CHAPTER 4
SERA'S POV
Wala akong pasok ng ganitong oras pero maaga akong pumasok. May aabangan ako na tao.
Dumaan muna ako sa coffee shop, hindi ko alam gusto ko makaramdam ng kaba. Sa ngayon, kalmado ako. 'Di ako kinakabahan, gusto ko naman kabahan sa gagawin ko. Masyado bang kampante?Well, kampante talaga ako dahil gusto ko talaga ang gagawin ko dahil sa huli alam kong ako pa din ang mananalo.
Tapat lang ng university namin ang coffee shop na ito kaya hindi malabo na Hindi nya ako makita dito. Matagal din ang pag hihintay ko bago sya dumating. Akala ko ay hindi nya ako mapapansin dahil ang tingin nya napakalayo at halatang malalim ang iniisip. Kinawayan ko naman sya, akala ko ay hindi sya pupunta pero lalapit pala ito.
"Good Morning, busy kaba?" tanong ko agad kay Glayza.
"Hindi naman, ano ba yun? May sasabihin ka?" sabi nya habang inaayos ang upuan.
"Gusto ko lang tanungin kung anong gagawin mo if malaman mo na may kabet sya?" diretya ko na syang tinanong. Kailangan ba mag paligoy-ligoy muna?
"Hindi ba pwedeng alukin mo muna ako mag kape o kaya kumain ng breakfast?" anya habang nakangiti. Tipid naman akong napangiti sa sinabi nya.
"Ay sorry, dapat ba ayain kita? Pasensya, wala akong alam sa pag entertain ng kausap." diretyang sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung masyadong harsh pagkakasabi ko or sakto lang. Nag patuloy naman ako sa pag sasalita, "So anong balak mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Divorce ang gusto ko. Pero bago ang divorce gusto ko mamatay muna ang babae niya." anya habang diretyong nakatingin sa mata ko. Biglang nanlamig ang kamay ko at bumilis ang pintig ng puso ko.
"Bakit kailangan pa na mamatay ang babae nya?" sabi ko dito habang ginagalaw ang iniinom ko.
"Simple lang, ayoko ng niloloko ako. Hindi dapat gawin ang panloloko para sa nagawa ko sa kanya." seryosong sabi nya. Hindi ko alam pero baka nag kakamali lang ako ng observation sa kanya. Tumayo sya at nag diretyo sa university.
Napangiti naman ako at mas umusbong ang pagnanais ko na masaktan sya. Mas matutuwa ako kung masasaktan sya sa mga bagay na ipapakita ko. Inumpisahan nya ang apoy na papaso sa kanya.
Matapos mag breakfast at mag kape bumalik na ako sa University . Alam na ni Ethan at Jeansel ang balak ko. Si Jeansel sabi nya pagkatapos kong ipaalam kay Glayza ang lahat tumigil na ako. Si Ethan naman gawin ko daw ang gusto ko basta wag lang daw ako ang mismong makasakit sa sarili ko.
"Okay class I have an announcement!" bungad ni Ma'am Clara sa amin pag pasok pa lang nya ng classroom.
"Magkakaroon tayo ng Mr. & Ms. University and lahat ng department dapat may representative bawat year dapat may representative." nakangiti na saad ng guro namin. Ako na nakapangalumbaba lang, wala akong balak mag saya ngayon.
"Sino pong napili nyong Representative?" saad ni Cathleen
"Kayo ang pipili." sagot agad ni Ma'am. Dahil hindi ako interesado nilabas ko na lang cellphone ko at nag open ng social media account.
"Ma'am iilan lang maganda sa department namin. Yung iba lutang pa." anya ni Diana.
"Kaya nga Ma'am, pano kami wala kaming representative?" ani ni Trisha.
"Meron naman sa section natin, lalayo pa kayo." sabat naman ni Jennilyn. Nag-angat naman ako ng ulo at tinignan sila.
"Bakit ganyan kayo makatingin? May kasalanan ako?" kabado na tanong ko sa kanila.
"Ikaw na lang representative natin Serenity. Diba guys?" nangunguha pa ng sasang-ayon si Jennilyn. Hindi nga ako nag kamali lahat sila sumang-ayon.
