugar, ngunit medyo madilim na kaya wala siyang gaanong maaninag. Tanging ang buwan lamang sa labas ng bintana ang pinanggaggalingan ng liwanag Tumayo siya at dahan-dahang humakbang upang masigurong hindi siya mabunggo sa kahit ano ngunit, napahinto siya sa paghakbang nang makita niyang may bultong nakaupo sa upuan ng amo niya, pero hindi siya sigurado kung ito nga si Yuki dahil nanggagaling sa likod nito ang liwanag ng buwan. "S-sir Yuki, ikaw ba yan?" ewan niya kung bakit siya nanginginig pero parang horror ang ambiance ng opisina nito bigla. Ganoon pala doon pag gabi, mabuti na lang pala at maaga siyang umuuwi lagi.'S***a takot ako sa multo!!'Bahagya niyang naikuyom ang kamao na animo'y inihahanda ang depensa para sa sarili sakaling may biglang lumita

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 15: Between the Lines

    'HAYYYS, ako na third wheel, ewan ko sayo Ja.'Nailingan na lang niya ang sarili sa isip. Ewan niya kung bakit lagi na lang niya naisasali ang sarili sa mga ganitong bagay? Kung tutuusin dapat ay mag-oout na siya at hayahay na sanang papasok sa paborito niyang amo, pero hindi at adelantada siyang nagvolunteer na bantayan itong kolokoy na pasaway. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na pwedeng magback out kaya naman... "Sir Yuki, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka diyan ah?" "Check out," walang gana nitong utos. Nakatingala ito at tulalang pinagmamasdan ang kisame. 'Kita mo itong loko-lokong ito!'Siya na nga nagvoluteer siya pa yung pinauwi? "Ahhh... Sir Yuki hindi kita-" "I don't need you, I can take care of myself, just check out," kuno't noo itong nilingon siya, hindi dahil sa masungit ito pero parang may masakit dito. Nakita niy

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 14: Ill Heart

    PAPASOK na sana siya ng elevator nang matigilan. Babatiin niya sana ang mga ito ngunit parang hindi siya nito kilala. Nakasimangot na tumingin sa taas si Jake at si Travis naman ay animo'y may interesanteng tinigtignan sa sapatos nito. Kaya naman hindi na niya itinuloy at tahimik na lang na pumasok doon."Gosh I hate rumors," Travis mumbled after he lets out of a deep sigh. Napatingin tuloy siya sa mga ito mula sa salamin. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit agad na inalis nang magtama ang mga mata nila."If... that is a rumor. What if it's the truth?" Pasimple din siyang tinapunan ng makahulugang tingin ni Jake pero mabilis na inilipat sa partner nito."Well, She should've at least share it to her soulmates right?" sabi nito na pailalim pang tumingin sa kanya, "If she really trust them, but it seems like she doesn't," may pagtampong ani nito na pasimple pa siyang inirapan.Kung pwede lang niyang pag-untugin ang dalawang

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 13: Back to Work

    "OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm

DMCA.com Protection Status