CHAPTER 7
Diana's POV
Kahit hindi ako pakiusapan ni Kuya o ni Sera na sundan sila nandito lang kami lagi ni Jeansel para sundan sila at kuhanan ng picture gagawin namin. Gusto kong mawala si Glayza at Jane sa buhay namin. Syempre sa bahay din namin. Saan sila kumuha ng swerte nila para mag yabang sa bahay ni Kuya mga mukha naman silang labak. Maluwang ang bahay ni Kuya pero hindi maluwang para sa akin ito dahil nagiging maliit ang mundo ko kapag nakikita ko sila sa hapag-kainan.
Sukang-suka din ako kay Glayza na akala mo Santa sa lahat ng mga estudyante. Hindi ako kasing galing ni Sera para baliwin ng paunti-unti si Glayza habang iniisip niya kung sino ang babae ni Kuya. Ang naiisip ko lang para tulungan sya ay ang padalhan ng mga litrato si Glayza ng mga bagay na ginagawa ni Kuya para kay Sera.
Kalalabas ko lang ng kwarto ng mapagtanto na wala si Jane ngayon. Lumapit naman ako sa kwarto nya at binuksan. Nakita ko sa bandang cabinet nya na may mga picture doon. Pero ang kinabigla ko may mga printed picture doon na picture ni Kuya at halatang sinusundan nya ito. May bahay din si Sera na pinicturan. Ang mas kinabigla ko ang picture ni Sera halatang hinagisan ng kutsilyo. Pinicturan ko lahat ito at pinadala ko kay Jeansel. Matapos kong makita ang lahat lumabas na ako ng kwarto nya.
Speaking of Sera, kapupunta ko lang sa bahay ni Daddy nya at wala sya doon kaaalis lang daw sabi ng katulong ganun din sa bahay niya hindi pa daw ito bumabalik. Yun kasing babae na yun hindi ko din matanto kung anong takbo ng utak. Habang iniisip ko kung saan sya pwede mapuntahan nakita ko naman na tumatawag si Sera sa akin.
“Nasaan ka?” bungad ko agad sa kanya ng sagutin ko tawag.
“Bawal ba mag hello muna?” balik tanong nya dito sa akin. “Anyways, nasa bahay ko. Bakit ba?” hindi ko na hinayaan na mag salita pa sya at pinatay ko na ang tawag.
Si kuya naman ang nag bukas para sa'kin ng pinto dahil wala daw si Sera nagbabasa sa library. Nakita ko naman pinagtaasan nya ng kilay si Kuya nang tatabi sya kay Sera.
“Sabi ko nga, hindi ako tatabi sayo.” sinamaaan nya lang ito ng tingin at tinignan ako.
“Anong problema?” tanong nya agad sa'kin.
“Pwede bang maupo muna ako?” pambabara ko naman sa kanya.
“Maupo kana, puro ka kaartehan.” irita na sabi nito.
“So ano ngang meron?” tanong nya ulit sa'kin.
“Hindi lang si Glayza ang may itim na pakpak kundi pati si Jane,” pag-uumpisa ko. Kumunot naman ang noo nya at nag tataka, “I mean nag papanggap na mabait, bawal ba maging mahinahon? Gusto mo diretyahan?”
“Napasok ko kanina kwarto ni Jane, nakita ko na marami kang picture sa kwarto nya. May picture ka din na halatang hinagisan ng kutsilyo,” alam ko naman na kinilabutan sila sa sinabi ko. “Kailangan lituhin mo si Jane.”
“Lituhin? Bakit naman?”
“Kasi pinasusundan ka din ni Glayza, nakakahalata na si Glayza.” paalala ko sa kanya. Kusang matakot ito ay prente pa itong nakaupo at wala man lang kaba na makikita dito.
“Prepared na ako, pero wag muna ngayon.” sabi nito habang nakatingin kay Ethan.
“Mag resign na ako kung ganun, sa Restaurant ako mag focus.” suhestiyon naman ni Kuya.
