Share

CHAPTER 6

RHEA's

HINDI ko malaman kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa nangyayari ngayon. Nakakabigla, literal na nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa mga kakaibang pinagsasabi ni Bakla. Tahimik na napakagat-labi na lang ako at walang pakundangang hinipo ang noo niya para tingnan kung nasa tamang kondisyon pa siya at hindi nababaliw.

"Chararat! Ano bang ginagawa mo?" Bulyaw niya sa akin at pataboy na inalis ang kamay ko. Kita mo to, grabe kung ihagis ang kamay ko tapos aayain ako ng kasal? Ha! Kailangan ko na atang magpalinis ng tainga at kakaiba ang mga naririnig ko. Itong baklang ito kung makasigaw kala mo kung sino, siya nga itong parang sira na may mood swing o 'di kaya nag-personality shift. Kung kanina halos lalaki siya kung umakto tapos balik boses beki na naman ulit. Hay naku! Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. Anyway, mas maganda na rin ito na bumalik na uli siya sa pagiging bakla, kanina pa ako kinakalibutan eh. Hindi ako sanay na umakto siyang maton, hindi talaga kapani-paniwala.

So balik tayo sa kaganapan...

Tumikhim ako, "Hindi kaya maysakit ka bakla at kung anu-ano ang pinagsasabi mo dyan. Baks, pwede bang huwag ka muna mang-good time ngayon? Kita mo naman siguro ang sitwasyon ko? Wala ako sa mood para sa mga kalokohan mo, okay? Kaya kung pwede lang...tigilan mo iyong marry me-marry me na pinagsasabi mo diyan. Hindi tayo mga artista, hindi tayo bida, at lalong-lalo na wala tayo sa sarili nating pelikula." Pagpuna ko sa kanya.

"Chararat, I'm dead serious okay? Ito nga iyong balak kong hingin na pabor sa iyo kanina. Kaya nga kita hinanap eh! Sa tingin mo ba kung nakiki-pagbiruan lang ako, aabalahin ko pa ang sarili kong hanapin ka? Seryoso ako, okay? Pumayag kang magpasakal---este magpakasal sa akin at ako ng bahala sa lahat. Tutulungan ko kayong dalawa ng Mom mo." Paliwanag niya pa na may kasamang pamimilit. Heto na naman tayo sa naririnig ko.

Kasal?

Nasisiraan na ba siya!

Ako? Aayain niyang magpakasal eh' kagabi lang naman kami nagkita. Ni hindi ko nga siya ganoon kakilala at kahit pa sabihin nating nakita ko na ang pamilya niya, ibang usapan pa rin ang kasal.

"Nasisiraan kana ba talaga? Hindi ba't kasali ka sa pederasyon ni inang reyna at hindi mo ko type? Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi kita kilala. Isa pa, kahapon lang tayo nagkita." Depensa ko na nagpa-tahimik sa kanya. "Atsaka ikaw nga, mag-isip ka. May lalaki bang mag-aaya ng kasal sa isang hospital? Magpo-propose kana nga lang sa hospital pa. Hindi man lang pinaghandaan." Bulong ko sa sarili ko.

"Ah! kaya naman pala...mas gusto mo ng engrandeng proposal. Choosy si ateng kala mo naman pretty." Panlalait niya sakin. Mukhang narinig ang bulong ko. Ang talas pala ng pandinig ng baklang ito.

"It's not about that okay?" Harap-harapang saad ko sa kanya. "Kahit naman siguro sinong babae, walang magpapakasal sayo kung ganyan ang proposal mo. Sa hospital pa talaga kung saan naka-check in ang mama ko. Kung makapanlait ka akala mo ako ang nanghihingi ng pabor. Bakit naman kita papakasalan gayong bakla ka? Lalaki ang hanap ko aber, iyong kasinggwapo ni Timothee Chalamet, Orlando bloom at Lee Min Ho. In short, ang babae at ang binabae hindi talo dahil parehas sila ng gusto." Madiing dagdag ko kasabay ng pangkumpas ng aking kamay, dahil sa mannerism.

"Fine, sorry. Binibiro lang naman kita kay masyado kang seryoso..."Hingi niya nang paumangin. "Pero pumayag ka na kasi chararat. Please, kung gusto mo luluhod ako o 'di kaya gagawin ko ang lahat ng gusto mo. I will provide anything just marry me please...Pretty please, maawa ka naman sa kalagayan ko. Kapag hindi ka pumayag, mawawala lahat ng pinaghirapan ko. Iyong ganda, dugo't pawis na inialay ko para sa kumpanya, mapupunta sa wala. Kaya pumayag kana..." Pagmamakaawa ni bakla na ikinabuntong-hininga ko na lang.

