Para kaming hinahabol ni kamatayan habang tumatakbo palabas ng motel. Halos hindi na ako magakahinga ng kami ay tumigil upang tingnan kung nasa labas pa si Captain Lim.
"Hah, hah, hah!" Habol ko sa hininga ko habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko at naninikip. Putsa! Itong friend kong si Linda, pagdating sa lalake eh, parang mauubusan.
"Shit! Nakaalis na siya!" Angal ni Linda habang siya rin ay hinahabol ang hininga.
"Ano ba ang binabalak mong gawin at kung makatakbo ka eh, akala mo me sunog. Kursunada mo ba ang masungit na kapitan na iyon?" Tanong ko ng pabiro. Alam ko naman na para sa akin ang ginagawa ni Linda, pero para sa akin--kung hindi uukol--hindi bubukol.
Tinapik ako ni Linda sa balikat. "Loka! Wala akong gusto doon ano! Anyway, mukhang nakabalik na siya sa barko nila at alam kong paalis na rin ang mga iyon maya maya lang. Halika nga at gisingin na natin ang mga bruha at ng makauwi na tayo. Malayo-layo pa naman ang byahe natin."
Bumalik na lang kami sa loob ng motel at inisa isa namin ang mga kwarto ng mga friends namin at kinatok.
"Hoy!!! Mga malalandi, gumising na kayo at mahaba pa ang byahe natin!" Sigaw ni Linda habang nagaantay kami sa labas ng pintuan.
Siguro sa sobrang lakas ng boses niya, pati ang katabing kwarto ay nagbukas ng pintuan at napagalitan pa tuloy kami dahil malakas daw masyado ang boses namin. Tse! Ni hindi nga ako nagsasalita eh!
Of course, humingi na lang ako ng pasensya, ano pa nga ba ang magagawa ko. Totoo namang malakas ang boses ni Linda.
Sa awa ng diyos, nagsipagtayuan din ang mga bruha. Halos mga nakapikit pa ang mga mata ng buksan nila ang mga pintuan ng kanilang kwarto. Kitang kita na nakipag-dervy sila all night long. Talagang sinulit nila ang ibinayad sa motel ha!
"Almusal muna tayo sa barko ni kapitang jokla, malayo rin ang biyahe natin. Isa pa sabi ng boyfriend ko, ipagluluto daw niya tayo ng masarap na almusal." Aniya ni Aida. Ang boyfriend niya ay ang cook ng barko, na may pagka cute din naman. Medyo may edad na nga lang at sa palagay ko eh, may iniwan sa Pilipinas na nagaantay sa kanyang pag-uwi. In other words--may asawa.
Pumayag naman ang tatlo na doon kami mag almusal sa barko, wala akong nagawa kundi ang sumama.
Nasa bridge si kapitang jokla at naghahanda na sa kanilang pag alis. In a couple of hours, maglalayag na sila at busy lahat ng mga crew. Nang makita kami ni kapitan na paparating, malayo pa ay kumakaway na siya.
"Good morning mga beauty! Mabuti naman at hindi pa pala kayo umuwi. Mabuti iyan at masarap daw ang almusal na niluto ni kusinero!" Sigaw ni kapitan habang nagmamadaling bumaba galing sa bridge papunta sa mess hall.
Nang makaakyat kami, dinala kami ng messman na boyfriend ni Linda sa officer's mess. Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng hinanda ni kusinero. Pakiwari ko ay niluto na yata niyang lahat ng provision nila para sa buong linggo. Hahaha! kakaloka! Ang pagibig nga naman, lahat gagawin mapaligaya lang ang kanyang mahal.
I just fell bad kasi ang pakiwari ko eh may asawa na si kusinero. I don't feel it's right na mambabae siya dahil lang malayo sa misis niya. Dahilan upang hindi ko makuhang gumaan ang loob kay kusinero. Nagpasalamat lang ako sa pagkain, tapos wala lang.
"Bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong sa akin ni kapitan na nakapansin na hindi maipinta ang mukha ko habang kumakain.
