LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl
RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir
RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin
RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo
THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali.How dare him!Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa.May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawalan ng m
After five months...THIRD PERSON's POV. PAGOD na nagkatinginan sina Kaley at 'yong iba pang kaibigan ni Lucas sa kanya. Maging sina Luciana, Lucia at Luca ay nayayamot na habang pinagmamasdan ang kapatid na palakad-lakad sa harapan nila."Kuya, Can you just sit?! I'm feeling dizzy because of you!" Reklamo ni Lucia kay Lucas na napakagat na lang sa sariling kuko dala ng nerbyos. "She's right Lucas. Walang mangyayaring masama kay Rhea okay?" Paninigurado naman ni Rave. "I can't." Iling ni Lucas. "I did some research online and it says, masakit daw ang manganak. Baka nasasaktan ang asawa ko." Nag-aalalang dagdag pa nito. Nanggigigil na napatayo naman si Ruffa sa upuan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lucas."Calm down, Mars. She will be okay." Anya pa ng beki. Pagkaraan ay siya na rin mismo ang nagpaupo kay Lucas sa inupuan niya kanina. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Midwife na nagpaanak kay Rhea kaya agad na dinalungan ito ni Lucas. "Kamusta ang lagay ng a
Year 2014St. Joseph Hospital (9:30 pm) RHEA’s "Doc, kamusta na po iyong nanay ko wala pa rin po bang improvement?" Tanong ko sa doctor na nag-aasikaso kay Mama na si Doctor Mike. I am currently sitting here inside his office, still expecting some good news. It has been two years and I am really grateful to him since he is the only Doctor that never gives up on my Mother’s treatment. "Same old result, Rhea. Until now, wala pa ring response ang pasyente. Still under medication pa rin siya Mrs.Benitez." Malungkot na balita nito kaya napayuko na lang ako. Paulit-ulit na lang ang naririnig ko tuwing dumadalaw ako. Walang nagbabago kaya nakakapanghina talaga ng loob. Madalas pumapasok sa isip ko kung may chance pa ba talagang magising ang Mama ko o wala. "Pero Doc, halos dalawang taon na po ang lumilipas bakit hindi pa rin siya nagigising? Ilang taon pa po ba ang kailangan kong hintayin?" Naiiyak na atungal ko. Kapag nagpatuloy pa ito, hindi ko na alam kung
LUCAS’ "OUCHIE naman Mang Tomas! Muntik mo ng masira ang aking beautiful face." Reklamo ko habang hipo-hipo ang aking malakas-lakasang ilong na nauntog. Ang sakit nun ah! Bigla niya kasing hininto ang sasakyan ng todo at hindi man lang ako binalaan edi sana nakapaghanda pa ako. “Pasensya na po Ma'am Lucy!” Hinging paumanhin nito sa akin habang kamot-kamot ang ulo. By the way, Aketchi nga pala si dyosang Lucas M. Villareal, 26 years old ang tagapagmana ng Villareal Group of Companies. Matalino, matangkad, mayaman, Sexy, maganda ang genes, maganda, maganda ulit—Basta Maganda. Mula pa noong tumuntong ako nang Grade 4 napag-alaman ko na talaga sa sarili ko na ang babae ang puso ko at ang hanap kong partner ay lalaki. Aba'y ewan kung paano nangyari. Basta nagagwapuhan ako sa mga kaklase kong chopopo. Ang yummy! Tapos ninanakaw ko rin dati ang mga laruang Barbie doll ng mga kapatid kong babae kasi hindi nila ako pinapahiram eh iyon nga ang gusto kong laruin. Grade 9 St