“Nag-iisip kaba Ethan o hindi?” walang gana naman na tanong nya dito.
“Grabe kana talaga Sera, walang preno yang bibig mo 'no? Gusto mo ba bilhan natin ng preno.” tanong nito sa akin.
“Nalalagyan ba ng preno ang tao? Kung oo, edi sana hindi na kita pinatulan,” tuloy-tuloy na sabi nya dito.
“So anong plano mo?” tanong ni Diana dito. Napaisip din ito.
“Wala, wala naman akong plano noong naging kabit ako.” diretyang sabi ni Sera. “Pero mag tuloy ka lang sa ginagawa mo, hanggang mainis sya.” tukoy nya sa pag papadala ko ng picture.
“Oo mamaya uutusan ko na naman si Aldrin. Ihahatid ko na lang mga copies dito mamaya. ”
Napatingin naman kami kay Ethan ng biglaan na nag salita, “Aalis kami mamaya, sumunod kana lang sasabihan kana lang ni Sera kung saan pupunta.” tumango naman ako at umalis na.
Dumiretyo naman ako sa Restaurant ni Kuya at sinadya doon si Aldrin, sya ang laging nag papanggap na mail man sa bahay para mag padala ng mga pictures.
Inabot ko naman sa kanya ang envelope na nag lalaman ng mga pictures, “I-address mo ulit sa bahay itong padala ko at siguraduhin mo na si Glayza o si Jane ang makakatanggap.” paninigurado ko kay Renz na nag papanggap na mail man.
“Idirekta mo na lang kaya sa kanya, nasa iisang bahay lang naman kayo.”
“Dati mo ng ginagawa ngayon ka pa ba tatanggi?” pag-aabot ko sa kanya ng pera.
“Sige oo na.” matapos sabihin ito ay umalis na din sya.
Umuwi naman na ako at gusto kong masaksihan si Glayza na manggalaiti na naman. Ganun ang lagi nyang ginagawa, this time ayoko na lang panoorin sya.
Kapag uwi ko nga ng bahay ay kitang-kita ko kung paano sya nanggagalaiti. Nabasag na naman ang mga bagong bili ni Kuya. Lagi na lang ba syang mag babasag? Nakakasawa kaya pumili at bumili ng mga gamit. Pati mga katulong natatakot na sa ugali nya. Kakatapak ko pa lang sa loob ng bahay ni Kuya ng ako naman pag balingan nya ng tingin.
“Sabihan mo yang Kuya mo, umuwi sya dito ngayon din!!” sigaw nya sa akin. Tinignan ko lang sya at tumalikod na para dumiretyo na sana sa kusina.
“Bakit hindi ikaw ang gumawa? Katulong mo ba ako? Baka nakakalimutan mo hindi tayo close.” kitang-kita ko naman kung paano ko nakuha ang inis nya.
“Nababaliw kana ba? Mas matanda ako sayo pero 'di ka marunong gumalang!” inis na inis na sabi nito sa akin. Nilapitan ko naman sya at tumayo sa harap nya.
“Ano ako, ikaw? Nakikita mo ba sarili mo,” tinignan ko pa sya mula ulo hanggang paa nya. Ngumiti ako sa kanya at nakapamaywang, “Mukha kang baliw at mukha ka din katulong hahahaha.” mas nainsulto sya sa sinabi ko at mas lalong nag ngitngit sa galit. Sasampalin nya na sana ako ng sanggain ko ang kamay nya at hilahin sya papunta sa maliit na altar sa bahay. Nang malapit na kami doon ay huminto kami.
“Nakikita mo ba yan? Tuturuan kita paano matakot at mag dasal, nahihiya na sayo ang demonyo sa sobrang sama ng ugali mo. Baka nga sinasamba kana nya sa mga nagawa mo.”
“Hindi ko alam anong nagawa ko sayo at galit na galit ka sa akin.” saad nito.