"Ay! Sorry po! Marami lang akong iniisip." Sagot ko, pero sa isipan ko... 'Tanungin ko kaya si kapitan kung may asawa na itong si kusinero? Kaya lang baka naman isipin ni kapitan eh' pakialamero ako. Wag nalang.'
Minabuti ko na lang na kumain at manahimik. Tutal naman ay hindi ko na uli sila makikita pa, so why bother. Ang friends ko na lang ang tatanungin ko at kung meron ngang asawa si kusinero, pipilitin ko siyang itigil na ito. Dahil sa naisip ko, isang ngiti ang lumabas aking labi at naparami ang aking nakain. Siya namang ikinatuwa ni kusinero at ni kapitan.
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na kami na aalisa dahil malayo pa ang byahe. Nagpilit si kapitang jokla na magkwentuhan muna kami habang binibigyan niya kami ng tour sa brigde ng barko. Hindi naman kami nakatangi' dahil sa ganda ng pakikisama sa amin ng lahat ng crew ng barko kasama na ang kapitan.
So, to make the long story short... Kung hind pa dumating ang piloto ng barko, hindi pa kami bababa.
===
Ilang sandali pa ay lulan na kami ng kotse ko at si Linda ang nag drive pabalik na kami sa Tampa.
Habang nasa daan kami, walang tigil ang mga bungaga ng mga friends ko at tinutukso ako. Akala nila ay maynangyari sa amin ni Captain Lim at hindi ko lang sinasabi sa kanila. Wish ko lang!
Para hind na nila ako tuksuhin, nagtulog-tulugan na lang ako kahit pa kagigisin ko lang. Habang nakapikit ang mga mata ko, hindi ko maiwasang isipin ang nakaraang gabi. Naguguluhan ako kung ano talaga ang intensyon niya ng ikuha niya ako ng room sa motel?
May gusto ba siya sa akin o' talagang nalilibugan lang at gustong mag paraos? Ay ewan! Minabuti ko na lang isang tabi ang mga nangyari at kalimutan siya dahil malabo namang magkita pa kami.
There's no way in hell na sasama pa ako sa mga friends ko kung sakaling yayain nila akong muli.
===
Lumipas ang mga araw, minsan minsan naiisip ko siya at nag wonder ako kung magkikita pa kaming muli. Ewan ko ba, sa tanang buhay ko noon lang ako nakaramdam ng ganoon. Iyon bang nagiisip tungkol sa isang lalake, nagmumuni-muni kung naiisip niya rin ba ako?
Anyway, nakalipas ang isang buwan nagulat at medyo nakalimutan ko na siya. Ibinuhos ko ang sarili ko sa work ko at pagtulong sa business ng parent ko. One day papaalis ang dad ko upang pumunta sa barko at magpa pirma ng resibo ng bigla na lang siyang atakihin sa puso.
Mabilis akong tumawag ng 911 at nadala naman kaagad ang dad ko sa hospital. Sa awa ng diyos, naagapan siya at kailangan lang ma confine ng ilang araw. Laking luwag ng dibdib ko at ng mommy ko ng sinabi iyon ng doctor. Akala ko talaga ay iiwanan na kami ni daddy.
Dahil na confine si dad, someone needs to go the ship para magpa-pirma. Eh' hindi naman pwede ang mom ko dahil kailangan niyang mag stay sa hospital. So, ang nangyari ako ang nautusan.
Ayaw ko sana at balak na utusan ang isa sa empleyado namin. Pero ng makita ko ang pangalan ng barko, narealized ko na barko ito ni Captain-sungit Lim. Eh, di mabilis pa ako sa alas-kwatro na nagpaalam sa parents ko. Na love at first sight yata ako! Tse!
