RHEA's'I'm so jealous, bae...''I'm so jealous, bae...''I'm so jealous, bae...'NAIINIS na napabangon ako sa kama at sinambunutan ang sarili. Bwisit! bakit hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Wah! Ayoko na...Bakla, patulugin mo naman ako. Maawa ka alas-onse na. Tigilan mo na iyong isip ko. Ayoko pa namang mapuyat pero hindi talaga ako makatulog. Iyong mga paru-paro ko sa tiyan, ang lilikot. Nakangusong napalingon ako sa katabi kong pader na siyang kadikit ng kwarto ni Baks. Haysh, bakit niya ba kasi sinabi iyon? Tapos may kasama pang halik. Shookt...Napahawak na naman ako sa labi ko. Ano ba naman 'yan, itong kamay ko kusang kumikilos. Hindi nakikisama sa akin. Malalim akong humingi habang sapu-sapo ang dibdib ko. 'Rhea, Calm down bakla si Lucas lang iyan.' Anya ko sa sarili ko. Kahit pa kinikilig ako, ayoko
Lumipas ang isang buwan"Araw ng kasal"RHEA'sTHIS is it! Ikakasal na ako sa lala-este baklang nakakita lang sa akin sa daan noong napalayas ako ni Aling Mercy. Kasalukuyan akong nag-iisa sa terrace ng isang kwarto na nilaan sa akin ng Mama ni Lucas. Wala pa kasi iyong mag-aayos sa akin kaya napag-desisyunan kong magpahangin na lang muna at mag-isip-isip. Ikakasal na ako ng hindi man lang mahahatid ni Papa sa altar. Hindi ko maiwasan na hindi sila maalala lalo na sa okasyon ngayon. Ito kasi iyong pangarap nila sa akin noong una palang. I am thankful though, hindi ko kasi akalaing mag-vo-volunteer si Don Lucio na ihatid ako kahit hindi naman kami gaanong close dahil hanggang ngayon I still feel intimidated.Napaluha na lang ako sa mga nangyari saka pumikit, "Pa, Kuya, ikakasal na ako pero wala na kayo. Kayo pa naman din ang nagsabi na kayo ang maghahatid sa akin sa altar kung sakaling ikasal ako. Si Mam
THIRD PERSON's POV. HINDI maalis ang ngiti ng mga taong dumalo sa kasal nina Lucas at Rhea.Karamihan sa mga dumalo ay ang mga kamag-anak ng pamilyang Villareal at kaibigan ni Lucas kasama na ang mga bakla. Mga petals na nagkalat sa paligid na tila kasing kulay ng Cherry Blossom. Mga Pink and White Roses na mas lalong nagbibigay ng Romantic Ambience. Lalo pa silang nasiyahan ng tumunog na ang Bell at lumabas ang Pari hudyat na sisimulan na ang kasal.Kasabay ng pagtugtog ng mga inarkilang musicians ay ang paglakad ni Lucas patungo sa aisle. Hindi naman maiwasan na tumili ang mga babae dahil sa angking kagwapuhan nito na labis naman ikanadiri ng huli. Hindi rin nagtagal ay ang Mag-asawang Lucianda at Adam ang naglakad sa gitna at umupo sa upuan na para sa kanila. At syempre ang pinakahiihntay ng lahat ay ang pagdating ng bride kasama ang escort nitong si Don Lucio. Lahat ng mga bisita ay napahanga
RHEA'sGAYA nga ng inaasahan namin, Nakarating kami sa Seoul, South Korea nang mabilis gamit ang private plane na pag-aari ng Villareal Family. Sa kasalukuyan ay naglalakad na kami ni Lucas palabas ng airport.Of course! I am extremely excited. First time ko kayang makapunta dito. Hindi ko talaga ine-expect na makakarating ako sa lugar na matagal ko ng pinapangarap na mapuntahan.Agad kong nilibot ang tingin ko sa lugar,"Oh my Gosh! ang daming koreano." Hindi ko mapigilang saad habang tumatalon na parang timang na siyang sinuklian ng mahinang batok ng kasama kong bakla, kaya sinamaan ko siya ng tingin."Aba'y natural nasa Korea tayo malamang maraming koreano, Stupid lang teh." Pakutya niyang saad."Sorry ah! Hiyang-hiya naman ako sayo. First time ko kaya dapat makisama ka na lang." Nakanguso kong sabi bago binaling ang tingin sa iba."Ewan ko sayo, tara na dumating na raw iyong sundo natin." Hila niya sakin.Napakunot