“Sigurado kaba na gusto mong malaman? Baka mamaya nyan pati nilalakaran ko ay halikan mo pa para hindi makarating sa iba ang ginawa mo hahaha.” kita ko naman ang pagkaputla nya ng marinig nya ang sinabi ko.
Dinuro nya ako at saka nag salita, “Ikaw nag kukubli kang Anghel, pero demonyo ka' pala.”
Sa sinabi nya yun tumawa ako at binitawan ang kamay nya. Pero ngayon ang hinawakan ko naman ang buhok nya, “Hindi ako salamin Glayza, hindi ako ikaw. Kung naiinis kana, mag pakamatay kana dahil bilang lang sa isang kamay ko ang mga iiyak sa'yo,” hinila ko naman sya papalapit sa altar at pinaluhod. “Sige lumuhod ka at mag dasal, nang matakot ka naman kahit papano! Kaya hindi ka pinakasalan ni Kuya sa simbahan dahil una pa lang nakita nya nang mas masama ka pa sa demonyo, kapag ipapasok ka nya ng simbahan masusunog ka dahil sa kasamaan mo.” pinagdiin ko pa ang mukha nya sa malapit sa Santo. Nag pupumiglas naman syang makawala sa hawak ko. Dahil sa may awa pa ako ng kaunti, binitawan ko na sya.
“Napakasama ng ugali mo hindi ko alam paano ka naging kapatid ni Ethan!” malakas na sigaw nya dito. Rinig naman sa buong bahay ang boses nito.
“Kawawa ka naman nag kakaganyan ka dahil kay Kuya naawa na tuloy ako sayo,” kunwari nag punas ako ng luha. “Hala look, naiiyak pa tuloy ako dahil sa'yo.” malungkot pa na sabi ko para mag mukhang totoo. "Ay oo nga pala, ikaw na bibili ng mga gamit ha? Wala si Kuya, mag babakasyon sya ngayon kaya walang sasalo sa kagagahan mo. Pati na din yang mga nabasag mong gamit, bumili ka ng bago. Para naman kahit papaano magkaroon ka ng kwenta at ambag sa mundo."
"Lumayas ka dito duduguin ako sayo hay*p ka." galit nang sabi nito. Lumapit naman ako sa kanya at bumulong sa kanya.
"Sige tawagan mo na sya, mag pasama ka mag pacheck up. Baka kasi mawala pa anak nyo, kawawa ka masyado. Kulang ka siguro sa aruga noong bata ka pa kaya uhaw ka sa atensyon ng iba." matapos kong sabihin yun ay hinipan ko pa ang tenga nya. Para mas makaramdam sya ng kilabot.
Tumalikod Naman ako at nag punta na sa kwarto ko. Bago ko makalimutan tinext ko muna si Kuya at sinabi na nag basag na naman si Glayza dito sa bahay. Para hindi naman sya mabigla kapag dating na wala na naman gamit sa bahay.
May alam ako na hindi alam ni Kuya, at may nalalaman si Sera na matagal ko ng alam. Kinuha ko naman ang laptop ko at in-edit ang mga picture na sinend ni Sera. Nasa beach sila ngayon, kasama si Tita Caroline. Sobra akong na-frustrate sa sinabi ni Kuya kagabi nang nag-iimpake sya.
FLASHBACK
“Kuya bakit ba balisa ka simula pa nang idala mo si Tita Carol sa hospital?” napalingon naman sya sa'kin habang inaayos ang mga damit.
“Nakita mo na ba ang balat ni Tita Carol kapag hindi sya nakalong sleeve?” tanong nito sa akin. Napaisip naman ako at oo nga hindi pa. Lagi kasi syang nakalong sleeve kapag nasa bahay ako nila Sera.
“Hindi pa, ano bang meron? Skin disease?”
Umiling naman si Kuya at nag lakad para manguha pa ng damit, “Napakadaming marka, kaya napapaisip ako kung yung nakita ba natin noon o hindi pa yun.” napatayo naman ako ng maayos sa kinasasandalan ko. Binuksan ko ang pintuan at tinignan ang paligid kung may tao bang makakarinig ng makita kong wala ay bumalik ako sa loob at nilock ito.
