CHAPTER 22DIANA'S POV Nang makita ko na inilipat na sa kwarto si Sera ay pumasok na ako dito para mag bantay. Mas napaluha naman ako sa nakita ko. My god. Yung mukha n‘ya madaming paso at napakadaming sugat. Ang ulo n‘ya may benda ganun din ang paa at kamay n'ya. Hindi ko alam kung sinong anak ni Poncho Pilato Ang may gawa nito. Kung nakikita n‘ya ang gawa n‘ya sana mangyari din sa kanya ‘to. Kitang-kita ko ang hirap n‘ya kahit na hindi n‘ya ito sabihin kanina. Grabe ang dinanas n‘ya. Pinilit n‘ya mabuhay para sa bata na nasa sinapupunan n‘ya. His/her Mom is so brave. Isang oras pa bago sabay na dumating si Jeansel. Wala naman magawa si Jeansel kundi umiyak lang sa isang gilid.“Buong akala ko ay mukha lang ang nabugbog sa kanya. Grabe ang dinanas ni Sera….” lumuluha na sabi ni Jeansel.“Hindi natin alam kung ga‘no katagal lumaban si Sera sa tubig na 'yon.” malungkot na sabi ko dito.“Isipin mo Diana…nandoon ang kinatatakutan n‘ya… impossible na wala silang ginawa kay Sera…
CHAPTER 23DIANA'S POV“Anong sabi mo?” tanong ko kay Bryan na nasa harap ko ngayon.“Sabi ko nga sa'yo pumunta si Director sa University kahapon, hindi nakita ng mga estudyante ang mukha pero may mga nakakakilala dito.” pahayag n‘ya.Dahil chismisan ang nangyayari sa'min na dalawa kapag magkasama kailangan maging all ears ako. Tungkol na sa Director na ang pinag-uusapan namin. Hindi lang basta Director ng kung ano, kun‘di director na ng University.“Paanong hindi nakita ang mukha?” tanong ko dito.“Napapalibutan ng mga body guards.” humarap pa s'ya sa'kin para magkausap kami ng maayos. "Napakalakas naman ni Sera at kusang pumunta si Director sa University."Napatango-tango naman ako at napatingin kay Sera at Kuya parehas silang tulog. Halos kadarating lang ni Bryan pero chismis agad ang sinalubong."Bukas daw may overall meeting, lahat daw ng students including Professors." napalingon naman ako kay Kuya na nakatulog pa din. Hindi n'ya pa siguro alam dahil halos nung dumating s'ya kah
Sera's POV Malakas ang buhos ng ulan. Kapag ganito na umuulan bumabalik sa akin ang nangyari noong ako ay pitong taong gulang. Malinaw sa isip ko lahat ang nangyari. Musmos man kung tawagin ngunit namulat ako sa katotohanan na ang ama at ina ko ay walang pagmamahal sa isa't isa. Saksi ako sa lahat ng nangyari sa kanila. Pinikit ko na lang ang mata ko at nakikinig ng musika mula sa aking cellphone. Pero sa pag pikit ko na iyon, parang mga litrato na nag balik sa isipan ko ang lahat. Sa loob ng apat na sulok ng bahay rinig ang pag-iyak ni Serenity habang hinahabol ang ina nyang may bitbit na maleta at aalis. "Mom don't leave me please,mommy I love you." saad ni Serenity na nagsusumamo na wag siyang iwan at umiiyak habang hinahabol ang ina nyang pababa. "Dito ka lang Sera wag kana sasama sakin." ani Caroline habang umiiyak din,pilit nilalayo ang bata sa kanya.Pero hahakbang pa lamang ito ng hawakan sya ng anak. Niyakap niya ito ng mahigpit at pinapatigil sa pag-iyak.
CHAPTER 2SERA'S POV Ilang araw akong naging busy dahil sa internship kaya hindi kami nag kikita ni Ethan. Pero may usap-usapan na ang asawa ni Ethan ay buntis, gustong-gusto ko na syang tanungin tungkol dito pero 'di ko magawa dahil hamak lang na kabet ako. Kanino ko nalaman yung chismis? Syempre sa dalawang kaibigan ko lang naman. Syempre may dakila akong kaibigan na kinukunsinte ang gawain ko. "Sera ano ng balak mo? Ano nararamdaman mo ngayon?" nag-aalala na tanong ni Jeansel sa akin. "Hindi ko alam, ano sa tingin mo naman nararamdaman ko Jeansel? Parang 'di mo pinag-iisipan yang tanong mo." naiinis na sabi ko sa kaibigan ko. Kahit sino naman masasabi yun. O sadyang ako lang makakapag sabi nun."Sinabi ko na kasi sayo na itigil mo na, hindi ka nakinig." naiinis na sabi nito sa akin. Anong magagawa ko?Ginusto ko na din naman. Ayoko na lang sumagot sa sinabi nya at baka humaba, tama na yung talak nya. Inaaya ko na lang sya kumain ng tumahimik."Tara na nga lang kumain, nagugut
Chapter 3SERA'S POVKasama ko ngayon si Jeansel dito sa bahay ko at kwinento ko sa kanya yung napag-usapan namin ni Glayza sa rooftop. Nakailang hila ng buhok at batok yata ang natamo ko sa kaibigan ko. Pero sadyang 'di magising ang utak ko sa nangyayari. "Alam mo Sera, napakaganda mong tanga. Alam mo ba yun ha?" mataray na sabi nito sa akin. Napairap na lang ako dahil kahit naman kumontra ako ay totoo naman."Tatanggapin ko yung sinabi mo kasi may papuri," sabi ko habang kumakain. Nag patuloy na naman ako sa pagsasalita, "Pero wag kang masyadong harsh, alam mo naman ikaw lang nakakaintindi sa pang bobo ko na desisyon." natawa naman sya sa sinabi ko na yun at saka humampas pa. Ewan ko ba bakit kapag ang ibang babae tuwang-tuwa kailangan pa manghampas?"Buti alam mo yan Sera, ikaw tumigil kana at magkakaanak na sila. Aagawan mo pa ng tatay yung bata." ngayon biglang naging seryoso ang usapan nila. Hindi ko maintindihan ugali ng kaibigan ko. Parang may multiple personalities."Paano k
CHAPTER 4SERA'S POV Wala akong pasok ng ganitong oras pero maaga akong pumasok. May aabangan ako na tao. Dumaan muna ako sa coffee shop, hindi ko alam gusto ko makaramdam ng kaba. Sa ngayon, kalmado ako. 'Di ako kinakabahan, gusto ko naman kabahan sa gagawin ko. Masyado bang kampante?Well, kampante talaga ako dahil gusto ko talaga ang gagawin ko dahil sa huli alam kong ako pa din ang mananalo. Tapat lang ng university namin ang coffee shop na ito kaya hindi malabo na Hindi nya ako makita dito. Matagal din ang pag hihintay ko bago sya dumating. Akala ko ay hindi nya ako mapapansin dahil ang tingin nya napakalayo at halatang malalim ang iniisip. Kinawayan ko naman sya, akala ko ay hindi sya pupunta pero lalapit pala ito."Good Morning, busy kaba?" tanong ko agad kay Glayza. "Hindi naman, ano ba yun? May sasabihin ka?" sabi nya habang inaayos ang upuan."Gusto ko lang tanungin kung anong gagawin mo if malaman mo na may kabet sya?" diretya ko na syang tinanong. Kailangan ba ma
SERA'S POV "Okay guys, break muna. Good job!" anya sa amin ng instructor. Naupo ako sa gilid at pinanood ang mga kasama ko na ilalaban for Ms. & Mr. University, wala kang masasabi na panget mula sa kanila. Magaganda at gwapo ang mga ito. Gwapo din naman ang kasama ko kaso kulang sa facial expression, what I mean is masyadong seryoso ang mukha nya kapag nasa practice. Nakita ko naman na tumatakbo si Diana papalapit sa akin at may dalang panyo at tubig. May dala din itong extra shirt. "Serenity pinabibigay ni Nat." ngiting-ngiti na saad nito. Inabot ko naman at ginamit ang panyo. "Sabihin mo sa kanya, hindi na dapat sya nag-abala." nakapangalumbaba na sabi ko. Sana pumunta na lang sya hindi yung ipabibigay nya pa sa iba. Bukod kay Jeansel, sya ang nakakaalam ng lahat tungkol sa amin ni Ethan. Sya ang pinaka-unang nakaalam sa lahat. Siguro nag tataka kayo sino yung Nat? Hindi ko din alam saan nakuha ni Diana yun hahahaha kaya sa kanya nyo na lang tanungin. Pagkatapos naman nya
Ethan's POV“Sera pwede bang wag muna natin ilabas si Tita Carol?” pangungumbinsi ko kay Sera. Hindi ko gusto ang balak ni Sera.“Kung ayaw mo ako na lang ang gagawa.” galit na sabi nito sa akin. Siguro naguguluhan kayo ano ang ayaw ko sa plano nya. Gusto nya lang naman papuntahin ang mommy nya sa University, nandun ang asawa ko at malamang tatanungin ako kung sino kasama ko.“Hindi sa ayaw, pero Sera naiisip mo ba na pwede tayong mabuking sa ginagawa mo.” pagpapaliwanag ko kay Sera. Hindi ko kasi maintindihan bakit kailangan ako pa ang mag lalabas kay Tita pwede naman isama nya na ngayon pupunta na sya. May Ms. & Mr. University mamaya kaya isasama nya si Tita.“Hindi mo ba maintindihan? Sige ako na ang gagawa, kahit kailan talaga Ethan hindi mo kayang sumugal kahit minsan lang.” pagalit niyang sabi at binagsak ang pintuan. Napahilamos na lang ako at matinding pag pipigil sa sarili ang ginawa ko. Iniintindi ko naman ng pilit ang sinasabi nya pero hindi ko maisip para saan yun? Masya