"WE have good news and bad news. Which do you want to hear first?" Nasser pressed his lips together, making a fine line that signifies trouble.
There are only three of them in the office. Jimiel, Nasser and him, because he sent out the annoying Filekeeper for a while. Kahit hindi ito nagsasalita kapag kasama niya ito sa loob ng opisina ay ramdam niya kapag sinisilip siya nito at pasimpleng pinagmamasdan.
Hindi naman siya ganoon ka manhid para hindi maramdaman iyon. Hindi niya lang talaga ito pinapansin. Paminsan nga ay nahuhuli niya pa ito at biglang magpapanggap na may ginagawa kapag sinasamaan niya ng tingin.
For some reason, he could stand her presence. Hindi katulad nung mga na unang Filekeeper na halos buwan buwan yata kung palitan niya. Meron pa ngang sinubukang akitin siya at talaga namang nakatikim talaga sa kanya ng mga insultong hindi nito makakalimutan, but this Filekeeper is ok. Plus, the fact that she can make his coffee perfectly.
There is only one thing that bothers him, it's the way Jimiel treats her.
"Good news?" Jimiel suggested with a motivated smile making him look like a happy innocent little boy.
"Well..." Ipinatong nito ang magkasiklot na mga kamay sa bahagyang nakabukang mga hita habang prenteng nakaupo sa kaharap nilang sofa. "...he told me he has a lead."
Napataas ang isa niyang kilay. "I told him I can help, but he refused." Until now, he feels ironic about his friend refusing to seek help from him, well in fact he can make things easier.
"Yuki... let's just respect Jino. We don't want him to blame himself more," Nasser said in a brotherly way.
Malalim na lang siyang bumuntong hininga. No matter how much power he has in his hands, he will never do something that will destroy their bonds. "Just make sure to let him know that I'm just waiting."
"Noted," matipid na ngiting tugon nito sa kanya. Kilala siya nito, he values friendship with honor.
"And the bad news?" muling singit ni Jimiel with a slightly unsure smile.
Bumakas ang kaseryosohan sa mukha ni Nasser. "I believe we still have some pest inside the house. May mga kumakalat na naman na pictures ng ilang talent natin inside the building."
"Really? I thought we eliminated it?" halos pabulong na tanong ni Jimiel at bumakas ang labis na pagkagimbal.
Hindi na siya na surpresa, marami nang nagtangkang pabagsakin ang kompanya niya. Nandyan yung sinisira ang reputasyon ng mga Talents nila, ninanakaw ang ideya at konsepto, at yung ibang desperado ay inooperan ng doble ang mga taong nagtatrabaho sa kanya upang makakuha ng impormasyon.
In his terms, yes he has encountered tons of those but the House of Orpheus refuses to be defeated. He is not just an ordinary CEO but also born as an Alpha, meaning he's untouchable, and if ever someone dares, it's going to be a bloody ending, so most of their enemies try to attack secretly that they thought undetected but... fails.
"Now I feel stress." Napasuklay na lang ito sa blonde na buhok at malalim ang ginawang paghinga.
"What for?" nakangiweng tanong niya dito.
"About the pest, because the last time really got out of hand," paliwanag nito.
Alam niya kung anong ibig sabihin nito, pero mabilis naman ding naaksyunan ang sitwasyong iyon at sinisiguro niyang mamumuhay na tulad ng isang peste ang taong yun habangbuhay. He just couldn't finish the job because of Jino. He could totally vanished those pests effortlessly.
♪♪♪♪♪♪
"OH, bakit mukha kang naluging magpuputo?" sita sa kanya ni Meg nang mapansin kanina pa siyang nakapangalumbaba sa gilid nito at nilalaro ang hawak na stapler.
'Magpuputong tig tatlong daang libo ang bag, oh boom panes!' pinilit niyang patawanin ang sarili pero hindi umepekto.
Sa totoo lang ilang araw na rin siyang hindi pinatatahimik ng isip niya. After kasi noong araw na kumain silang tatlo sa Cuore Italiano, ay mas lalong naging sweet sa kanya si Jimiel, madalas na din itong pumupunta sa office at kung minsan ay may dala pa itong kung ano-anong mga cute na bagay na ayon dito ay binibili kapag naaalala siya. Ngunit wala naman itong sinasabi kung ano ba talaga ang tunay na intensyon sa kanya, kaya tuloy she feels like hanging in the unknown idea of his gestures.
Sumabay pa ang lalong sumusungit niyang amo, na madalas siyang utusan ng kung anu-ano lalo na pag nandoon ang kaibigan nito sa loob ng opisina. Hindi na lang nito sabihin kung ayaw siya nitong nandoon kapag nandyan si Jimiel.
Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya na parang ayaw nito ang ginagawa ng kaibigan at hindi lang masabi ng diretyahan, kaya siya na lang ang pasimple nitong pinalalayo dito kakautos sa kanya.
Malalim siyang napabuntong-hininga at napanguso. "Meg..." she called out to her. Lumapit siya dito at kumapit sa braso nito. Tila nagugulumihan naman itong napatingin sa kanya. "Paano mo ba malalaman pag may something ang isang tao sayo?"
Napatitig ito sa kanya. "Bakit nililigawan kana ni Sir Yuki?" nagtunog tsimosang excited nitong tanong at animo'y reading-ready na makipagchismisan sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at nagimbal sa ideyang iyon. 'Si Sir Yuki?!! Manliligaw??? Ano toh end of the world?!!' Bigla siyang kinilabutan at mabilis na hinaplos ang braso.
"Sabi ko na nga ba may gusto sayo yun eh, sa ganda mong yan pati Dragon napaamo mo na," ani to na para bang siguradong-sigurado sa sinabi.
"Gaga hindi siya!" she whisper-yells at her. "At saka magpreno ka naman mamaya may makarinig sa atin."
"Eh ano sino nga?" naiinip nitong usisa
"Si Sir Jimiel," mahinang bulong matapos magpalinga-linga sa paligid upang masigurong walang Marites.
She grins at her. "Really?" Parang hindi pa ito makapaniwala. "Bakit dahil sweet siya sayo?" Tumaas naman ang isa nitong kilay.
She pouts and nods. "Sobra, at saka ang bait din niya... at cute pa." Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi na hindi na maitago ang kilig habang inaalala yung mga harot nito sa kanya.
"Ay sos! Harot yarn?" kantyaw nito sa kanya, "Alam mo girl, kung ako sayo... drop your hopes down habang maaga."
Otomatikong nawala ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang sinabi nito. "Bakit naman?"
"I don't know but, I think you are just getting the wrong idea, at saka it's normal. Sweet naman talaga si Jimiel kahit na kanino. Kahit sa akin, kaya huwag kang ano diyan!" Echoserang inirapan pa siya nito.
"Totoo ba?" kuno't noo niyang hindi makapaniwalang tanong dito, "Anong ibig mong sabihin sa wrong idea? Ano... wala lang yun?"
"Basta, ang hirap explain feeling ko mas ikaw ang makakaalam dahil mas madalas mong makasalamuha yung dalawa." Muli nitong ibinalik ang atensyon sa mga inaayos na papel. "Hmmm... ikaw tignan mo din baka naman." Nagkibit -balikat pa ito.
Hindi na niya nagawang mag-usisa ulit dahil imbis na masagot ang tanong niya ay mas nadagdagan pa ngayon ang isipin niya. Ayaw man niyang bumuo ng haka-haka pero mukhang hindi lang siya ang nakakapansin ng kakaiba sa dalawa.
Hindi niya ugaling gumawa ng asampsyon lalo na kung hindi matibay ang pruweba.
Biglang bumukas ang pintuan ng opisina at lumabas ang mga taong pinagtsitsismisan nila. Sabay pa silang napalingon dito ni Meg. Kasama ng mga ito si Nasser na kaswal na bumati sa kanila na magalang naman nilang tinugon.
Katulad ng dati nginitian siya ni Jimiel at kinindatan pa, na lihim na ikinakibot-kibot ng puso niya ngunit agad ding nahinto nang biglang akbayan ito ni Yuki at iginiya palayo sa kanila. Lihim din siyang tinignan nito ng pailalim, that she finds really odd everytime he does.
Nang makalayo ang mga ito ay napapalatak na lang si Meg at napailing-iling. "Ikaw ng humusga." Nakakalokong ngumiti ito sa kanya.
Sinimangutan niya lang ito. She refused to believe kung ano man ang ibig nitong ipahiwatig.
Nagpasya siyang bumalik na sa trabaho upang abalahin ang sarili, hanggang sa sumapit ang lunch break ay hindi pa din bumabalik ang amo niya.
"Saan kaya nagpunta yun?" hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang pagwala ito sa opisina ay may kulang. Siguro kasi ay nasanay siya na maya't-maya niya itong sinisilip at lihim na pinagmamasdan habang abala ito sa trabaho. Isa pa nasanay siya sa maya't mayang utos nito.
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan nang maupo sa isang sulok. Lunch break na pero hindi naman siya nakakaramdam ng gutom, kaya naman naisipan na lang niyang tumambay doon dahil may nakita siyang isang CD kanina. Balak niyang hanapin ang mga kantang nandoon sa cellphone upang maidownload.
