Share

Chief Mate

Sa sobrang excited ko, hindi ko namalayan na ang bilis pala ng takbo ng sasakyan ko at muntik na tuloy akong mahuli ng pulis.  Mabuti na lang at sa kabilang kalsada siya at nag red ang ilaw, kaya hindi siya naka u-turn.  Napa antanda tuloy ako ng di oras.

Sa bilis ng patakbo ko ng sasakyan, wala pang kinse minutos ay nakarating ako kaagad sa Tampa Ship Repair.  Dito nakatali ang barko nila na inaayos.  Tiningnan ko muna ang sarili ko sa rearview mirror kung ayos ba ang make-up ko at buhok. Nang sigurado akong beauty pa rin, saka pa lang ako bumaba ng sasakyan.

Mabuti na lang at balak kong tumulong sa opisina, kaya naman nakasuot ako ng short sleeve na polo, tight-fitting jeans at tennis shoes.  Kung hindi ay kakailanganin ko pang umuwi at magbihis.

Inayos ko muna ang damit ko at sinigurado na hindi lukot, ayaw kong makita niya akong mukhang gusgusin.  Syempre naman dahil ang talagang pakay ko ay ang mapaibig ko siya sa aking beauty.  [Ang yabang ano!]

Dumaan muna ako sa security office upang kumuha ng pass.  Masyado silang naging istrikto simula ng nangyari sa 911.  Naalala ko pa noong bata pa ako, minsan minsan ay isinasama ako ng dad ko pag naniningil siya, at noon hindi kailangan ng check-check.  Pero ngayon, kulang na lang ay i-background check up nila ang bawat papasok.

Anyway, nang matapos akong mag fill-up na papers, pumirma ako sa guest logbook nila bago ako binigyan ng guest id card.  Isinuot ko ang tali sa leeg ko at nagsuot ng helmet na ibinigay ng security officer.  Soon, on the way na ako sa barko nila na nasa tuktok at inaayos.

Nang bumungad sa akin ang taas ng hagdan na aakyatin ko, napatili ako sa shock.  "DIYOS KO PO!  ANO BA ITO?"  Sigaw ko habang nakanganga ako at nakatingin sa itasa at trying to figure out kung aakyat ba ako o' hindi?

Sa kadulu-duluhan nanaig pa rin ang gusto ko siyang makitang muli.  Therefore, eto ako nangangatog ang tuhod habang dahan dahang umaakyat sa matarik na hagdanan…  Sa awa ng diyos, nakarating din ako sa aking patutunguhan.  Hay, buhay!  Lahat gagawin sa larangan ng pag-ibig.

===

Pagdating ko sa itaas, sinalubong ako ng isang crew na taga bantay.  Ang ganda ng ngiti niya ng makita niya kung sino ang dumating.  I guess natandaan niya ako.  Narealize ko na siya iyong kausap ni Captain Lim sa likuran ng kotse ko noong pumunta kami sa West Palm Beach.

"Hi!  Masaya kong bati na may kongting ngiti sa aking mga labi."  Syempre kailangan kong maging friendly, may kailangan ako eh.

"Hi!"  Bati niya pabalik habang papalapit sa akin.

Nang malapit na siya, "nandito pa si Captain Lim?  Kailangan ko kasing mag pa pirma ng resibo eh!"  Bungad ko sa kanya para hindi siya mag isip na iba ang pakay ko.

Habang kumakamot siya ng ulo, "ay naku!  Kaalis lang ni kapitan.  Sinundo siya ng pamilya niya at doon muna siya titigil habang inaayos ang barko." 

"Ha!  Ganoon ba?  Well, ok lang--pwede namang kahit si Chief mate ang pumirma.  Nandito ba siya?"  Palusot ko.  Ayokong mahalata niya na dismayado ako, kaya naman kahit pilit lang ngumiti ako ng maganda.

"Ah, Oo! Nasa loob si Chief Mate, halika samahan kita."  Paanyaya niya bago tumalikod at nagsimula na siyang maglakad papunta sa loob ng barko.  Sumunod naman ako ng dahan dahan.  Nanginginig pa rin ang tuhod ko, kaya naman medyo mabagal ang lakad ko.

Narinig ko siyang may kausap sa radyo habang papasok kami sa loob ng barko.  Ilang pasikot sikot din ang aming ginawa at ilang palapag din ang aming inakyat.  Maya maya pa ay nasa harap na kami ng isang pintuang naka bukas.  Sa pintuan ay may nakapaskil na 'Chief Mate'.

Kumatok muna siya bago, "Chief!  Nandito po ang Chandler.  Magpapapirma daw po ng resibo."  Aniya ng lalaking kasama ko.

"Sige! Third-papasukin mo!"  Sagot ng tao na nasa loob.

Third-mate pala ang taong nagdala sa akin. Sa isip ko habang nakatayo lang ako at nag aantay na papasukin.

"Sige, ma'am!  Pasok daw po kayo."  Sabay inilahad niya ang kanang kamay bilang paanyaya sa akin na pumasok. 

Ano pa nga ba ang gagawin ko, eh di pumasok ako.

===

Pagpasok ko sa loob, nagulat ako ng makita ko ang taong nasa loob ng kwarto.  Gwapo din siya at mukhang mas bata kay Captain-sungit Lim.  Parang mas matanda lang siya sa aking ng ilang taon.  Wow, ha! Bilib ako sa barkong ito, mga bata pa at may mga itsura ang mga crew. 

"Hi!  Chief, magandang hapon po!  Pasensya na po at naabala yata kita.  Kailangan ko lang sanang mag pa pirma ng resibo.  Wala daw si kapitan, kaya ikaw na lang ang aabalahin ko."  Nakalabas lahat ang maputi at diretso kong ngipin pagkatapos kong magsalita.  Sabay inabot ko ang kamay ko upang makipag shake hands.

Mukhang mabait naman si Chief Mate at tumayo sa pagkakaupo niya sa likuran ng kanyang office desk.  Tinanggap niya ang kamay ko at nakipag shake hands.  Wow!  Ang lambot ng kamay niya at halatang hindi siya nagtatrabaho ng mabigat.

"Upo ka!"  Paanyaya niya sa akin bago umupo siya pabalik. 

Uupo na sana ako ng maalala ko ang mga resibo na kailangan kong papirmahan.  Shit! Na malagkit!  Sa sobrang excited ko na makita muli si Captain-sungit, ayon!  Nakalimutan kong dalhin ang mga resibo. 

Hiyang hiya ako, pero hindi ko ipinahalata.  Minabuti kong umarte at tingnan kung mag work kay Chief Mate? 

Pinapungay ko muna ang mga mata ko at sinigurado ko na may simpleng ngiti ang mga labi ko ng ako ay mag salita. 

"Chief, pasensya na--galing pa lang kasi ako sa hospital kung saan ang dad ko ay na mild heart attack.  Meydo hilong talilong pa ako at mangyaring nakalimutan kong dalhin ang mga resibo.  Pwede ba akong makisuyo?"  Iyong lang ang naisip kong gamiting dahilan at the moment. At least hindi ako nagsisinungaling.  Konti lang.

Napangiti si Chief Mate bago kinuha niya ang isang walkie-talkie at may tinawagan siya. Ilang sandali pa may dumating na isang crew.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status