Sa sobrang excited ko, hindi ko namalayan na ang bilis pala ng takbo ng sasakyan ko at muntik na tuloy akong mahuli ng pulis. Mabuti na lang at sa kabilang kalsada siya at nag red ang ilaw, kaya hindi siya naka u-turn. Napa antanda tuloy ako ng di oras.Sa bilis ng patakbo ko ng sasakyan, wala pang kinse minutos ay nakarating ako kaagad sa Tampa Ship Repair. Dito nakatali ang barko nila na inaayos. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa rearview mirror kung ayos ba ang make-up ko at buhok. Nang sigurado akong beauty pa rin, saka pa lang ako bumaba ng sasakyan.Mabuti na lang at balak kong tumulong sa opisina, kaya naman nakasuot ako ng short sleeve na polo, tight-fitting jeans at tennis shoes. Kung hindi ay kakailanganin ko pang umuwi at magbihis.Inayos ko muna ang damit ko at sinigurado na hindi lukot, ayaw kong makita niya akong mukhang gusgusin. Syempre naman dahil ang talagang pakay ko ay ang mapaibig ko siya sa aking beauty.
Mukhang kadete ang position ng crew na dumating. Sa itsura pa laman ay hindi nalalayo ang kanyang edad sa mahigit kumulang sa 21 anyos. Timid siyang kumatok sa pintuan at pumasok sa loob. Bago,"Sir, ano po ang kailangan ninyo?" Tanong ng crew na dumating habang palihim siyang sumilip sa akin. Nakita ko dahil nakatining din ako sa kanya ng papasok pa lamang siya."Si… Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Chief sa akin. "Sophia--Chief!" Mabilis kong sagot."Si Ms. Sophia ay naiwan ang papeles sa kotse niya sa ibaba. Pakikuha lang please!" Sabay tingin niya sa akin at inilahad niya ang kanyang kamay at nag aantay na i-abot ko ang susi ng kotse."Ay! Sorry! Sandali lang." Sabay mabilis akong naghalungkat sa loob ng bag ko at hinanap ang susi. Nang matagpuan ko ito, mabilis kong inabot kay Chief upang ibigay niya sa tauhan niya na nakatayo sa kanyang gilid.Pagkata
Dahil na confined and dad ko, kailangan kong tulungan si mommy sa business. Minabuti kong mag request ng dalawang linggo ng bakasyon sa trabaho ko para maibuhos ko ang oras sa business ng parents ko. I actually feel bad kasi dapat ay ng makatapos ako sa pag aaral, dapat hindi ako nagtatrabaho sa iba at tinulungan ko ang parents ko. Kaya lang hindi ko type ang business nila. Kaya ng may mag recruit sa akin bago pa ako nag graduate, tinanggap ko ng walang alinlangan.Anyway, for the next two weeks naging busy ako. Ni hindi ako nagkaroon ng panahon na maisip pang muli si kapitan sungit. Lalo na at nag enjoy ako sa company ni Chief Mate na saksakan ng bait.Katulad ng ipinangako ko sa kanya, inilabas ko siya at dinala sa Busch Garden at nag enjoy naman kami. Naging palagay ang loob ko sa kanya at magaan. Pero hanggang
Nanlaki at namilog ang aking mga mata habang nakatitig ako sa gwapo niyang mukha. Ang puso ko sobra ang lakas ng kabog, parang gustong lumabas sa dibdib ko.*Thud-thud-thud-thud!!!!*Ilang sandali rin na nagtitigan lang kami at walang sinabi sa isat-isa. I'm not sure kung na shocked din siya at nakita niya ako, dahil hindi rin siya kumikilos. Para kaming mga tuod na nakatayo lang habang nakahawak pa rin siya sa mga braso ko at sobra ang lapit namin sa isat-isa...Dahilan upang mapagmasdan ko kung gaano kahaba ang kanyang pilik mata, ang pula ng kanyang kissable lips, at... Oh my god! ang bango' ng kanyang hininga. Amoy na amoy ko sa sa sobrang lapit ng mga mukha namin."Captain Lim! Hahaha!" Bigla kong narinig sa likuran ko. Si Chief Mate ang nagsalita, ewan ko kung saan siya nanggaling?Dahilan upang matauhan ako at mabilis na tinangal ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko, sabay atras papalayo.
