"Ikaw ang mang-aagaw!" mabilis kong tugon na ikinabangis lalo ng mukha niya. Bruha! Tinawanan niya ako. "Masaya na kami, Tanya! Pero simula nang dumating ka, nagkandaletse-letse na naman ang lahat! Mang-aagaw ka!" "Dayana, tumigil ka na! Nag-usap na tayo. Kung ayaw mong makulong, aalis ka ng pamamahay ko nang maayos!" Napatingin ako kay Dylan sa mga sinabi niya. Makulong? Sa salang ano? May hindi ba ako nalalaman? "I refuse to obey! Wala akong ginagawang kasalanan para makulong! Kung mayroon man dapat na mabulok sa kulungan dito, kayo iyon! Ipapakulong ko kayo sa salang adultery!" Napailing ako habang si Dylan naman ay napangiti. "Wala kang makakaso sa amin. Walang bisa ang kasal natin." Natigilan si Dayana sa narinig. Tatanga-tanga kasi. Nakalimutan na yata niyang peke ang paring nagkasal sa kanila ni Dylan. "Hindi ako aalis, Dylan! Sabihin na nating walang bisa ang kasal natin, pero sa mata ng Diyos, mag-asawa pa rin tayo! May karapatan ako sa iyo!" "Kung sa mata na rin lang
TULUYANG bumagsak ang mga tuhod ko pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Timothy. Mabilis akong dinaluhan ni Dylan at mahigpit na niyakap."S-si Steffi... A-ang anak natin... "Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko nang maalala ang hitsura ng malamig na katawan ng aking anak sa morgue. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng anak ko at pagkasira ng pamilya namin.Naniwala ako kay Dylan na kasalanan ko ang nangyari kay Steffi. Ako ang may dahilan ng pagkamatay niya... all this time, I've been blaming no one but myself, pero hindi."Hayop ka! Pinatay mo ang anak ko!" Mabilis akong tumayo at sinugod si Dayana, pero bago ko pa man siya malapitan ay mahigpit na akong niyakap ni Dylan mula sa likod para mapigilan. "Pinatay mo siya! Pinatay mo si Steffi!""No! It was an accident! I swear, it's an accident!" Umiling siya sa akin, puno ng takot ang mga mata niya."All these years, binabangungot pa rin ako sa nangyari sa anak ko! I blamed myself, pero ikaw... ikaw pala ang pumatay sa anak
PARANG nag-slow-motion ang paligid ko nang biglang humarang sa harap ko si Timothy para saluhin ang bala. Bumagsak siya sa sahig hawak ang kaliwang braso niya."Timothy! Oh, God! I'm sorry!" sumigaw si Dayana, mabilis nitong dinaluhan si Timothy.Nagsimulang lumabo ang paligid ko nang makita ang namumutlang mukha ni Dylan habang nakatingin sa akin. Agad na nangilid ang luha sa pisngi niya. Doon bumaba ang paningin ko sa sarili ko.Ang balang dapat ay sasaluhin ni Timothy, daplis lang ang tama sa kaniya at tumagos pa rin sa akin."Tanya? No... Tanya!"Ang natatakot na boses ni Dylan ang huli kong naaalala bago ako nawalan ng malay.***Nagising ako sa marahan na paghaplos ng isang palad sa buhok ko. Hindi pa man ako nagmumulat, nahulaan ko na agad kung sino ito.My love, Dylan.Suot niya ang pabangong gustong-gusto kong ginagamit niya noong kasal pa kami. Lalaking-lalaki at hindi masyadong masakit sa ilong."Mahal? Thank, God, you're awake!"Bumungad sa akin ang naluluha niyang mukha.