My goodness! Sumasakit ang ulo ko sa baklang ito. Andami ko na ngang iniisip, mas lalo pang nadagdagan. Hindi ko tuloy alam kung blessing o curse ba na nakilala ko siya.

"Baks, alam mo kasi...Mahirap kasi iyang gusto mo." Katwiran ko. "Tayong mga babae----ay mali! Kaming mga babae pala, binabae ka kasi kaya hindi ka belong. So ayon, kaming mga babae mahalaga sa amin na maikasal sa taong mahal namin at mahal kami dahil ang pag-ibig hindi iyan isang laro. Gaya nga ng sabi ng mga matatanda...Ahm, teka ano nga ulit iyon? Iyong kasabihan ng mga matatanda." Napahinto ako at napaisip. Shocks, bakit kung kailan ko pa kailangang i-share doon ko pa makakalimutan. Kainis na iyan, minsan na nga lang ako mag-share ng wisdom tagilid pa, parang si bakla lang.

Napabalik ang buong atensyon ko kay baks ng bigla siyang pumalakpak nang napakalakas animo'y may nakitang nakaka-amaze.

"Oh ano na teh? Keri pa bang tapusin ang speech mo? Kaya ba this year? Ano na ngayon ang sabi ng matatanda?" Sarkasmong balik niya sakin ng binitawan kong salita kanina habang nakapameywang.

Walang hiya talaga itong baklang 'to, iniisip ko pa nga eh. Masyadong atat na atat, hindi pa nga ako tapos. Tsk...hindi bale na nga!

"Ah basta! Nalimutan ko na." Lakas-loob na turan ko at kunwaring napa-ubo para ilihis agad ang usapan. "Ang gusto ko lang naman iparating sayo na ang kasal.. ibang usapan na. Ibig-sabihin niyan wala kang kalayaan at nakasakal ka na sa isang tao. Kailangan mahal iyong isa't isa kasi hindi magwo-work out kung one sided lang. At sa sitwasyon mo naman, pareho nating hindi gusto ang isa't isa kaya lalong hindi magwo-workout. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo."

"Eh naman, masyadong kang negative mag-isip. Mangyayari lang naman iyan kung pernamenteng kasal ang iniisip mo. Ang pabor ko temporary lang, kaya naman Chararat parang awa mo na pumayag ka na. Ikaw na lang ang solusyon sa problema ko. Ikaw na lang talaga ang alam kong makakatulong sakin."

"Teka nga muna, hingi ka ng hingi ng awa ni hindi mo naman sakin pinapaliwanag kung bakit at para saan. Pilit ka ng pilit. Saka anong temporary ang sinasabi mo, meron ba noon? Atsaka, anong problema at solusyon iyong sinasabi mo? Kailan pa nagkaroon ng problem-solving sa pagpapakasal?" Litong-lito kong pag-usisa ko sa kanya.

Kinuha naman niya ang kamay ko at hinila ako paupa sa upuan. "Hindi kasi sa akin ipapamana ni Lolo ang Kumpanya namin kung hindi ako magpapakasal sa isang merlat este babae. Ikaw lang naman ang babaeng kilala ko kahit hindi gaano. Mukhang mapapagkatiwalaan ka naman. Win-win tayo huwag kang mag-alala. Kapag ipinamana na sa akin ni Lolo ang kumpanya pwede na agad tayong mag-file ng annulment. Temporary lang naman eh."

"Bak---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang umalog-alog iyong katawan ni mama. Kinabahan ako kaagad at nanghina. "A-Anong...b-bakit?" Hindi pwede ito. Hindi pwedeng sumuko si Mama.

Lumingon ako pabalik kay baks na ngayon ay balisa na rin, "Tumawag ka ng Doktor, please. Pakibilisan, parang-awa mo na..." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya na mabilis niya rin namang ginawa. Nang makalabas na siya ng pinto, tuluyan ng pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Maya-maya rin dumating na si Dr.Mike kasunod ang mga nurse at si baks na walang pasabing hinila ako palapit sa kanya at yinakap. Medyo nagulat ako sa kinilos niya pero mas pinili ko na lang hindi mag-react dahil kailangan ko talaga ng sandalan sa oras na ito.

Tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni baks at doon nilabas ang namumuo kong emosyon. "B-baks...si M-mama nahihirapan na siya pero a-ayaw kong iwan niya ako. Hindi niya ako pwedeng iwan."

"Ssshhh...tahan na. Everything will be alright." Pag-aalo sa akin ni baks habang marahan na pina-patpat ang likod ko.

"Rhea." Tawag sakin ni Dr. Mike kaya napatigil ako sa pag-iyak. Inabutan naman ako ni Baks ng panyo kaya tinanggap ko iyon at pinunas muna sa mukha ko bago humarap para kausapin si Dok.

"It's her second attack today. I am extremely sorry to say this but her condition is getting worse. Katawan na mismo ng Mama mo ang sumusuko. Sa ngayon, panalangin at mahabang pasensya ang hinihingi ko sayo. Kausapin mo lang ng kausapin ang Mama mo at baka sakaling marinig ka niya at magkaroon siya ng courage para gumising. Stay strong, Rhea." Sinserong payo niya sa akin at bahagyang kinapa ang balikat ko bago umalis.

LUCAS'

PAGKAALIS ng doctor, dali-daling lumapit si Chararat sa Mama niya at hinawakan ang kamay nito. Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot para kay Chararat. Napaka-tragic ng storya niya pero heto siya kinakaya pa rin. Kung ako ang nasa kalagayan niya hindi ko alam kung kakayanin ko.

Napakapa ako sa tiyan ko nang makaramdam ako ng pagkagutom. Dahil doon, napatingin ako sa wristwatch ko. Napatango na lang ako sa sarili ko nang mapagtantong malapit ng mag-tanghali. Hay, ano kayang pwedeng kainin dito? Magpa-deliver na lang kaya ako?

Lalapitan ko na sana si Rhea para tanungin kung ano ang kakainin niya nang tumunog ang cellphone ko, dahilan para mapatingin siya sa akin. Malakas kasi ang ringtone ko kaya malamang nahinto siya sa kung anumang pinagagawa niya. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Lolo iyon, sinenyasan ko si Rhea na lalabas ako para sagutin iyong tawag. Tumango naman si Rhea at muling binalik ang atensyon sa Mama niya. Habang ako naman ay tahimik na lumabas ng kwarto. Hindi ko pa kasi siya pwedeng iwan dahil hindi pa tapos ang usapan namin kanina.

"Patay ako." Mahinang sampal ko sa aking mukha. Ngayon lang pumasok sa kukote ko na may meeting pala kami ni Lolo mamayang after lunch. I forgot! Hayshhh...

Huminga ako nang malalim bilang paghahanda sa sarili ko. Nang sa tingin kong handa naman na, doon ko na sinagot ang tawag. "Ah...hello Lo---?"

"Bakit ang tagal mong sumagot? Ano na naman bang ginagawa mo? Siguraduhin mo lang na hindi ka namamakla ah! Dahil kapag may dumating na balita sa akin, sinasabi ko sayo...Ipapa-castrate kita!" Pambungad na sigaw ni Lolo na may halong pagbabanta dahilan para mapatakip ako sa aking crotch area.

'Gosh! Nanganganib kana, pigil-pigil muna Lucas' Pigil ang hiningang anya ko sa sarili ko. Buti na lang talaga hinanda ko ang sarili ko kanina bago sagutin ang tawag. Kundi baka hinimatay na ako lalo na't nasa peligro ang kinabukasan ko.

"I-Ito naman si Lolo, hindi po mun---este hindi po ako nagb-boy hunting ngayon. Huwag po kayong mag-alala." Depensa ko sa sarili ko na may kasamang pekeng tawa. "Nasa hospital po kasi ako ngay---"

"Anong hospital? Anong ginagawa mo dyan? May nangyari ba?" Naiiling na nilayo ko ang cellphone sa tainga dahil bahagyang lumakas na naman ang sigaw ni Lolo.

"Wala naman po, Lo. Healthy at maganda---Joke! I mean gwapo pa rin ang apo niyo." Biro ko pa. "Iyong Mom po kasi ng fiance ko, inatake bigla while in Coma kaya napasugod kami." Paliwanag ko habang nakangiwi.

Yuck! Fiance!