RHEA's"Kyah!" Napabangon ako nang wala sa oras dahil sa isang matinis na sigaw. "Anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ko habang palinga-linga sa paligid. "YOU!" Nakakabinging sigaw ni Baks sa akin kaya napaharap ako sa direksyon niya."OMG, My Virgin eyes!" Histerikal na tili niya sabay takip ng kanyang mga mata. Napatingin naman ako sa sarili ko at nanlaki ang mata ko. Bakit? Nakita ko lang naman ang sarili kong walang kasaplot-saplot. Sinong hindi magugulat doon? Kaya pala nilalamig ako. Akala ko dahil sa klima lang. Nagmamadaling inagaw ang kumot kay baks na hanggang ngayon ay nag-iinarte pa rin. "Walang hiya kang babae ka! Sinamantala mo ang kahinaan ko." Naiiyak na pagda-drama niya pa habang dinuro-duro ako. Ako naman ay inayos ang sarili habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Hindi rin naman ako nahirapan dahil hindi naman ako nakainom kahapon, si Lucas lang. Malinaw na malinaw na siya ang umatake sa ak
THIRD PERSON's POVPAGKARATING sa hotel na kanilang inakupahan ay agad na nahiga si Rhea dahil sa pagod. Sinundan naman siya ni Lucas at tinaasan ng kilay. "Yah! nadudumihan ang kama sa pinagagawa mo eh!" Sita ni Lucas sa asawa habang marahas na tinatanggal ang sapatos na suot nito."Tinatamad ako, antok na ako!" Inaantok na sagot ni Rhea bago ngumuso. "Mag-ayos ka muna at mag-shower. Ang baho mo na kaya, kadiri ka!" Asar ng lal-bakla kahit hindi naman ito totoo. Wala namang nagawa si Rhea kundi pigilan ang antok niya at asar na bumangon. Pagkaraan ay kinalkal nito ang bag na dala nila saka kumuha ng damit na pantulog. Bago pumasok sa banyo ay matalim niya munang pinukawan ng tingin si Lucas na natawa lang naman sa kanya. Pagkapasok ng babae ay siya rin namang hinanda ni Lucas ang sariling damit. Hindi nagtagal, makalipas ang halos dalawampung minuto ay lumabas na rin si Rhea mula sa banyo."Lucas, anong oras ang ali
LUCAS'NAKARATING kami sa Condo bandang mga Alas-tres ng hapon. Traffic kasi sa Cubao tapos may ginagawa pang MRT-7 sa Quezon City.Kaloka!Hagardo versoza na ang peg namin nila bakla. At heto, kasalukuyan silang nakaupo at nanonood ng TV habang ang dalawa naman ay naglalambingan sa sofa. Sinong dalawa? Sino pa ba, edi sila Rave at Rhea lang naman. Ang sweet nila habang nanunuod akala mo walang asawa ang mujer (babae) kung makipaglandian. Parang kahapon lang, sinabihan niya akong huwag akong lumandi pero siya ngayon ang unang bumigay pagkakita sa ex niya. Walang kapaguran si ateng."Mars, nagbabalik-loob na ata si Rave. Ang sweet sa asawa mo." Bulong ni Nicole sa akin habang malisyosong pinagmamasdan ang dalawa. Nakahiga si Rhea habang nakapatong naman ang ulo niya sa hita ni Rave na busy sa pagsuklay ng buhok niya gamit ang sarili nitong daliri. Kung maka-arte akala mo'y walang ibang tao na nakakakita sa ka
After One Month... RHEA'sAKALA ko wala ng katapusan ang kasiyahan ko noong ikinasal kami ni Lucas. Kagaya na lang ng mga sweet acts niya, mga hugs and kisses pero hanggang akala lang talaga ang lahat. Dahil gaya nga ng sinasabi ng iba, lahat ng bagay ay may katapusan.Totoo iyan. Lahat ng bagay na nangyari sa pagitan namin ni Lucas ay tila kinalimutan niya na. Lalo na noong magkaroon siya ng boyfriend na walang iba kundi si Cristoff. Noong una, okay pa dahil kahit papaano pinaparamdam niya pa rin sa akin na may pake siya pero habang tumatagal, pawala na rin iyon ng pawala lalo na noong nag-umpisa siyang bumalik sa trabaho at nakipag-date kay Cristoff. Mas lalo pang naging komplikado ang sitwasyon naming dalawa noong sinimulan niyang isama sa Cristoff dito sa Condo na alam kong aware na rin sa tunay na estado namin ni Baks. At heto ako ngayon, nakakulong sa kwarto dahil nasa sala lang naman ang asawa ko kasama ang boyfriend niya at kas
After five months...THIRD PERSON's POV. PAGOD na nagkatinginan sina Kaley at 'yong iba pang kaibigan ni Lucas sa kanya. Maging sina Luciana, Lucia at Luca ay nayayamot na habang pinagmamasdan ang kapatid na palakad-lakad sa harapan nila."Kuya, Can you just sit?! I'm feeling dizzy because of you!" Reklamo ni Lucia kay Lucas na napakagat na lang sa sariling kuko dala ng nerbyos. "She's right Lucas. Walang mangyayaring masama kay Rhea okay?" Paninigurado naman ni Rave. "I can't." Iling ni Lucas. "I did some research online and it says, masakit daw ang manganak. Baka nasasaktan ang asawa ko." Nag-aalalang dagdag pa nito. Nanggigigil na napatayo naman si Ruffa sa upuan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lucas."Calm down, Mars. She will be okay." Anya pa ng beki. Pagkaraan ay siya na rin mismo ang nagpaupo kay Lucas sa inupuan niya kanina. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Midwife na nagpaanak kay Rhea kaya agad na dinalungan ito ni Lucas. "Kamusta ang lagay ng a
THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali.How dare him!Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa.May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawalan ng m
RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo
RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin
RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir
LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl
THIRD PERSON's POV.KASALUKUYANG bumibiyahe pabalik sa syudad sila Ruffa kasama ang mga kapatid ni Lucas. Tahimik ang lahat maliban sa dalawa na sina Kaley at Lucia na laging nag-a-away. "Tigil-tigilan mo akong bakla ka! Wala ako sa mood." Naiinis na saway ni Lucia kay Kaley. Si Kaley ang nagmamaneho gaya ng dati at si Lucia naman ang nasa passenger seat. Si Rave walang ganap, busy sa headphone niya gaya ni Nicole na katabi ni Luca."Oh talaga?" Asar ni Kaley sa babae. "Ang lakas mo ngang magsuot ng two piece eh, flat naman iyong dibdib mo.""You pervert!" Nanggigigil na singhal ni Lucia at binigyan ito nang masamang tingin. Hindi naman kasi makaganti ang babae dahil ito angnagmamaneho gaya ng unang pumunta sila sa Baguio.Iniwas niya na lang ang sarili niya kahit na nangangati na siyang suntukin ang katabi dahil sa pang-aasar nito. Mahirap na at baka ma-aksidente pa sila. "Fl-" Nahinto si Kaley sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ng dalaga. Kinuha naman ni Lucia ang cellphon
THIRD PERSON's POV."Are you sure na dito na lang kita ihatid?" Pag-uulit ni Clinton kay Rhea nang makababa sa sasakyan. Nandito na kasi sila sa tapat ng condo building ni Lucas. "Yup! Magta-taxi na lang ako mamaya. I know na ngayon ang pasok mo sa trabaho dahil 2 days ka lang. Masyado na akong nakakaabala sa iyo." Alanganing napangiti ang babae. "Fine! but if you need anything just call me." Napipilitang anya ni Clinton. Ayaw man niyang iwan mag-isa ang babae ngunit kailangan sapagkat maraming naghihintay na gawain sa kanya sa Agency.Napatawa naman si Rhea dahil halatang napipilitan lamang ang lalaki sa pag-iwan sa kanya."Opo, Sige na umalis ka na baka ma-late ka pa." Pantataboy nito pagkaraan ay niyakap ang lalaki dala na rin ng pasasalamat niya. Si Clinton ang unang pumutol ng yakap at hinalikan sa noo ang babae. Pagkatapos ay lumakad na ito patungong driver's seat. Ngunit bago ito pumasok ay tumingin muna ito muli sa kanya."One more thing, text me your new address. Okay?" P
THIRD PERSON's POV."Gising ka na pala." Bati ng kakapasok na si Lucas hawak-hawak ang isang tray ng pagkain. Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Rhea sa kumot na nagkukubli sa kanyang kahubaran.Napansin naman ito ni Lucas. Inilapag niya ang pagkain sa may bed side table at naiilang na tumingin sa babae. "Ano...K-kain ka m-muna." Hindi makatingin na sabi nito.Lumakad naman patungo si Lucas sa mga gamit niya at kumuha ng damit na pwedeng ipasuot sa asawa.Pagkakita ay tahimik niya itong inabot, "Oh, S-suotin mo muna. Alam kong h-hindi k-ka k-kumportable." Nahihiyang tinanggap naman ito ng huli at dahan-dahang kumilos paalis ng kama, habang takip-takip ng kumot. Hindi naman nito mapigilang mapasinghap nang maramdaman siya ng sakit sa pagkababae niya,"Ouch!" Atungal niya pa bago muling napaupo sa gilid ng kama. Nag-aalalang lumapit naman si Lucas sa asawa saka naupo sa tabi nito. "A-about what happened last night..." Panimula ng namumulang si Lucas at saglit na napahinto, tila