Ikinabit niya ang earphone at isininalpak sa taynga ang isa. It's Jiren Nicholas's State of Love album. Magaganda ang kantang nakapaloob doon, para bang ang mga awit doon ay isang buong kwento ng buhay pag-ibig na personal nitong naranasan, ang kaso ito na rin ang huling album na iprinoduce ng sikat na mang-aawit matapos masangkot sa isang malaking eskandalo.
Bigla itong nawala sa lime light at napabalitang umalis na lang ng bansa para takasan ang eskandalong kinasangkutan nito. She is not sure about the details of the scandal pero nakakalungkot lang isipin na tumigil na ito sa career ng dahil sa nangyari.
Magaling ito at talagang sikat na sikat sa bansa dahil halos ito na rin ang nagsusulat ng sarili nitong mga awitin, napakagwapo din nito kaya siya ang tinaguriang Serenade King ng bansa.
Nakakaapat na siyang d******d nang marinig na bumukas ang pinto. Malamang nandyan na ang amo niya. Akmang tatayo na sana siya ng...
"Sige na please..." kilalang-kilala niya ang naglalambing na tinig na iyon.
"Busy pa nga ako," not his usual cold tone.
"Dali na... after nito, sa Saturday pa naman yun," patuloy pa rin pangungumbinsi nito.
"Titignan ko pa nga,"
He scoffs. "Titignan pa? I-make sure mo na, ang tagal na nating hindi nakakapagtravel, hindi ka ba napapagod?"
Napakagat siya ng labi, merong namumuong kung anong hindi magandang hinala sa utak niya.
"Napapagod,"
"Oh yun naman pala eh, edi tara na kasi. When was the last time that you and I had time to relax? Hindi mo ba namimiss yon?"
Hindi niya maiwasan mapakuno't ng noo, 'Ang alin ang mamimiss?' Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya at nanayo ang mga balahibo sa hindi maipaliwanag na dahilan habang naghihintay sa isasagot nung isa. Mahigpit din niyang nahawakan ang cellphone.
"Should I ask somebody else to accompany me instead?" panunudyo nito.
She heard him sigh. "Fine, let's go but make sure to bring me home on Sunday night."
"Yey!"
Rinig na rinig niya ang sobrang kagalakan sa tinig nito, ngunit ang talagang nakapapasilip sa kanya mula sa kinauupuan ay nang marinig niya ang mumunting paghagikgik ng amo niyang Dragon.
"You won't really stop until I say yes, will you?"
Daig pa niya ang natuklaw ng ahas nang makitang nakayakap si Jimiel sa baywang nito at ito naman ay parang hinahaplos ang ulo nito.
"You won't say no either because I know you love me so much"
Pakiramdam niya ay may biglang pumiga sa puso niya at namanhid ang buong ulo. She can't believe of what she's hearing and seeing right now. The way they look and hold each other... kahit ayaw pa rin niyang maniwala ay parang lolokohin na niya ang sarili.
Malisyosa pa rin bang matatawag kung kitang-kita mo na ang ebidensya. Hindi niya namalayan nabitiwan na ang kanyang cellphone na agad kumuha ng atensyon nung dalawa at sabay napatingin sa direksyon niya.
'S***a!!!!!!' Gusto na lang niyang lumubog sa ilalim ng lupa at mawala na sa mundo ng mga oras na iyon.
Una, masakit sa dibdib yung umasa sa maling akala, pangalawa, masakit malaman na lahat nang kilig niyang naramdam ay bunga lamang ng kanyang ilusyon, at pangatlo... 'Nagmukha lang akong tanga!!!'
"Ja?" nakakuno't na noong nasambit ni Jimiel.
Nais niya itong sagutin ng, 'Oo ako ito! Yung babaeng pinag mukhang mong tangang may crush sayo tapos iba pala ang trip mo!! S***a ka!' Magkahalong pagka-turn off at hinanakit ang nararamdaman niya para dito pero bakit feeling din niya wala naman siyang karapatang maramdaman yun? Wala naman kasi siyang pinanghahawakan, dahil wala naman itong sinabi sa kanya na gusto siya nito. 'Eh paano iba pala ang gusto buset!'
Ngayon niya lang na-realize kung bakit mas lalong sumungit si Yuki sa kanya noong mga nakaraang araw. Kumpirmadong may dahilan nga itong magselos, pero ang isang ipinagtataka niya ay kung bakit ginagawa ni Jimiel ang bagay na iyon sa kanya? 'Hindi kaya't pinagseselos lang nito ang isa?' Ginagamit lang siya nito para makakuha ng atensyon. Lalo lang nadagdagan ang pighating nararamdaman niya para dito.
