Home / Romance / Hello Captain! / [1]Kalapating Mababa ang Lipad

Share

Hello Captain!
Hello Captain!
Author: AJZHEN

[1]Kalapating Mababa ang Lipad

A long time ago, meron akong nakilala na lalaki na sa una ay nagpakulo ng dugo ko, pero sa huli ay siya ring kauna-unahang nagpatibok ng mapili kong puso.

Anyway, sa tanang buhay ko, hindi pa ako nagka boyfriend kasi sobra akong pihikan pagdating sa lalaki.  Sobrang high ng standard ba! Pero nunka...nang makilala ko siya, I can honstely say na siya lang ang kauna unahan na lalaking nagpatibok ng puso ko na ngayon ay bato na.

Bakit naging bato? Paano ko siya nakilala?  At saan?  Siya ba ang nakatuluyan ko? Maraming katanungan...  Kaya nga eto na nga, kwento ko na sa inyo--

It all started dahil sa isa kong kaibigan na may boyfriend na seaman.  One day habang nag get together kami sa bahay niya, nakiusap siya kung pwede raw ay hiramin ang kotse ko dahil yung kotse niya ay baka hindi makarating sa pupuntahan nila at itirik sila.

Sa isip isip ko naman, 'ano ako hilo?  Bago pa lang siyang natutong mag drive, tapos pahihiram ko ang kotse ko na kabibili ko pa lang!  Paano kaya kung magasgasan?  Hahaha!  Actually pwede ko naman sa kanyang ipahiram ang kotse ko.  Me insurance naman kung sakali na merong manyari.

Kaya lang, na curious ako kung saan siya pupunta.  So' tinanong ko siya?  Nang sinabi niya sa akin na bibisitahin daw nila ang mga boyfriend nila na seaman...  Lalo akong na curious.

"What do you mean na kayo?  Sino sino ba ang kasama mo?"  Tanong ko sa friend ko.

"Kasama ko si Lisa, si Aida, at si Cindy.  Bakit gusto mo ring sumama?"  Balik niya sa akin.

"Nge!  Ano naman ang gagawin ko doon?  At least kayo ay bibisita sa mga boyfriend nyo.  Eh' ako?  Anong gagawin ko?  Nga-nga-nga!  Wag na oy!"  Mabilis kong sagot sa kanya.  Pero curious pa rin ako kung ano ang mga itsura ng mga boyfriend nila.

"Me picture ka ba ng boyfriend mo?  Patingin naman o'!"  Pilit ko sa friend ko.

Ito namang friend ko, palibhasa me kailangan sa akin.  Mabilis pa sa alas kwatro na ipinakita ang itsura ng boyfriend niya na isang 'Messman' sa barko.

Nang makita ko ang itsura ng boyfriend nya, medyo napangiwi ako.  Pero hindi ko ito ipinakita sa friend ko.  Baka sumama ang loob niya sa akin, mahirap na.  Talaga naman pong... Nge!  ang itsura.

I mean, I guess para sa friend ko, okay na ang looks ng boyfriend niya.  Pero sa akin, mapili akong masyado.  Masyadong marami akong hinahanap sa isang lalaki.  At lahat iyon ay wala sa itsura ng boyfriend niya, kaya nge! lang ang reaction ko.

Anyway, sa kakapilit sa aking ng friend ko at ang iba pa niyang kasama...  Pumayag akong gamitin ang kotse kong brand new with one condition...  Kasama ako!  Since it was on the weekend at wala akong trabaho.  Pumayag naman sila dahil kailangan din naman daw nila ako para maipakilala sa Kapitan ng Barko.

Nang marinig ko ang reason nila kaya nila ako gustong isama ay upang meron silang ipakilala sa Kapitan ng Barko, nag aalala na ako.  Pero hindi ko ito maitanong sa friends ko dahil ayaw kong masabi niya na ususera ako.  'May mga asawa na kaya ang mga boyfriend nila na iniwan sa Pilipinas?'  Iyon ang gusto kong malaman, kasi hindi naman tama kung meron ng mga asawa ang mga boyfriend nila.

