Home / Romance / He's Gay / CHAPTER 2

Share

CHAPTER 2

Author: ImVictorique
last update Huling Na-update: 2021-09-08 07:06:08

LUCAS’

"OUCHIE naman Mang Tomas! Muntik mo ng masira ang aking beautiful face." Reklamo ko habang hipo-hipo ang aking malakas-lakasang ilong na nauntog. Ang sakit nun ah! Bigla niya kasing hininto ang sasakyan ng todo at hindi man lang ako binalaan edi sana nakapaghanda pa ako.

“Pasensya na po Ma'am Lucy!” Hinging paumanhin nito sa akin habang kamot-kamot ang ulo.

By the way, Aketchi nga pala si dyosang Lucas M. Villareal, 26 years old ang tagapagmana ng Villareal Group of Companies. Matalino, matangkad, mayaman, Sexy, maganda ang genes, maganda, maganda ulit—Basta Maganda. Mula pa noong tumuntong ako nang Grade 4 napag-alaman ko na talaga sa sarili ko na ang babae ang puso ko at ang hanap kong partner ay lalaki. Aba'y ewan kung paano nangyari. Basta nagagwapuhan ako sa mga kaklase kong chopopo. Ang yummy! Tapos ninanakaw ko rin dati ang mga laruang Barbie doll ng mga kapatid kong babae kasi hindi nila ako pinapahiram eh iyon nga ang gusto kong laruin.

Grade 9 Student naman ako nang mag-desisyon akong sabihin sa magulang ko ang tungkol nga sa sexuality ko. Syempre nagalit ang mga magulang ko sino ba naming hindi? Iisa na nga lang na lalaki naging babae pa pero hindi nagtagal naintindihan rin naman nila. Wala silang choice eh. Ayaw nila nun? Apat na kaming mga babae?

Akala ko nga noong una hindi matatanggap ni Papa pero siya pa talaga ang naunang tumanggap sa pagiging tagilid ko kaysa kay Mama. Ang tao lang naman na wiz makatanggap sa akembang true colors ay ang aking Lolo. Ayaw niya sa mga kagaya ko kaya pilit niya akong sineset-up sa mga babae kahit na alam niyang ako ay isang sirena.

Recently, I was blackmailed from him. Hindi niya ipapamana sa akin ang company kung wala akong maiharap na asawang BABAE and kapag wala akong naiharap sa kanya ay ibibigay niya iyon sa malayo naming kamag-anak. Syempre, hindi ako makakapayag. Pinaghirapan namin ni Papa iyon, halos natanggal na ng mga pawis ko ang make-up ko sa mukha dahil sa hirap kong mapalago iyon tapos mapupunta rin sa iba? Ano siya, hello? De-joke baka kapag narinig ako ni Lolo nabato niya na sakin ang baton niya na lagi niyang hawak. Anyways, all I have to do is to find someone that can be my wife for the mean time. Iyong papayag maging contractual at walang arte.

I have three younger sisters namely Luciana, Lucia, Luca lahat sila mga pretty pero siyempre ako ang pinakamaganda dahil ako ang panganay. Wiz naman halata na betchikels ng mga erpats at ermats ko ang Letter "L" no? Nag-aaral pa ang dalawa d'yan. Si Luciana (23 y/o) tapos na at may sarili ng business. Si Lucia (22 y/o) graduating na sa kursong Journalism habang si Luca naman (16 y/o) ang pinakabunso sa amin, freshman pa lang.

Anyway back to reality…Heto nga muntik ng magkaroon ng damage ang aking gorgeous face dahil sa kagagawan ng payatot naming driver.

“Ano bang nangyari? Nasiraan ba tayo?” Pang-uusisa ko na ikinailing naman niya.

“May babae po kasi na biglang dumaan balak atang magpakamatay.” Paliwanag niya na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. Agad akong tumingin sa may bintana ng kotse. Napakadilim na ng paligid at umuulan pa man din. Sino naming dadaan eh halos wala nga akong makitang tao na naglalakad. Kaloka, Hindi kaya…Napapanood ko pa naman sa palabas iyong mga ganitong scene.

"Waaahhh! Mang Tomas, Wiz ka namang nananakot! Ang dilim pa naman sa labas, hindi kaya minumulto na tayo?" Atungal ko habang nagpapadyak sa loob.