“Alam ba ni Sera na nakita mo ang nangyari?” pag-aalala na tanong nito.
“Don't mind it. Alam na ni Sera ang nangyari pero hindi nya alam kung may nakakita.” paninigurado nito sa akin.
“As soon as possible, ipaalam mo na ang mga alam mo ng hindi ka madamay sa galit nya.” paalala ko sa kanya.
“Ikaw ang bahala muna dito sa bahay, kapag masisira na itong bahay palayasin mo na sila.” biro ni Kuya.
“Makipag divorce kana kasi,” pangungumbinse ko dito.
“Bakit naman ako makikipag divorce - - -” naputol ang sasabihin nya ng may kumatok sa pintuan. Napalingon kami parehas at dali-dali nya naman tinago ang bag na may laman sa hindi makikita ng asawa nya.
END OF FLASHBACK
Sinara ko muna ang laptop ko ng may marinig ako na katok. Lagi kasing nakalock ang pinto ko kaya napipilitan sila kumatok. Pati ang demonyita ko na sister-in-law natuto ng kumatok hindi laging sumusugod.
“Ma'am kakain na daw po.” sabi ng katulong sa akin.
Tinignan ko ang relo ko at 6pm pa lang para sa dinner. Pumasok ako ulit sa kwarto at sinusi ang pintuan ng veranda ko. Ganun din ang bintana ko. Pagkalabas ko ay sinusi ko din ang pinto ko. Lalabas ako at hindi ako kakain dito sa bahay. Bumaba naman ako at diretyo ako sa kusina.
Sinalubong naman ako ng ngiti ng santa-santita na si Glayza. Tinignan ko lang sya at ang pagkain na hinanda nya, “Ayokong kumain, mamaya may lason yang niluto mo.” nawala naman ang ngiti nya at matalim akong tinignan.
“Pwede akong maging masama tulad ng iniisip mo, pero mag tiwala ka kahit minsan.” pagalit na sabi nya. Natawa naman ako at tinignan lang ang relo ko.
“Sayang oras ko, kainin mo muna yan baka makumbinse mo ako.” panghahamon na sabi ko dito habang nakatingin pa din sa relo ko.
“A-anong kainin?” napangisi naman ako ng mapag tanto na nautal sya. Ibig sabihin lang nyan, nag sisinungaling sya. Lumapit ako sa kanya at pinaupo sya. Naupo naman sya at nilapit sa kanya ang pagkain na sinandok nya para sa akin.
“Baka paralisado kana at gusto mo subuan kita,” bulong ko sa kanya. Binigay ko sa kanya ang kutsara, inabot naman nya ito, “Wag mo lang hawakan yan, tikman mo ang niluto mo. Para sa'yo yan at sa baby mo.” pang-aasar ko pa dito. Ginawa nya nga ang sinabi ko. Dahan-dahan nya naman binitawan ang kutsara. Ako naman, pinapasok ang body guard na para sa akin at pinabuhat si Glayza.
“Buhatin mo sya pataas inaantok na,” turo ko kay Glayza. " lumapit pa ako kay Glayza at hinawakan sya sa buhok. “Good Night, Glayza matulog ka ha? Masama yung nag pupuyat sa buntis.” pang-aasar ko pa bago tumalikod at umalis. Sumakay na ako sa kotse at nag pahatid sa driver ni Kuya sa milk tea shop na pinag part time-an ni Bryan.
Nang makarating ako doon ay malapit na silang mag close. Um-order agad ako ng kakainin at iinumin ko, nag order pa ako ng pang-isa para kay Bryan. Sa labas muna ako tumambay at nag muni-muni. Pero akala ko magiging tahimik buhay ko dahil tumawag sa akin sila Sera. Kumaway naman ako dito.
“Nasaan ka gabi na?” tanong ni Sera.
