Share

CHAPTER 5

RHEA's

"B-bakla ka!! Bakit ka andito?" Gulat kong tanong sa kanya. Napatunganga na lang talaga ako kay bakla dahil hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ulit at halos ilang oras pa lang noong umalis ako sa pamamahay nila. Also, I never expected that he will looked for me because there is no reason for him to do that or so I thought. 

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin nang seryoso kaya hindi ko mapigilang mapalunok. Medyo nakaramdam kasi ako ng pagkailang, takot at kilabot sa mga titig niya. Kung tumingin kasi siya akala mo'y isa akong takas na kriminal na nakagawa ng matinding kasalanan eh' sa pagkakaalam ko ang atraso ko lang naman ay iyong part na hindi ako nagpaalam umalis.

"H-hoy B-bakla! Tigilan mo nga i-iyan!" Saway ko dahil hindi ko na talaga kinaya.

Nang hindi pa rin siya kumikilos ay napahinga na lang ako sa loob-loob ko at balak na lang sana ituloy iyong kanina kong ginagawa bago siya dumating. Iyon nga lang kung kailan naman ako tatalikod ay doon naman siya dahan-dahang lumapit sa akin kaya mabilis din akong napaatras.

Sa kakaatras ko hindi ko namalayan na malapit na pala akong mauntog sa pader. Buti na lang naagapan ni Baklang Lucas iyong ulo ko sa likod kaya hindi iyon nangyari. Ang kaso nga lang ay sobrang lapit namin sa isa't isa, tipong ilang pulgada na lang malapit nang magdikit ang mga mukha namin. Buong akala ko nga, lalayo agad si Lucas kasi nga kabilang siya sa federasyon. Iyong tipo kasi ng mga kagaya niya na halos napapansin ko ay hindi kayang makatiis sa mga babae pero hindi. Hindi ko tuluyan malaman kung pinagloloko niya ako o hindi. Napakahirap niyang basahin.

Dala ng pagkailang sa hindi namin kumportableng posisyon, kumilos ang mga kamay ko at bahagya siyang inurong palayo pero hindi pa rin siya natinig kaya sinamaan ko na siya ng tingin.

Sa halip na paalisin ay nagawa niya pang ipuwesto sa magkabilang-gilid ko ang mga kamay niya kaya ang ending, nakakulong ako sa pagitan ng kanyang malalaking braso. Hindi ko naman maiwasang mamula nang maalala ko ang karaniwang tawag ng mga Japanese sa ganitong posisyon kung saan kinorner ng lalaki ang babae sa pader. Dahil doon, tuluyan na lang akong napayuko sa hiya.

Shocks! Ano ba itong pinag-iisip ko.

Nang hindi na talaga ako makapagpigil pa ay lakas-loob ko na siyang hinarap para singhalan.

"Hoy Bakla! Ano ba sa tingin mo iyang ginagawa mo? Hindi ka ba nandidiri? Tabi nga!" Matapang kong sigaw sabay tulak sa kanya palayo. Unfortunately, kahit po bakla siya malaki pa rin ang muscle kaya ayon wala ring nangyari kahit binigay ko na ang buong lakas ko. Saklap diba?

"Wow." Sarkasmong tugon niya sa akin. "Ikaw pa talaga ang may ganang sigawan ako matapos nang ginawa mo. Tell me Rhea Benitez, ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina dahilan para magkaganito ako ngayon?"

Ilang salitang lang pero sapat na para magsitaasan ang buhok ko sa katawan lalo na nung binanggit niya ang buo kong pangalan. Hindi ko tuloy mawari kung talagang nainis siya sa ginawa ko o nagkukunwari lang.

Kinakabahang napadasal muna ako nang tahimik bago siya sagutin, "T-tumakas?"

"At talagang patanong pa ah! Tell me, ikamamatay mo bang magpaalam sa taong nagmalasakit kayo?" Nauuyam niya uling kwestyon sa akin na ikinanguso ko bago ako umiling.

"Iyon naman pala eh!" Sigaw niya sa akin bago tuluyang lumayo dahilan para makahinga ako nang maluwag. "

"T-teka nga...A-ano bang problema mo kung tumakas man ako? As if namang matagal na tayong magkakilala at kung makaasta ka diyan parang sobrang laki ng kasalanang nagawa ko. Oo, alam kong may pagkakamali ako kanina pero may valid reason naman ako kung ginawa iyon. Pansin mo naman siguro ngayon, isinisirado ko na itong restaurant na tinatayo ng magulang ko. Halos nagmadali ako dahil madami pa akong kailangan tapusin at maghahanap pa ako ng trabaho. Hindi naman ako katulad mo na mayaman at may pinapatakbong kumpanya!" Depensa ko sa sarili ko.