O to the M to the G!! Wiz ko to keri!

Takot pa naman akemberlu sa multo, mga chararat sila! Maliban na lang kung gwapo iyong multo, willing ako.

"Ma’am, totoo po talaga may babae. Sandali lang po at titingnan ko sa labas kung natamaan natin." Nakukulitang paliwanag nito sa akin habang inaalis ang seatbelt.

Napalunok naman ako. Hindi ko alam pero kinakabahan aketch, feeling ko nasa harapan si Sadako. Tinitingan ko lang si Mang Tomas hanggang sa tuluyan na siyang lumabas at sumilip sa harapan. Kinakabahang pinagmasdan ko lang siya mula sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang susunod niyang gagawin pero bigla siyang umupo kaya hindi ko gaanong makita.

Maya-maya nainip na ako kaya sumilip ako sa may bintana. “Ano na Mang Tomas buhay pa ba you?” Sigaw ko habang hinahampas iyong gilid ng kotse. Walang hiya naman oh! Naulanan na ako baka magkasakit aketch nito.

“Sir este Ma’am may babae po dito walang malay!” Pagbibigay-alam nito sa akin na tila natataranta.

“WHAT?” Gulat na eksaherada ko. Hala! Naka-high ata ang merlat at nagawa pang mag-sleeping beauty sa kalsada.

Agad akong lumabas sa kotse at lumapit kay Mang Tomas. "Buhay pa ba itey?" Tanong ko habang tinititigan si Sisa, charot! iyong merlat, I mean. In fairness mga tih, may itsura kahit papaano. Maliit ang mukha niya, maputi at makinis parang koreana. Iyong pilik-mata niya rin ay mahahaba habang iyong mata naman ay mga bilugan na sumakto sa maliit niyang mukha. Pero aba'y syempre dahil ako ang nakakita kaya mas pretty pa rin ang ganda ko.

“Buhay pa naman Ma’am. Ano na pong gagawin natin sa kanya?” Tanong nito sabay tayo at tumingin sa akin tila hinihintay ang sasabihin ko.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid at nang mapansing wala namang taong nakamasid saka ako nagsalita. "Patayin mo na." Seryosong entrado ko.

"P-PO?" Malakas na sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Natawa naman ako nang palihim sa itsura niya. "Ito naman si Mang Tomas masyadong patola. Syempre, charot-charot lang iyon. Ang gandang to?" Turo ko sa sarili ko. "Papatay? Syempre...Mamamatay sila sa Ganda ko." Buong pagmamalaki ko para subukang patawanin ang driver namin, pero hindi umepekto. Mukhang immuned na sakin.

"De joke lang ulit. Seryoso na." Pagsuko ko. Tumingin ako sa paligid. Syete! Lalong lumakas iyong ulan. May nakita akong mga bagahe kaya lumapit ako roon at madaling tiningnan kung ano ang mga laman dahil baka sa babae ito. Malay mo naglayas.

Women's clothes? Sabi ko na nga ba tsk. Tumakbo ako palapit kay Mang Tomas. "Mang Tomas, kita mo ba iyong mga bagahe na iyon?" Sabi ko habang tinuturo 'yung mga nakita ko kanina.

"Ipasok mo sa trunk ng kotse, ako na ang bahala sa babae na iyan." Utos ko sa kanya. Agad naman nitong sinunod ang utos ko. Ako naman ay binuhat na iyong babae at tinapon sa gilid, charot!

‘O to the M to the G!’ Anya ko sa sarili nang tuluyan ko nang mabuhat itong si ate girl. Akala ko noong una magaan lang dahil maliit ang katawan pero hindi pala. Nalinlang ako ng size niya. Medyo mabigat siya pero keri ko naman. Buti na lang talaga hindi si Mang Tomas ang pinagbuhat ko dahil baka mamaya kumalas lahat buto noon. Payat pa naman kahit ang dami na ng pinapakain namin.

Dahan-dahan ko siyang ipinasok sa back seat at tumabi sa kanya. Ang kaso, medyo masikip kaya ang ginawa ko pinahiga ko siya habang ang ulo niya nakapatong sa hita ko. Swerte ng merlat na ito, ilang lalaki ang nagpantasya sa kinahihigaan niya ngayon. Aba talandi!!!