“Sa InfiniTEA.” saka ko tinaas ang milktea na iniinom ko.
“Grabe yan, feeling ko sinundan mo si Bryan 'no?” pang-aasar naman ni Jeansel. Syempre oo totoo yun hahaha. Mag deny pa ba? Kaya nilapit ko ang mukha ko sa screen kaso napansin ko ang mata nya, mugto na naman.
Nilapit naman ko naman ang mukha ko sa screen at tinaas-taas ang dalawang kilay, “Feeling ko din may mali sa mata mo Jeansel?”
“Pano iniyakan yung dalawa ang ulo, wala naman utak.” hinampas naman ni Jeansel si Sera sa sinabi nito.
Tawa naman ako ng tawa sa sinabi nya na iyon.
“Wala talagang preno ang bibig natin prenny.” saad ko habang tumatawa pa din.
“Kaya nga minsan ang sarap lagyan ng busina o preno ang bibig ng makapag handa naman hahaha.” tawanan naman kaming tatlo sa sinabi ni Jeansel.
Pumasok naman si Tita at nakita niya na may kausap sila. Tinawag naman 'to ni Sera para siguro makita na din ako.
“Hi Tita,” kaway ko naman dito.
“Oh ikaw pala yan Diana, bakit hindi ka mag punta dito?” tanong ni Tita Carol sa akin.
“Kasi Tita may inasikaso pa ako, susunod na lang ako dyan Tita tom.” paliwanag ko kay Tita.
“Pupunta ka ha? Pupunta ka. Hintayin kita.” paninigurado nya sa'kin. Hindi tuloy ako makatanggi sa sinabi ng Ginang.
“Sige po Tita, sa sinabi nyo po na 'yan talagang hindi na po ako makakatanggi nyan.”
Sumabat naman si Sera sa usapan namin, “Kaya nga isama mo si Bryan tapos si Aldrin,” suhestiyon nya sa akin.
Sumang-ayon naman ako sa suhestiyon nya at ang sinabi ko na lang kakausapin ko si Bryan. Si Jeansel naman pinandilatan kami ng mata dahil nabanggit namin sa usapan si Aldrin.
“Oo nga pala mag send ulit ako mamaya i-edit mo na lang,” bilin ni Sera sa akin. Tumango naman ako at saka pinatay na ang tawag nila.
Tinignan ko ulit si Bryan at mukhang malapit na matapos ang duty n'ya. Wala lang I just feel so sad for him. Nakita ko kasi s'ya sa gilid pagod na pagod at mukhang hindi pa nag dinner. Kaya gusto ko makagawa naman ng tama, kahit sa ibang tao lang.
Busy ako nag scroll sa mga bagong pictures na sinend ni Sera ng may tumabi sa bench na kinauupuan ko. Napalingon ako at nakita ko ang pagod na mukha ni Bryan.
Inabot ko sa kanya ang in-order ko na pagkain at inumin, “Hey, para sa'yo 'to wag ka ng tumanggi pa.” pamimilit ko dito. Ngumiti naman s'ya ng tipid at saka inabot ang pagkain. Ang sarap sa pakiramdam maging mabait, pero hindi ko kayang maging mabait kapag si Glayza na ang kaharap ko.
“Alam mo bang minsan naiisip ko hindi patas ang kapalaran sa mga nangyayari sa akin pero may buhay pala na mas hindi patas ang tingin sa kanya ng mundo.” malungkot na sabi ko. Nilingon nya naman ako at kita ko ang pagod sa mga mata nito.
“Paano mo naman nasabi?” tanong nya sa akin.
“Kasi mas may pagod pa pala sa akin, ako nakukuha ko gusto ko ng hindi ako nag hihirap ang ibang tao mag papagod muna bago makuha ang gusto nila.”
“Grabe yung hugot sa buhay mo, parang hindi ikaw yung nakilala ko sa Cafeteria na walang pinipiling lugar para mag m*****a hahahaha.” napatitig naman ako sa kanya habang tumatawa sya. Yung positive vibes na meron sya mahahawa at mahahawa ka talaga.
