CHAPTER 16GLAYZA'S POV Matapos nila akong iwan sa kwarto ay may natanggap naman akong email. Hindi ko pinansin ito dahil ang akala ko ay wala lang kaya dumiretyo na ako sa condo ko. Nakita ko naman na may mga gamit na sa sala. Mga gamit ni Jane, malamang ay sumunod na sya dito.“Jane!” tawag ko dito.Narinig ko naman na may nag lalakad galing sa kusina at ako na mismo ang pumunta dito. Hindi n'ya narinig ang tawag ko kasi naka earphone s'ya habang nanonood ng movie sa laptop. Lumapit naman ako at hindi ko akalain na magugulat s'ya sa pag hawak ko sa balikat n'ya.“Ay anak ka ni Lucifer….” sinamaan ko naman s'ya ng tingin at kinancel ko ang pinanonood n'ya. Nakita ko naman ang picture na bumungad sa'kin. Si Jane, Jeansel at Serenity naka swimsuit at nakatalikod. Tinignan kong mabuti ang tattoo na nasa likod ni Serenity. “Jane ano yung tattoo na nasa likod… ni Serenity?” tanong ko dito. Medyo hindi pa ako sigurado dahil baka hindi ito si Serenity.“Butterfly yang nasa likod ni Ser
CHAPTER 17DIANA'S POV Hindi ko maintindihan ang mga nangyari nang gabi na 'yon. Pero nasisigurado ko, sinira ni Glayza ang relasyon ni Sera at Kuya. Kaso medyo makitid ang utak ni Kuya sa part na naniwala s'ya kay Glayza. Hindi n'ya ba naisip na mas iniisip ni Sera ang bata na nasa sinapupunan ni Glayza? Alam n'ya na hindi ugali ni Sera ang manakit lalo na kung may inosenteng masasaktan.Totoo nga na nasa hospital si Glayza dahil sa biglaan na sumakit ang tyan n'ya kaya pinunta ni Jane sa hospital. Ang sabi ay iwasan n'ya magalit at mastress dahil masama sa baby. Ang ending umuwi na naman si Glayza sa bahay ni Kuya. “Nasaan ang utak mo? Kahit kuya pa kita mag sasalita ako dahil nandoon ako nang mangyari yun!” sigaw ko kay Kuya noong nasa bahay.“Wag mo akong ginaganyan Diana! Sumusobra kana hindi mo ako dapat pag salitaan nang ganyan!” wala akong pakialam sa galit n'ya nang mga oras na 'yon.Umupo naman ako sa sofa na malapit sa kanya, “Ako pa ang masama ngayon ha?”“Tumigil ka
CHAPTER 18SERA'S POV Pagkatapos namin mag meryenda ay dumiretyo na kami sa bahay. Kotse ni Bryan ang ginamit namin dahil nga sa wala akong sundo kaya hindi na ako nag-inarte pa. Kanina pa tunog nang tunog ang phone ko, siguro GC yun kaya ganun na lang sunod-sunod ang tunog ng phone ko. Nang makarating na kami sa bahay, dumiretyo kami ni Diana sa kwarto ko. Kinuha ko naman sa basement ang maleta na malaki. Pagbalik ko sa kwarto ay prenteng-prente lang nakaupo si Diana sa study table ko.“Seriously Sera napakadami n'yan nakakatamad.” himutok n'ya.Inumpisahan ko naman tanggalin ang mga naiwan pa n'ya na damit. Kaunti lang ito kumpara sa gamit n'ya na inimpake ko kagabi. Bigla naman nag salita si Diana na ikinainit lalo ng ulo ko, “Hindi ba pwedeng mag-ayos na lang kayo?”“Kahit anong sabihin mo Diana hindi na mababago ang isip ko,” saad ko habang nilalagay ang mga pang skin routine n'ya.“Pano si Baby?” curious na tanong nito.“Okay lang, may baby naman na sila ni Glayza.”Nakit
CHAPTER 19SERA'S POV Maaga talaga akong nagising dahil sa hilo na nararamdaman ko at nagutom din ako. Napilitan tuloy ako bumangon para ipagluto ang sarili ko ng noodles. Nag hanap pa nga ako ng pandesal kaso naisip ko sa aga ko nagising bihira lang ang may nag titinda sa madaling araw. After ko ngang kumain ay tumambay na ako sa kusina. Naabutan pa nga ako ni Manang Fely na nakatambay doon."Ma'am maaga pa po, bakit po ang n'yo nagising?" Nginitian ko naman s'ya at tinuro ang pinagkainan ko sa sink, "Nagugutom po kami ni Baby.""Ganyan talaga Ma'am Ali, kaya masanay na po kayo. Pero kung magigising po kayo ng madaling araw kumatok lang po kayo sa kwarto ko." "Hindi na kailangan 'no ka ba Manang, nakakaistorbo pa ako nang tulog nun.""Ma'am Ali hindi sa nanghihimasok ako pero nakikita ko po na gustong makipag-ayos ni Sir Ethan sa inyo." "Kahit ano pong pangungumbinse n'yo sa'kin hanggat hindi po natatauhan si Ethan hindi po ako makikipag-ayos sa kanya. Marami na akong sinugal
