Share

Chapter 2

CHAPTER 2

SERA'S POV

    Ilang araw akong naging busy dahil sa internship kaya hindi kami nag kikita ni Ethan. Pero may usap-usapan na ang asawa ni Ethan ay buntis, gustong-gusto ko na syang tanungin tungkol dito pero 'di ko magawa dahil hamak lang na kabet ako. Kanino ko nalaman yung chismis? Syempre sa dalawang kaibigan ko lang naman. Syempre may dakila akong kaibigan na kinukunsinte ang gawain ko. 

"Sera ano ng balak mo? Ano nararamdaman mo ngayon?" nag-aalala na tanong ni Jeansel sa akin. 

"Hindi ko alam, ano sa tingin mo naman nararamdaman ko Jeansel? Parang 'di mo pinag-iisipan yang tanong mo." naiinis na sabi ko sa kaibigan ko. Kahit sino naman masasabi yun. O sadyang ako lang makakapag sabi nun.

"Sinabi ko na kasi sayo na itigil mo na, hindi ka nakinig." naiinis na sabi nito sa akin. Anong magagawa ko?Ginusto ko na din naman. Ayoko na lang sumagot sa sinabi nya at 

baka humaba, tama na yung talak nya. Inaaya ko na lang sya kumain ng tumahimik.

"Tara na nga lang kumain, nagugutom ako. Sana nagugutom ka din, di ako nabubusog sa talak mo." pabalang kong sagot sa kanya. Hindi naman sya nag reklamo sa pag-aaya ko bagkus ay sya pa mismo nag-aya sa akin kung saan kami mag food trip. Pagkatapos mag food trip nag kanya-kanya na kami ng daan pauwi. Sa bahay ko ako uuwi kaya nag pakabusog na ako ng hindi na ako mag luto.

    Hindi na ako nagulat na nandito si Ethan, kusang salubungin sya ng magandang ngiti nag tuloy-tuloy lang ako sa kwarto ko at pabagsak kong sinarado. Kumakatok naman sya pero di ko pinag buksan. Nag linis muna ako ng katawan bago bumaba at harapin sya.

   Kapag baba ko nakita ko sya busy sa panonood. Napatingin lang siya sa akin ng marinig ang ingay ng yapak ko. 

"Kamusta si Glayza balita ko buntis sya?" diretyo ang tingin ko sa mata ni Ethan, nag yuko naman ito ng ulo at marahan na tumango. Tumawa naman ako pero may pumatak ng luha sa mga mata ko.

"Hindi ko din alam na mabubuntis sya, kung kailan papapirmahin ko na lang sya ng Divorce paper." nag pantig naman ang tenga ko sa sinabi nya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa tabi nya at tumayo sa harap nya.

"Pinag-isipan mo ba yang dahilan mo o sadyang 'di ka nag-isip noong sinabi mo yan?" pabalang na sagot ko kay Ethan, hindi ko alam kung bakit sobrang init ng ulo ko sa kanya.

"It's n-not what you think. Sinabi ko sa'yo mag di-divorce kami para sayo, makinig ka naman Serenity. Mahal kita." malungkot na sabi ni Ethan, imbis na maawa ako mas lalong nag-init ulo ko.

"Matagal mo na sana ginawa Ethan! Tapos ngayon ayan nabuntis mo sya. Mag-isip ka naman kung anong mararamdaman ko! Hindi lang ako basta sinabi na kabet mo ako Ethan ay gagawin mo na yan!" pasigaw ko ng salita dito sobrang sakit kaya nasabi ko lahat.

 Pagkatapos ng naging pagtatalo namin umakyat na ako sa kwarto dapat namin kaso nilock ko para di sya makapasok. Siguro dahil busog pa ako sa food trip namin ni Jeansel kanina hindi na ako nakaramdam ng gutom at natulog na lang. 

   Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Talagang pinanindigan ni Ethan na hindi ako kausapin. Mag pataasin kami ng pride yun ang gusto nya. Matagal din akong nakatitig sa kisame at tamad na tamad tumayo. 'Di ko namalayan nakatulog pala ulit ako.

   Hindi ko alam kung paano ako nakabangon para pumasok ng hindi nalelate. May laboratory class ako ngayon kaya hindi ako pwedeng malate. Kay Glayza ang klase na iyon at ngayon pa lang naiisip ko na makikita sya parang gusto ko na sya mawalan ng hininga para mapunta sa akin si Ethan.

"Kapag tapos na kayo sabihin nyo ng i-check ko na at makalabas na kayo." halata sa boses nya noon na matamlay at ang mga mugtong-mugto. Ganyan siguro kapag buntis masyadong emotional. "Ms. Serenity follow me." seryosong sabi niya sa akin. Nakakaramdam ako ng kaba at di ko maipaliwanag kung bakit. Wala ni isa sa amin ang nag sasalita habang nag lalakad. Maririnig pati ang buntong hininga niya.

Nakarating naman kami sa rooftop at doon nag-usap. Medyo matagal bago sya mag salita, ayoko naman umpisahan mag salita at hindi ako ganun na tao.

"Serenity, pakiramdam ko talaga may kabet si Ethan." gumagaralgal na boses ni Glayza. Tinignan ko lang sya saglit at tumingin sa malayo.

"Komprontahin mo asawa mo, wag kang puro hinala. Kung pakiramdam mo may babae ang asawa mo just trust your guts." habang sinasabi ko ang mga katagang ito, parang gusto ko isigaw sa harap nya na ako ang babae ng asawa nya. Pero gusto ko sya ang umalam.