Anyway, to make the long story short.  We went...  It took us mga 4 to 5  hours drive din bago kami nakarating kung saan ang barko nila ay naka daong sa pantalan.

Habang papunta doon, nasa likuran ako ng sasakyan at natulog.  Kaya naman hindi ko namalayan na nakarating na pala kami at nasa loob na kami ng Port of Palm Beach at nakaparada na ang kotse, habang ang mga bruha ay mabilis pa sa alas-kwatro na nagsipag babaan.

Bigla na lang akong nagising dahil para na silang bubuyog sa sobrang excited dahil nakatali na ang barko ng mga boyfriend nila.  "Ay!!! Ayan papalabas na sila!!!"  Tili' ng isa sa kanila.

Napailing na lang ako bago bumalik ulit akong matulog.  I figured that it would take them at least isang oras or more na makipag chikahan sa mga boyfriend nila.  Meanwhile, ako matulog na lang dahl puyat sa kato-tong-its.

Ayon-- ang bilis nilang nag sipag babaan at iniwan akong tulog sa likuran ng kotse.

Dahil nakapatay ang kotse, I needed to open a part of the window para hindi ako mamatay sa init sa loob.  So' naririnig ko ang usapan nila sa labas ng sasakyan.  Dahil hindi rin naman ako interesado ang makilala ang mga boyfriend nila, hindi na ako lumabas ng sasakyan.  Nag tulug-tulugan na lang ako.

Habang nagtutulog tulugan ako, hindi ko namalayan na meron palang dalawang seaman na nakasandal sa may likuran ng kotse ko at nag ke-kwentuhan.  Ang ganda ng kwentuhan nila tungkol sa mga kaibigan ko na busy sa mga jowa nila.  Walang kaalam alam ang dalawang seaman na naririnig ko ang lahat ng pinag uusapan nila.

"Captain Lim, kakainggit sila ano?  Napa swerte naman ng barko nila, tuwing dadaong dito eh' me bumibisita."  Aniya ng isa sa seaman.

"Hmph!  Anong nakakainggit sa meron sila?  Puro mga maba-baba naman ang lipad ng mga iyan.  Sa palagay mo kaya, maiuuwi mo yan sa inyo at pwede mong ipakilala sa magulang mo?  Di na oy!"  Sagot ni Captain Lim na halatadong disgusted na disgusted sya sa mga kaibigan ko.

So totoo lang, biglang tumaas ang kilay ko ha!  Dahil sobra naman ang Captain Lim na iyon kung manglait.  Oo' nga na me kalandian ang mga kaibigan ko at dumayo pa.  Pero hindi naman ibig sabihin ay mababa ang mga lipad ng mga ito.  Puro professional yata ang mga friends ko at galing sa promenenteng pamilya.  Me pinag-aralan pa.  Tse!

Kung tutuusin nga eh' swerte ng mga boyfriend nila 'kung mga binata pa!'  at pwede silang ma petition papunta ng America kung sakali na seryosohan na sila.

Kung alam lang siguro ng mga friends ko kung ano ang tingin ng mga taga barko sa kanila, ewan ko lang...  I mean in a way, I guess may reason naman na mag isip ng ganoon si Captain at ang kasama niya, kaya lang...  Masakit pa ring pakinggan sa taenga ano!

I mean, come on!  Nasa America kami, I could understand kung sa ibang lugar na pinupuntahan nila na maraming akyat barko.  Pero, America ito...  Ang mga kaibigan ko ay naghahanap lang ng kasiyahan, at isa pa.  Puro professional ang mga friends ko, nangyari lang na nakilala nila ang mga taga barko sa shopping mall.  Inimbita sa barko, at ayun na nga!  Sila na!

~To be continued~

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status