CHAPTER 20SERA'S POV Andito pa din kami sa dating bahay kasama sila Ethan at Mom. 6pm na nang matapos ang event, ang pakikitungo ni Daddy kay Glayza ay sinlamig na … ng yelo. Hindi pa kami pinauuwi ni Daddy dahil mag-uusap daw kami. Wtf. Bakit kasama pa ako? Pwede ba’ng sila na lang na tatlo? Matagal-tagal pa ako’ng nag hintay bago pumasok si Daddy sa loob ng bahay. Diretyo si Daddy sa sofa na malapit sa'kin at naupo dito. Si Ethan naman ay nakaupo din sa tapat ni Daddy. Samantalang si Glayza at Mommy ay nasa iisang sofa na mahaba."Pakipaliwanag sa'min, Glayza. Wala ako’ng maintindihan." malamig na tinig na sabi ni Daddy."I-I'm sorry." nakayuko na sabi ni Glayza. Narinig ko naman na bahagyang tumawa si Mommy kaya napatingin kami sa kanya."Bakit tumatawa ka, Caroline?" naiinis na sabi ni Daddy."Nakakatawa lang na yung dating nanloko noon, ngayon niloloko na din. Ang masaklap pa, kasal pa sa dalawang lalake." prente na sabi ni Mom. Napangisi naman ako, totoo nga. Baba
CHAPTER 21SERA'S POV Gaya nga nang inaasahan ko. Kumalat sa University na pinsan lang ni Glayza si Ethan. Pinalabas lang daw ni Glayza na asawa n'ya ito para mailayo daw si Ethan sa mga katrabaho nito na babae. Kumalat din na Step Mother ko 'to. Kaya mas lalong nakaagaw pansin ang pangalan ko dahil konektado na ako sa Instructor ko. Late na ako pumasok dahil mag complete na lang ng mga requirements. Lahat ng mga estudyante nakatingin sa'kin.“Serenity…. Serenity….” kapag binibigkas ni Joshua ang pangalan ko literal na kinikilabutan ako.Lalampasan ko na sana s'ya pero hinarangan nila ako mismo sa huling baitang ng hagdan.“Anong kailangan mo?” mataray na sabi ko dito.“Oh mga pare, matapang talaga 'to…” sabi n'ya sa mga kasama n'ya na piling maangas mga wala naman angas pagdating sa pag-aaral. Nag tawanan naman ang mga kasama ni Joshua.“Please lang marami akong ginagawa…”kusang pakinggan nila ako ay nag tawanan pa.Lumapit naman s'ya sa'kin at hiningahan n'ya ako. Amoy na amo
CHAPTER 22DIANA'S POV Nang makita ko na inilipat na sa kwarto si Sera ay pumasok na ako dito para mag bantay. Mas napaluha naman ako sa nakita ko. My god. Yung mukha n‘ya madaming paso at napakadaming sugat. Ang ulo n‘ya may benda ganun din ang paa at kamay n'ya. Hindi ko alam kung sinong anak ni Poncho Pilato Ang may gawa nito. Kung nakikita n‘ya ang gawa n‘ya sana mangyari din sa kanya ‘to. Kitang-kita ko ang hirap n‘ya kahit na hindi n‘ya ito sabihin kanina. Grabe ang dinanas n‘ya. Pinilit n‘ya mabuhay para sa bata na nasa sinapupunan n‘ya. His/her Mom is so brave. Isang oras pa bago sabay na dumating si Jeansel. Wala naman magawa si Jeansel kundi umiyak lang sa isang gilid.“Buong akala ko ay mukha lang ang nabugbog sa kanya. Grabe ang dinanas ni Sera….” lumuluha na sabi ni Jeansel.“Hindi natin alam kung ga‘no katagal lumaban si Sera sa tubig na 'yon.” malungkot na sabi ko dito.“Isipin mo Diana…nandoon ang kinatatakutan n‘ya… impossible na wala silang ginawa kay Sera…
CHAPTER 23DIANA'S POV“Anong sabi mo?” tanong ko kay Bryan na nasa harap ko ngayon.“Sabi ko nga sa'yo pumunta si Director sa University kahapon, hindi nakita ng mga estudyante ang mukha pero may mga nakakakilala dito.” pahayag n‘ya.Dahil chismisan ang nangyayari sa'min na dalawa kapag magkasama kailangan maging all ears ako. Tungkol na sa Director na ang pinag-uusapan namin. Hindi lang basta Director ng kung ano, kun‘di director na ng University.“Paanong hindi nakita ang mukha?” tanong ko dito.“Napapalibutan ng mga body guards.” humarap pa s'ya sa'kin para magkausap kami ng maayos. "Napakalakas naman ni Sera at kusang pumunta si Director sa University."Napatango-tango naman ako at napatingin kay Sera at Kuya parehas silang tulog. Halos kadarating lang ni Bryan pero chismis agad ang sinalubong."Bukas daw may overall meeting, lahat daw ng students including Professors." napalingon naman ako kay Kuya na nakatulog pa din. Hindi n'ya pa siguro alam dahil halos nung dumating s'ya kah