“So bakit ka nag part time?” curious na tanong ko dito.
“Wala gusto ko lang, boring lang ako hahaha saka tapos na ang part time ko ngayon.” sabi nito habang nakalingon sa akin.
“Grabe ka mag maskara 'no? Pinaniwala mo akong hirap ka sa buhay,” sa sinabi ko naman na yun nag tawanan kami. “Oo nga pala tutal wala naman pasok for 1 week baka pwede mahiram kita ng 3 night.” sabi ko dito.
Tumawa naman sya sa sinabi ko, “Grabe sa hihiramin, so saan mo naman ako gagamitin?” pabiro naman na sabi nito.
“ I mean sumama ka sa akin mag bakasyon lang or unwind, gusto mo ba?”
“Sige, kailan ba tayo aalis?” tanong nya.
“Bukas ng 5am para mga 8am andun na tayo.”
“Agad-agad?” gulat na tanong nito.
“Oo syempre, kunin ko na lang cp number mo para matawagan kita.” syempre para maitext din sya joke hahahaha. Akala ko hindi nya ibibi
gay pero binigay nya din.
Now I realize, hindi masamang mag tiwala. Dahil hindi lahat ng tao ay sasaktan ka sa maskara na meron sila. Minsan ang maskara na sinusuot nila ay gusto lang ng tahimik na buhay.
Thank you for reading! Keep supporting EthanSera's story. Please don't forget to follow and vote. Thank you 🥰
CHAPTER 8Sera's POV Pagkatapos kong mailabas si Mommy pumunta ako sa bahay ni Daddy napakadaming reporter sa harap ng bahay. Hindi ako nainform kaya hindi ako nakaiwas na may ganun sa harap ng bahay. Mabilis naman akong nakapasok sa tulong ng mga guard na nakabantay sa gate. Hindi ito ang sinadya ko dito, iniisip ko pa lang kanina kung nandito nga ba ang Step Mother ko hindi nga ako nag kakamali nandun ang Step Mother ko. Nanalo nga ako sa pageant na sinalihan ko. Pakiramdam ko natalo naman ako at nasaktan ulit si Mommy ng wala pang ginagawa ang dalawa na ito.“Albert Sanchez daughter won in Ms.&Mr. University.” nakita kong balita sa TV. Aba, iba nga naman kapag ang ama mo ay isang kilalang negosyante. Nakilala tuloy ako ng biglaan sa media.Hindi nila ramdam ang presensya ko ng pumasok ako kaya nagulat sila ng pumalakpak ako. “Wag kayo masyadong nag kakape ha? Dyan kayo nakakaramdam ng kaba,” lumakad naman ako at naupo sa sofa na nasa harap nila. Tinuro ko naman ang Step Mot
CHAPTER 9Sera's POV Hindi ko alam kung anong topak ang meron si Ethan at gusto daw nya mag night swimming. Night swimming sa dagat? Abnormal na yata. Pero dahil gusto nya naman patulan na lang. Kaya heto ako ngayon kasama si Jeansel. Nag bihis syempre ng pang swimming.“Sigurado kaba na hindi ka babalutin ni Ethan ng tvkumot sa suot mong yan?” “Grabe sa kumot, hindi ba kasya kapag tuwalya?” Tinawagan ko naman si Diana sa messenger sakto nga nakaopen. Kumaway naman sya sa amin at nakita ko na wala sya sa bahay nila.“Nasaan ka gabi na?” tanong ko dito.“Sa InfiniTEA.” saka nito tinaas ang milktea nya.“Grabe yan, feeling ko sinundan mo si Bryan 'no?” pang-aasar naman ni Jeansel.Nilapit naman ni Diana ang mukha sa screen at tinaas-taas ang dalawang kilay, “Feeling ko din may mali sa mata mo Jeansel?”“Pano iniyakan yung dalawa ang ulo, wala Naman utak.” hinampas naman ako ni Jeansel sa sinabi ko. Tawa naman ng tawa si Diana sa sinabi ko na iyon. “Wala talagang preno ang bi
