Share

I Am Professor Mistress
I Am Professor Mistress
Author: Haseena Writes

Chapter 1

Sera's POV

     Malakas ang buhos ng ulan. Kapag ganito na umuulan bumabalik sa akin ang nangyari noong ako ay pitong taong gulang. Malinaw sa isip ko lahat ang nangyari. Musmos man kung tawagin ngunit namulat ako sa katotohanan na ang ama at ina ko ay walang pagmamahal sa isa't isa. Saksi ako sa lahat ng nangyari sa kanila.

     Pinikit ko na lang ang mata ko at nakikinig ng musika mula sa aking cellphone. Pero sa pag pikit ko na iyon, parang mga litrato na nag balik sa isipan ko ang lahat.

    Sa loob ng apat na sulok ng bahay rinig ang pag-iyak ni Serenity habang hinahabol ang ina nyang may bitbit na maleta at aalis.

"Mom don't leave me please,mommy I love you." saad ni Serenity na nagsusumamo na wag siyang iwan at umiiyak habang hinahabol ang ina nyang pababa.

"Dito ka lang Sera wag kana sasama sakin." ani Caroline habang umiiyak din,pilit nilalayo ang bata sa kanya.Pero hahakbang pa lamang ito ng hawakan sya ng anak. Niyakap niya ito ng mahigpit at pinapatigil sa pag-iyak.

"Mommy promise babalik ka ha?Love mo ako diba?Wag mo ako iwan please mommy."sabi ni Serenity na nagmamakaawa sa ina.

"Baby hindi ko alam ayaw na sa akin ng daddy,kukunin kita promise wag kana umiyak baby Serenity ko." umiiyak din na sagot nya sa anak nya.

"Sama mo na ako mommy ayaw ko po kay daddy" sagot nito na may halong paghikbi at mahigpit na yumakap ang bata sa ina.

"Babalikan kita Baby hindi lang sa ngayon,babalik ako I promise." Malambing nitong sagot sa anak,hahalikan na sana ni Caroline sa noo ang bata pero hinablot na sya ng ama nito. Doon nag-iiyak ang bata. Nakita nya kung paano ito magmakaawa na wag umalis. Pero mismong ama nito ang nagpapaalis sa kanya."Ayoko sayo daddy!Bad ka!Bad!Bad!" umiiyak at galit nitong sabi sa ama, pinapalo-palo nito ang ama para lang makawala sa kanya ang bata pero mas hinigpitan nya pa ang hawak dito.

"Babalik ako baby promise." nahawakan nya pa ito sa kamay pero tinulak lang sya ng asawa at pilit pinaalis.

"Umalis kana Caroline!"

Umatungal ng iyak ang bata ng tuluyan nang 'di nya mahawakan ang ina nya. Sa huling pagkakataon sinulyapan nya ito at pilit tinatanaw hanggang mawala na sya sa paningin nito. Rinig pa din nya ang pagtawag nito sa kanya. Iyak na ngayon nya lang narinig mula sa anak nya.

"Mommy!mommy!mommy ko!" 

     Nabalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko na may mainit na kamay na humaplos sa pisngi ko para punasan ang luha ko. Nag mulat ako ng mata at nakita ko ang Professor ko. Hindi ko lang sya basta Professor kung hindi isa ko din syang kasintahan. Yes tama kayo. 

"Umuulan na naman kaya naisipan ko na puntahan ka at hindi nga ako nag kakamali umiiyak kana naman." aniya habang nakatayo sa harap ko habang hawak ang balikat ko.

"Napuwing lang ako." saad ko habang nakayuko.

"Iba ang puwing sa iyak." aniya at binitbit na ang mga gamit ko. Inalalayan nya ako bago sumakay ng kotse.

" Sabi ko sayo mamaya makita tayo ng asawa mo, o kaya may makakita sa atin." Naiinis na sabi ko. Nag kibit-balikat lang sya at tuluyang ng pinaandar ang sasakyan.

Matapang naman siya na nag salita, "Edi sabihin kapag nahuli na." 

 Tahimik ang buong byahe papunta sa bahay ko kung saan kami nag stay. Alam ko mali ang lahat, pero mahal ko sya at gusto kong maging makasarili. 

   Bumaba agad ako dahil sa inis sa naging sagot nya sa akin kanina. Naramdaman ko naman na humabol sya sa akin.

Hinila ako paharap, "Ayoko din naman mahuli tayo,pero hindi pwede na masira ako sa school hanggat hindi ka pa nakaka graduate." mahinahon na sabi nya.

"Maging maingat ka sa kilos mo, professor ko din ang asawa mo." pasinghal ko na sagot sa kanya. Tumalikod na ako at nag tuloy sa pag pasok. Bahay ko 'to, dito kami nag lalagi ni Ethan sa tuwing maisipan namin na mag kita. Anyways, ang pinag-aawayan namin yung desisyon nya na alam ko naman walang patutunguhan.

Lumipas ang gabi na hindi kami nag-uusap. Pero sa buong gabi na yun ay kausap ko ang best friend ko na si Jeansel.

Jeansel:What the heck?!Paano kung nahuli kayo ginagawan ka talaga ng problema ni Prof Ethan.

Serenity:Yun na nga sinasabi ko sa kanya, hindi sya nag-iingat.

