Share

Magkano?

Pero ng lumingon akong muli sa lugar kung saan sa dati naka tayo sa likuran ng kotse ko...  Wala na sya at ang munting nandoon ay ang iba niya pang kasamahan.  Feeling ko na broken hearted ako dahil hindi nag work ang pakana' ko.

To make the long story short, we end up staying there for the night anyway.  Dahil wala akong nagawa ng kumuha na ng hotel room na malapit sa pantalan ang mga friends ko.

Ang masakit mo pa, dahil hindi ako ang nag drive ng kotse ko papunta doon, wala sa akin ang susi dahil nakalimutan kong hingiin bago sila pumasok sa loob ng room.  So' hindi rin ako makaalis kahit pa gustuhin ko.

Para hindi ako ma bored, pumayag na rin akong makipag dinner sa Kapitan ng barko, doon mismo sa restaurant kung saan sila nag check in.  It's the safest place I know, dahil I had no choice kundi pumunta sa restaurant at doon mag antay sa kanila.

Nuong una ay nag aalala ako na baka isipin ng Kapitan na naghahanap din ako ng boyfriend.  Pero ng makilala ko sya at malaman ko na sya pala ay iba ang preference...  Bigla akong nabuhayan ng loob dahil hindi isang babae ang kanyang type.  Pinilit ko na lang mag enjoy.

Dahil nalaman kong bakla siya, I felt comfortable at naging maganda ang dinner namin.  We talked about family, personal things, ang mga friends ko, at mostly jolake!  He was so hilarious and very kind at nag enjoy talaga ako.  Kaya naman ng mag suggest siya na sumama ako pabalik sa barko niya at maglalaro kami ng tong-its...

Hindi ako nag atubili at sumama na rin para hindi naman ako ma bored sa kaaantay.

Malapit ng mag midnight ng dumating pabalik ang messman na boyfriend ng kaibigan ko.  Pinuntahan niya kami sa officers mess hall kung saan ako, si Kapitan at kanyang favorite man. ay naglalaro ng tong-its.

"Miss, sabi ng kaibigan mo kung gusto mo raw matulog, pwede mong gamitin ang room na ito."Sabay inabot niya ang key card ng hotel sa akin.

Dahil late na rin, naiisip ko na baka kailangan na rin ni Kapitan at ng favorite man nya. na magpahinga, so nagpaalam na ako at nag handang bumaba ng barko.

Si Kapitan ay tumayo din upang ihatid ako, pero tumanggi ako dahil halatadong marami na rin siyang nainom.  Ng uutusan sana niya ang kanyang favorite man na ihatid ako, minabuti ko na lang na unahan at mag pahatid kay Messman para walang masabi ang ibang tao, kung may makakita man

Nauna na akong bumaba sa barko, dahil may kukunin pa raw si Messman sa kabina niya.  Habang dahan dahan akong bumababa, may naaninaw akong tao na nakatayo sa may pantalan.  Ng nakarating na ako sa pantalan mismo, nagulat ako ng ang taong nandoon ay si sungit!-- 'Kapitan'-- ng kabilang barko.

Hindi ko tuloy malaman kung babatiin ko siya or ignorin?  Habang nagmumuni muni pa ako, bigla ko na lang narinig…

"Halika na at ihahatid na kita!" Aniya, habang seryosong seryoso ang mukha.

Nagulat ako at napatingin sa kanya.  'Ha?!  Okay, ka lang!'  Sa isipan ko, pero hindi ko ito sinabi.

"Thank you na lang!  Pero inaantay ko lang si Messman, may kukunin lang siya sa kabina niya."  Sagot ko habang hindi ako makatingin ng diretso, dahil para akong napapaso sa tingin niya.

"Hindi na darating iyon, inutusan ko lang siya.  Kaya tara na!"  Mataras niya akong sinabihan habang kung makatingin pa rin siya sa akin ay para bang kakainin niya ako ng buhay.

"Hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?"  Sabay abot niya sa akin ng windbreaker nya.

Nuong una ay hindi ako nilalamig, pero ng binangit niya ito, saka lang ako nakaramdam ng lamig sa katawan.  Kaya naman kahit na nahihiya ako, tinanggap ko na lang ang jacket na inabot niya.

"So' ano!  Papahatid ka ba, or ayaw mo?!"  Sabay nagsimula na siyang mag lakad papunta sa may hotel na hindi naman kalayuan sa pantalan.  Mga dalawang kanto lang naman pag labas ng pantalan.

Dahil late na, natakot na rin ako at sumunod sa kanya, pero sinigurado ko na may distansya kaming dalawa.  Ng makalabas na kami ng pantalan, hindi ko namalayan ay side by side na kaming naglalakad at bigla yatang bumagal ang lakad niya.  Tapos, bigla siyang tumigil at humarap siya sa akin.

Napatigil din tuloy ako at napatigin sa kanya habang ang mga mata ko ay namimillog at puno ng katanungan.  Nagtitigan kami ng ilang sandali, habang walang nagsasalita.  Yung moment ba na feel na feel mo ang bilis ng tibok ng puso mo sa sobrang lakas ng kabog.

*Thud-thud-thud…*

Then--nagulat ako ng bigla siyang magtanong sa akin--  "Magkano?"

Kung noong una ay namimilog ang mga mata ko--ngayon gusto ng lumuwa dahil sa kanyang sinabi. 'Magkano?' anong ibig niyang sabihin?  Ano ako, paninda?  Nakakaloka yata siya!

"I'm sorry!"  Kahit na alam ko kung ano ang ibig sabihin ng kanyang katanungan, nagtanga-tangahan pa rin ako.  So, ang akala niya ay bayaran akong babae?  Excuse me lang ano, nasa America kami at mukha ba talaga akong pok-pok?  Well, maybe konti dahil sa suot ko.  But, besides that...-- Sosyal yata ang beauty ko!

Let's back up a little… Let me tell you a little about me.

Dito ako lumaki sa Amerika, bata pa ako ng migrate and family ko dito.  Naisipan ni Daddy and Mommy na dito kami palakihin upang mas maganda ang aming kinabukasan.  Anyway, nagtayo ang parent ko ng business na Ship Supplies, kaya alam ko ang tungkol sa mga seaman.

However, busy ako sa pag aaral at bihira akong pumunta sa business ng parent ko.  Kapag summer vacation, tumutulong ako sa office, pero nunka nila akong papuntahin sa barko.  Takot si Dad na baka may manligaw sa akin, mahirap na--baka makapag asawa ako ng hindi oras at hindi na makatapos ng pagaaral.

Also, lahat ng friends ko ay kasabay kung lumaki at mga kaklase ko either from middle school pa or sa college.  So, hindi sila mga pok-pok na katulad ng akala ni kapitan-sungit.

Kaya naman ng marinig ko ang tanong niya na 'magkano?' biglang nagting-ting ang taenga ko at gusto ko siyang sampalin.  'Bastos!'  Sa isipan ko.

~To be continued~

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status