"Ang ikinaiinis ko lang naman ay iyang hindi mo pagtakas mo, kahit man lang din sa pamilya ko hindi ka nagpaalam umalis. Hindi mo ba naisip na kargo-konsensya ko kapag may nangyaring sayong masama?" Bulyaw nito sa akin.

"May tumakas bang nagpapaalam ha? Gamitin mo nga iyang utak mo! At saka pwede bang ayusin mo iyong boses mo, hindi ako sanay na hindi mo iniipit baka ma-inlove ako." Puna ko rin sa kanya pabalik.

Nanlaki naman bigla ang mga mata niya at wala pang isang segundong tinakpan ang bibig sabay kunwaring tikhim.

"Anyways Chararat, I hope you won't do it again next time. Before you leave make sure to tell us, okay?" Balik ulit sa ipit niyang boses na pangaral sa akin.

"Aba! Malay ko bang hahanapin mo ko. Saka, ano bang pinunta mo dito? Kanina pa ako nagtatanong hindi mo naman sinasagot. Don't tell me papangaralan mo lang ako. Kung ganoon lang din naman, oo na po hindi na mauulit kaya pwede ka nang umalis." Diretsahang taboy ko sa kanya dahil sinasayang niya lang ang oras ko. Kung siguro hindi siya dumating, madami na akong nagawa o 'di kaya tapos na ako at paalis na.

"Oh right! good thing pinaalala mo. Sana pumayag ka, I badly need your help this time." Bigla niyang pinatunog ang daliri niya at maya-maya'y kinuha ang mga kamay ko saka hinawakan nang mahigpit.

"Chararat pumayag ka na please..." Pagmamakaawa niya sa akin habang nagpu-puppy eyes.

Eww gross...Ano bang pinaglalaban ng baklang ito? Anong payag?

"Teka ka nga, pwede bang bago ka magdrama diyan sabihin mo muna sa akin kung ano iyon? Tigilan mo nga iyang pagpa-puppy eyes mo. Kadiri hindi bagay! ang chaka!" Reklamo ko na may kasamang panlalait. Minsan lang ito pumapayag ma-insulto kaya susulitin ko na habang hindi pa siya lumalaban.  

Teka, may napapansin ako rito kay bakla. Ito talaga iyong kinakapagtaka ko eh. 

"Ouch naman Chararat!" pahayag niya habang dinadama ang kanyang puso kunyari nasasaktan.

"Ano ba iyon? Tsaka bakla hindi ka ba talaga nagco-cross dress?" Puno ng kuryosidad kong tanong sa kanya. Mula pa kasi kanina iyong mga suotan niya panlalaki kaya mahirap malaman kung bakla ba talaga siya. Kapag nakita mo kasi siya makalaglag panty pero pagnagsalita lalo na kapag ipit ang boses,madidismaya ka na lang talaga. 

"Nope!" He said emphasizing the "p".

"Bakla ako pero ayoko magsuot ng girlie na damit. Hindi pala, babae pala ako char! Hindi naman porket bakla kailangan nang magsuot babae, may iba lang talaga na ganoon." Saad niya na may panlilinaw. 

Napatango naman ako sa sinabi niya. Buti naman, dahil hindi ko talaga ma-imagine si Baks na nakasuot ng pambabae. Gwapo siya Oo, pero iyong tikas ng katawan niya ay panlalaki pa rin kaya kung mangyari man iyon, kaloka na lang talaga. 

"Anyway, heto na nga bakla basta puma----" Hindi na natapos pa ni Baks ang balak niyang sabihin nang tumunog bigla ang cellphone ko.

Sinenyasan ko muna si Baks na tumahimik at tumango naman siya sabay umupo sa isang upuan doon. Habang ako naman ay agad ang cellphone sa bulsa dahil naka-ilang ring na rin. Nang tiningnan ko kung sino, napakunot na lang ako ng noo nang makitang unregistered number iyon. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli sinagot ko pa rin dahil baka importante. Sino naman kaya ito?

LUCAS'

TAIMTIM na pinagmasdan ko lang si Chararat mula sa kinauupuan ko nang sagutin niya ang tawag. Habang nakamadasid,nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla kaya medyo na curious ako kung sino iyong nasa kabilang linya. Hindi kaya may boyfriend siya? Paano kung mayroon? Paniguradong hindi iyon papayag sa favor ko kung sakali. 

"Ay Doc, kayo po pala iyan. Magandang umaga po, bakit po pala kayo napatawag?" Pagbati at tanong ni Chararat sa kabilang linya.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay dahil hindi ko rin naman marinig ang reply ng tao sa kabilang linya. Malay ko ba kung sino iyon, hindi naman kasi naka-loud speaker si Chararat tas lumayo pa siya sa akin. Aba! Sobrang secretive, pa-showbiz masyado. Hambalusin ko ito eh!