Napatahimik naman Si Lolo sa kabilang linya,"M-may F-fiance ka? Babae o lalaki? May nagkamali sayo?" Sunod-sunod na pag-usisa niya sakin. Naku, kailangan ko talagang mapapayag si Bruha lalo na't nasabi ko na kay Lolo. Hindi ko na ito pwedeng itanggi sa susunod.

"Ano ba namang tanong 'yan Lo!Syempre babae, nagbabagong buhay po ako noh." Pagkukinwari ko. "Saka gusto ko ring magkaanak. Mahirap kayang mabuhay ng mag-isa." Mahinang dagdag ko pa para mas lalong magmukhang totoo. Mahirap ng mabuko, si Lolo pa naman ito. But anyways, asa siyang magbabagong-buhay ako 'nuh! Never in his wildest dreams.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi mo ba ako pinagloloko Lucas Villareal Ha? Baka nakakalimutan mo, kapag niloko mo ko, sinasabi ko sayo wala kang makukuha kahit na sing kusing o katiting sa kumpanya." Paninigurado ni Lolo na ikinalunok ko.

Tumikhim muna ako bago magsalita, para kasing may bumara sa lalamunan ko sa sinabi ni Lolo. Ayoko namang mautal dahil baka mabisto niyang nagsisinungaling ako. "I am 100% sure Lolo. Masyado ka namang maingat. Ipapakilala ko rin po siya sa inyo kapag maayos na ang lahat. Sa ngayon, may problema pa kaya huwag na lang po muna. Nga po pala, hindi po ako makakapunta mamaya. Sasamahan ko muna iyong fiance ko dito sa hospital." Pagbibigay-alam ko.

"Oh siya, sige. Good job!" Komento na lang nito na ikinahinga ko nang maluwag. "Basta dalhin mo siya kapag okay na ang kalagayan ng Mama niya. I want it as soon as possible nang makilala naman namin ng Lola mo ang nagpabago sayo at mapasalamatan. Mas mabuting maaga na rin mapag-usapan ang araw ng kasal dahil hindi na kami bumabata pa, gusto pa namin makita ang magiging apo namin sa tuhod." Mahabang bilin nito na muntik ko nang ikasuka. Alanganin pa nga kung papayag si bruha tapos apo na agad ang iniisip ni Lolo. Paano ko naman gagawin iyon, aber? Atsaka, kahit na pumayag si Bruha sa kasal...h-hindi ko masisikmura makipag-ano sa merlat. OMG! Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.

"Yes I understand. Ah, I need to hang up now, Lo. Take care, you and Lola. Love you." Paalam ko bago pinatay ang tawag.

Tiningnan ko uli ang relo ko. Jusko, ang habang diskasyunan noon ah. But so far, kinaya ko. Akala ko, mabubuko na ako ni Lolo eh, magaling pa naman iyon sa ganoon. Mamaya ko na lang siguro babalikan si Chararat. Bibili na muna ako ng pagkain namin.

Dumiretso ako sa parking lot at agad pinaadar ang sasakyan. Saktong-sakto dahil may malapit na McDonalds akong nakita kanina noong papunta kami dito kaya baka doon na lang din ako bumili para mas mabilis.

Gayon nga ang ginawa ko, nag-drive thru na lang ako at nag-order ako ng Lunch Meal. Sinamahan ko na rin ng sundae para naman my desert kahit papaano. I love McDo's sundae kaya mawala na lahat, huwag lang iyon. Pagkatapos noon, nag-drive ako ulit pabalik sa hospital.

Pagbalik ko sa room kung saan naka-check in ang Mama ni Chararat, natagpuan ko siya doon na natutulog habang hawak-hawak ang kamay ng Mama niya. Kita mo itong babaeng ito, nagawang matulog ng walang kain. Balak atang magpalipas ng gutom, tsk.

Nilapag ko muna ang binili ko sa lamesa na nandoon bago siya lapitan. Nang makalapit, bahagya ko siyang inalog sa balikat para gisingin. Hindi naman ako nahirapan dahil mabilis naman siyang nagbukas ng mata at takang tiningan ako pabalik. Itinuro ko naman sa kanya ang pagkaing binili ko bago sumagot, "Let's eat. It's not good to skip meals."

"Thanks Baks, sorry for the trouble." Hingi niya ng paumanhin. Tumango na lang ako habang hinahanda ang pagkain naming dalawa.

