Home / Romance / Hello Captain! / Isang Matigas Na Dibdib

Share

Isang Matigas Na Dibdib

Mukhang kadete ang position ng crew na dumating.  Sa itsura pa laman ay hindi nalalayo ang kanyang edad sa mahigit kumulang sa 21 anyos.  Timid siyang kumatok sa pintuan at pumasok sa loob.  Bago,

"Sir, ano po ang kailangan ninyo?"  Tanong ng crew na dumating habang palihim siyang sumilip sa akin. Nakita ko dahil nakatining din ako sa kanya ng papasok pa lamang siya.

"Si… Ano nga pala ang pangalan mo?"  Tanong ni Chief sa akin.  "Sophia--Chief!"  Mabilis kong sagot.

"Si Ms. Sophia ay naiwan ang papeles sa kotse niya sa ibaba.  Pakikuha lang please!"  Sabay tingin niya sa akin at inilahad niya ang kanyang kamay at nag aantay na i-abot ko ang susi ng kotse.

"Ay!  Sorry!  Sandali lang."  Sabay mabilis akong naghalungkat sa loob ng bag ko at hinanap ang susi.  Nang matagpuan ko ito, mabilis kong inabot kay Chief upang ibigay niya sa tauhan niya na nakatayo sa kanyang gilid.

Pagkatangap ng taong inutusan ni Chief ang susi ng kotse, sa akin naman siya tumingin at nagaantay ng instructions.

Noong una ay nagtataka ako, pero narealize ko na hindi niya alam kung nasaan ito sa loob ng kotse ko.

"Ay, sorry!  Nasa likurang upuan ito.  May makikita kang folder na yellow at iyon yon.  Maraming salamat ha!"  Sabay binigyan ko siya ng simpleng ngiti lang.  Kailangan kong maging sweet ano!  Ako yata ang may kailangan.

Pagkawala ng taong inutusan ni Chief.  Biglang sumobra ang tahimik ng loob ng kwarto at para kaming nasa punerarya.  Hindi ko alam kung anong upo ang gagawin ko, habang si Chief naman ay nakatitig lang sa dokumento na nasa harap niya at nagbabasa yata?

Nang ilang minuto na ang nakaraan at wala pa rin sa aming nagsasalita, minabuti ko munang lumabas ng kwarto at magpahangin sa labas…

"Excuse me, Chief--lalabas muna ako habang nag aantay--pwede?"  Nakatayo na ako at handang lumabas.

Parang naalimpungatan si Chief ng marinig niya ang boses ko.  "Ha?  Ano kamo?"  Tanong niya.

"Sabi ko, kung pwede lang lalabas na muna ako at mag papahangin habang nagaantay tayo."

"Ah!  Sige, samahan na kita."  Nagulat ako sa sinabi niya.  Sasamahan niya ako?  Eh, kaya nga gusto kong lumabas eh, para mawala ang alanganin naming sitwasyon.

Nevertheless, pumayag na rin ako dahil hindi ko rin naman alam ang daan papalabas.

===

Malapit lang pala ang pintuan papalabas.  Ilang sandali lang ay nasa labas na kami at ramdam na ramdam ko ang lakas ng ihip ng hangin.

"Gosh!  Ang ganda palang tingnan ang downtown kapag nasa mataas kang lugar.  Kitang kita mo lahat ng matataas na building."  Aniya ko para naman may pag usapan kami.

"Yea!  Maganda nga itong lugar ninyo.  First time pa lang akong nakapunta dito at hindi pa ako makalabas dahil umalis si kapitan.  Balak ko nga pag meron akong panahon eh, mag hire ng tour guide.  Meron ka bang kilala?"

'Tour guide?  Wow lang ha!' Sa isipan ko.

"Sorry!  Wala akong kilalang tour guide eh."  Bigla kong naisip na pwede ko ring recommend ang isa sa mga friends ko.  I'm sure pag nakita siya ng mga iyon ay baka magsipag luwaan ng mga mata nila.  Baka mag agawan pa na bigyan siya ng tour sa mga bahay nila.