Diana's POV 4am pa lang pero nakabukas na ang ilaw sa baba. Bumaba na ako at nilagay ang mga gamit ko sa front door para bitbitin na lang kapag tapos ko gumawa ng makakain namin nila Bryan sa byahe. Gising na si Glayza at nasa kusina s'ya nag luluto. Bigla kong kinalampag ang papasok sa kusina kaya gulat na gulat s'ya.“Wag kang masyadong kabado,” sabi ko dito at dinaanan lang s'ya. “Sabi nila habang nabubuhay ang taong nakapatay, bawat oras na lumilipas iniisip nila na kalaban ang nasa paligid nila.” Kumunot noo naman s'ya sa sinabi ko, “Anong sinasabi mo?”“Wala nabasa ko lang sa libro, gusto mo bang basahin? Para naman kahit papano aware ka sa galaw mo.” sabi ko sa kanya habang gumagawa ng sandwich.“Ikaw nababaliw kana kulang ka sa aruga ng ama't ina mo.” pang-uuyam nya sa akin. Nag pantig naman ang tenga ko sa sinabi nya at kumuha ng sandwich, “Pano ako aalagaan ng ama ko kung isang araw nagising na lang ako binalita na sa akin na patay na ang aking ama,” binigay ko nama
CHAPTER 11Sera's POV Matapos ang gulo na nangyari sa amin ni Mommy ay ni isa sa kanila walang gustong mag-open. Ayoko din pag-usapan ang tungkol sa nangyari. Umasta sila na parang walang nangyari. Pero ako ayokong itago yung inis na nararamdaman ko. Kung siguro nakakamatay ang awra na meron ako ngayon baka namatay na sila. Isa pa si Ethan, hindi man lang naalala na 5th anniversary namin. Nakakainis talaga, pagkagising ko talaga kanina nag expect ako na may bulaklak o kaya pagbati pero wala man lang.FLASHBACK Nagising ako na nasisinagan ng araw ang mukha ko. Talagang mukha ko lang at mukhang sinadya. Bumangon naman ako at lumapit sa side table na may breakfast.“Good morning sunshine! Bumaba ka pagkatapos mo, hintayin natin sila Diana.” nakasimangot ko naman na nilapag sa lamesa ang note na yun. Hindi ako kumakain kapag umagahan kaya matapos kong mag toothbrush at mag hilamos binaba ko na dahil 'di ko naman yun kakainin.Nakasalubong ko naman si Jeansel na ngiting-ngiti, “Ha
CHAPTER 12SERA'S POV Hanggang ngayon hindi mawala ang saya na nararamdaman ko habang nakatitig sa singsing na suot ko. Totoo na 'to fiancee ko na talaga sya. Akalain mo ba naman ang pag papanggap ni Ethan na nalunod ay surprise lang pala. Hinihintay ko na lang si Ethan at ganun din si Diana dahil uuwi na kami. Nag chat ang secretary ni Dad na umuwi daw ako dahil may party, dalhin ko daw si Ethan.“Anak gusto sana kitang makausap.” seryoso na sabi sa akin ni Mom.Ngumiti ako sa kanya at humarap, “Ano po yun?” ngiting-ngiti na sabi ko dito.“Diretyahin mo ako Ali, bakit sinasabi nila na kabet ka daw ni Ethan?” seryosong tanong nito sa akin. Napalunok naman ako, walang emosyon ang mga mata ni Mommy.Lumunok naman ako at umiwas ng tingin. Kaso naramdaman ko na lang na dumampi sa pisngi ko ang kamay ni Mommy, “Silent means yes.” “Hindi ko po gusto tumagal sa ganito pero minahal n'ya po ako, yun ang pinanghahawakan ko sa ngayon.” sabi ko dito.“I know, pero alam mo sana ang c
