Share

CHAPTER 4

RHEA's

KASALUKUYAN kaming nandito sa hapag-kainan kasama ang buong pamilya ni Baks. Medyo, kinakabahan nga ako dahil halos tahimik silang lahat hindi tulad kanina na sobrang lively ng mga aura nila. Ngayon, feeling ko parang nasa business meeting ako kaharap iyong mga Investor. Isa pa, hindi rin naman nila ako kakilala kaya malaking bagay ang first impression nila sa akin.

Tahimik lang akong kumain habang naghihintay kung may magsasalita ba o wala. Ayoko rin namang maging bida-bida dahil baka may mga table manners silang sinusunod dito like bawal magsalita tuwing kumakain kasi usually mayroong ganoon sa mga mayayaman lalo na kapag strict ang parents.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, tumikhim si Mrs. Villareal kaya naagaw niya ang atensyon naming lahat. Akala ko nga nabilaukan pero hindi naman siya uminom ng tubig sa halip ay masusi lang akong tinitigan kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang.

Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang umabot na ang isang minuto pero hindi pa rin ito kumikibo. Para makaiwas, dahan-dahan akong yumuko habang pilit tinatago ang sarili ko sa mga matang patuloy na nakamasid sa akin.

Oh by the way, kilala ko na silang lahat dahil bago pa lang kami bumaba rito ay pinakilala na sila sa akin ni Baks na akala mo'y boss na kasalukuyang nagbibigay ng briefing sa kanyang bagong employade. Napansin ko kasi na kahit pilit niyang pinapababae ang tono niya medyo formal naman ang kilos at suot niya. Hindi siya nagdadamit pambabae gaya ng ibang nakikita ko or naglalagay ng kung anong palamuti sa mukha. Ang problema lang talaga ay iyong pagiging conceited niya. Anyway, balik tayo sa realidad.

"So Iha, What's your name?" Pag-usisa sa akin ni Ma'am Lucianda na ikinahinga ko nang maluwag dahil tuluyan na siyang nagsalita.

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago magalang na sumagot, "Rhea Benitez po, Ma'am."

"Wait! Are you related to late Francisco Benitez, the owner of Benitez Restaurant?" Segunda ni Sir Adam, iyong father nila na medyo may pagka-funky ang datingan. Gusto ko nga sanang ngumiti dahil naalala ko ang mga itsura nila kanina noong nasa kwarto kami pero hindi ko magawa dahil mas nangibabaw sa akin ang aksidente two years ago.

Marahil napansin ni Baks ang aking pagkahinto kaya sinagi niya ako nang kaunti, "Hoy Chararat! Anong ganap mo teh?" Bulong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Hindi naman kasi kami close at hindi na niya kailangan pang malaman iyon.

Tipid kong nginitian si Sir Adam saka tumango, "Yes po, He's my father." Anya ko at muling kumain. Sana naman ay hindi na sila magtanong pa nang gaano patungkol sa pamilya ko, baka hindi ko kayanin. Medyo sariwa pa rin kasi sa akin ang mga nangyari kahit na sabihing dalawang taon na ang lumipas.

"Really? I can't believe it!" Tuwang-tuwa na turan nito na may kasama pang pag-alog sa asawa niya na kasalukuyang pasubo na sana ng kutsara, iyon nga lang inabala ni Sir Adam kaya ayon nahampas siya sa balikat. Ang nakakatuwa pa, ngumuso lang siya na tila nagpapa-cute bago ako muling kausapin.

"You know what? I really adore your father. He is such an Outstanding Chef. Dahil sa kanya, hindi ako nakatulog sa labas eh lalo na noong pinagbubuntis ng Misis ko iyong bunso namin. Itong asawa ko kasing to..." Turo niya sa misis niya.

"Sa sobrang selan nito dati, ang pinaglilihian niya ay iyong mga luto ng Papa mo. Muntik pa nga niya akong patulugin sa labas dahil hindi ko siya napasalubungan ng favorite niyang beef steak. Anyways, I heard about what happened and it's indeed saddening. It's a good thing you're coping up." Patuloy nito na may halong sinseridad.