"PO?" Malakas na sigaw ni Bruha na kumuha nang atensyon ko pabalik sa kanya. Napatayo ako sa kinauupuan ko at lalo akong nabahala nang makita kong umiiyak na siya. Sino ba kasi itong kausap niya at umiiyak na itong babaeng 'to?

"Sige po! Pupunta na po ako diyan ngayon mismo. Salamat po sa pag-inform sa akin." Rinig kong sabi ni Chararat bago ibinaba ang cellphone. 

Nang makalapit ako sa kanya napansin kong medyo aligaga ang bawat kilos niya halatang nagmamadali. Nang hindi na ako makapagtimpi ay sapilitang hinawakan ko siya sa magkabilang-balikat. Ramdam ko ang pangiginig niya habang humihikbi. Sinubukan kong hulihin ang mga mata niya pero mas lalo pa siyang yumuyuko at pilit tinatago ang umiiyak niyang itsura.

"Ano bang nangyari at nagk-krayola ka diyan?"

"S-si Mama...kailangan ako ni mama." Nauutal niyang sagot sa akin habang pinupunasan ang kanyang mata. "Pasensya na, kailangan ko nang umalis sa susunod na lang tayo mag-usap kung may sasabihin ka man." Dagdag niya pa bago tuluyang tanggalin ang pagkahawak ko sa mga balikat niya. 

Pinabayaan ko naman siya  at sandaling pinagmasdan. Hindi ko alam kung anong mayroon pero ang alam ko lang ay naaawa ako sa itsura niya ngayon. Halos hindi siya magkandaugaga sa pagligpit ng mga gamit niya, may iba pa ngang nahulog sa pagmamadali niya. Nang ayos na ang lahat, sinenyasan niya na akong lumabas dahil mukhang isasarado niya na iyong lugar. 

Nang masirado niya na ay muli niya  akong hinarap, "Pasensya ka na pero kailangan ko na talagang umalis." Muli niyang paalam habang pinupunasan ang mga luhang patuloy na tumutulo sa kanyang pisngi. Bukod pa doon, kitang-kita na ang pamumula ng mga mata niya at ilong. Iaabot ko sana sa kanya iyong panyo ko nang bigla siyang tumalikod tila handang-handa nang umalis kaya wala sa sariling pinigilan ko siya dahilan para makuha ko muli ang buo niyang atensyon.

"Ano na naman ba? Mamaya mo na lang akong kausapin pwede? Mas kailangan ako ng Mama ko ngayon." Sigaw nito sa akin halatang napipikon na. Napanguso naman ako sa loob-loob ko. Aba't talagang chararat na ito! Siya na nga ang tutulungan, siya pa ang ganyan. Pero sige, pakabait muna aketch tutal mas pretty naman ako sa kanya. Tiis Ganda muna tayo mga Mars!

"Get in, ihahatid na kita. Baka mamaya hindi ka pa pasakayin dahil kamukha mo na si Anabelle ng The Conjuring. Hindi ka na nga ganoon kagandahan tapos tatakutin mo pa iyong ibang tao. Ikaw pa ang maging sanhi ng aksidente." Pambibiro ko dahilan para mapatawa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Nakahinga naman ako nang maluwag kahit papaano. Ang kailangan lang pala insultuhin ko itong babaeng 'to para tumahan. Kung alam ko lang dapat kanina ko pa ginawa. 

"Eto naman!, hindi mo naman kailangan mang-insulto, tao rin ako nasasaktan." Iyak sabay tawa niyang pahayag sabay pasok sa passenger seat ng sasakyan ko. Lihim na lang din akong napatawa sa naging reaksyon niya habang umikot papunta sa Driver's seat. Nang masigurado kong okay na ang lahat, sinabi sa akin ni Chararat ang address ng hospital at mula doon sabay naming nilisan iyong lugar. 

Tahimik lang si Chararat sa buong byahe. Nakadungaw lang siya sa labas ng bintana at tila may malalim na iniisip. Halos inabot ata ng dalawampung minuto bago kami tuluyang makarating sa St. Joseph Hospital. Mula sa taong pina-imbestiga ko, hanggang ngayon ang Mama ni Chararat ay kasalukuyang in a state of comatose  dahil sa Car accident na kinasangkutan nila two years ago. Napag-alaman ko rin na dahil doon namatay ang Papa at Kuya niya na kakilala pala ni Papa at Mama dati.