Hindi siya makapagsalita habang pinagmamasdan siya ng mga ito na animo'y isa siyang kriminal na nahuli sa aktwal na krimeng ginagawa. Kahit ang totoo sila naman itong may lihim na itinatago.
Nagbitaw ang mga ito. Namulsa si Jimiel at napasuklay sa buhok gamit ang mga daliri nito. Napayuko ito at bahagyang inistrech ang leeg.
Nagsiklot naman ang mga braso ni Yuki sa tapat ng dibdib nito na parang hindi apektado kung nakita man niya sila sa ganoong sitwasyon at nang magtama ang mga mata nila ay hindi niya maiwasang mainis dito. Kaya hindi rin niya napigilang salubungin ang mga titig nito. Lumapit ito sa kanya na agad nakapagpakabog ng dibdib niya? Anong gagawin nito sasabunutan siya dahil nalaman na niya ang totoong katauhan nito?
Nagulat siya ng damputin nito ang cellphone niya sa sahig at agad pinasadahan ng tingin.
"I knew it," he mouthed while looking at her phone with his angry eyes.
Pinakita nito kay Jimiel ang phone niya. "She's taking photo of us." Nanlaki ang mga mata nito at parang punong-puno ng pagkadismayang bumaling ito sa kanya.
"Huh?! H-hindi yan totoo!" Mabilis siyang tumayo at natatarantang pinilit kunin ang cellphone niya. Nagsisinungaling ito, at bakit naman niya gagawin ang bagay na iyon?
Mabilis ding nailayo ni Yuki sa kanya ang cellphone. "What? Idedeny mo pa? Hawak ko na nga ang ebidensya!"
"H-hindi yan totoo Sir Yuki!" pilit niyang tanggi.
"Anong tawag mo dito?!" She was shocked when he grabs her neck and pinned her in one of the shelves with his ravenous eyes gleaming with so much anger. Naramdaman pa niya ang sakit ng pagtama nang likod niya doon.
Nangangatal siyang napatitig sa cellphone niya at nakita nga niya ang blurry na picture nung dalawa. Nagimbal siya sa nakita, kailan nangyari yun? Marahil ay nung napahigpit ang hawak niya o baka nung bumagsak ito sa sahig. Alam ng Diyos na hindi niya ginawa ang bagay na iyon pero paano niya ipapaliwanag kung ganoong may hawak itong ebidensya?
She saw Jimiel walks toward the door and then locks it.
Halos lumabas ang puso niya sa sobrang kabang nararamdaman, ano ng mangyayari? Anong gagawin ng mga ito sa kanya?
"S-sir Yuki, mali ang iniisip mo... hindi ko kayo kinukunan ng litrato," pilit niyang depensa kahit pa nga parang humihigpit na ang pagkakahawak nito sa leeg niya kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata niya.
Bakit ganoon? Hindi ba siya yung dapat na masaktan at maghinanakit? Dahil montik na siyang maniwala sa bagay na hindi pala totoo. Pagkatapos siya pa ngayon ang nagmukhang masama nang dahil sa misunderstanding?
Pinilit niyang lumingon sa direksyon ni Jimiel ngunit mataman lang siya nitong pinagmasdan na para bang sinasabing wala siyang mapapalang simpatya dito at may kasama rin yoong pang-uuri. Tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha. She's on her own now, kung galit ang mga ito sa kanya pwes mas doble ang nararamdaman niya para sa mga ito.
"Bitiwan mo ko!" Hinawakan niya ang pulso nito at pinilit niya alisin ngunit tila mas lalo lamang humigpit iyon.
"Tell me... who f*cking sent you?" kung magsalita ito'y animoy kayang pumatay ng tao. Biglang-bigla ay naalala niya ang mga nangyari sa kanya. Yung araw kung paanong muntikan na siyang pagsamantalahan nung lalaking nanloko sa kanya at tuluyan na nga siyang napaiyak. Inaatake na naman siya ng traumang iniwan noon sa kanya. "I knew there was something fishy about you. Too bad you are busted."
"W-walang akong g-ginagawa." she manage to mumbled in between her trembling sobs. "Kung ano m-man ang iniisip m-mo, nagkakamali ka."
"And how will you explain this?!" He is losing control.
"A-aksidente lang yan, wala akong intensyong k-kunan kayo ng litrato." Pinilit niyang salubungin ang mga mata nito upang patunayang hindi siya nagsisinungaling kahit pa nga parang nahihirapan na siyang huminga sa ginagawa nitong paghawak sa leeg niya at kasabay din noon ay ang walang humpay na pag-agos ng kanyang mga luha.
Animo'y sinusuri pa nito kung nagsasabi ba siya ng totoo at nang hindi siya bumitaw sa tagisan ng titigang iyon ay binitawan din nito ang leeg niya. Halos masamid-samid siya habang pinipilit huminga ng normal.