"It's okay, Sir. I'm moving on." I lied. Unang-una sa lahat, ayaw ko na kinakaawaan ako ng tao dahil mag-isa na lang ako sa buhay. Mas nasasaktan ako kapag ganoon lalo na kapag nakikita ko sa mata nila kung paano nila ako pagmasdan. Wala naman akong karapatang magalit dahil ganyan naman talaga ang mga tao.

"Why are you saying sorry dad? Ano bang nangyari two years ago?" May kuryosidad na tanong ni Luciana, iyong pangalawa sa magkakapatid kasunod ni Lucas.

Tumikhim naman si Sir Adam bago magsalita, "I believe it is not my story to tell. Just finish your food, Luciana." Direktang saad ni Sir Adam dahilan para mapatahimik silang lahat habang napa-pout naman sa pwesto niya si Luciana. Lihim naman akong nagpasalamat kay Sir Adam dahil doon.

Natapos ang umagahan nang matiwasay at maingay dahil na rin kay Baks. Ito kasing si bakla ay alaskador sa mga kapatid niya. Samahan mo pa ng makulit niyang Magulang, particularly, si Sir Adam kaya ayon imbis na tahimik ang agahan ay mas lalong umingay ang paligid. Para sa akin, mas okay na ring nangyari iyon, kasi kahit papaano naligaw ang atensyon nila at nabawasan ang worry ko na baka magtanong sila about sa family ko.

Sa kasalukuyan, kinakausap ni Baks si Sir Adam sa opisina nito. Hindi ko alam kung tungkol saan iyon at wala rin naman akong balak na malaman pa dahil alam kong private matters iyon. Sa Ngayon, nasa loob ako ng kwarto ni Baks habang nag-aayos ng aking mga gamit dahil kailangan ko na ring umalis. Nakakahiya na rin kasi kung magtagal pa lalo na't hindi ko naman sila kaanu-ano in the first place. Sapat na iyong sandaliang pananatili ko rito. Bukod pa doon marami pa akong mga kailangan gawin. Isasara ko pa iyong Restaurant atsaka pupuntahan ko pa si Mama sa Hospital. Laking pasasalamat ko na lang din kay Baks dahil kahit na may pagkaloka-loka siya kinupkop niya pa rin ako gayoong hindi niya naman ako kilala. Alam kong nakaka-abala na rin ako sa kanya kaya mas maganda sigurong umalis na ako habang maaga-aga pa. Hindi naman ako kailangan dito. Isa lang akong babaeng suicidal na nakita niya lang sa kalsada.

Napahinga ako nang malalim sabay naupo sa humba ng kama. Hindi lanv maalis sa isip ko na parang kagabi lang handa na akong mamatay pero in the end buhay pa rin ako. Hindi ko tuloy mawari kung sadyang hindi ko pa talaga oras o pinalad lang talaga. But since, nandito pa rin ako. Maybe, there's still a hope for me.

Nang matapos akong magmuni-muni ay lakas loob ba tumayo na ako para tingan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Nang makuntento ay kinuha ko na ang mga bitbit ko at maingat na lumabas ng kwarto.

Wala naman sigurong magiging problema kung hindi ako magpaalam. Wala naman sigurong maghahanap sa akin. So, here I am, tamang nakamasid lang sa paligid kung may nakapansin ba o wala. Alam kong mali ang tumakas, medyo rude siya pero kasi nahihiya talaga akong magpaalam. Hindi bale, hindi ko naman kilala si Baks at hindi rin naman niya ako kilala, paniguradong hindi na kami magkikita noon kahit kailan.

Buti na lang walang gaanong bantay at mga katulong kaya hindi ako nahirapan makalabas sa main gate nila. Pagkalabas ko, walang lingon-lingon na mabilis pa sa daga kong nilisan ang bahay ng mga Villareal. Ang bahay kung saan kinupkop ako ng isang bakla.

LUCAS'

"Luc, I think she is the solution." Seryosong sabi ni Dad pagkapasok namin sa private office niya bago umupo sa swivel chair niya. Habang ako naman ay naupo sa isa sa mga couch sa loob. Akala ko kasi about company matters kaya niya ako pinatawag kaya sumunod agad ako pero pero mukhang mali pala ako dahil iba ang bumulaga sa akin.

