CHAPTER 19SERA'S POV Maaga talaga akong nagising dahil sa hilo na nararamdaman ko at nagutom din ako. Napilitan tuloy ako bumangon para ipagluto ang sarili ko ng noodles. Nag hanap pa nga ako ng pandesal kaso naisip ko sa aga ko nagising bihira lang ang may nag titinda sa madaling araw. After ko ngang kumain ay tumambay na ako sa kusina. Naabutan pa nga ako ni Manang Fely na nakatambay doon."Ma'am maaga pa po, bakit po ang n'yo nagising?" Nginitian ko naman s'ya at tinuro ang pinagkainan ko sa sink, "Nagugutom po kami ni Baby.""Ganyan talaga Ma'am Ali, kaya masanay na po kayo. Pero kung magigising po kayo ng madaling araw kumatok lang po kayo sa kwarto ko." "Hindi na kailangan 'no ka ba Manang, nakakaistorbo pa ako nang tulog nun.""Ma'am Ali hindi sa nanghihimasok ako pero nakikita ko po na gustong makipag-ayos ni Sir Ethan sa inyo." "Kahit ano pong pangungumbinse n'yo sa'kin hanggat hindi po natatauhan si Ethan hindi po ako makikipag-ayos sa kanya. Marami na akong sinugal
CHAPTER 20SERA'S POV Andito pa din kami sa dating bahay kasama sila Ethan at Mom. 6pm na nang matapos ang event, ang pakikitungo ni Daddy kay Glayza ay sinlamig na … ng yelo. Hindi pa kami pinauuwi ni Daddy dahil mag-uusap daw kami. Wtf. Bakit kasama pa ako? Pwede ba’ng sila na lang na tatlo? Matagal-tagal pa ako’ng nag hintay bago pumasok si Daddy sa loob ng bahay. Diretyo si Daddy sa sofa na malapit sa'kin at naupo dito. Si Ethan naman ay nakaupo din sa tapat ni Daddy. Samantalang si Glayza at Mommy ay nasa iisang sofa na mahaba."Pakipaliwanag sa'min, Glayza. Wala ako’ng maintindihan." malamig na tinig na sabi ni Daddy."I-I'm sorry." nakayuko na sabi ni Glayza. Narinig ko naman na bahagyang tumawa si Mommy kaya napatingin kami sa kanya."Bakit tumatawa ka, Caroline?" naiinis na sabi ni Daddy."Nakakatawa lang na yung dating nanloko noon, ngayon niloloko na din. Ang masaklap pa, kasal pa sa dalawang lalake." prente na sabi ni Mom. Napangisi naman ako, totoo nga. Baba
CHAPTER 21SERA'S POV Gaya nga nang inaasahan ko. Kumalat sa University na pinsan lang ni Glayza si Ethan. Pinalabas lang daw ni Glayza na asawa n'ya ito para mailayo daw si Ethan sa mga katrabaho nito na babae. Kumalat din na Step Mother ko 'to. Kaya mas lalong nakaagaw pansin ang pangalan ko dahil konektado na ako sa Instructor ko. Late na ako pumasok dahil mag complete na lang ng mga requirements. Lahat ng mga estudyante nakatingin sa'kin.“Serenity…. Serenity….” kapag binibigkas ni Joshua ang pangalan ko literal na kinikilabutan ako.Lalampasan ko na sana s'ya pero hinarangan nila ako mismo sa huling baitang ng hagdan.“Anong kailangan mo?” mataray na sabi ko dito.“Oh mga pare, matapang talaga 'to…” sabi n'ya sa mga kasama n'ya na piling maangas mga wala naman angas pagdating sa pag-aaral. Nag tawanan naman ang mga kasama ni Joshua.“Please lang marami akong ginagawa…”kusang pakinggan nila ako ay nag tawanan pa.Lumapit naman s'ya sa'kin at hiningahan n'ya ako. Amoy na amo
CHAPTER 22DIANA'S POV Nang makita ko na inilipat na sa kwarto si Sera ay pumasok na ako dito para mag bantay. Mas napaluha naman ako sa nakita ko. My god. Yung mukha n‘ya madaming paso at napakadaming sugat. Ang ulo n‘ya may benda ganun din ang paa at kamay n'ya. Hindi ko alam kung sinong anak ni Poncho Pilato Ang may gawa nito. Kung nakikita n‘ya ang gawa n‘ya sana mangyari din sa kanya ‘to. Kitang-kita ko ang hirap n‘ya kahit na hindi n‘ya ito sabihin kanina. Grabe ang dinanas n‘ya. Pinilit n‘ya mabuhay para sa bata na nasa sinapupunan n‘ya. His/her Mom is so brave. Isang oras pa bago sabay na dumating si Jeansel. Wala naman magawa si Jeansel kundi umiyak lang sa isang gilid.“Buong akala ko ay mukha lang ang nabugbog sa kanya. Grabe ang dinanas ni Sera….” lumuluha na sabi ni Jeansel.“Hindi natin alam kung ga‘no katagal lumaban si Sera sa tubig na 'yon.” malungkot na sabi ko dito.“Isipin mo Diana…nandoon ang kinatatakutan n‘ya… impossible na wala silang ginawa kay Sera…