Ooops…Walang malisya 'to. Hindi kaya kami talo ni Ate girl! Huwag kayong ano.

Wala sa sariling napabuntong-hininga ako nang makita ko ang kondisyon ng kinauupuan namin. Kawawa naman iyong kotse ko, basing-basa na. Mula sa bulsa dinukot ko ang maganda kong panyo at pinunas sa sarili ko. Syempre, bilang isang tao na naninirahan sa bansang Pilipinas pinunasan ko rin si ate Girl. Mapagmalasakit kaya ako, kala niyo?

Mga sandali rin pumasok na si Mang Tomas sa kotse. Lumingon muna ito sa akin gayundin sa babae tapos bumalik uli sa akin. Agad ko siyang tinaasan ng isang kilay dahil siguradong may naiisip na naman ito na hindi maganda.

"Ah Sir este Ma’am Saan po tayo? Sa Hospital po ba? O sa hotel?" Rinig kong tanong niya.

"Ansabi mo Mang Tomas? Iyong huli?" Pinanliksikan ko siya ng mata. Maganda lang ako pero hindi ako bingi. Anong gagawin ko sa hotel aber? Magpapalamig?

"Joke lang din ‘yon Sir—este Ma'am, masyado naman kayong patola." Panggagaya nito sa sinabi ko kanina. Wala man lang originality ang matandang ito?

“Sa Villareal Mansion na lang, Mang Tomas.” Ismid ko rito. Natututo ng umokray si Manong, kaloka.

Tumango naman ito at ipinaandar na ang kotse. Villareal Mansion is my main home. Sa ngayon kasi doon na ako sa sariling kong Condo nakatira dahil buhay independent na kaming magkakapatid. Bumabalik lang kami rito sa main house tuwing weekend dahil iyon ang family rule na ginawa ng parents namin. Since mas malapit naman ang Villareal mansion kaysa sa condo ko ngayon naisip kong doon na lang muna ako matutulog. Mahirap na baka mamaya magkasakit pa itong gerlalu na itech dahil naulananan, Kargo-konsensya ko pa. Wala rin naman ang mga parents ko ngayon dahil nasa ibang bansa.

Kaugnay na kabanata

  • He's Gay   CHAPTER 3

    RHEA’sNILALAMIG na inabot ko ang pindutan ng electric fan para sana patayin pero wala akong makapa kahit anong gawin ko. Inis na minulat ko ang aking mata kahit pa na inaantok ako at bumangon pero laking gulat ko na lang nang mapansing wala ako sa apartment. Dali-dali akong umupo mula sa aking pagkakahiga sa kama habang inisip ang mga kaganapan kahapon. Oo nga pala, muntik na akong magpakamatay pero sa kamalas-malasan bigla pa akong nawalan ng malay. Mukhang hindi ko pa talaga panahon para mawala sa mundo. Masyado akong na-overwhelm ng emotions ko dahil sa mga bad news. "Teka! Nasaan ako?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko nang mapansing hindi pamilyar ang paligid. Parang baliw lang no? Pero ganito talaga ako kapag nine-nerbyos. Tatayo na sana ako sa kama pero laking gulat ko nang makita ko ang aking sarili na naka-Bra at Panty lang. "Kyah! Sinong naghubad sa akin? May n-nangyari b-ba?" Sigaw ko pero syempre sa isip lang. Mahirap na at baka nandito pa rin ang p

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • He's Gay   CHAPTER 4

    RHEA'sKASALUKUYAN kaming nandito sa hapag-kainan kasama ang buong pamilya ni Baks. Medyo, kinakabahan nga ako dahil halos tahimik silang lahat hindi tulad kanina na sobrang lively ng mga aura nila. Ngayon, feeling ko parang nasa business meeting ako kaharap iyong mga Investor. Isa pa, hindi rin naman nila ako kakilala kaya malaking bagay ang first impression nila sa akin. Tahimik lang akong kumain habang naghihintay kung may magsasalita ba o wala. Ayoko rin namang maging bida-bida dahil baka may mga table manners silang sinusunod dito like bawal magsalita tuwing kumakain kasi usually mayroong ganoon sa mga mayayaman lalo na kapag strict ang parents. Sa kalagitnaan ng pagkain namin, tumikhim si Mrs. Villareal kaya naagaw niya ang atensyon naming lahat. Akala ko nga nabilaukan pero hindi naman siya uminom ng tubig sa halip ay masusi lang akong tinitigan kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang umabot na ang isan

    Huling Na-update : 2021-11-12
  • He's Gay   CHAPTER 5

    RHEA's "B-bakla ka!! Bakit ka andito?" Gulat kong tanong sa kanya. Napatunganga na lang talaga ako kay bakla dahil hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ulit at halos ilang oras pa lang noong umalis ako sa pamamahay nila. Also, I never expected that he will looked for me because there is no reason for him to do that or so I thought. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin nang seryoso kaya hindi ko mapigilang mapalunok. Medyo nakaramdam kasi ako ng pagkailang, takot at kilabot sa mga titig niya. Kung tumingin kasi siya akala mo'y isa akong takas na kriminal na nakagawa ng matinding kasalanan eh' sa pagkakaalam ko ang atraso ko lang naman ay iyong part na hindi ako nagpaalam umalis. "H-hoy B-bakla! Tigilan mo nga i-iyan!" Saway ko dahil hindi ko na talaga kin

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • He's Gay   CHAPTER 6

    RHEA's HINDI ko malaman kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa nangyayari ngayon. Nakakabigla, literal na nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa mga kakaibang pinagsasabi ni Bakla. Tahimik na napakagat-labi na lang ako at walang pakundangang hinipo ang noo niya para tingnan kung nasa tamang kondisyon pa siya at hindi nababaliw. "Chararat! Ano bang ginagawa mo?" Bulyaw niya sa akin at pataboy na inalis ang kamay ko. Kita mo to, grabe kung ihagis ang kamay ko tapos aayain ako ng kasal? Ha! Kailangan ko na atang magpalinis ng tainga at kakaiba ang mga naririnig ko. Itong baklang ito kung makasigaw kala mo kung sino, siya nga itong parang sira na may mood swing o 'di kaya nag-personality shift. Kung kanina halos lalaki siya kung umakto tapos balik boses beki na naman ulit. Hay naku! Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. Anyway, mas maganda na rin ito na bumalik na uli siya sa pagiging bakla, kanina pa ako kinakalibutan eh. Hindi ako sanay na umakto siyan

    Huling Na-update : 2022-01-20
  • He's Gay   CHAPTER 7

    RHEA's ALAS singko na ng hapon pero hanggang ngayon nandito pa rin si bakla tila wala atang balak umalis. Kasalukuyan siyang prenteng nakaupo sa upuan habang nanonood ng kung anong palabas sa cellphone niya. Mukhang kdrama dahil korean language ang naririnig ko pero hindi ko nga lang alam ang title at wala rin naman akong balak alamin dahil hindi ako mahilig sa ganoon. "Hoy baks!" Tawag ko kay Lucas pero ang bakla nilingon lang ako saglit pagkatapos binalik din agad ang mata sa pinapanood niya. "Wala ka na bang balak umalis? Hapon na oh, baka hanapin ka ng parents mo." Sita ko sa kanya. "Anong tingin mo sa akin? menor de edad na may curfew? May sarili akong Condo at hawak ko ang schedule ko noh. Atsaka, mamaya na. Kita mong nanonood iyong tao eh." Pambabara niya sa akin na ikinairap ko na lang. Halatang hindi pumapasok sa isip niya ang double meaning sa sinabi ko. Seriously, hindi niya ba naiintindihan

    Huling Na-update : 2022-01-26
  • He's Gay   CHAPTER 8

    RHEA's NAGTITIIS sa sakit na bumangon ako sa kama habang sapu-sapo ang puson ko. Mabilis na lumipad ang mata ko papunta sa kinalalagyan ng kalendaryo. Shocks, pangatlong linggo na pala ngayon ng buwan, kaya naman pala. Patay ako nito, masyadong wrong timing iyong period ko aalis pa naman kami ni Baks. Iba pa naman ako kapag may dalaw, parang naghihilab iyong puson ko sa sakit. Dahan-dahan kong kinalkal ang bag ko at hinanap ang ekstrang sanitary pad at underwear na talagang tinabi ko para sa mga ganitong biglaang sitwasyon. Pagkaraan ay pumasok ako sa banyo para gawin iyong ritwal ko tuwing umaga. Nang matapos ako ay lumabas na ako sa banyo habang nagpupunas ng buhok. Inda-inda ang sakit na dumiretso ako sa kusina para maghanda ng almusal. Hindi ko kasi ugaling mahiga lang kapag may dalaw ako kasi mas lalong napupunta ang atensyon ko sa sakit. Ma

