Share

CHAPTER 5

SERA'S POV

"Okay guys, break muna. Good job!" anya sa amin ng instructor. 

  Naupo ako sa gilid at pinanood ang mga kasama ko na ilalaban for Ms. & Mr. University, wala kang masasabi na panget mula sa kanila. Magaganda at gwapo ang mga ito. Gwapo din naman ang kasama ko kaso kulang sa facial expression, what I mean is masyadong seryoso ang mukha nya kapag nasa practice. Nakita ko naman na tumatakbo si Diana papalapit sa akin at may dalang panyo at tubig. May dala din itong extra shirt.

"Serenity pinabibigay ni Nat." ngiting-ngiti na saad nito. Inabot ko naman at ginamit ang panyo. "Sabihin mo sa kanya, hindi na dapat sya nag-abala." nakapangalumbaba na sabi ko. Sana pumunta na lang sya hindi yung ipabibigay nya pa sa iba.

    Bukod kay Jeansel, sya ang nakakaalam ng lahat tungkol sa amin ni Ethan. Sya ang pinaka-unang nakaalam sa lahat. Siguro nag tataka kayo sino yung Nat? Hindi ko din alam saan nakuha ni Diana yun hahahaha kaya sa kanya nyo na lang tanungin. Pagkatapos naman nya makipag-usap saglit umalis na din sya.

"Okay guys, practice ulit tayo." lahat naman kami tumayo na para mag-umpisa na agad.

  Habang nag practice kami ng opening dance, hindi ko alam na nanonood pala si Ethan. Gusto ko syang asarin kaya hinayaan ko ang partner ko na mas dumikit. Kitang-kita ko kung paano sumama ang tingin nito. Hindi nya maalis ang tingin nya sa kamay ni Bryan. Mas nag-enjoy ako sa pag sasayaw dahil nag seselos sya. Matagal-tagal bago natapos ang practice namin kaya matagal din na nonood si Ethan.

    Nag-aayos na kami ngayon ng gamit namin. Kaya malaya kami makapag-usap.

"Kung mamamatay lang ako sa sama ng tingin baka bumulagta na ako." pabirong sabi ni Bryan sa akin. Ngumiti naman ako at kitang-kita ko ang inis ni Ethan na nakatingin sa amin

"Sino ba yung masama ang tingin sa'yo?" tanong ko dito.

"Gusto ka yata ni Prof Ethan, kanina pa nya yata gusto baliin ang kamay ko." anya habang tumatawa. Tumawa din naman ako dahil totoo nga ang hinala nya. Kilala ko si Ethan at alam ko na ang bawat tingin nya.

"Hayaan mo na lang, ano tara na?" anyaya ko dito. Balak ko kasing ayain sya mag snack sa labas. "Tara na din kumain, treat ko." nakangiti pa na dugtong ko. Tumayo naman sya at pumayag sa paanyaya ko.

"Akina na yang bag mo." hindi naman na ako nag inarte at talaga naman mabigat ito at madami akong bitbit. Nang madaanan namin sya napakasama ng tingin nya. Ang ginawa lang namin ay binati lang sya.

   Habang nag lalakad kami nag kwentuhan kami. Madami akong nalaman sa kanya. Pakiramdam ko nga masyado na kaming close at kung mag tawanan kami parang kilala na ang isa't isa. Dumiretyo naman kami sa cafeteria na halos katabi lang ng school namin. Nakita ko naman si Diana na busy sa laptop nya. Ewan ko ba sa babaeng 'to, gusto mag karoon ng boyfriend pero takot naman masaktan. Sino naman ang nag mahal na hindi nasaktan?

"Miss pwede bang makiupo kami?" biro ko dito sa kanya.

"Napakadaming upuan dyan, bakit dito pa sa table na kinauupuan ko?" nakatutok pa din ang atensyon nya sa laptop at hindi lumilingon sa amin. Napapangiti naman ako at si Bryan naman nag pipigil ng tawa.

"Ang init naman ng ulo mo Miss, gusto lang naman namin makipag-usap." pang-aasar pa ni Bryan dito. Bagkus na pakinggan pa namin ang sasabihin nya ay naupo na kami.

"Ang sabi ko wa- -" hindi na nya naituloy pag tataray nya nang makita na ako at si Bryan ang nakaupo. Hiyang-hiya naman sya at yumuko. Mahina naman nya akong sinipa sa paa. Alam ko kasi na crush nya si Bryan. Napangiti lang ako at inasar pa sya.

Nag presinta naman na mag order si Bryan kaya dalawa lang kami ang naiwan. Grabe yung pigil nya mag salita ng malakas, pigil din ang tawa ko dahil feeling ko ngayon pa lang nakakaramdam ng kilig ang kaibigan ko.

"Ano ba? Bakit 'di ka nag sabi na isasama mo si Bryan dito? Edi sana nakapag handa man lang ako." halos bulong na sabi nya. Kasi pwedeng marinig ni Bryan at kakaunti pa lang ang tao malapit pa naman kami sa kanya.