"Dylan!"Wala sa sariling napatakip ako ng sariling bibig nang makitang bumagsak si Dianne sa sahig dahil sa sampal ni Dylan."Dylan, anong ginagawa mo? Huwag mong saktan ang bata." Mabilis ko siyang nilapitan at hinila palayo."Daddy?" Nagsimulang umiyak si Dianne. Pulang-pula ang mukha nito at walang tigil sa pag-agos ang mga luha.Mabilis itong tumayo at tumakbo pataas ng hagdan para pumasok sa isang kuwarto. Agad itong sinundan ng yaya nitong si Rita.Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. "Hindi ko alam kung paano aayusin ang ugali ni Dianne. Akala ko, napapalaki namin siya nang maayos. Sa pagbibigay ng mga kailangan at gusto niya, inisip kong magiging mabuting bata siya. Pero maling-mali ang ginawa ko. Anong gagawin natin?""We should give her some time. Don't worry, pagtutulungan natin ito, okay?"Nilapitan ko si Thalia at niyakap ito. Halatang nagulat din ito sa nangyari. Ayaw na ayaw ko nang nakakakita pa siya ng pagtatalo dahil hindi siya nasanay sa ganito.Madalas
KANINA pa walang tigil sa pag-iyak si Rita habang nasa loob kami ng dining room. Pagkatapos niyang kausapin kanina si Dianne, kinompronta ko siya at nagkasagutan kami. Naabutan kami ni Dylan habang nagtatalo. "Sorry po, sir! Matagal ko nang kasama si Ma'am Dayana. Napakabait niya po sa akin! Kaya hindi ko matanggap na ganoon ang nangyari sa kaniya!" sinundan niya ng hagulgol ang kaniyang mga sinabi. "You don't know what that woman did to us! Wala kang alam sa kung anong totoo!" Maagap kong hinawakan ang braso ni Dylan nang pagtaasan nito ng boses si Rita. Hindi ito makatingin sa amin habang yumuyugyog ang mga balikat. "Hindi ko na po uulitin, ma'am, sir. Patawarin n'yo na po ako!" "Dapat lang, dahil sa susunod na gawin mo pa ito, palalayasin na kita!" Hinila ako ni Dylan palabas ng dining room pagkatapos no'n. Gusto na niyang palayasin si Rita pero pinigilan ko siya dahil si Dianne ang iniisip ko. Matagal nang kasama ng bata si Rita. Simula baby pa ito, si Rita na ang nag-aalaga
Dylan's POV I WAS at the same table with my friends from college and Janice. We were talking about business while waiting for the hired clown to finish his performance. Mula sa kinauupuan ay napatingin ako sa table na kinaroroonan nina Thalia at Dianne. The two kids were having fun watching the clown do some tricks. Magkasundong-magkasundo na sila at nagsasalo pa sa pagkain. "Dianne, you said you like grape juice? Here, oh! Binigay ni Yaya Rita. I don't like it, e." "Thank you, Thalia! You can have my apple juice instead! Ayaw ko naman ng ibang juice maliban sa grape!" Napangiti ako nang makita kung paano magpalitan ng juice ang dalawa. I couldn't ask for more than this. Well, maliban sa isa. Nakuha ang atensyon ko nang marinig ang sinabi ni Ros Evangelista. "Dude! Don't you have any plans of proposing to Tanya?" Nakangiti ko siyang nilingon. "Of course, I have. Inuna lang namin ang mga bata at ang kaso ni Dayana." Napansin kong natahimik sila nang mabanggit ko ang pangalan ni
YAKAP ko ang sarili ko habang nakaupo sa labas ng kuwarto ni Dianne. Kanina pa kausap ni Wena si Ros, ipinapaliwanag nito ang mga nalaman mula sa pulis na nakausap nila."Kaunti lang ang nainom na lason ni Thalia. Ibinigay niya agad ang juice sa kapatid niyang si Dianne kaya ito ang napuruhan.""Sino naman ang gagawa ng ganitong bagay sa mga bata? Nakakaloka! Mga wala na ba talaga silang takot sa Diyos? These two are just kids!""May hinala na kami kung sino ang may gawa nito." Napatingin ako kay Ros sa sinabi niya."Sino? Sino ang gustong lumason sa mga bata?" Natigilan si Wena nang bigyan siya ng kakaibang tingin ni Ros. "No way! Don't tell me, it's that bitch again? Walang hiya talaga ang ahas na iyon!""Ano na ngayon ang kalagayan ni Dianne?" kabado akong lumapit kay Zian nang dumating ito."She needs to survive for tonight. Kapag hindi siya nagising ngayong gabi, maliit ang tyansa niyang mabuhay. Masyadong malakas ang lason na nainom niya."Mariin akong pumikit. Dahil sa kabaliwa
MARIRINIG sa buong paligid ang malakas na tawanan nina Thalia at Dianne habang naghahabulan ang mga ito sa garden. Nagpatayo rito ng swing at slide si Dylan para kapag nabuburyo ang mga bata, makakapaglaro ang mga ito.Para maiwasan na rin ang paglabas ng mga bata. Pagkatapos kong ikuwento sa kaniya ang nangyari sa labas ng hospital, napuno ng bahala ang puso niya. Halos palibutan na ngayon ng mga security ang buong mansion. Bantay-sarado ang lahat ng papasok o maski ang lalapit sa amin.Masaya ako dahil maayos na ang kalagayan ni Dianne ngayon. Masigla na rin ito na parang hindi galing sa hospital nang halos dalawang linggo."Mama, naiihi ako!"Tumayo agad ako mula sa kinauupuang bench at nilapitan si Thalia. "Gusto mong samahan kita sa banyo, baby?""Hindi na, mama! Big girl na ako! Kaya ko nang mag-isa." Natatawa kong ginulo ang buhok niya bago tumango.Hindi ko na siya sinamahan, pero mabilis naman niyang hinatak sa kamay si Osang papunta sa mansion.Nang mawala sila sa paningin k