    Huling Na-update : 2022-02-09
  • He's Gay   CHAPTER 9

    THIRD PERSON's POV SINAGOT ni Lucas ang tawag habang abala naman sa pag-uusap tungkol sa negosyo ang kanyang Ama at lolo. Nag-uusap naman tungkol sa pagluluto ang kanyang Ina at Lola habang ang tatlo niyang kapatid ay may mga sarili-sariling mundo lalo na si Lucia. "Oh bae, napatawag ka?" Tanong ni Lucas kay Rhea sa kabilang linya. Bagamat nagtataka sa pagkakatawag ni Lucas sa kanya ay isinanatabi niya na lang muna iyon dahil sa sobrang pananakit ng kanyang puson dulot ng dysmenorrhea. "L-Lucas..." Mahinang atungal ni Rhea kay Lucas na may kasamang pagsinghot. "Ano ba yan bae, miss mo na agad-Teka, bakit ganyan ang tono mo? May nangyari na naman ba kay Mama?" Anya ni Lucas at sadyang tinaasan ang boses para marinig ng Lolo niya. Hindi naman siya nabigo dahil napatingin sa kanya ang lahat dahil para mas ginalingan niya pa ang pag-arte. "M...masakit..." Malakas na hikbi ni Rhea kaya maging si Lucas ay kinabahan na. Halatang seryoso kasi ito at hindi nagbibi

    Huling Na-update : 2022-03-08
  • He's Gay   CHAPTER 10

    RHEA's MABILIS na lumipas ang araw at palapit na rin ng palapit ang araw ng kasal. Hindi ko namalayan na lagpas dalawang linggo na rin pala simula ng kupkupin ako ni Lucas sa condo niya. Maraming mga nangyari. Una, nakilala ko na iyong kinatatakutang Lolo ni Lucas na si Don Lucio at ang asawa naman nitong si Lola Amanda. Ewan ko lang ah, kung bakit takot na takot si Lucas kay Don Lucio eh', napakalambing naman nilang mag-asawa. Lalo na si Lola Amanda, ang dami niyang kwento sa akin patungkol sa childhood days ni Lucas at ng mga kapatid niya. Halatang tuwang-tuwa ito at syempre napatawa rin ako. Hindi ko kasi lubos akalain na bata pa lang, kumekerengkeng na si Lucas. Kaya pala, ganoon na lang ang turing sa kanya ng Lolo niya. Bukod pa doon, nakilala ko na rin ang mga kaibigan niyang kapwa tagilid din at ang masasabi ko lang, talagang nakakapanghinayang. Ikaw ba naman, halos tatlo silang nagsulputan sa condo tapos ang ga-gwapo pa at yummy ang katawan. Hindi payat, hind

    Huling Na-update : 2022-03-17

Pinakabagong kabanata

  • He's Gay   CHAPER 37: LAST

    After five months...THIRD PERSON's POV. PAGOD na nagkatinginan sina Kaley at 'yong iba pang kaibigan ni Lucas sa kanya. Maging sina Luciana, Lucia at Luca ay nayayamot na habang pinagmamasdan ang kapatid na palakad-lakad sa harapan nila."Kuya, Can you just sit?! I'm feeling dizzy because of you!" Reklamo ni Lucia kay Lucas na napakagat na lang sa sariling kuko dala ng nerbyos. "She's right Lucas. Walang mangyayaring masama kay Rhea okay?" Paninigurado naman ni Rave. "I can't." Iling ni Lucas. "I did some research online and it says, masakit daw ang manganak. Baka nasasaktan ang asawa ko." Nag-aalalang dagdag pa nito. Nanggigigil na napatayo naman si Ruffa sa upuan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lucas."Calm down, Mars. She will be okay." Anya pa ng beki. Pagkaraan ay siya na rin mismo ang nagpaupo kay Lucas sa inupuan niya kanina. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Midwife na nagpaanak kay Rhea kaya agad na dinalungan ito ni Lucas. "Kamusta ang lagay ng a

  • He's Gay   CHAPTER 36

    THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali.How dare him!Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa.May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawalan ng m

  • He's Gay   CHAPTER 35

    RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo

  • He's Gay   CHAPTER 34

    RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin

  • He's Gay   CHAPTER 33

    RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir

  • He's Gay   CHAPTER 32

    LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl

  • He's Gay   CHAPTER 31

    THIRD PERSON's POV.KASALUKUYANG bumibiyahe pabalik sa syudad sila Ruffa kasama ang mga kapatid ni Lucas. Tahimik ang lahat maliban sa dalawa na sina Kaley at Lucia na laging nag-a-away. "Tigil-tigilan mo akong bakla ka! Wala ako sa mood." Naiinis na saway ni Lucia kay Kaley. Si Kaley ang nagmamaneho gaya ng dati at si Lucia naman ang nasa passenger seat. Si Rave walang ganap, busy sa headphone niya gaya ni Nicole na katabi ni Luca."Oh talaga?" Asar ni Kaley sa babae. "Ang lakas mo ngang magsuot ng two piece eh, flat naman iyong dibdib mo.""You pervert!" Nanggigigil na singhal ni Lucia at binigyan ito nang masamang tingin. Hindi naman kasi makaganti ang babae dahil ito angnagmamaneho gaya ng unang pumunta sila sa Baguio.Iniwas niya na lang ang sarili niya kahit na nangangati na siyang suntukin ang katabi dahil sa pang-aasar nito. Mahirap na at baka ma-aksidente pa sila. "Fl-" Nahinto si Kaley sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ng dalaga. Kinuha naman ni Lucia ang cellphon

  • He's Gay   CHAPTER 30

    THIRD PERSON's POV."Are you sure na dito na lang kita ihatid?" Pag-uulit ni Clinton kay Rhea nang makababa sa sasakyan. Nandito na kasi sila sa tapat ng condo building ni Lucas. "Yup! Magta-taxi na lang ako mamaya. I know na ngayon ang pasok mo sa trabaho dahil 2 days ka lang. Masyado na akong nakakaabala sa iyo." Alanganing napangiti ang babae. "Fine! but if you need anything just call me." Napipilitang anya ni Clinton. Ayaw man niyang iwan mag-isa ang babae ngunit kailangan sapagkat maraming naghihintay na gawain sa kanya sa Agency.Napatawa naman si Rhea dahil halatang napipilitan lamang ang lalaki sa pag-iwan sa kanya."Opo, Sige na umalis ka na baka ma-late ka pa." Pantataboy nito pagkaraan ay niyakap ang lalaki dala na rin ng pasasalamat niya. Si Clinton ang unang pumutol ng yakap at hinalikan sa noo ang babae. Pagkatapos ay lumakad na ito patungong driver's seat. Ngunit bago ito pumasok ay tumingin muna ito muli sa kanya."One more thing, text me your new address. Okay?" P

  • He's Gay   CHAPTER 29

    THIRD PERSON's POV."Gising ka na pala." Bati ng kakapasok na si Lucas hawak-hawak ang isang tray ng pagkain. Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Rhea sa kumot na nagkukubli sa kanyang kahubaran.Napansin naman ito ni Lucas. Inilapag niya ang pagkain sa may bed side table at naiilang na tumingin sa babae. "Ano...K-kain ka m-muna." Hindi makatingin na sabi nito.Lumakad naman patungo si Lucas sa mga gamit niya at kumuha ng damit na pwedeng ipasuot sa asawa.Pagkakita ay tahimik niya itong inabot, "Oh, S-suotin mo muna. Alam kong h-hindi k-ka k-kumportable." Nahihiyang tinanggap naman ito ng huli at dahan-dahang kumilos paalis ng kama, habang takip-takip ng kumot. Hindi naman nito mapigilang mapasinghap nang maramdaman siya ng sakit sa pagkababae niya,"Ouch!" Atungal niya pa bago muling napaupo sa gilid ng kama. Nag-aalalang lumapit naman si Lucas sa asawa saka naupo sa tabi nito. "A-about what happened last night..." Panimula ng namumulang si Lucas at saglit na napahinto, tila

DMCA.com Protection Status