"Bakit mag hahanda ka? Grabe kana girl, party ba ang dapat ihahanda mo hahahaha?" pambabara ko dito sa kanya. 

"Huy grabe yung bunganga mo, walang preno. Pero seryoso, hindi ba ako mukhang stress o haggard?" pag tatanong nya ulit sa akin.

"Para ka naman ano dyan maganda ka 'di mo na kailangan mag paganda," huminto muna ako at tumingin sa paligid. Sakto yung kinaiinisan ni Diana na ibang year ang nakita ko. "Nakita mo yang mga babae na yan, trying hard mag paganda kahit mga kamukha naman ng dumi nila sa daliri hahahaha." tawa naman sya ng tawa sa sinabi ko. Akala ko hindi nya na lalaitin pero sinundan nya pa.

"Grabe ka bakit dumi pa sa daliri? Dapat yung ingrown sa kuko ko hahahaha." natawa naman ako lalo sa sinabi nya. Grabe ba? Ganun talaga kapag mag kasundo sa panglalait. Tinignan ko naman yung mga tinuro ko na mga babae, nakatingin sila sa amin. Tinignan ko sila at inirapan na din. Sakto naman nakatingin pala yung pinakaleader nila.

"Ilan pusta mo na hindi lalapit yang babae na yan," nakapangalumbaba pa na sabi ko habang nakatingin sa babae. Nilingon naman ni Diana ang sinasabi ko at nagsimulang bumilang.

"Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, Pito, Walo," huminto sya saglit at sininop ang laptop. "Siyam, Sam- - -" hindi pa natatapos ang sinasabi nya ng may lumapit sa table namin. 

"Ano pong kailangan nyo?" sabi ko dito at umayos ng upo. Tinignan ko naman sya mula ulo mukhang paa. Ay sorry mali, mula ulo hanggang kuko nya hahaha. "Ay sorry, sa uniform at I'd ko mo pa lang nakikita ko na nasa 2nd year ka pa lang pero dahil mabait ako gagamit pa din ako ng po at opo." sarkastikong sabi ko dito. Nakita ko naman kung paano mainis ang kaharap ko. 

"Bago mo ako angasan siguraduhin mo na maganda ka." sabi ng clown ay este sabi ng makapal ang make up na babae. 'Di ko naman kasi kilala kaya bigyan na natin ng name.

"Bago mo din ako angasan siguraduhin mo na may salamin kayo sa bahay nyo." pang-aasar naman ni Diana. "O kaya laging nababasag salamin nyo dahil sa mukha mo," kunwari tinakpan nya naman ang bibig nya para masabi na 'di nya sinasadya nag tawanan naman ang mga nakarinig. Tinignan ko ang paligid ko at ang dami na palang estudyante ang nanonood uwian na din kaya marami na ang nag pupunta dito.

    Sa tagal yata ng service dito sa Cafeteria ngayon lang nakaorder si Bryan. Akala ko pipigilan nya kami sa nakikita nya, pero mukhang nag-enjoy pa sya.

"Wag ka naman masyado bhie, baka naman 'di nya afford ang salamin." sabi ko dito pero nakaupo pa din. Inabot naman ni Bryan sa'kin yung milktea.

"Kailan ba birthday mo? Gusto mo ba ng regalo?" sabi pa ni Diana dito. Kinalabit ko naman sya at nginuso ang kapatid nya na nanonood dito.

"Bakit kailangan mo pang malaman?" inosente naman na tanong ng kasagutan ni Diana. What the heck? Iniinsulto na nga lang sya hindi pa marunong makaramdam.

"Reregaluhan kita ng sandamakmak na salamin," anya ni Diana habang inaayos ang mga gamit. Ako naman dinampot ko na ang mga gamit ko. "Kung pwede lang po paraanin nyo kami, uwing-uwi na ako at nakakahugas na ng bibig. Masyadong marami yung masama kong nasabi." pag si Diana talaga ang nag salita. Manahimik kana lang, para hindi nya laitin pagkatao mo.

"Guys the show is over, so please excuse us." nag lihisan naman ang mga tao na nanonood sa'min at nag bigay ng daan kay Diana.

    Lumihis naman ang mga nanonood ng mag simula na itong lumakad at taas noo pa. Pakiramdam ko tuloy, takaw atensyon ang ginawa nya. Sa tabi ko naman si Bryan na tumatawa. Grabe daw yung ugali ni Diana, wala daw preno yung salita nya.

"Kapag lagi mo pa syang nakakasama masasabi ko na masasanay ka nang ganyan ang bibig nya.

"Yan ang gusto ko sa babae, walang arte at diretyahan kung mag salita." sabi ni Bryan habang nakatitig sa nag lalakad na si Diana.

    Natuwa naman ako sa narinig ko at may lihim pala na nagugustuhan ang ugali ni Diana. Nararamdaman ko naman na may nakatitig sa akin at alam kong hindi si Ethan yun, nilibot ko ang tingin ko at nakita ko nga kung sino yun walang iba kundi ang Step mother ko. Umirap lang ako at nag patuloy sa pag lalakad. 