Jeansel:Baka hindi lang expelled ang mangyayari sayo nyan' Anna. Alam mo naman Instructor natin si Ma'am Glayza.

Serenity:Ang sabihin mo pa kaibigan ang turing sa akin ng asawa nya.

Jeansel:Itigil mo na hanggat ako pa lang ang nakakaalam. Sige na Goodnight.

Serenity: Goodnight.

Pagkatapos ng pag-uusap na yun ay nakatulog na din ako. Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock at sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Agad na akong bumangon para mag breakfast at pag katapos kong mag ready sa pagpasok.

"Goodmorning Sera, mag breakfast kana." nag-aalangan na tawag ng nobyo nya.

"Mauna kana pumasok at makikita tayo ng asawa mo." sa pagsabi ko pa lang ng asawa parang hindi ko na malunok ang kinakain ko. Alam ko kayo din kapag kumakain at masama ang loob halos di na malunok ang kinakain.

"Pano ka? Mahirap ang sakay dito." tanong ng nobyo nya dito.

"Dadaanan ako ni Jeansel, remember ilang bahay lang pagitan ko sa bahay nya." paalala ng dalaga sa nobyo nito. Tumango-tango lang ang nobyo nito at tumayo na din dahil tapos na ito kumain. Sya naman ay tumayo na din. Nauna na syang lumabas para hintayin ang kaibigan sa gate. Lumabas din ang kotse na ginagamit ni Ethan pero huminto pa ito sa harap nya.

"Dito din ako uuwi mamaya, mag prepare ka ng dinner." tumango lang ang nobya nito. Hindi na hinintay ni Ethan na sumagot ang pinaandar na nito ang sasakyan at umalis.Maya-maya din ay dumating na si Jeansel.

"Goodmorning, 'di pa din kayo nag-uusap?" usisa agad ng kaibigan sa kaibigan. Napairap na lang si Serenity sa tanong agad ng kaibigan na hindi man lang sya hinayaan na maunang mag-open.

"Hanep ka Jeansel basta chismis active ka talaga." sagot naman nya sa kaibigan nya. 

Kwinento nya nga ang nangyari at di nagtagal iniba na din nila ang topic dahil dinaanan pa nila ang isa nilang kaibigan. Hindi na sila nag bring up ng topic tungkol dun. 

"Sa bahay ko tayo mamaya mag dinner, ipapakilala ko sa inyo brother in law ko." paanyaya ni Jane sa kanila. Kapatid ni Jane ang instructor namin na si Ma'am Glayza. Umiling na lang si Serenity at sinabi na may importante itong lakad. Si Jeansel naman ay sinabi na may date sya with Cayden. Nag paalam na kami sa isa't isa at baka malate pa kami.

Nag lalakad ako papunta sa laboratory noong nakasalubong ko si Prof Glayza. Akala ko lalagpasan nya lang ako pero hinila nya ang sleeve ng lab gown ko. Napatingin naman ako at huminto. Sumenyas sya na sundan ko sya. Wala akong magawa kung hindi sumunod.

"Malakas ang pakiramdam ko Serenity, may kabet si Ethan." panimula ng guro nya sa pag -uusap nila. Lihim na napangiti ang dalaga, yun ang gusto nya. Ang malaman nya na may kabet ang asawa nito. Simula ng pasukin nito ang relasyon, handa na siya sa mga mangyayari. 

"Hanapin mo kung sino, hindi lalapit ang ahas sa kulungan." pahayag ng dalaga sa guro nito. Malayo ang tingin nito pero alam nyang nakatitig ito.

"Saan ako mag sisimula? Hindi ko alam saan ako mag sisimula." Glayza asked. 

"Hindi ko alam, baka naman nag overthink ka lang." sagot ng dalaga dito. Mahaba pa ang naging kwentuhan nila pero makikita sa dalaga na wala itong balak na makinig. Nakikinig lang sya pero lahat ng tanungin nya' sa dalaga ay alam na alam na talaga nya' ang sagot. 

Nag paalam na din sila sa isa't isa dahil may klase pa ito sa nalalapit na oras. Habang nag lalakad naman ang dalaga parang may mabigat na pakiramdam na pag taksilan nya ang tumuturing sa kanya na kaibigan. Pero mahal nya ang nobyo nito kaya nanaig pa din sa kanya ang pagiging makasarili. Naging mabilis ang oras at malapit na naman mag-uwian. Last class nya ay Kay Professor Ethan. Kusang pasukan nya ang klase na iyon ay lumabas na sya para umuwi. 

Habang nakasakay si Serenity sa taxi tunog ng tunog ang cellphone nito, batid nito na ang kanyang nobyo ang tumatawag. Hindi nga sya nagkamali, nang pangalan ng kanyang nobyo ang nakita nyang tumawag. Nag tuloy sya sa bahay ng kanyang ama. Dito na muna sya tutuloy hanggat nag hihinala pa din asawa ng professor nito na may kabet ito. Kilalang negosyante ang ama ko kaya ayaw kong masira ang pangalan nito oras na malaman ng lahat na kabet ang nag-iisang anak ni Albert Sanchez. Nakakahiya man pero inaamin niya isang kalokohan ang ginawa niya.

Hindi masama mag mahal pero ang masama alam mo na nga na mali, itutuloy mo pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status