CHAPTER 13SERA'S POV Malalim na ang gabi pero heto ako ngayon, gising pa din. Dahil siguro masaya ako, bukod sa totoong fiancee ko na s'ya ay after 7 months may tatawag na sa'kin na Mommy. Tinitigan ko naman si Ethan at naisip ko, what if hindi nya ako nakilala? Edi ibang babae na makikilala n'ya at nabuntis. Sa sobrang inis ko sinampal ko s'ya kahit wala s'yang kaalam-alam sa iniisip ko. Nakahawak naman s'ya sa pisngi nang magising ito sa pagkakasampal ko, “Inaano ba kita?Bigla kana lang nananampal.” nakasimangot na tanong nito.“Sorry naisip ko lang pano kung hindi mo ako nakilala edi ibang babae na ngayon ang nabuntis mo?” “Nakikita mong natutulog ako, 'no ba naman yang utak mo na yan? Masyadong mapanakit ka.” tumawa naman ako sa sinabi n'ya at pinisil ang ilong nito. Binitawan ko naman ang ilong n'ya at nag salita, “Ayokong huminga ka Ethan, naiinis ako hays.”“Sera naman, edi mamamatay ako nun.” reklamo n'ya sa'kin.“Sige ganito na lang kapag makikita mo akong nakatingin o da
CHAPTER 14SERA'S POV Hapon na pero wala pa din s'ya. Si Mommy lang ang kasama ko mamaya na lalabas. Hindi man lang n'ya ako dinalhan ng lunch. Nagtiis ako sa luto ni Aldrin, dati gusto ko luto n'ya. Ngayon ayoko na. Kaso need ko kumain at hindi na lang ako ang kumakain dalawa na kami.Habang nagbibihis ako 'di ko maiwasan na haplusin ang tiyan ko. Matagal ko pa makikita ang munting anghel ko pero pinangangako ko sa kanya na, oras na anak ko ang kantihin nila, lalaban ako nang p4tayan. Ka-chat ko naman si Diana na i-email na kay Glayza ang lahat ng picture namin. Kasama na doon ang araw na nag propose sa'kin si Ethan. Tutal pinasusundan n'ya din ako, sulitin na ang malalaman n'ya.Diana: Paano kapag sinugod ka n'ya? Alam mo naman yun may sakit sa utak.Serenity: Sumugod lang s'ya ipinakikita n'ya lang na palengkera s'ya.Diana: Wag kang mastress d'yan, buntis ka at bawal sa'yo yun.Serenity: Hindi s'ya ruby para isipin ko basura lang naman s'ya.Diana:Yung rebat mo bhie sobra ha
CHAPTER 15ETHAN'S POV Kung hindi lang mahaba ang pasensya ko baka kanina ko pa nilayasan si Sera. Gusto ko lang naman makipag-ayos pero bakit kailangan n'ya pa akong pag tindahin ng taho. Lihim ko tuloy namumura ang sarili ko dahil pinagawa ko pa ang taho na 'yon kay Aldrin at nag paluto pa ako ng sago. Ang dala lang nila Diana ay ang strawberry syrup (arnival). Kaya naman gawin ni Aldrin ang strawberry syrup kaso baka makahalata na si Sera. Back to reality, dapat tatanggi pa ako kaso pinagbantaan na akong lalayasan daw ako.“Bakit ba kasi kailangan ko pa ibenta yan Sera?” reklamo ko sa kanya.“Ano bang mawawala sa'yo Professor Nathaniel?” tanong nito sa'kin.Lumuhod naman ako sa harap n'ya at hinawakan ang mga kamay nito, “Professor ako sana alam mo yan Serenity.” “Alam ko yun Ethan, mukha bang hindi ko alam Prof.?” pinagdiinan n'ya pa ang salitang Prof. “Kung hindi ka lang buntis baka naisip ko pinagtripan mo lang ako.” yung inis ko naiiyak na ako.“Wag kang iiyak huh? Wag k