"Hindi sya umuwi kagabi, sabi nya pupunta sila ng kaibigan nya sa Tagaytay. Tinanong ko ang kaibigan nya nasa Cebu daw sya." sa punto na ito ay tumutulo na ang luha nito habang nag sasalita. Inabutan ko sya ng panyo at walang pag dadalawang isip na inabot nya ito. 

"Paano mo nga malalaman kung hindi mo ginagawan ng paraan para malaman? Dapat noong naramdaman mo ng may mali dapat alam mo na ang gagawin." bahagya akong napangiti sa sinabi ko na yun. Sige lang alamin mo, sana lang handa ka sa lahat.

"Pwede bang ikaw ang umalam?" sa punto na ito. Napatingin ako sa kanya, pakiramdam ko nag kamali ako ng rinig.

"Anong sabi mo?" tanong ko dito, para akong nabingi o nag kamali lang ako ng rinig. Siguro naman hindi ako kinain ng sistema ng pagiging kabet ko.

"Ikaw mismo ang umalam dahil nag titiwala ako sa'yo, pwede ba Serenity?" nakikiusap ang tinig nito. Hinawakan nya pa ang kamay ko. Mahinahon kong nilayo ang kamay ko dito. Hindi ako makapag desisyon. Ano ang gagawin ko? Ako nga 'tong kabet sa akin pa mag sasabi.

"Pag-isipan ko. Bilang estudyante marami akong duty as a student, sana alam mo yun." diretya ko na sinagot ito.

"Salamat na agad kung ganun Serenity." nakangiti na pahayag ng guro nito. Tinitignan ko lang sya at naisip ko na lang na masyado syang perfect para ipagpalit, at masyado syang perfect para hanapan ng butas bakit nag hanap ng iba ang asawa nya. 

Marami pa kaming pinag-usapan bago bumaba. Pag dating ko sa laboratory nag focus na ako sa ginagawa namin, hindi na bilang mag kaibigan bilang professor at estudyante ang turingan kundi estudyante at professor na lang kaya propesyonal ang galaw. Matapos ang klase ko kay Glayza ay nag diretyo na ako sa canteen. Gutom na gutom ako at may pagkain ako na gustong kainin. 

Hindi ko din alam kung bakit parang nag lalaway ako sa lasa ngayon ng Shawarma. Lumapit ako sa bilihan ng Shawarma at mas lalo akong natakam. Hindi naman ako ganito noon, pinag walang bahala ko na lang at patuloy sa pag bili. Pagkatapos kong bumili naupo ako sa gilid. Hindi ko naman alam na may makikiupo.

"Mag-isa ka lang kumakain?" ani ni Ethan. Sinamaaan ko lang sya ng tingin at patuloy sa pagkain.

"May nakita kaba na kasama ko? O sadyang bulag ka lang." maski ako nabigla sa pag sasalita ko sa kanya. Kung may makakarinig lang na mga estudyante iisipin nila na masyado akong bastos sa tinitingala nila na Professor. 

"Your mouth Ms. Sanchez, remember I'm still your Professor." makahulugan na nakatingin sya sa akin. Kahit makahulugan pa yan kung wala akong pakielam, wala akong pakielam kahit sino pa sya.

    Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at saka tumayo na. Tinanong pa nya kung saan ako pupunta ang sagot ko na lang may klase ako. Gusto kong sabihin pinagagawa ng asawa nya kaso pinigilan ko sarili ko. Maski ako 'di ko alam isasagot ko sa gusto ni Glayza. Saan sya kumuha ng swerte para ituro ko ang sarili ko.

    Sa paglalakad ko na malalim ang iniisip napunta ako sa likod ng room ng Engineering. Masyado akong curious sa pag-uusap na naririnig ko kaya minabuti kong pakinggan ng maayos at irecord na din.

"Anong gagawin natin? Buntis ako." saad ng babae sa kausap nito. Maski ako nabigla sa naririnig ko.

"Hindi ko alam, pwede bang wag muna ngayon?" anya ng lalake pero nababakas dito ang pagkabalisa. Pamilyar sa akin ang boses kaya minabuti kong silipin. Kaso nakatalikod sila parehas. 

"Anong gagawin natin? Paano yang gf mo? Dapat kasi nakipag hiwalay kana sa kanya noon pa." suhestiyon ng babae sa lalake. What? Akala ko ako lang ang kabet, bakit ba nag lipana ang mga kabet sa mundong ito. 

"Nababaliw kana ba? Sinabi ko na sayo na laro lang ang gusto ko. Masyado kang nakampante na pipiliin kita." saad ng binata. 

"Anong gusto mong palabasin na sitwasyon natin? Classmate with benefits?" galit na galit ang babae at tingin ko anytime pwede nya ng sampalin ito. Napangiti ako at hindi kami nalalayo ng sitwasyon. Pero ako binabahay ako, sya tinatago.

   Pinatay ko na ang recording at umalis na. Ang iniisip ko ngayon problema ko kay Glayza. Nag lakad na ako papunta sa classroom namin at panigurado malelate ako kapag nakinig pa ako sa usapan ng mga yun. Pero nasisigurado ko ng pamilyar ang boses nito. Hindi ko lang alam kung sino. Sa dami ng kilala ko, alangan pag salitain ko sila para lang marinig kung sila ba yun o hindi. Sayang oras ko at madami din akong problema.

  5pm na nang matapos ang klase ko, pakiramdam ko ngayon sobrang napagod ang katawan ko at kailangan ko ng pahinga. Yung pahinga na parang walang problema. This past few days, puro na lang problema ang iniisip ko.

   Pero ang alam ko lang ngayon, kahit mali itutuloy ko at ipaglalaban ko ang nararamdaman ko ngayon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status