"Baks." Malakas na tawag niya sa akin dahilan para mapadako ang atensyon ko sa kanya.

"Oh Bakit? May masakit ba sayo?" Tanong ko na may halong pag-alala. Syempre mag-aalala ko. Hindi siya pwedeng magkasakit. Kailangan pumayag muna siya sa pabor ko, kundi patay ako kay Lolo. Nasabi ko pa naman na, hindi ko iyon pwedeng bawiin basta-basta. Dahil tiyak sa oras na ito baka nagdidiwang na iyon ngayon sa saya.

Umiling naman siya sa akin at ngumiti na ikinanuot ng flawless kong noo. Hala siya, anong nginingiti-ngiti ng babaeng ito? Wala pa naman siyang nakakain ah? Nagpapa-cute ba siya sa akin? Hindi effective, mas maganda pa rin ako.

"Oo na." Saad niya na mas lalong ikinagulo ng utak ko.

Ano daw? Hindi ko talaga ma-gets ang gusto niyang iparating.

"Anong Oo na? Anong pinagsasabi mo d'yan? Linawin mo kasi." Nalilitong tanong ko pabalik saka siya sinenyasan na lumapit. "Halika na rito at para makakain na tayo hindi iyong kung anu-ano ang pinagsasabi mo diyan. Mukhang malala na ang tama mo."

Napasapo naman siya sa kanyang noo sa sinabi ko pero agad rin iyong inalis. "Ikaw itong sira eh, hingi-hingi ka ng pabor tapos ngayong pumapayag ako pinagkakamalan mo kong may tama sa ulo. Ikaw ang hindi ko maintindihan eh. Mukhang hindi lang ang orientation mo ang tagilid, kasama na ata ang utak dahil ang slow ng pick-up mo."

Napatigil naman ako sa pagkilos dahil sa sinabi niya. "A-ano ulit ang sinabi mo? T-tama ba ang narinig ko? P-Pumapayag ka na? I mean...M-magpapakasal ka sa akin?" Pag-uulit ko.

Lumapit naman siya at naupo sa harapan ko. "Yup, temporary lang naman diba? I contemplated a while ago and to be honest, walang-wala na talaga ako ngayon. Kakapalan ko na sng mukha ko, I really need your help financially to support my Mother's treatment. So as I said, pumapayag ako." Paliwanag niya na ikinatuwa ko ng todo. Napasuntok ako sa hangin sa saya dahil safe na ako kay Lolo. Pumayag na si Chararat and that means, May mamanahin pa rin ako woohoo!

"Papakasalan kita, basta tuparin mo ang pangako mo na hanngang anim na buwan lang at tutulungan mo ko sa paggastos sa mga bills ni Mama. Kahit huwag mo akong pansinin basta iyong para sa gamot at hospital na lang ni Mama. Iyon ang mahalaga sa akin." Dagdag niya habang nakayuko tila nahihiya.

Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kanya at niyakap siya nang marahan. Alam kong medyo nagulat siya sa kinilos ko dahil medyo natuod siya sa kinauupuan niya but anyways, sobrang saya ko lang talaga sa naging desisyon niya. "Thank you very much Chararat. I'll promise hanggang 6 months lang talaga itong marriage natin. Don't worry, I'll finance your Mother's hospital bills. Hindi mo pagsisihan ang sagot mo dahil akong bahala sayo. Thank you so much!" Buong pusong pasasalamat ko.

"Haynaku, kumain na nga tayo. Tama na iyang pasasalamat mo, naiilang ako." Saway niya sakin na ikinatawa ko na lang.

"Hindi ka na lugi. Kahit bakla ang mapapangasawa mo, maganda naman dib?" Pagbibiro ko habang naglalakad pabalik sa sarili kong upuan.

"Well..." Napa-pose ako nang tingnan niya ako sa mukha sabay tango. "Pwede na rin, mapagti-tiyagaan." Untag niya na ikinagimbal ko.

What? Ang ganda kong ito? Mapagtityagaan lang?

Whoa, kalma lang Lucy. Masyado kang dyosa para bumaba sa lebel ni Chararat. Sa ngayon, kalimutan mo muna ang sinabi niya at isipin ang future ng kumpanya. Aigoo, makakain na nga lang, kanina pa ako nagugutom eh.

ImVictorique

Please subscribe if you like this kind of story, thanks!

| 1
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
CUTE ng story . nkakatawa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status