Nauna na nang lumabas ng banyo ang mga kaibigan ko at bumalik sa aming lamesa. Ako nagdecide na magtagal sa loob ng banyo para hindi uli kami magpangita ni Captain Lim.Ewan ko ba kung bakit, pero medyo nagselos ata ako doon sa babaeng kasama niya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, dahil kahit minsan ay hindi pa ako nagka boyfriend at hindi ko pa naramdaman ang ma-in-love. So, hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko.Nang sa palagay ko ay nakaalis na sila Captain Lim at ang mga kasama niya, saka pa lamang ako lumabas ng banyo upang bumalik sa aming lamesa.Kampanteng kampante ako na wala na sila, kaya naman ang ganda pa ng lakad ko akala mo eh, nag fashion show ako. Malapit na ako sa aming lamesa ng bigla akong mapatigil, dahil sa dati kong kinau upuan ay meron ng ibang taong nakaupo. Iyon ay si
"Nasa sa iyo kung ano ang gusto mong meaning ng sinabi ko." Iyon lang ang sagot niya sa akin habang isang ngiting para bang nakakaloko ang nakapaskel sa kanyang labi.Nang makita ko ito, dahilan upang tumaas tuloy ang dugo ko dahil tinutukso niya ako. Tiningnan ko muna siya ng masama bago ako sumagot. "Well, how about mag lakad lakad na lang tayo at ikutin nating ang buong Pleasure Island. Alam ko may banda na tumutugtog sa bandang dulo, game ka ba?""Sure! Why not, I have never been in such a place, bakit hindi!" Nang marinig ko ang sagot niya, nauna na akong lumakad at hindi ko siya inintay kung susunod ba o hindi. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko siya at paminsan minsan ay nagkakabangaan kami dahil sa dami ng taong naglalakad.Maya maya lang ay nabigla ako ng may kamay na humawak sa kaing braso at hinaltak papunta sa kanya. Bumalandra ako sa diddib ni Captain Lim, bago niyakap niya ako ng mahigpit. Natataka akong tumingala habang pilit ko siyang it
Pagdating ko sa loob ng banyo, mabilis kong ni locked ang pintuan at sumandal pagkatapos. Hindi ako makapaniwala na hahalikan niya ako ng pasimple. Para tuloy ang pakiramrdam ko ay isa akong teenager, at namula ang mukha. Hiyang hiya ako, kaya ako mabilis na pumunta ng banyo.Nang mahimasmasan ako, humarap ako sa salamin na nakakakabit sa harapan ng lababo. Pinagmasdan ko ang aking mukha at sigurado ako na maayos ang itsura ko. Saka lang ako nakampante na bumalik sa lamesang inuupuan namin.Nakita ko na na-served na ang order namin at tahimik siyang umiinom ng kape habang parang napakalayo ng kanyang iniisip?Tumayo muna ako ng sandali at pinagmasdan ko siyang maiigi... Talagang gwapo siya at halatado mong galing sa prominenteng pamilya. Kung noong una ay na-a-asar ako sa kanya, ngayon ay feeling ko humahanga na ako at parang na-i-in love pa. Kinatok ko tuloy ang dibdib ko ng hindi oras.*Thud-thud-thud.* Sabi ng puso ko.Napansin niya yata na pina
Halos hindi ako makalakad papunta ng elevator dahil sa nerbiyos na nararamdaman ko. Nakahalata yata si Captain Lim dahil ang mga kamay ko na hawak hawak niya ay biglang nanlamig. Tumingin siya sa akin ng pasimple na tamang tama naman ay tumingin din ako. Nang makita ko ang pagaalala sa na banaag sa kanyang mukha, medyo gumaan ang pakiramdam ko at nakahinga ako ng maluwang.I can feel it to the bone na gentleman siya at hindi niya ko pipilitin kung ayaw ko. Ngumiti ako ng bahagya bago ibinaling ko ang tingin sa umiilaw na numero sa ibabaw ng elevator.Ilang sandali pa ay nagbukas ang pintuan ng elevator at marahan niya akong ginabayan papasok sa loob. Pinindot niya ang numero ng floor kung saan ang room namin ay located. Sa 15th floor kami, medyo may kataasan. Huminga ako ng malalim habang sinusubukan kong tangalin ang aking kamay sa pagkakahawak niya.Naramdaman niya yata na dahan dahan kong hinahaltak ang aking kamay, lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakahaw