If you like this story, please subscribe for more updates. -Please be patient with me, I am quite busy with my research and academic work. Thank you!
RHEA's MABILIS na lumipas ang araw at palapit na rin ng palapit ang araw ng kasal. Hindi ko namalayan na lagpas dalawang linggo na rin pala simula ng kupkupin ako ni Lucas sa condo niya. Maraming mga nangyari. Una, nakilala ko na iyong kinatatakutang Lolo ni Lucas na si Don Lucio at ang asawa naman nitong si Lola Amanda. Ewan ko lang ah, kung bakit takot na takot si Lucas kay Don Lucio eh', napakalambing naman nilang mag-asawa. Lalo na si Lola Amanda, ang dami niyang kwento sa akin patungkol sa childhood days ni Lucas at ng mga kapatid niya. Halatang tuwang-tuwa ito at syempre napatawa rin ako. Hindi ko kasi lubos akalain na bata pa lang, kumekerengkeng na si Lucas. Kaya pala, ganoon na lang ang turing sa kanya ng Lolo niya. Bukod pa doon, nakilala ko na rin ang mga kaibigan niyang kapwa tagilid din at ang masasabi ko lang, talagang nakakapanghinayang. Ikaw ba naman, halos tatlo silang nagsulputan sa condo tapos ang ga-gwapo pa at yummy ang katawan. Hindi payat, hind
LUCAS' Pagkaalis ni Rhea binalingan ko naman si Ravy para makisagap ng tsismis. Hindi pwedeng hindi ko malaman... halatang may tinatago eh, tinginan pa lang nilang dalawa may ibig-sabihin na. Ano kayang mayroon kung bakit ganoon na lang ang pagkulat ni Rhea kay Ravy. I know, hindi naman talaga bakla since birth itong si Mareng Ravy pero...bakit may ilangan? Hindi kaya magkababata sila? "What was that Ravy?" Pag-usisa ko agad sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Kung hindi pa kasi ako magsasalita hanggang ngayon nakadungaw pa rin ang mga mata niya sa pinasukang kwarto ni Rhea. "Oo nga mare, may hindi ba kami nalalaman ha?" Segunda naman ni Kumareng Nicole. Natural susunod na iyong iba kasi magkakaibigan kami eh, pare-parehong tsismosa. "Kaloka naman itech (ito)!" May poise na sigaw ni Ruffa saka lumipat sa upuang katabi ni Ravy at saka ito hinarap. "Anong meron? May patawag ka pa ng Ri? Magkakilala kayo? Tell us na nga!" Atat na atat na dagdag pa nito. Sa ha
THIRD PERSON's POV. KUMPARA noon, mas maagang nakarating si Rave sa lugar na pinaghiwalayan nila ni Rhea. Habang naghihintay ay naupo muna ito sa bench na madalas nilang upuan dati. At muli, sumariwa sa kanyang ala-ala ang mga pinagsamahan nilang dalawa na tila kailanman ay hindi niya makakalimutan. Sapagkat para sa kanya, ito ang kaunahang beses niyang magmahal gayundin ang unang beses siyang nasaktan. Ika nga ng iba, first love never dies. Hindi rin naman nagtagal ay dumating si Rhea, suot-suot ang isang sunflower dress na mas lalong nagpa-bata sa kanyang itsura. Bagamat malayo pa lang ay nakita niya na si Rave na nakaupo sa madalas nilang tambayan kapag napagod kakalibot.Nahihiya mang lumapit ay naglakas-loob si Rhea na maupo sa tabi nito dahilan para mapaurong sa gulat si Rave. Ilang minutong walang nag-imikan sa kanila. Parehong hindi makatingin sa isa't isa at kapwa hindi alam kung sino ang unang magsasalita o ano ang sasabihin. Tila nagblanko lahat ng pinaghan
RHEA's"L-Lucas?" Anya ko sa gitna ng aking pagkagulat. Paanong nandito siya? Sa pagkakaalam ko wala dapat siyang alis ngayon kaya paanong nandito siya sa harapan ko."Sorry Mars, kailangan ko ng iuuwi itong fiance ko. Lagpas na siya sa curfew." Madiin niyang sagot na walang halong kabaklaan bago ako hilain paalis na wala man lang babala."S-saglit lang Lucas, hindi pa ako nakapag-paalam kay Rave." Pigil ko habang tinatanggal ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. "Teka nga, a-ano ba...Lucas!" Sigaw ko pa ngunit tila naging bingi ito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak kaya wala na akong nagawa kundi magpatianod nalang sa kanya hanggang sa nakalayo na kami. "Ano ba bakla! Nasasaktan na ako." Malakas na singal ko sa kanya habang hinihila ang kamay ko pero wala pa rin itong reaksyon kaya mas lalo akong nainis. "Sabi ng nasasaktan ako eh!" Nanggagalaiting saad ko sabay hinto sa paglakad dahilan para mapahinto rin siya. Humarap naman siya sa akin a
RHEA's'I'm so jealous, bae...''I'm so jealous, bae...''I'm so jealous, bae...'NAIINIS na napabangon ako sa kama at sinambunutan ang sarili. Bwisit! bakit hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Wah! Ayoko na...Bakla, patulugin mo naman ako. Maawa ka alas-onse na. Tigilan mo na iyong isip ko. Ayoko pa namang mapuyat pero hindi talaga ako makatulog. Iyong mga paru-paro ko sa tiyan, ang lilikot. Nakangusong napalingon ako sa katabi kong pader na siyang kadikit ng kwarto ni Baks. Haysh, bakit niya ba kasi sinabi iyon? Tapos may kasama pang halik. Shookt...Napahawak na naman ako sa labi ko. Ano ba naman 'yan, itong kamay ko kusang kumikilos. Hindi nakikisama sa akin. Malalim akong humingi habang sapu-sapo ang dibdib ko. 'Rhea, Calm down bakla si Lucas lang iyan.' Anya ko sa sarili ko. Kahit pa kinikilig ako, ayoko
Lumipas ang isang buwan"Araw ng kasal"RHEA'sTHIS is it! Ikakasal na ako sa lala-este baklang nakakita lang sa akin sa daan noong napalayas ako ni Aling Mercy. Kasalukuyan akong nag-iisa sa terrace ng isang kwarto na nilaan sa akin ng Mama ni Lucas. Wala pa kasi iyong mag-aayos sa akin kaya napag-desisyunan kong magpahangin na lang muna at mag-isip-isip. Ikakasal na ako ng hindi man lang mahahatid ni Papa sa altar. Hindi ko maiwasan na hindi sila maalala lalo na sa okasyon ngayon. Ito kasi iyong pangarap nila sa akin noong una palang. I am thankful though, hindi ko kasi akalaing mag-vo-volunteer si Don Lucio na ihatid ako kahit hindi naman kami gaanong close dahil hanggang ngayon I still feel intimidated.Napaluha na lang ako sa mga nangyari saka pumikit, "Pa, Kuya, ikakasal na ako pero wala na kayo. Kayo pa naman din ang nagsabi na kayo ang maghahatid sa akin sa altar kung sakaling ikasal ako. Si Mam
THIRD PERSON's POV. HINDI maalis ang ngiti ng mga taong dumalo sa kasal nina Lucas at Rhea.Karamihan sa mga dumalo ay ang mga kamag-anak ng pamilyang Villareal at kaibigan ni Lucas kasama na ang mga bakla. Mga petals na nagkalat sa paligid na tila kasing kulay ng Cherry Blossom. Mga Pink and White Roses na mas lalong nagbibigay ng Romantic Ambience. Lalo pa silang nasiyahan ng tumunog na ang Bell at lumabas ang Pari hudyat na sisimulan na ang kasal.Kasabay ng pagtugtog ng mga inarkilang musicians ay ang paglakad ni Lucas patungo sa aisle. Hindi naman maiwasan na tumili ang mga babae dahil sa angking kagwapuhan nito na labis naman ikanadiri ng huli. Hindi rin nagtagal ay ang Mag-asawang Lucianda at Adam ang naglakad sa gitna at umupo sa upuan na para sa kanila. At syempre ang pinakahiihntay ng lahat ay ang pagdating ng bride kasama ang escort nitong si Don Lucio. Lahat ng mga bisita ay napahanga
RHEA'sGAYA nga ng inaasahan namin, Nakarating kami sa Seoul, South Korea nang mabilis gamit ang private plane na pag-aari ng Villareal Family. Sa kasalukuyan ay naglalakad na kami ni Lucas palabas ng airport.Of course! I am extremely excited. First time ko kayang makapunta dito. Hindi ko talaga ine-expect na makakarating ako sa lugar na matagal ko ng pinapangarap na mapuntahan.Agad kong nilibot ang tingin ko sa lugar,"Oh my Gosh! ang daming koreano." Hindi ko mapigilang saad habang tumatalon na parang timang na siyang sinuklian ng mahinang batok ng kasama kong bakla, kaya sinamaan ko siya ng tingin."Aba'y natural nasa Korea tayo malamang maraming koreano, Stupid lang teh." Pakutya niyang saad."Sorry ah! Hiyang-hiya naman ako sayo. First time ko kaya dapat makisama ka na lang." Nakanguso kong sabi bago binaling ang tingin sa iba."Ewan ko sayo, tara na dumating na raw iyong sundo natin." Hila niya sakin.Napakunot