Medyo hindi ko nagustuhan ang ekspresyon ng mukha ni Dad lalo na iyong mga ngiting unti-unting pumapaskil sa labi niya. Masyadong makahulugan at base sa premonisyon ko, hindi iyon maganda.

'Ano raw?' Tanong ko sa isip ko pagkarinig sa sinabi niya. Tumaas ang arko ng kilay ko habang pilit kinakalkula ang nais ipunto ni Papa.

"Sinong She Dad? Atsaka anong solution ang pinagsasabi mo? May problem solving ba tayong sinasagutan? May problem ba sa company na hindi ko alam?" Palipad sa hanging kong tugon bagama't kinakabahan.

"That girl! Iyong dinala mo! I want you to marry her." Pranka at direktang saad nito na ikinaubo ko nang todo. Buti na lang talaga may tubig sa lamesita na nasa harapan ko, kundi baka natuluyan na ako sa mga naririnig ko.

"Me? Marrying a Girl?" Exaggerated kong sigaw habang tinituro ang sarili ko sa harap mismo ni Papa. "Erpats, knowsung mo aketch na beki ako from head to toe. Why would I marry that chararat? Eh pareho nga kaming girl? Mas maganda pa nga ang genes ko sa kanya." Ano bang nasa isip nito ni Dad para pilitin akong ipakasal sa isang merlat na kagabi ko lang naman nakilala, I mean nakita.

"I don't care! You must marry her, Lucas!" Determinado at puno ng pinalidad niyang sagot sa akin. "You and I both know the consequence. Dad will not give you the company's ownership if you don't marry a woman. Don't be like me in my youth. He may give it to our other relatives or a potential person, and I know you wouldn't want that to happen. So better decide now, time is running." Pamimilit nito na mas lalo kong kinataranta.

Napatahimik naman ako bigla sa aking posisyon at kinalkula ang sitwasyon. Sa mga businessman na katulad ko, mahalaga na kailangan timbangin muna namin ang pros and cons ng mga hakbang na maaari naming tahakin kung nagkataon.

Kapag hindi ko pinakasalan si Chararat baka ibigay nga ni Lolo sa iba ang kompanya. Ganoon pa naman ang ugali noon. Kapag pinakasalan ko naman siya katapusan ko na. Kaloka? Anong gagawin ko? Atsaka papayag kaya siya if ever man?

"Dad, baka naman may iba pang paraan!" Tili ko habang namamaypay gamit ang maganda kong kamay kahit malakas ang Aircon. Wiz ko kering matali sa merlat, Jusko. Nai-imagine ko palang, parang hihimatayin na ako.

"There is no other way, Lucas. You knew your Grandfather. Mahilig iyan magpa-imbestiga kaya malalaman niya kung totoo o hindi. Wala kang malilihim sa kanya. Trust me, I've been on a similar situation once." Iling ni Dad sa akin na mas lalo kong ikinanlumo.

"Fine!! Kakausapin ko muna si Chararat." Napipilitan kong saad na may bahid ng inis at pagkatampo kay Dad bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya. Hindi ko talaga akalain na malalagay ako sa ganitong sitwasyon gayong alam ko sa sarili ko kung ano talaga ang preference ko.

Agad akong bumalik sa kwarto ko sa pag-aakalang nandoon pa si Chararat para sana kausapin siya sa gustong mangyari ni Dad but pagbukas ko ng pinto, wala akong nakitang babae gayundin iyong mga gamit niya na hinakot ni Mang Tomas kagabi. Mukhang tinakasan pa ata ako ng bruha. Lagot talaga 'to sa akin, kapag nakita ko eh! Sasambunutan ko talaga siya ng 360 degrees. Hindi man lang ako nagawang hintayin o magpaalam man lang. Sinong matutuwa doon? Siya na nga itong tinulungan ko.

Saglit akong napaisip at napangiti nang may ideyang pumasok sa isip ko. Pagkaraan ay kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang numero ng taong alam kong makakatulong sa akin.