"Seryoso ba kayo? Wala bang iba?" paninigurado ko sa mga kaklase ko. Ayoko talaga, ma-expose ang ganda ko. Joke hahahaha.
"Ikaw na lang, wala na kaming mapipili Ms. Sanchez." pamimilit din ni Ma'am sa akin. I'm literally stock.
"Ma'am bakit hindi si Leigh Ann? Pwede din po sya. May stage fright po kasi ako." pangungumbinse ko pa sa kanila.
"Gusto mo ba Leigh Ann?" tanong ni Jennilyn sa kaklase ko na tahimik lang sa gilid.
"Ayoko, kaya na ni Serenity yan." nahihiya na sagot nito dito. Bakit wala akong kakampi dito?
"Anong stage fright ka dyan Serenity? Tumutugtog ka sa madaming tao noong birthday mo." pambubuking ni Diana sa akin.
"Yun naman pala Serenity, kaya ikaw na lang Serenity. May talent kana din, hindi na natin kailangan pag-isipan. Ang problema na lang natin, sinong magiging kasama mo." anya ng aking guro. Pero magandang ideya na nasali ako. Ito na ang magandang pagkakataon para simulan ko na.
Matapos ang naging pag-uusapa namin, umuwi na ako. Wala na akong klase at isa pa uuwi ako kay Daddy. Nag pasundo ako sa driver ni Daddy para hindi ko na kailangan mag hintay. Pero bago yun bumili muna ako ng pagkain ko, hindi ako lalabas mamaya kasi may bisita si Daddy.
Binilinan ko sila na wag akong tawagin oras na dumating bisita ni Daddy. Gusto kong makumpirma ang hinala ko para alam ko ang magiging hakbang ko. Ako naman nilinis ko muna ang katawan ko at sa kwarto lang talaga ako nag stay. Hindi nga nag tagal ay dumating na si Daddy, napangisi na lang ako at rinig ko ang halinghing ng babae sa kwarto ni Daddy.
Ganyan pala ang ginagawa nya? Nakakasuka. Hindi ko akalain na sya pala ang pinakasalan ni Daddy. Ang baba ng tingin ko sa kanya ngayon. Akala mo kung sinong malinis. Nag ngingitngit ang loob ko at gustong-gusto kong hilahin ang buhok nya at kaladkarin palabas ng bahay namin. Matapos ang ingay sa kwarto ni Daddy, nakarinig naman ako ng katok mula sa pinto ko.
"Sera, bumaba ka muna gusto kitang ipakilala sa kanya." pakiusap ni Dad sa'kin. Tinignan ko lang sya saglit at nag patuloy sa panonood ng tv. Akala ko ay umalis sya pero pumasok pala, "Tanggapin na lang natin na wala na si Mommy mo." napangisi naman ako sa sinabi niya. Hindi niya alam na bumalik na si Mommy, mabuti kung ganun.
"Tanggap ko naman. Pero isa lang ang ina ko, hindi kayang palitan ng asawa mo ngayon yan. Mamaya bababa ako, ako na mismo mag papakilala sa asawa mo." sarkastikong sabi ko dito.
Hindi na ako nakarinig ng sagot mula dito at lumabas na sya ng kwarto ko. Ako naman ang manggugulat ngayon, hindi pwedeng laging sila lang ang may surpresa. Dapat ako din.
Wala akong ibang baon na plano kundi baon ko lang ang nakakabit sa pangalan ko na ako ang tunay na anak ni Albert Sanchez. Habang pababa ako, rinig ko naman ang mahinhin nyang tawa na nag mumula sa kusina. Nahinto lang ang tawa nya ng binaba ko sa lamesa ang bitbit ko na wine. Nagkatitigan kami na dalawa at ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya. Parang huminto naman ang mundo niya at namutla sa kinauupuan nya. Kahit sino naman magugulat kung ang Step Daughter mo pala ay kilala mo na matagal na.
"Good evening everyone, may celebration ba?" kunwari nabibigla ko na sabi. Inisa-isa kong tignan ang mga tao sa kusina, sinadya ko talaga yun. Pumikit ako saglit at pagmulat ko ng mata ko ay tinitigan ko sya. "Oh hi my beautiful step mother, ako nga pala si Alicia Serenity Sanchez, nag-iisang anak ni Albert Sanchez. Akala ko hindi na kita makikilala matagal na kitang gusto makita." anya ko habang pekeng tumatawa.