"Miel, take this." Initya nito ang cellphone niya na agad naman nitong nasalo. "You know what to do with that."
"Got it." seryosong tugon nito at muling tumingin sa kanya na para bang ibang tao na siya dito. He looks equally scary like Yuki in serious state.
Mukhang kahit anong gawin niyang paliwanag ay hindi siya paniniwalaan ng dalawang ito.
He sarcastically stares at her again. "How disappointing... I wonder how am I still alive? So, kelan mo naman ako balak lasunin?" He smirks in disgust. "Are you going to make a headline out of this? Dahil wala kang mapala sa mga Talents dito? You're trying to hit the wrong target."
Hindi niya maintinidhan pero nasasaktan siya sa sinasabi nito. Alam ba nito na sa bawat kapeng tinitimpla niya para dito ay inaalayan niya ng buong puso para lang mapasarap yoon? At araw-araw na nagbabakasakaling magdulot din ng saya iyon sa puso nito? Yung kahit saglit lang mapagaang niya ang pakiramdam nito sa buong araw na halos magpakalunod ito sa pagtatrabaho?
Sunod-sunod muling nagsipatakan ang mga luha niya. "Kahit araw-araw mo k-kong sinusungitan at binubulyawan, ni m-minsan hindi ko naisip gawin yun sayo Sir," she starts sobbing again. It breaks her heart, everyday she takes care of him more than herself, to attend in all his needs, kahit pa nga break niya pero siguro nga ay hindi nito iyon nakikita dahil ang paniniwala nito ay bayad siya sa lahat ng gawain niya.
"You expect me to believe that?" he glowered.
"No," She shook her head and painly smiles at him. "Kasi alam ko namang ayaw mo sa akin. Huwag kang mag-alala, I'm resigning." Alam niya sa sarili na pagkatapos ng araw na ito ay hindi na niya makakayanang harapin ang mga ito bukas. Hindi dahil naniniwala ang mga ito na may atraso siya, kung hindi ay aalis siya sa kadahilanang pakiramdam niya dinurog nung dalawa ang puso niya ng hindi nila namamalayan. She almost fall for Jimiel and she's starting to get used to of taking care of Yuki.
Pero dahil nabuko na niya ang lihim ng mga ito, it will never be the same. She is not against homosexual people as she has many friends like that, but this big revelation, for some reason, is not acceptable for her.
She is about to walk out when...
"What resigning are you talking about?" He chuckles with full-packed of sarcasm making her turn her back to to him. "Let me correct that. You're fired." Isang matalim na tingin ang pinukol sa kanya bago tumalikod at naglakad patungo sa upuan nito.
Gusto niya itong sumbatan pero pinili na lang niyang manahimik at magpatuloy sa paglabas pero biglang humarang sa harap niya si Jimiel.
"Make sure no ones gonna know about this or you'll be in trouble... understood?" His eyes that are once pure are now wicked, but she is not scared instead she feels disgusted towards him. Gusto nga niya itong sampalin ngayon. Naglaho na ng parang bula ang pagtingin niya dito. Nakakasuklam na malaman ang sikreto nitong dalawa.
Sinalubong niya ng may hinanakit ang mga mata nito. "Sa tingin mo masayang pag-usapan ang mga nakita ko? Mabuti na lang pala maaga pa lang nalaman ko na, at least saglit lang akong naging tanga."
Napakuno't ito ng noo at tila tinamaan sa sinabi niya.
"You used to be my daily dose of happiness, but now... I feel like throwing up seeing you both." At tuluyan na siyang lumabas ng opisina.
Narinig niya pang tinawag siya ni Meg matapos niyang kunin ang bag sa gilid ngunit hindi na niya itong nagawa pang harapin dahil naiiyak na naman siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Sakit, galit, pagkadismaya at nandoon din ang lungkot, at kung bakit... hindi na din niya alam ang dahilan. Basta ang gusto lang niya ay makalayo na sa lugar na iyon.
"OH, Janine ang aga mo naman?" Napataas ang dalawang kilay nito nang makita siya habang nagpupunas ng lamesa."Hi Ja!" masiglang bati din sa kanya nung isa sa likod ng counter na abala din sa pagliligpit doonNakangiting binati niya rin ang morning shift duo ng Purple Maccchiato. This two boys are actually nice kahit sandaling oras niya lang nakakasama ang mga ito sa araw-araw na pumapasok siya sa coffee shop. Nalaman din niyang mga talent trainees pala ito sa HOO pero nakaka-tatlong buwan palang ang mga ito and they need to undergo 3 years of training before they can debute. Requirements din nila ang makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang grado kaya naman ganoon na lang ang supportang ginagawa ng amo nila dito.
