Home / Romance / Hello Captain! / Lintik Lang Ang Walang Ganti!

Share

Lintik Lang Ang Walang Ganti!

Anyway, back to my story...  Dahil sa narinig ko, nawalan na ako ng gana na makilala kahit man lang isa sa kanila.  I figured na walang magandang kahihinatnan kung sakali na meron akong makursunadahan at vise versa.

Ganun pa man, na curious ako kung ano ang itsura ng dalawang tao na nag uusap sa likuran ng kotse ko at ako ay sumilip.  Una kong nakita ang kausap ni Captain Lim.  Ok' lang sya, hindi panget, hindi rin gwapo.

Pero ng makita ko ang itsura ni Captain Lim, medyo kumabog ang dibdib ko.  'konti lang ha!'  Sa isipan ko, wow!  Ano siya naligaw sa barko?  Seaman ba talaga siya?  I mean... May height, chinito, pogi! at ng napansin ko na may dimples pa... That's it! Bumilis na ang kabog ng dibdib ko.

*Thud! Thud! thud!"

Sa isipan ko, 'dang!' Kaya naman pala kung makapag salita eh' ganoon na lang, may karapatan naman pala!  Siguro sa Pilipinas ang daming mga kababayan kong nalalaglag ang panty pag ngumiti ito sa kanila.  Sa isipan ko habang kahit ako ay hindi ko maipaling ang tuloy tuloy kong pagsusuri.

Anyway, nakaramdam yata siya na may tao sa loob ng kotse, at bigla siyang lumingon.

  "Shit! Shit! Shitttt!!!!"

Ang bilis kong nagtago at humiga.  Ipinikit ko uli ang aking mga mata, just in case lang na sumilip... Makikita niya na tulog ako.  Maswerte naman at hindi sumilip, sige lang ang kwentuhan nila ng kasama niya.

Maya maya lang ay may narinig ko ang boses ng friend's ko.  "Captain, kumusta na!"  Bati niya habang papalapit sa pintuan ng passenger seat sa likuran kung nasaan ako.

Wala akong narinig na sagot galing kay Captain Lim, so I assumed na masungit.  Na turned off tuloy ako, dahil sa lahat ng ayaw ko sa lalaki ay ang mayabang at masungit.  It seems he is both...

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse at tinapik ng friends ko ang binti ko.

"Oy' gising!  Ano ba!  Umunat ka man lang!  Ang sarap ng simoy ng hangin oh!"  Aniya ng ni Linda na freind ko.

Kunwari naman ay naalimpungatan ako at nag inat ng konti.

"Hmmm!  Anong oras na?  Ano uuwi na ba tayo?"  Tanong ko.  Hoping na uuwi na kami dahil baka kung mag tagal pa kami doon at continue pa rin ang kayabangan ni Captain...

Baka kung ano lang ang masasabi ko na hindi maganda.

"Hindi pa no'  dito tayo matutulog, bukas na tayo uuwi."

Bigla akong napatayo' ng marinig ko ang sagot ni Linda na kinabukasan pa raw kami uuwi.

Habang nanlalaki ang mata ko at galit na, "Oy!  Wala tayong usapan na dito tayo matutulog.  Unang una, saan tayo matutulog?  Pangalawa, alam nyo ba kung ano ang tawag sa inyo ng ibang seaman?"

Ayan na!  Sa sobrang bigla ko, nasabi ko tuloy na may narinig akong hindi maganda.  Pero ng parang balewala lang ito sa friend ko, medyo naguluhan ako.

"Don't tell me na alam mo kung ano ang tawag ng ibang seaman sa inyo?"  Nanlalaki ang mata ko na nagtanong.

"Hmph!  Kung narinig mo ito galing dun sa mayabang at masungit na Captain na iyon?"  Aniya habang naka point ang nguso niya sa likuran ng kotse ko...

"I really don't care!  Balita ko ay sa seminaryo yata lumaki iyan at walang girlfriend na iniwan sa Pilipinas.  Kaya ganyan mag salita at kung manlait ng tao.  Anyway, forget about him, halika at ipakilala kita sa Kapitan ng barko ng boyfriend ko.  Matutuwa ka!"  Aniya ng friends ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana at inaninaw ko ang iba ko pang friends.  Nang makita ko na wala na sila sa pantalan, I figure na umakyat na sila ng barko.  "Wag na!  Kayo na lang, takot akong umakyat ng barko, baka mahulog pa ako sa dagat."  Piit kong tanggi, pero hindi ako tinantanan ng friend ko, hanggat hindi ako tumatayo at lumalabas ng sasakyan.