"Hello, Sir---este Ms. Lucy?" Anya ng tao sa kabilang linya, iyong trusted investigator ng pamilya namin.

"I want you to investigate Rhea Benitez and email it to me immediately as soon as you're done. Also, I want to know her exact location right now as soon as possible." Diretsahang utos ko at saka kumuha ng damit pang-alis sa aking closet.

"Noted Miss, I will send you the Location in five minutes." Rinig kong tugon niya habang nagbibihis ako.

"Good." Sabi ko bago patayin ang tawag.

Napangiti na lang ako sa sarili ko habang ini-imagine ang gulat na ekspresyon ni Chararat kapag nakita niya ang maganda kong mukha. Ha! Tiyak mapapanganga iyon.

She owes me one so she has to take responsibility for that. There's no way, I'll just let her go especially at this time that I needed her help.

Hell no.

***One message received***

From: Investigator

9:15 am

Current location: Benitez restaurant near central park.

Matapos kong matanggap ang text ay

madaling kinuha ko ang aking car keys at tinungo ang sasakyan sa garahe. Mahirap na at baka hindi ko siya maabutan. Hindi pa naman ako makampante hanggat hindi ko nasasabi sa kanya iyong about sa problema ko. Siya na lang talaga ang makakatulong sa akin.

"Maghanda ka sakin babaita ka." Bulong ko sa hangin saka pinaandar ang sasakyan.

RHEA's

"Ms. Benitez, Wala na po bang ibang paraan para maisalba itong restaurant?" Malungkot na tanong ni Julie, isa sa mga matagal ng waitress dito. Breadwinner kasi siya sa pamilya nila kaya kahit ako nahihirapan at nasasaktan dahil batid kong marami rin ang maaapektuhan.

"I wish we have but unfortunately I don't have a choice but to close this restaurant completely. Nakakalungkot man, but I am really sorry kung mawawalan kayo ng trabaho. Masyadong maraming nangyari at maging ako kailangan din maghanap ng trabaho. Sana maintindihan niyo." Paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

I'm not a Chef and wala rin akong alam pagdating sa Business kaya wala na talagang patutunguhan ito kung ipapagpatuloy ko pa. Dalawang taon ko na ring sinubukan ibangon pero hindi talaga sumasang-ayon sa akin ang panahon. Kahit anong subok kong isalba wala pa ring nangyayari.

Ang dapat kasi talaga ang older brother ko ang magma-manage nito in the future. But unexpected things happened, they are both gone now while I am the remaining unlucky one. Ayoko mang aminin pero hindi talaga matatanghi na ako ang may kasalanan kung bakit ito nalugi at kung bakit sila mawawalan ng trabaho.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Ma'am." Anya ni Kate na ikinangiti ko na lang nang tipid habang pilit pinipigilan ang pagtulo ng nanunudya kong mga luha.

"I guess it's time for farewell, you should all go. Ako na ang bahala rito, maya-maya aalis na rin ako, I'm going to the hospital. All in all, thank you guys for everything." Malaking pasasalamat ko sa kanila at isa-isa silang niyakap bago ihatid palabas.

Maya-maya rin matapos nilang makaalis lahat ay hinanda ko na ang mga gamit ko nang biglang tumunog iyong wind chime banda sa may pinto palatandaan na may taong pumasok. Isip-isip ko baka customer lang na nagkamali, kaya tinahak ko iyong pintuan para makasigurado.

"We're Clo----" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang makita ko uli ang taong hindi ko inaasahang makikita ko pa pagkatapos ng nangyari. Yup, walang iba kundi si baks. Ang apo ng kilalang business tycoon na nagmamay-ari lang naman ng Villareal group of companies.

Habol ang hiningang nakaturo ito sa akin habang nanliliksik anv mga mata na tila ba may malaki akong pagkakautang sa kanya. Samantalang literal na natakpan ko naman ang bibig kong kasalukuyang napanganga dahil sa gulat.

"Found you." Madiin niyang pahayag na ikinataas ng balahibo ko sa katawan.

Goodness me, anong ginagawa niya rito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status