"JA," Nagulat pa siya nang biglang siyang hawakan nito sa braso nang akmang bababa na siya ng kotse. Sumabay kasi siya dito papasok, dala ang magagarang gamit na binigay sa kanya noong Dragon. Balak niya itong ibalik dahil wala ng dahilan para itabi niya ang mga iyon at isa pa ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito gayong hindi naman siya nagtatrabaho para dito. "Gusto mo ako na lang ang magbalik niyan?" may kalakip na pag-aalalang suhestyon nito. Pinilit niya itong dulutan ng ngiti upang iparating na wala itong dapat ipag-alala. "Ok lang ako ate, at saka ang dami nito gusto mong mag-thumbling yang bulinggit sa loob ng tiyan mo?" Napatawa ito at mahinang nahampas ang braso niya. "Lukaret ka talaga, oh siya ikaw ang bahala... ang iniisip ko lang naman baka bugbugin mo yung amo namin bigla," birong sabi nito nang makababa sila. "Oh-" kunwari'y gulat
PAKIRAMDAM niya natuklaw siya ng ahas nang ituro nito ang direksyon niya. 'S***a!' Abot-abot na lang ang kanyang pag-sisisi sa pagiging Marites niya dahil hayun at nadamay na nga siya ng tuluyan. Parang gusto na nga din niyang sugurin si Jimiel at siya na lang ang sasakal dito. Akalain mong hindi na talaga ito nakonsensya sa mga nagawa sa kanya at ngayon ay inilalagay pa siya sa alanganin. Tuluyan ng nawala ang pagtingin niya dito at labis na pagkabwisit na ang pumalit doon. Natulos siya sa kinatatayuan nang bumaling sa kanya ang matanda at walang pakundangan siyang sinuri mula ulo hanggang paa hanggang sa marating nito ang harapan niya na talaga naman halos ikalaglag na ng mga mata niya sa sahig dulot ng sobrang kaba. Hindi niya maipaliwanag pero parang
"OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm
PAPASOK na sana siya ng elevator nang matigilan. Babatiin niya sana ang mga ito ngunit parang hindi siya nito kilala. Nakasimangot na tumingin sa taas si Jake at si Travis naman ay animo'y may interesanteng tinigtignan sa sapatos nito. Kaya naman hindi na niya itinuloy at tahimik na lang na pumasok doon."Gosh I hate rumors," Travis mumbled after he lets out of a deep sigh. Napatingin tuloy siya sa mga ito mula sa salamin. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit agad na inalis nang magtama ang mga mata nila."If... that is a rumor. What if it's the truth?" Pasimple din siyang tinapunan ng makahulugang tingin ni Jake pero mabilis na inilipat sa partner nito."Well, She should've at least share it to her soulmates right?" sabi nito na pailalim pang tumingin sa kanya, "If she really trust them, but it seems like she doesn't," may pagtampong ani nito na pasimple pa siyang inirapan.Kung pwede lang niyang pag-untugin ang dalawang
'HAYYYS, ako na third wheel, ewan ko sayo Ja.'Nailingan na lang niya ang sarili sa isip. Ewan niya kung bakit lagi na lang niya naisasali ang sarili sa mga ganitong bagay? Kung tutuusin dapat ay mag-oout na siya at hayahay na sanang papasok sa paborito niyang amo, pero hindi at adelantada siyang nagvolunteer na bantayan itong kolokoy na pasaway. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na pwedeng magback out kaya naman... "Sir Yuki, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka diyan ah?" "Check out," walang gana nitong utos. Nakatingala ito at tulalang pinagmamasdan ang kisame. 'Kita mo itong loko-lokong ito!'Siya na nga nagvoluteer siya pa yung pinauwi? "Ahhh... Sir Yuki hindi kita-" "I don't need you, I can take care of myself, just check out," kuno't noo itong nilingon siya, hindi dahil sa masungit ito pero parang may masakit dito. Nakita niy
KABANG-KABA siya nang maalimpungatan dahil wala na ang among si Yuki sa tabi niya. "Nasaan na yon?" Kuno't noo niyang inilibot ang paningin sa buong lugar, ngunit medyo madilim na kaya wala siyang gaanong maaninag. Tanging ang buwan lamang sa labas ng bintana ang pinanggaggalingan ng liwanag Tumayo siya at dahan-dahang humakbang upang masigurong hindi siya mabunggo sa kahit ano ngunit, napahinto siya sa paghakbang nang makita niyang may bultong nakaupo sa upuan ng amo niya, pero hindi siya sigurado kung ito nga si Yuki dahil nanggagaling sa likod nito ang liwanag ng buwan. "S-sir Yuki, ikaw ba yan?" ewan niya kung bakit siya nanginginig pero parang horror ang ambiance ng opisina nito bigla. Ganoon pala doon pag gabi, mabuti na lang pala at maaga siyang umuuwi lagi.'S***a takot ako sa multo!!'Bahagya niyang naikuyom ang kamao na animo'y inihahanda ang depensa para sa sarili sakaling may biglang lumita