Isa pang dahilan kaya ayaw kung lumabas ng sasakyan, dahil ang suot ko ay tank-top na puti na may logo sa harapan na 'Hooters' at short na maong. Hindi naman sa pagyayabang, eh' maputi ang binti ko at mahaba ng konti. 'konti lang ha!'  Ayokong isipin ng masungit na si Kapitan na inilalantad ko lahat ng kayamanan ko.

Pero ng maalala ko ang sinabi niya tungkol sa mga friends ko, at ang sabi ng friends ko na serious daw ito at walang girlfriend na iniwan sa Pilipinas... Meron akong naisip...Lintik lang ang walang ganti!

===

So' anyway, dahil sa asar ko kay Captain Lim na mayabang, naisip kong tingan kung me laban ako pwedeng pumasa na maging girlfriend niya.  [Not nice of me ha! ]

Ang number one kung kinaasaran ay ang mga lalake na akala mo kung sino na mga Santo!  Dahil alam ko rin naman na may kahinaan din sila pagdating na sa sexy, at magandang babae.  Unless, lang na hindi babae ang gusto niya.  Bigla tuloy akong napaisip, kasi karamihan ng balimbing, gwapo at matipuno.  Baka nga?

So' I thought, let's give it a try!  Alam ko naman na sexy ako, maganda at me panlaban.  [Ang yabang ano! ]  Kapag tumingin siya, ibig sabihin may pagasa.

Naglagay muna ako ng lipstick, tapos sinuklay ang mahaba kong buhok na malapit ng umabot sa bewang.  Tapos ay nag lagay ng sunblock sa binti at braso, bago nag suot ng sandals ko na may takong.  Nungka mo ang takong ng sandals ko ay 3"  dagdag sa height ko, eh' di nag mukha akong six-footer.

Nang lumabas ako ng kotse, tamang tama naman na ang iba pang seaman sa kabilang barko kung saan ay nakasakay si Captain Lim.  Ay papaalis yata upang mag shopping or to make a call sa Pilipinas.  Iyan ang laging ginagawa ng mga seaman kapag dumadaong ang barko nila.

Therefore, nakita nila ang beauty ko at may pumito' sa sobrang paghanga'.

"Tweet! Tweet!"  Wow!  Miss, saan ang fashion show!"  Sigaw ng isa na papalapit kay Captain Lim pero sa akin at sa binti ko naka tinggin.

Hindi ko pinansin ang pasaring ng nagsalita at pumasok uli ako sa loob ng kotse ko upang kunin ang sun glasses ko. Kaya naman ng lumabas ako uli, lalo na silang nang asar, pero humahanga.

Habang nakatayo ako sa may labas ng pintuan ng kotse, tinitingnan ko sa gilid ng mata ko kung tumingin ba si Captain or hindi?  Nang mapansin ko na nakatalikod pa rin siya, nadismaya ako.

"Bato' nga yata!  Oh' well!  I tried and failed.  So' what!  Wala namang mawawala sa akin dahil hindi na uli kami magkikita pa."  Bulong ko sa sarili ko, pero I feel defeated talaga.

Well, dahil lumabas na rin ako ng sasakyan minabuti ko na lang na mag lakad lakad sa may pantalan at sumimoy ng hangin.  Pero kahit anong pilit ng kaibigan ko, hindi niya ako mapaakyat sa barko.  Ang taas taas kaya ng hagdanan!  Tapos naka high heels pa ako, eh' kung matapilok ako.  Eh' di hulog sa dagat!

Walang nagawa si Linda kundi ang bumalik sa taas ng barko at sabihin sa Kapitan na ayaw kung umakyat.  Ako naman ay tumayo lang sa may pantalan at parang nag papa picture na naka pose habang sa malayo nakatingin.  Sa isipan ko, 'sana ay tinitingnan niya ako...'

~To be continued~

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status