"Aalis na ako Serenity, may part time work pa ako." pag papaalam ni Bryan sa akin. 

"Ingat ka, see you tomorrow." nakangiti pa na sabi ko. Gusto ko mag selos si Ethan kaya ginagawa ko ito. Lumapit naman ako Kay Diana at nag paalam na din, "Mauna na akong umuwi, baka nag hihintay na din sa akin si Jeansel." pag papaalam ko dito.

    Matapos mag paalam kay Diana ay hindi ko na kinibo si Ethan. Wala akong balak kausapin sya ngayon, marami akong inuumpisahan sa balak ko. Lumapit naman ako sa step mother ko at nakipag-usap saglit.

"Wag mo ng uulitin yun Serenity." paalala niya sa akin. Tinitigan ko lang sya saglit at nag salita din. "Sasabihin kita kay Da- - -" pinutol ko na ang pag sasalita nya at ako na ang nag salita.

"Asawa ka lang ni Daddy at ang katayuan mo lang sa buhay ko ay step mother ko. Kaya wag kang umasta na ikaw ang ina ko. Saka kahit mag sumbong ka wala akong pakielam." pag papaalala ko sa kanya. Matapos kong sabihin yun ay nag lakad na ako palayo sa kanya. 

    Bastos ba? Syempre aminado ako dun. Pero wala syang karapatan na pag sabihan ako, sarili nya nga puro maling desisyon tapos nakikielam pa sya sa ibang tao. Given na talaga sa kanya ang pagiging tanga.

"Serenity!" rinig kong tawag ni Jeansel, hinanap ko sya at nakita ko sya sa bench kasama si Jane. Malayo pa lamang ay kitang-kita ko na ang mata nya. Mugtong-mugto, hindi naman sya Chinese para maging ganun ang mata.

   Binilisan ko ang lakad ko ng makalapit agad sa kanya. Tama nga ang napansin ko, panigurado tungkol na naman 'to sa boyfriend nya.

"Huy girl, anong nangyari sa mata mo?" bati ko agad sa kanya. Nag-iwas naman sya ng tingin at halatang papatak na naman ang luha na pinipigilan nya.

"Wala 'to. Masyado lang akong emotional." malayo ang tingin nya kaya panigurado, ayaw nya na pag-usapan. 

"Yang gago mo talaga na boyfriend sobra na. Ano na naman bang ginawa nya?" curious na tanong ko dito. Alam ko kasi sa tuwing iiyak ang kaibigan ko sya ang nagiging dahilan ng lahat.

"Napakalala nya na, hindi ko na kaya ang ugali na meron sya." ewan ko ba kapag nagmamahal ang isang tao sobra pa sa pagiging bulag ang nagagawa. Aminado ako doon.

"Bakit kasi hindi mo pa iwan? Sira na nga tiwala mo bakit inuulit-ulit mo pa na maniwala sa salita nyang mahal ka nya." sabi ko dito. "Tiwala ang pinakamahirap kunin sa lahat pero bakit paulit-ulit mong binibigay?" tanong ko pa dito.

     Kinurot naman ako ni Jane sa tagiliran ko. Ako din nagulat sa sinabi ko, pinandilatan nya pa ako ng mata habang pilit inaabot sa kaibigan ang tissue na nilabas nito.

"Alam ko naman yun pero mahal ko talaga," umiiyak na sabi nito sa amin. Anong gagawin ko? Hindi ako marunong mag comfort. Paiiyakin ko lang lalo 'to. 

"Given na yung mahal mo sya, ikaw mahal ka pa ba ni Cayden?" sabat naman ni Jane, napahinto naman sa pag-iyak si Jeansel at masamang tumingin sa kaibigan.

"Huy grabe kana ha? Ganyan ba nagagawa ng pagiging single?Di mo alam yung salitang tanga sa pagmamahal." balik na pang-aasar nito sa kaibigan. Natawa naman ako sa sinabi nya at talaga naman, ako din tanga sa pag-ibig. Isipin mo na lang pumayag ako maging kabet ng isang professor.

"Ngawa ka ng ngawa dyan, hiwalayan mo na lang baka sakali makahanap ka pa ng mas better." sa lahat ng sinabi ni Jane. Yun ang pinakaperfect. Ako kasi paiiyakin ko lang sya kapag ako ang nag salita. Sumabat naman ako sa usapan nila pero this time kay Jane ko sinasabi.

Tinuro ko yung mga high school na magkakasama, lahat sila may mga partner, "Buti pa yang mga highschool na yan Jane may mga partner, ikaw wala pa. Mahina yata ang karisma ng isang Archi." pabiro kong sabi dito. Pag lingon ko nakaamba na ang sabunot nya. Buti na lang nakailag ako at tinakbuhan sya. Nag tatawanan kami habang nag hahabulan. Pero hindi namin ininda ang edad, makaiwas lang sa lungkot yun ang purpose namin.

   Minsan kailangan mong kalimutan din ang nag papalungkot sayo para naman kahit papaano ay sumaya ka.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status