MGA 30 minutes na din silang bumabiyahe at habang nababawasan ang gusaling nakikita nila merong isang gusaling pumukaw sa kanyang atensyon. On the upper part of the building there's a label that says "The Gold Web Tower" and it's made out of shinny gold metals, na kumikislap sa kintab lalo na kapag tinatamaan ito ng sinag ng araw. The whole building was made out of dark coffee shade tinted glass. It's not too high maybe 50 to 55 floors and it looks separated from city since, napapaligiran ito ng daan na puno ng mga matatas na ibat-ibang klaseng mga puno, but mostly Pine trees. It's like between being the urban and rural area. The path looks exclusively made only for those people who will go exactly to that building. Bago ka rin makapasok doon ay dadaan ka sa napakalaking black and gold gate kung saan may
'S***A ang gwapo!' hindi niya napigilang mapatili sa utak nang magslow motion ito sa paglabas doon. Panandalian siyang na destruct sa ganap nito. Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas ang sa bandang dibdib kung saan may pasilip sa makinis at maputi nitong dibdib, nakatuping pataas ang manggas sa mga braso na binagayan ng ragged denim skinny gray pants kung saan naka tuck-in ang pang itaas. He looks so damn good-looking at mukhang parating bagong ligo dahil tingin pa lang parang napakabango na. Ayos na ayos din ang blonde nitong buhok na naka brush-up showing his flawless forehead. Bagay na bagay dito yung dala nitong oto, na para bang mas pinatikas nito ang datingan ng ubod sa kisig na lalaking iyon. 'Kaso bakla ang hudyo. Hmmp!' Nauwi sa pangngiwi at panghihinayang ang kanya sanang pagpapantasya. "Yuki, what happened? Oh my God, you're bleeding," may pag-aalalang bungad nito sa kanila at agad na hinawakan sa pulso ang kasintahan. Mukhang hindi na ito galit at tanging lab
"WE heard that the best always comes the last." Sabay- sabay silang lahat napalingon sa tatlong taong kararating lang.It's the guy from a while ago, Harry. May kasama din itong isang lalaki at babae na sa tantya niya ay hindi nalalayo sa kanyang edad. For sure magkapatid ang dalawang kasama nito dahil magkamukha ang mga ito. Wala talagang tapon sa lahi ng mga Dragon. Lahat ng mga ito ay may kanya kanyang palanggang dala nang magsabog ang Diyos ng kagandahan sa lupa. Natitiyak niyang napakaganda at gwapo ng mga magulang nito."Oh! Akala ko hindi kayo makakarating?!" Tuwang-tuwang sinalubong ito ng lolo ni Yuki at nakipagbeso-beso na siyang sinundan din ng iba pang kamag-anak nito maliban kay Yuki na hindi man lang natinag sa tabi niya at parang walang kainte-interes habang pinapanood ang sosyalan sa harap nila."We can't miss this," nakangiting ani ng babae na bahagya pang sinilip ang direksyon nila ni Yuki at kumindat. "Plus, Popsie and Momsie wants proof and pictures when we go bac
"WOAH!" hindi niya napigilang bulalas nang makarating sila sa lugar kung saan magaganap ang sinasabi nitong dinner. Nanlalaking mga mata niyang binalingan si Yuki na daig pa ang mukha ng nalugi sa paninda nitong puto't kutsinta. Halatang-halata dito na napipilitan lang na pumunta doon. Actually, napipilitan lang din naman siya kanina, pero ngayon nakalimutan niya na ang ideyang yon nang makita ang buong lugar.Napakapit siya sa braso nito ng wala sa oras na agad umani ng pagkuno't ng noo nito sa kanya."Grabe Sir Yuki, ano ka anak nang maharlika? At saka may ganito pa lang lugar sa Pilipinas?! Hindi man lang ba ito nababalita sa TV?" curious na curious niyang usisa dito.Napangiwi ito at parang allergic na inialis ang mga kamay niya sa pagkakakapit sa braso nito. "Hindi ako maharlika and obviously meron lugar na ganito. Ayan na nga nasa harap mo na diba? Nagtatanong pa?" Inirapan siya nito at nagpatuloy