Nang mag suggest na sana ako, bigla naman may boses kaming narinig na galing sa walkie-talkie na hawak niya. Hindi ko na tuloy na mungkahi.

"Excuse me lang, sagutin ko muna ang tawag."  Aniya ni Chief, sabay lumayo siya ng konti para hindi ko marinig ang kanilang pag uusap.

Hindi naman ako tsismosa, kaya ang ginawa ko ay nag lakad-lakad din ako papalayo sa kanya at kunwari ay kung ano ano ang tinitingnan ko.  Hindi naman nagtagal at natapos kaagad ang pakikipagusap niya.  Minabuti kong lapitan siya muli upang yayain ng bumalik sa kabina niya at baka nandoon na ang kanyang inutusan.

Nang malapit na ako at handa na siyang yayain, may nagsalita na naman sa walkie-talkie.  Bigla akong napatigil upang mag antay na sagutin niya ito. 

"Sir, ilang setting po ang ilalagay ko?"  Narinig kong tanong ng kausap niya sa radyo.

"Dalawahin mo na at may bisita ako."  Sagot ni Chief sa kanyang kausap bago tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatayo.

"Copy that!"  Aniya ng kausap niya, bago biglang tumahimik muli ang radyo.

Nang pakiwari ko ay tapos na siyang makipagusap, nilapitan ko na siya ng tuluyan.  Ang kaso mo ng malapit na ako, hindi ko napansin na may pangtali pala ng barko na nakakalat sa lapag at ako'y natisod.

"Ay! Santa maria!" Sigaw ko ng malakas, bago masusubsob na sana ako.  Mabuti na lang at nasalo ako ni Chief bago sumemplang ang mukha ko-- Sa diddib niyang matigas nasubsob ang namumula kong mukha sa hiya.

*Thud-thud-thud!*  Sabi ng puso ni Chief, dinig na dinig ko. 

"Ayos ka lan?" Malumanay niyang tanong habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa kanyang dibdib at nakahawak ako ng mahigpit sa kanyang mga braso.  Nang marealized ko ito, dahan dahan kong itinulak ang sarili ko papalayo sa kanya.  Dahil napahiya ako, sa lupa ako tumingin at hindi sa kanya habang sumasagot sa tanong niya.

"Ok, lang ako, maraming salamat sa pagsalo sa akin." Halos hindi niya marinig ang sinabi ko sa hina ng boses ko.  Sobrang nakakahiya, baka isipin niya eh--sinadya ko.

Sobrang awkward ng sitwasyon namin dahil sa nangyari.  Kaya naman binago niya kaagad ang usapan.

"Kung hindi ka nagmamadali, baka gusto mo akong saluhan sa tanghalian.  Nagpaluto ako kay kusinero ng masarap na putahe.  Iyan ay kung maari lang?"

Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanyang paanyaya.  Friendly siya at mukhang mabait, hindi katulad ni Captain-sungit Lim.  Naisip ko, why not!  Wala naman akong ibang pupuntahan pagkatapos kong mapa-pirmahan ang mga resibo. 

"Sure!  Gutom na rin ako, sino ba ang tatanggi' sa libreng pagkain.  Hahaha!"  Pabiro kong sagot habang isang magandang ngiti ang nakalapat sa aking labi...

===

Masaya kaming nag tanghalian ni Chief, nalaman ko na ang pangalan niya ay Gerald Santos at siya ay 25 years old.  Tama ang hinala ko na ilang taon lang ang tanda niya sa akin.  Magpinsan pala sila ni Captain Lim sa mother side at binata pa. 

Magaan ang loob ko sa kanya, kahit na halatadong may kursunada siya sa akin, hindi siya garapal.  Dahilan upang bago ako umalis pagkatapos niyang pirmahan ang mga resibo, ako na mismo ang nag imbita sa kanya na lumabas at nang makita niya kung gaano kaganda ang Tampa Florida...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status