Rinig ko ang bawat pag hinga ng mga tao na nasa paligid ko ng mga oras na iyon. Walang gustong mag salita. Kitang-kita ko pa din ang gulat sa mukha nya na nabibigla pa din sya.
"So kailan mo balak i-announce sa lahat na sya ang asawa mo Dad?" pang-uuyam ko na tanong dito.
"Kapag okay na ang lahat." proud na sabi ni Daddy habang nakatingin sa asawa nito.
"Bakit Daddy? Wala na din naman si Mommy at wala naman sigurong problema sa asawa nyo bakit hindi nyo pa i-announce?Maraming paparazzi na hahanap ng news para sa inyo, ako na nag papaalala baka nakakalimutan mo lang. Isa kang business man kaya lahat ng bago sayo gagawin nilang problema o usapan." mahabang litanya ko dito.
"Sa tamang oras, may inaayos din kasi ako para walang problema kapag i-announce na ni Albert." sya naman ang sumagot dito. Napangisi ako at sa kanya ko naman tinuon ang atensyon at tingin ko.
"Oh my god, sorry I forgot. Nandito ka pala." natatawa na sabi ko dito. Kitang-kita ko naman kung paano sya mapikon. Pinili nya na lang ngumiti at tumingin pa din ng diretyo sa akin.
Tahimik naman ang lahat habang kumakain. Tanging ingay lang ng kutsara at tinidor ang maririnig ko, ramdam ko naman kung gaano sya hindi kakomportable na nasa paligid lang ako. Ako ang natutuwa dahil ramdam ko ang hiya nya habang nasa paningin nya ako. Nauna na akong tumayo at nag paalam na aalis na din.
Alam kong susunod sya sa akin kaya hindi muna ako lumabas ng gate.
"Wag mong sasabihin sa iba ang alam mo, nakikiusap ako sa'yo Serenity." nakikiusap na tinig nya sa akin. Ngumisi naman ako at lumapit sa kanya at saka bumulong para kaming dalawa lang ang nakakarinig.
"Bakit ko sasabihin sa iba kung pwede kong ipaalam sa lahat at saka kawawa naman sya niloloko mo pala." sinadya ko talaga na sabihin yun ng kabahan sya lalo. Pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako. Wala akong pakielam kung mag sabi sya kay Daddy, sya lang din mapapahamak at ginagago nya din si Daddy.
Minsan kailangan mong alamin ang kahinaan ng kalaban mo para makaramdam din sila ng takot.
SERA'S POV "Okay guys, break muna. Good job!" anya sa amin ng instructor. Naupo ako sa gilid at pinanood ang mga kasama ko na ilalaban for Ms. & Mr. University, wala kang masasabi na panget mula sa kanila. Magaganda at gwapo ang mga ito. Gwapo din naman ang kasama ko kaso kulang sa facial expression, what I mean is masyadong seryoso ang mukha nya kapag nasa practice. Nakita ko naman na tumatakbo si Diana papalapit sa akin at may dalang panyo at tubig. May dala din itong extra shirt. "Serenity pinabibigay ni Nat." ngiting-ngiti na saad nito. Inabot ko naman at ginamit ang panyo. "Sabihin mo sa kanya, hindi na dapat sya nag-abala." nakapangalumbaba na sabi ko. Sana pumunta na lang sya hindi yung ipabibigay nya pa sa iba. Bukod kay Jeansel, sya ang nakakaalam ng lahat tungkol sa amin ni Ethan. Sya ang pinaka-unang nakaalam sa lahat. Siguro nag tataka kayo sino yung Nat? Hindi ko din alam saan nakuha ni Diana yun hahahaha kaya sa kanya nyo na lang tanungin. Pagkatapos naman nya
Ethan's POV“Sera pwede bang wag muna natin ilabas si Tita Carol?” pangungumbinsi ko kay Sera. Hindi ko gusto ang balak ni Sera.“Kung ayaw mo ako na lang ang gagawa.” galit na sabi nito sa akin. Siguro naguguluhan kayo ano ang ayaw ko sa plano nya. Gusto nya lang naman papuntahin ang mommy nya sa University, nandun ang asawa ko at malamang tatanungin ako kung sino kasama ko.“Hindi sa ayaw, pero Sera naiisip mo ba na pwede tayong mabuking sa ginagawa mo.” pagpapaliwanag ko kay Sera. Hindi ko kasi maintindihan bakit kailangan ako pa ang mag lalabas kay Tita pwede naman isama nya na ngayon pupunta na sya. May Ms. & Mr. University mamaya kaya isasama nya si Tita.“Hindi mo ba maintindihan? Sige ako na ang gagawa, kahit kailan talaga Ethan hindi mo kayang sumugal kahit minsan lang.” pagalit niyang sabi at binagsak ang pintuan. Napahilamos na lang ako at matinding pag pipigil sa sarili ang ginawa ko. Iniintindi ko naman ng pilit ang sinasabi nya pero hindi ko maisip para saan yun? Masya
CHAPTER 7 Diana's POV Kahit hindi ako pakiusapan ni Kuya o ni Sera na sundan sila nandito lang kami lagi ni Jeansel para sundan sila at kuhanan ng picture gagawin namin. Gusto kong mawala si Glayza at Jane sa buhay namin. Syempre sa bahay din namin. Saan sila kumuha ng swerte nila para mag yabang sa bahay ni Kuya mga mukha naman silang labak. Maluwang ang bahay ni Kuya pero hindi maluwang para sa akin ito dahil nagiging maliit ang mundo ko kapag nakikita ko sila sa hapag-kainan. Sukang-suka din ako kay Glayza na akala mo Santa sa lahat ng mga estudyante. Hindi ako kasing galing ni Sera para baliwin ng paunti-unti si Glayza habang iniisip niya kung sino ang babae ni Kuya. Ang naiisip ko lang para tulungan sya ay ang padalhan ng mga litrato si Glayza ng mga bagay na ginagawa ni Kuya para kay Sera. Kalalabas ko lang ng kwarto ng mapagtanto na wala si Jane ngayon. Lumapit naman ako sa kwarto nya at binuksan. Nakita ko sa bandang cabinet nya na may mga picture doon. Pero ang ki
CHAPTER 8Sera's POV Pagkatapos kong mailabas si Mommy pumunta ako sa bahay ni Daddy napakadaming reporter sa harap ng bahay. Hindi ako nainform kaya hindi ako nakaiwas na may ganun sa harap ng bahay. Mabilis naman akong nakapasok sa tulong ng mga guard na nakabantay sa gate. Hindi ito ang sinadya ko dito, iniisip ko pa lang kanina kung nandito nga ba ang Step Mother ko hindi nga ako nag kakamali nandun ang Step Mother ko. Nanalo nga ako sa pageant na sinalihan ko. Pakiramdam ko natalo naman ako at nasaktan ulit si Mommy ng wala pang ginagawa ang dalawa na ito.“Albert Sanchez daughter won in Ms.&Mr. University.” nakita kong balita sa TV. Aba, iba nga naman kapag ang ama mo ay isang kilalang negosyante. Nakilala tuloy ako ng biglaan sa media.Hindi nila ramdam ang presensya ko ng pumasok ako kaya nagulat sila ng pumalakpak ako. “Wag kayo masyadong nag kakape ha? Dyan kayo nakakaramdam ng kaba,” lumakad naman ako at naupo sa sofa na nasa harap nila. Tinuro ko naman ang Step Mot
CHAPTER 9Sera's POV Hindi ko alam kung anong topak ang meron si Ethan at gusto daw nya mag night swimming. Night swimming sa dagat? Abnormal na yata. Pero dahil gusto nya naman patulan na lang. Kaya heto ako ngayon kasama si Jeansel. Nag bihis syempre ng pang swimming.“Sigurado kaba na hindi ka babalutin ni Ethan ng tvkumot sa suot mong yan?” “Grabe sa kumot, hindi ba kasya kapag tuwalya?” Tinawagan ko naman si Diana sa messenger sakto nga nakaopen. Kumaway naman sya sa amin at nakita ko na wala sya sa bahay nila.“Nasaan ka gabi na?” tanong ko dito.“Sa InfiniTEA.” saka nito tinaas ang milktea nya.“Grabe yan, feeling ko sinundan mo si Bryan 'no?” pang-aasar naman ni Jeansel.Nilapit naman ni Diana ang mukha sa screen at tinaas-taas ang dalawang kilay, “Feeling ko din may mali sa mata mo Jeansel?”“Pano iniyakan yung dalawa ang ulo, wala Naman utak.” hinampas naman ako ni Jeansel sa sinabi ko. Tawa naman ng tawa si Diana sa sinabi ko na iyon. “Wala talagang preno ang bi
Diana's POV 4am pa lang pero nakabukas na ang ilaw sa baba. Bumaba na ako at nilagay ang mga gamit ko sa front door para bitbitin na lang kapag tapos ko gumawa ng makakain namin nila Bryan sa byahe. Gising na si Glayza at nasa kusina s'ya nag luluto. Bigla kong kinalampag ang papasok sa kusina kaya gulat na gulat s'ya.“Wag kang masyadong kabado,” sabi ko dito at dinaanan lang s'ya. “Sabi nila habang nabubuhay ang taong nakapatay, bawat oras na lumilipas iniisip nila na kalaban ang nasa paligid nila.” Kumunot noo naman s'ya sa sinabi ko, “Anong sinasabi mo?”“Wala nabasa ko lang sa libro, gusto mo bang basahin? Para naman kahit papano aware ka sa galaw mo.” sabi ko sa kanya habang gumagawa ng sandwich.“Ikaw nababaliw kana kulang ka sa aruga ng ama't ina mo.” pang-uuyam nya sa akin. Nag pantig naman ang tenga ko sa sinabi nya at kumuha ng sandwich, “Pano ako aalagaan ng ama ko kung isang araw nagising na lang ako binalita na sa akin na patay na ang aking ama,” binigay ko nama
CHAPTER 11Sera's POV Matapos ang gulo na nangyari sa amin ni Mommy ay ni isa sa kanila walang gustong mag-open. Ayoko din pag-usapan ang tungkol sa nangyari. Umasta sila na parang walang nangyari. Pero ako ayokong itago yung inis na nararamdaman ko. Kung siguro nakakamatay ang awra na meron ako ngayon baka namatay na sila. Isa pa si Ethan, hindi man lang naalala na 5th anniversary namin. Nakakainis talaga, pagkagising ko talaga kanina nag expect ako na may bulaklak o kaya pagbati pero wala man lang.FLASHBACK Nagising ako na nasisinagan ng araw ang mukha ko. Talagang mukha ko lang at mukhang sinadya. Bumangon naman ako at lumapit sa side table na may breakfast.“Good morning sunshine! Bumaba ka pagkatapos mo, hintayin natin sila Diana.” nakasimangot ko naman na nilapag sa lamesa ang note na yun. Hindi ako kumakain kapag umagahan kaya matapos kong mag toothbrush at mag hilamos binaba ko na dahil 'di ko naman yun kakainin.Nakasalubong ko naman si Jeansel na ngiting-ngiti, “Ha
CHAPTER 12SERA'S POV Hanggang ngayon hindi mawala ang saya na nararamdaman ko habang nakatitig sa singsing na suot ko. Totoo na 'to fiancee ko na talaga sya. Akalain mo ba naman ang pag papanggap ni Ethan na nalunod ay surprise lang pala. Hinihintay ko na lang si Ethan at ganun din si Diana dahil uuwi na kami. Nag chat ang secretary ni Dad na umuwi daw ako dahil may party, dalhin ko daw si Ethan.“Anak gusto sana kitang makausap.” seryoso na sabi sa akin ni Mom.Ngumiti ako sa kanya at humarap, “Ano po yun?” ngiting-ngiti na sabi ko dito.“Diretyahin mo ako Ali, bakit sinasabi nila na kabet ka daw ni Ethan?” seryosong tanong nito sa akin. Napalunok naman ako, walang emosyon ang mga mata ni Mommy.Lumunok naman ako at umiwas ng tingin. Kaso naramdaman ko na lang na dumampi sa pisngi ko ang kamay ni Mommy, “Silent means yes.” “Hindi ko po gusto tumagal sa ganito pero minahal n'ya po ako, yun ang pinanghahawakan ko sa ngayon.” sabi ko dito.“I know, pero alam mo sana ang c