"AH Sir Yuki wait lang ha, I just need to answer this call," paalam ng Stylist sa kanya bago lumabas ng VIP room na bahagya niyang natunguan. Halata sa mukha nito ang pagka-stress sa kanya. Actually wala namang panget sa sinukat ng Filekeeper niya, wala pa lang talaga siyang napipiling sobrang nagustuhan niya, dahil hindi siya nasanay na pumili ng ok lang kung hindi yung the best dapat, pero lahat naman bagay dito. Actually, kahit anong isuot nito nagmumukhang mamahalin, kahit nga yung mga lumang damit nito noon ay bagay naman dito kaso lang manipis lang talaga at nakakaasiwang tignan. "Sir Yuki!" He heard her whisper yells while peeping behind the Fitting room's curtain. "What?" Napataas naman ang isa niyang kilay. Ano na naman kayang problema nito? "Nasaan yung Stylist?" "He went outside to take a call. Why?" "I need help," she
MGA 30 minutes na din silang bumabiyahe at habang nababawasan ang gusaling nakikita nila merong isang gusaling pumukaw sa kanyang atensyon. On the upper part of the building there's a label that says "The Gold Web Tower" and it's made out of shinny gold metals, na kumikislap sa kintab lalo na kapag tinatamaan ito ng sinag ng araw. The whole building was made out of dark coffee shade tinted glass. It's not too high maybe 50 to 55 floors and it looks separated from city since, napapaligiran ito ng daan na puno ng mga matatas na ibat-ibang klaseng mga puno, but mostly Pine trees. It's like between being the urban and rural area. The path looks exclusively made only for those people who will go exactly to that building. Bago ka rin makapasok doon ay dadaan ka sa napakalaking black and gold gate kung saan may
KABANG-KABA siya nang maalimpungatan dahil wala na ang among si Yuki sa tabi niya. "Nasaan na yon?" Kuno't noo niyang inilibot ang paningin sa buong lugar, ngunit medyo madilim na kaya wala siyang gaanong maaninag. Tanging ang buwan lamang sa labas ng bintana ang pinanggaggalingan ng liwanag Tumayo siya at dahan-dahang humakbang upang masigurong hindi siya mabunggo sa kahit ano ngunit, napahinto siya sa paghakbang nang makita niyang may bultong nakaupo sa upuan ng amo niya, pero hindi siya sigurado kung ito nga si Yuki dahil nanggagaling sa likod nito ang liwanag ng buwan. "S-sir Yuki, ikaw ba yan?" ewan niya kung bakit siya nanginginig pero parang horror ang ambiance ng opisina nito bigla. Ganoon pala doon pag gabi, mabuti na lang pala at maaga siyang umuuwi lagi.'S***a takot ako sa multo!!'Bahagya niyang naikuyom ang kamao na animo'y inihahanda ang depensa para sa sarili sakaling may biglang lumita
'HAYYYS, ako na third wheel, ewan ko sayo Ja.'Nailingan na lang niya ang sarili sa isip. Ewan niya kung bakit lagi na lang niya naisasali ang sarili sa mga ganitong bagay? Kung tutuusin dapat ay mag-oout na siya at hayahay na sanang papasok sa paborito niyang amo, pero hindi at adelantada siyang nagvolunteer na bantayan itong kolokoy na pasaway. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na pwedeng magback out kaya naman... "Sir Yuki, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka diyan ah?" "Check out," walang gana nitong utos. Nakatingala ito at tulalang pinagmamasdan ang kisame. 'Kita mo itong loko-lokong ito!'Siya na nga nagvoluteer siya pa yung pinauwi? "Ahhh... Sir Yuki hindi kita-" "I don't need you, I can take care of myself, just check out," kuno't noo itong nilingon siya, hindi dahil sa masungit ito pero parang may masakit dito. Nakita niy
PAPASOK na sana siya ng elevator nang matigilan. Babatiin niya sana ang mga ito ngunit parang hindi siya nito kilala. Nakasimangot na tumingin sa taas si Jake at si Travis naman ay animo'y may interesanteng tinigtignan sa sapatos nito. Kaya naman hindi na niya itinuloy at tahimik na lang na pumasok doon."Gosh I hate rumors," Travis mumbled after he lets out of a deep sigh. Napatingin tuloy siya sa mga ito mula sa salamin. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit agad na inalis nang magtama ang mga mata nila."If... that is a rumor. What if it's the truth?" Pasimple din siyang tinapunan ng makahulugang tingin ni Jake pero mabilis na inilipat sa partner nito."Well, She should've at least share it to her soulmates right?" sabi nito na pailalim pang tumingin sa kanya, "If she really trust them, but it seems like she doesn't," may pagtampong ani nito na pasimple pa siyang inirapan.Kung pwede lang niyang pag-untugin ang dalawang
"OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm