Share

CHAPTER 3

Chapter 3

SERA'S POV

Kasama ko ngayon si Jeansel dito sa bahay ko at kwinento ko sa kanya yung napag-usapan namin ni Glayza sa rooftop. Nakailang hila ng buhok at batok yata ang natamo ko sa kaibigan ko. Pero sadyang 'di magising ang utak ko sa nangyayari. 

"Alam mo Sera, napakaganda mong tanga. Alam mo ba yun ha?" mataray na sabi nito sa akin. Napairap na lang ako dahil kahit naman kumontra ako ay totoo naman.

"Tatanggapin ko yung sinabi mo kasi may papuri," sabi ko habang kumakain. Nag patuloy na naman ako sa pagsasalita, "Pero wag kang masyadong harsh, alam mo naman ikaw lang nakakaintindi sa pang bobo ko na desisyon." natawa naman sya sa sinabi ko na yun at saka humampas pa. Ewan ko ba bakit kapag ang ibang babae tuwang-tuwa kailangan pa manghampas?

"Buti alam mo yan Sera, ikaw tumigil kana at magkakaanak na sila. Aagawan mo pa ng tatay yung bata." ngayon biglang naging seryoso ang usapan nila. Hindi ko maintindihan ugali ng kaibigan ko. Parang may multiple personalities.

"Paano kapag ako ang pinili? Edi papakawalan ko pa din?" seryoso ako na nakatingin sa malayo pero alam ko nakatitig sya sa akin. Naramdaman ko na lang din na binatukan na naman nya ako. "Alam mo ikaw Sera, ang utak ginagamit yan ha? Wag i-stock, baka kalawangin. Gamitin mo minsan ha?" sarkastiko na salita ng kaibigan ko sa akin. Alam ko naman yung sinasabi nya kaso makulit ako. Mahal ko si Ethan.

"Ang sakit ha? May puso ako girl baka nakakalimutan mo din." nag-iinarte na sabi ko sa harap nito. Bagkus na pansinin ang sinabi ko tumayo lang ito at sininop ang gamit. Ginagamit na din ang cellphone niya bago sya tumingin sa akin. "Aalis muna ako Sera, bebe time muna kami ng aking Cayden." nakangiti pa na sabi nito. Hinintay muna namin si Cayden bago ako pumasok sa bahay at nag desisyon na matulog na lang.

    Habang nakahiga ako napaisip din ako. Bakit nga ba pinasok ko ang bagay na ito? Kahit sinong babae ayaw pumasok sa relasyon na ang set-up ay ganito sa akin. Hindi ko din alam ang dahilan ko bakit na kuntento na lang ako sa lagay na kabit ako at di kayang ipagmalaki sa iba. Konting tiis na lang, gagraduate na ako at pwede na akong ipagmalaki kung magkakaroon ng divorce. Gusto ko din ipagmalaki. Kaso paano kung kabet nga lang ang lagay ko? Overthink ang ginagawa ko hindi matutulog. Tinigil ko na pag-iisip tungkol doon at hinintay na antukin na walang iniisip. Halos kalahating oras bago ako tuluyan na nakatulog.

   6pm na yata ng magising ako pero wala pa din Ethan na dumating. Hindi man lang nag sabi nang hindi ako nag hihintay. Ay syempre pala may asawa yun, malamang sa malamang kasama nya original na asawa. Kailan naman kaya ako maipagmamalaki. Nakakainis puro overthink na lang ako. Pinasok ko 'to kaya panindigan ko.

   Dahil 6pm pa lang naman sasaglit na lang ako bumili ng mga supplies ko sa malapit na grocery store. Hindi na ako nag bihis ng bonggang-bongga at talaga naman grocery lang sadya ko hindi gumala. Pagdating ko sa grocery store hindi na ganun karami ang tao. Kakamadali ng babae hindi niya napansin na mag kakabunggo na kami. Ako din 'di na makaalis sa kinatatayuan ko kaya naramdaman ko na lang may humigit sa akin. 

  Grabe yung kabog ng dibdib ko, kasi kung natuloy ang bungguan namin na dalawa baka nabagsakan ako ng mga nakalagay sa likod ko. Bago ako mag tagal sa bisig ng lalaki na ito. Lumayo na ako at tinignan sya. Laking gulat ko na ang humila sa akin si Ethan. Napairap na lang ako kaysa mag pasalamat. Pasensya kayo, wala sa bokabularyo ko ang mag pasalamat. Anyways, bago ko makalimutan tinignan ko muna ang babae na muntik na makabangga sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. 