Hay! Napaka-tragic pala ng story ni Chararat, nakaka-stress. Buti nga kahit papaano kinakaya niya dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya baka hindi ko kayanin at sumunod ako agad. 

Nang ma-park ko na ang sasakyan ay mabilis pa sa limang segundong binuksan niya ang pinto at lumabas kaya sinundan ko siya kaagad. At heto na naman po ang mga luha niya mga Mars, nagbabadyang tumulo na naman. Jusko te! nagdadalawang-isip tuloy ako kung dapat ko ba siyang insultuhin uli para tumahan siya kaso mukhang hindi tama iyong timing kaya hindi ko na ginawa. Nakita ko siyang pumasok dire-diretso sa isang ward habang ako naman ay huminto at saglit na binasa iyong  information sheet na nakapaskil sa pinto.

"Mrs. Carmella Benitez." Basa ko sa nakasulat. Ito siguro iyong name ng Mama niya. Maya-maya pumasok na rin ako  at doon naabutan  ko si Rhea na kausap iyong Doctor. 

"Doc, A-ano na pong nangyari sa Mama ko?" Nauutal na tanong ni Chararat sa Doctor maging sa mga Nurse na kasama nito. Lumapit naman ako sa tabi ni Rhea para makinig. 

"I'm sorry, Rhea but to tell you the truth..." Saglit na napahinto ang Doctor tila nag-aalangan.

"Go on." Untag ko dito nang madako ang mga mata nito sa akin. Bagamat hindi ako nito kilala ay sumunod ito at muling nagsalita. "Your Mom just experienced sudden shock a while ago. For now, Machine na lang ang bumubuhay sa kanya. I am very sorry to say this, pero miracle na lang talaga kung gigising siya." Malungkot na balita nito.

Napaiyak naman ng todo to the highest level si Chararat na dinaig pa ang telenobela dahil bigla pa siyang nanghina buti naalalayan ko agad dahil nasa tabi niya lang ako. 

"Noted Dok, Thanks po." Magalang kong tango sa Doktor. Ako na mismo ang nagsalita dahil wala na atang balak magsalita ang babaeng ito. 

Tumango naman ang Doctor sa akin pabalik bago umalis. Sumunod naman ang mga nurse sa kanya kaya kami na lang ni Chararat ang naiwan sa silid. Maya-maya bagamat nanghihina ay  lumapit si Rhea at naupo sa upuang malapit sa kama ng Mama niya para hawakan ang kamay nito.

RHEA's

Lumuluhang lumapit ako kay Mama at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko na talagang maiwasan pang mapahagulhol kahit na alam kong may tao sa paligid. Basta ang alam ko lang gusto kong ilabas lahat ang emosyon naiipon sa d****b ko.

"Ma, huwag mo naman akong iwan please..." Saad ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig. "Gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang. Huwag niyo akong iwan katulad nila papa at kuya. Hindi ko kakayanin kaya parang-awa mo na huwag mo silang gayahin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa. Hindi ko kakayanin kaya gumising kana. You have to live because I am still here. You have to live for me. Just please..." Saglit akong huminto at suminghot."Hindi ko alam kung saan ako pupulutin o kung paano at ano ang dapat kong gawin dahil kaunti na lang ang natitirang pera na hawak ko. Basta magta-trabaho ako para mabayaran ang hospital bills mo, Ma. Kahit magpakatulong ako gagawin ko. I'll  do anything just don't leave me. Don't you ever leave my side." 

"May paraan." Biglang sabat ni bakla kaya napahinto ako at napatingin sa kanya. 

"Ha?"

Nakaupo siya sa may maliit na sofa habang nakatingin sa akin nang seryoso. "I can help you in everything. I'll help you but in return you also have to help me."

"A-ano?" Tanging nasabi ko lang dahil hindi ko mawari ang nais iparating ni Bakla at kung bakit willing siyang tulungan ako gayong hindi naman kami lubos na magkakilala. 

Tumayo naman siya at dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ko. Huminto lang siya nang nasa harapan ko na at bahagyang yumukod para magkatapat ang mukha namin. 

"Marry me, Rhea. Marry me and I'll handle everything." Seryosong saad ni Baks nang walang halong kabaklaan. Diretsong tiningnan ko si Baks para alamin kung sinsero o pinagbibiro niya lang ako pero hindi dahil sobrang seryoso niya.

"Marry me, Rhea. Just Marry me." Pag-uulit niya muli.

ImVictorique

If you like this story, please subscribe for more updates. Godbless!

| Like
Comments (2)
goodnovel comment avatar
miLkYwHiTe
ate pa update pls!
goodnovel comment avatar
Grace Mae Oliveros
bakit 5 chapters nalng po to nong una Kong Kita more than pato eh gusto ko nang magbasa...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status