CHAPTER 23DIANA'S POV“Anong sabi mo?” tanong ko kay Bryan na nasa harap ko ngayon.“Sabi ko nga sa'yo pumunta si Director sa University kahapon, hindi nakita ng mga estudyante ang mukha pero may mga nakakakilala dito.” pahayag n‘ya.Dahil chismisan ang nangyayari sa'min na dalawa kapag magkasama kailangan maging all ears ako. Tungkol na sa Director na ang pinag-uusapan namin. Hindi lang basta Director ng kung ano, kun‘di director na ng University.“Paanong hindi nakita ang mukha?” tanong ko dito.“Napapalibutan ng mga body guards.” humarap pa s'ya sa'kin para magkausap kami ng maayos. "Napakalakas naman ni Sera at kusang pumunta si Director sa University."Napatango-tango naman ako at napatingin kay Sera at Kuya parehas silang tulog. Halos kadarating lang ni Bryan pero chismis agad ang sinalubong."Bukas daw may overall meeting, lahat daw ng students including Professors." napalingon naman ako kay Kuya na nakatulog pa din. Hindi n'ya pa siguro alam dahil halos nung dumating s'ya kah
Sera's POV Malakas ang buhos ng ulan. Kapag ganito na umuulan bumabalik sa akin ang nangyari noong ako ay pitong taong gulang. Malinaw sa isip ko lahat ang nangyari. Musmos man kung tawagin ngunit namulat ako sa katotohanan na ang ama at ina ko ay walang pagmamahal sa isa't isa. Saksi ako sa lahat ng nangyari sa kanila. Pinikit ko na lang ang mata ko at nakikinig ng musika mula sa aking cellphone. Pero sa pag pikit ko na iyon, parang mga litrato na nag balik sa isipan ko ang lahat. Sa loob ng apat na sulok ng bahay rinig ang pag-iyak ni Serenity habang hinahabol ang ina nyang may bitbit na maleta at aalis. "Mom don't leave me please,mommy I love you." saad ni Serenity na nagsusumamo na wag siyang iwan at umiiyak habang hinahabol ang ina nyang pababa. "Dito ka lang Sera wag kana sasama sakin." ani Caroline habang umiiyak din,pilit nilalayo ang bata sa kanya.Pero hahakbang pa lamang ito ng hawakan sya ng anak. Niyakap niya ito ng mahigpit at pinapatigil sa pag-iyak.
CHAPTER 2SERA'S POV Ilang araw akong naging busy dahil sa internship kaya hindi kami nag kikita ni Ethan. Pero may usap-usapan na ang asawa ni Ethan ay buntis, gustong-gusto ko na syang tanungin tungkol dito pero 'di ko magawa dahil hamak lang na kabet ako. Kanino ko nalaman yung chismis? Syempre sa dalawang kaibigan ko lang naman. Syempre may dakila akong kaibigan na kinukunsinte ang gawain ko. "Sera ano ng balak mo? Ano nararamdaman mo ngayon?" nag-aalala na tanong ni Jeansel sa akin. "Hindi ko alam, ano sa tingin mo naman nararamdaman ko Jeansel? Parang 'di mo pinag-iisipan yang tanong mo." naiinis na sabi ko sa kaibigan ko. Kahit sino naman masasabi yun. O sadyang ako lang makakapag sabi nun."Sinabi ko na kasi sayo na itigil mo na, hindi ka nakinig." naiinis na sabi nito sa akin. Anong magagawa ko?Ginusto ko na din naman. Ayoko na lang sumagot sa sinabi nya at baka humaba, tama na yung talak nya. Inaaya ko na lang sya kumain ng tumahimik."Tara na nga lang kumain, nagugut
Chapter 3SERA'S POVKasama ko ngayon si Jeansel dito sa bahay ko at kwinento ko sa kanya yung napag-usapan namin ni Glayza sa rooftop. Nakailang hila ng buhok at batok yata ang natamo ko sa kaibigan ko. Pero sadyang 'di magising ang utak ko sa nangyayari. "Alam mo Sera, napakaganda mong tanga. Alam mo ba yun ha?" mataray na sabi nito sa akin. Napairap na lang ako dahil kahit naman kumontra ako ay totoo naman."Tatanggapin ko yung sinabi mo kasi may papuri," sabi ko habang kumakain. Nag patuloy na naman ako sa pagsasalita, "Pero wag kang masyadong harsh, alam mo naman ikaw lang nakakaintindi sa pang bobo ko na desisyon." natawa naman sya sa sinabi ko na yun at saka humampas pa. Ewan ko ba bakit kapag ang ibang babae tuwang-tuwa kailangan pa manghampas?"Buti alam mo yan Sera, ikaw tumigil kana at magkakaanak na sila. Aagawan mo pa ng tatay yung bata." ngayon biglang naging seryoso ang usapan nila. Hindi ko maintindihan ugali ng kaibigan ko. Parang may multiple personalities."Paano k