   Paano ko naman makakalimutan ang taong matagal ko ng hinihintay ay nandito na sa harap ko. Pero paano ako mag re-react? Hindi ko alam kung yayakapin ko ba sya o magagalit. Sa huli naisipan kong lapitan sya. Kaso nakakailang hakbang pa lang ako ng tumakbo siya papalayo sa akin na parang takot na takot. Hinabol ko sya at nakarating kami sa labas ng grocery store. Sakto bumuhos ang ulan, pero parang kami lang ang tao ng mga oras na ito. Wala akong pakialam kung nababasa ako ng ulan. Kaming dalawa lang ang nasa gitna ng ulan na nakatayo ang iba tumatakbo at nag hahanap ng sisilungan.

"Sera ikaw na ba yan?" anya ng ginang dito. Nag-unahan namam tumulo ang mga luha ko at naramdaman ko na napaupo na lang ako. Wala akong pakialam kung anong sabihin ng mga tao. 

"Bakit ngayon ka lang? Sabi mo babalik ka." sa gitna ng pag-iyak nito ay nasabi nya pa din mga gusto nyang sabihin. Lumapit ang ginang dito at lumuhod para yakapin sya. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng anak nito habang nakakulong sa bisig nya. 

"Wag kang mag-alala anak, hindi na kita iiwan." saad ng Ginang habang inaalo nito sa anak nya. 

"Tama na yung mahabang panahon na wala ka Mommy." sabi ko habang nakaupo pa din at nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo doon. Basta ang alam ko lang nandito na yung matagal kong hinihintay.

    Naramdaman ko naman na wala ng ulan. Pero nag kamali lang pala ako. Kung hindi pinayungan kami ni Ethan. Inabot nya ang kamay nya sa amin. Inabot naman ni Mommy ang kamay nya at ako naman kusa ng tumayo. Hindi ko din alam kung bakit sobrang mainit ang ulo ko sa kanya. Pero alam ko na dapat na hindi sa akin lang iikot ang oras nya. May asawa sya at maaring dumating ang araw na piliin nya ang asawa at anak nya.

    Habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay ko ay pasulyap-sulyap si Mommy kay Ethan at sa akin. Siguro marami syang gustong tanungin pero 'di nya alam paano nya sisimulan. Nalaman ko din na umuupa lang si Mommy sa isang apartment. Tinanong ko sya bakit hindi sya bumalik sa bahay namin ang sagot na lang nya wala na daw kami doon. Oo wala na kami doon pero pumupunta pa din ako doon minsan.

"Mommy ang tagal na po natin magkasama na tatlo pero di mo pa po kilala si Ethan," saad ko habang nakatingin sa kanya inalis ko lang ang tingin sa kanya ng alam kong lilingon na ito sa akin. "Mom si Ethan, fiancee ko po." sinadya ko talaga sabihin na fiancee dahil alam kong mabibigla sya. Hindi nga ako nag kamali, kung hindi lang kami nakaseat belt ni mommy baka sumubsob kami.

"Sorry, may pusang dumaan." sabi ni Ethan habang nag patuloy sa pag drive, ako naman napangiti dahil kinikilig sya. Nakikita ko na namumula ang tenga.

"Mag-iingat ka sa susunod anak." ako naman tong napaubo kahit walang ubo. Wow anak? To the highest level ang tawag na.

"Oo nga pala mom, doon ka muna tumuloy sa bahay ko kaysa umuwi ka pa. Kunin na lang natin mga gamit mo bukas para sa bahay ko na ikaw tumira, wag kana tatanggi Mom ngayon lang ulit tayo nag kita at magkakasama." mahabang sabi ko kay Mom. Mabuti ng dun si Mommy sa bahay kaysa mag rent pa sya ng apartment. Malaki ang bahay para sa iilan lang na tao na nakatira.

"Salamat kung ganun anak, pasensya na kung ngayon lang ako nakabalik masyado pang malayo ang pinagdaanan ko para makita ka anak." maluha-luha na sabi ni Mommy sa akin.

"Sa anong dahilan po? Kahit gaano pa kahaba yan, all ears po ako." hindi ko alam pero may kutob ako na may mali. Sana lang mali ang hinala ko, kung hindi. Hindi ko na alam kung kaya ko pa syang ituring na tao. "Kapag handa na ako anak sasabihin ko." sabi ni Mom pero kakikitaan pa din ng lungkot. Sana lang kaya kong kulitin sya ngayon pero wag muna. Baka hindi pa talaga sya handang sabihin.

   Kapag dating namin sa bahay. Pinaasikaso ko sya agad sa katiwala ko dito sa bahay ko. Ako naman inasikaso ko si Ethan. Ang sabi nya hindi daw sya makatakas sa asawa nya kaya hindi sya makauwi dito sa bahay ko. Ang sabi ko ayos lang at alam ko naman ang lagay namin. Pagkatapos namin mag-usap hinatid ko na sya sa labas at inayos ko na din ang sarili ko.

   Hindi pa din mawala sa isip ko yung takot at lungkot na nakita ko sa mata ng ina ko. Saan sya takot? At bakit sya malungkot?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status