Sorry ngayon lang update. May nababasa akong theories niyo about Tanya, Clarissa, and March. hahahaha
Dahil busog ako, hindi ako masiyadong kumain sa binili ni Miss Tanya sa amin. "Ayaw mo ba ng pagkain? Sabihin mo anong gusto mo at bibilhin ko." Aniya, si Clarissa agad na lumingon sa kaniya habang ang slice ng pizza na kasalukuyan niyang kinakagatan ay nasa bibig pa niya. "Busog ako. Kakakain lang namin ni Rod," sabi ko, unsure kung tama ba na binanggit ko ang pangalan ni Rod. "Ganoon ba?" aniya at bahagya pang nalungkot. Hindi ko talaga kayang tagalan ang pinapakita niya. Pwede namang kay Clarissa lang siya ganiyan at huwag na sa akin kasi hindi naman niya kailangan bumawi sa akin. Iniisip niya siguro na ayaw kong tanggapin ang galing sa kaniya. Though wala naman akong paki alam kung yan nga ang isipin niya kasi wala naman akong pakialam sa iniisip niya. Nasampal na niya ako ng ilang beses, nasabihan ng masasakit na salita ng maraming beses, hindi na ako masasaktan sa kung ano pa man ang isipin niya patungkol sa akin. "Ohh-keey," si Clarissa na kinukuha ang attention namin dal
Naglakad ako pauwi nang mawala na silang dalawa sa paningin ko, saka pa ako tumayo at kinuha ang regalo ni Clarissa sa akin. Hindi mawala sa utak ko ang nangyari no'n kay tito Leon. But mama made sure na ipaintindi sa akin na hindi ko naman ginusto at kasalanan ang nangyari kaya despite of guilt and despair I felt, I was still able to keep on moving. Maybe that was the reason bakit no'ng fourth year ko lang na-close si Karen and Junisa. Because I was distancing myself from others. Kinakausap ko sila for acads but not them to be my friends. Maybe that was also the reason I looked intimidating to others cause mama trained me to be that way. If I haven't met Rod at tumira sa puder ni attorney, baka ganoon pa rin ako. Stiff masiyado at hindi masiyadong nag so-socialize. I sighed at pumunta na sa office ni Rod. Nadatnan ko una sa labas si Katie, ang new secretary ni Rod. Ever since intern pa ako, si Katie lang talaga iyong pumapansin sa akin. "Oh, March, I mean, ma'am, hanap mo si s
Friday morning at naka unan ako sa braso ni Rod nang magising ako. "She's awake now," rinig ko ang boses ni Rod kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang kausap ang mga anak namin sa phone. "Good morning mama," boses ni CJ. "Good morning, Cam. How's Hongkong anak?" tanong ko at umunan sa dibdib ni Rod. Naramdaman kong hinaIikan niya ang ulo ko. "Hongkong is fun, mama!" Ang sabi ni CJ at malapad na ngumiti. "Hi mama," si EJ na tumabi sa kapatid niya. "Good morning, kuya. Ang aga niyo yatang nagising ni CJ?" "Ginising ko si kuya, mama. Papatulong ako sa kaniya sa pagtimpla ng milk." Natawa si Rod sa turan ng anak. "Where's DJ, BJ, and AJ?" tanong ko nang mapansin na sila lang dalawa ang Naga -almusal. "And your lola? Where's your lola?" "Lola's in the bathroom, mama." Si Elias. "And DJ, BJ, and princess are still sleeping." Okay. Tumango ako. "Alright. Is that your breakfast?" patukoy ko sa milk nila at cookies. Tumango ang dalawa sa tanong ko. Tumingin ako kay Rod na
"Who are you texting?" napatingin ako kay Rod na kakapasok lang ng sasakyan. He's wearing a casual attire but he looks so hot. "And why are you smiling?" may multo rin ng ngiti sa labi niya. "Your smile is contagious," I laughed hard and winked at him. "I am chatting my friends. I told them I'm your fiancée now." Lumapad ang ngiti sa labi ni Rod at hinawakan ako sa pisngi saka hinaIikan ng mariin sa labi. Kanina ko pa pinagmamasdan ang singsing. Sobrang saya ko to the point na ngingiti nalang ako ng kusa habang nakatingin doon. "I'm happy that you're happy. I wanna make you happy for the rest of my life". Hindi na ako nakapag salita at ngumiti nalang din dahil hindi ko mahanap ang tamang salita sa sinabi ni Rod na masaya siya for me. Pinaandar na ni Rod ang sasakyan dahil pupunta na kami sa party doon sa bahay ni Eya. Ngayon ko palang sila sinabihan pero mukhang kanina pa nila nalaman. "Saan kayo mga boys?" tanong ko kay Rod. "Somewhere in Corrales," "Okay. Sunduin mo 'ko
“Thank you!” “Take this.. Gift namin ni Clark,” Napatingin ako sa paperbag na inaabot niya. “Wow. Anong laman nito?” “Perfume,” aniya. “Ang dami mo ng regalo sa akin,” nataawa kong sabi sa kaniya at tinignan ang perfume na bigay niya. “Anong brand ito? Hindi ako familiar,” “Siya gumawa niyan. Sariling formula niya. He wanted to become a chemist at magtayo ng sarili niyang perfume company na hindi naman niya magawa dahil kay dad so right now, he’s slowly pursuing it and that’s one of his product. Test the smell,” Agad ko namang nilapit sa ilong ko ang perfume at sobrang bango. “Mabango ah!” Namamanghang sabi ko. Ngumiti si Clarissa. “It’s our thank you gift para sa inyo ni Rod,” aniya at hinaIikan ako sa pisngi. “Enjoy the party,” sabi ni Clarissa sa akin at umalis na. Agad na ipinulupot ni Juni ang kamay niya sa braso ko habang nakatingin kay Clarissa na lumalayo habang si Eya sa kabila. “Siguro Clarissa has a bratty attitude but she’s not bad at all,” Tumango ako kasi iyo
“Smell it,” sabi ko kay Rod at ibinigay sa kaniya ang perfume na bigay ni Clarissa sa akin kanina. Nasa bahay na kaming dalawa at nakapantulog na. Kakatapos lang namin kausapin si attorney who was genuinely happy for us. But hindi na namin nakausap ang mga bata dahil tulog na ang mga ito. “Spray it to yourself,” sabi niya kaya nag spray ako sa sarili ko. Lumapit siya sa akin at inamoy ako sa leeg. Ngumiti ako at umaandar na naman siya. “Kaya mo lang siguro pina-spray sa akin ito kasi may masama kang balak e,” natatawa kong sabi. “Mabango nga,” aniya at pinapatakan pa ng mabababaw na haIik sa leeg ko. “Matulog na nga tayo Rod,” he chuckled matapos ko siyang kurutin. Inakbayan niya ako at nagtungo kami papunta sa kwarto namin dalawa para matulog. Kinabukasan, nauna akong nagising kay Rod. Bumaba ako to cook for our breakfast. But while I took a peek sa labas ng bahay, nakita ko si Elena na sumisilip. Ano na naman kayang gusto ng babaeng ito at nandito na naman siya? Lumabas ako
Matapos ang ilang oras na pinaganda nila ang mukha ko, pati buhok ko ay naka-ayos na rin. This is too much. Testing lang naman ito pero sobrang effort ng glam team na napili nina Juni. “ANG GANDA!” si Karen at Juni na nakatitig na sa akin. “Oh my God! Super ganda mo March!” Si Juni na tuwang tuwang habang nakatitig sa akin. Pinamulahan ako ng mukha sa mga komplimento nila. “Talaga ba?” tanong ko. “Oo nga. Tignan mo ang sarili mo sa salamin,” ang sabi nila. Nang tignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin, napangiti ako kasi maganda nga ang pagkaka-make up sa akin. “Iyong gown! Isuot ang gown,” si Juni na excited. Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa likuran kung nasaan ang wedding gown na napili ni Eya. “Susuotin ko ang gown? Pero bakit?” “Duh! Para malaman natin kung aling parte ang babaguhin,” ang sabi ni Junisa at inikutan ako ng mata. Ngumuso ako. Kung ako ang tatanungin, sobrang ganda ng gown at actually dapat wala ng babaguhin dahil maganda naman talaga siya. Baka m
-TANYA- “Ayos ka lang?” ang tanong ni Ernesto sa akin habang pinagmamasdan ako na nanonood ng TV. Ngumiti ako at tumango habang umiiyak. Napapanood ngayon ng live ang kaganapan sa kasal ni Rodie James Chavez at sa ina ng quintuplets niya na si March Yana. “Bakit ka umiiyak?” tanong ng kaibigan ko. Tumayo ako at palihim na pinunasan ang luha sa mga mata ko. “Wala naman. Sinong nagsabi na umiiyak ako?” ang sabi ko at lumabas ng bahay. Umupo ako sa upuan na nasa veranda habang nakatingin sa kalangitan. Siguro ito ang kaparusahan sa lahat ng kasalanan na nagawa ko. (Flashback) “Ate, ulam,” tumambad sa harapan ko si Virgie, ang kapit bahay kong laging naghahatid sa akin ng ulam. “Naku, nag-abala ka pa,” sabi ko. “Hali ka, pasok ka sa bahay ko,” Ngumiti siya at pumasok. “Ate, anong nararamdaman mo?” Ngumiti ako at tumingin sa tiyan ko kung saan siya nakatingin. “Maayos naman ang pakiramdam ko.” “Hindi ba mahirap magbuntis, ate?” “Mahirap pero ayos lang naman,” “Nakakainggit ka n