RHEA's
NAGTITIIS sa sakit na bumangon ako sa kama habang sapu-sapo ang puson ko. Mabilis na lumipad ang mata ko papunta sa kinalalagyan ng kalendaryo. Shocks, pangatlong linggo na pala ngayon ng buwan, kaya naman pala. Patay ako nito, masyadong wrong timing iyong period ko aalis pa naman kami ni Baks. Iba pa naman ako kapag may dalaw, parang naghihilab iyong puson ko sa sakit.
Dahan-dahan kong kinalkal ang bag ko at hinanap ang ekstrang sanitary pad at underwear na talagang tinabi ko para sa mga ganitong biglaang sitwasyon. Pagkaraan ay pumasok ako sa banyo para gawin iyong ritwal ko tuwing umaga.
Nang matapos ako ay lumabas na ako sa banyo habang nagpupunas ng buhok. Inda-inda ang sakit na dumiretso ako sa kusina para maghanda ng almusal. Hindi ko kasi ugaling mahiga lang kapag may dalaw ako kasi mas lalong napupunta ang atensyon ko sa sakit. Ma
Sorry for the delay, kinda busy because of enrollment last week. Thank you for your patience! Please keep on subscribing! Godbless!
THIRD PERSON's POV SINAGOT ni Lucas ang tawag habang abala naman sa pag-uusap tungkol sa negosyo ang kanyang Ama at lolo. Nag-uusap naman tungkol sa pagluluto ang kanyang Ina at Lola habang ang tatlo niyang kapatid ay may mga sarili-sariling mundo lalo na si Lucia. "Oh bae, napatawag ka?" Tanong ni Lucas kay Rhea sa kabilang linya. Bagamat nagtataka sa pagkakatawag ni Lucas sa kanya ay isinanatabi niya na lang muna iyon dahil sa sobrang pananakit ng kanyang puson dulot ng dysmenorrhea. "L-Lucas..." Mahinang atungal ni Rhea kay Lucas na may kasamang pagsinghot. "Ano ba yan bae, miss mo na agad-Teka, bakit ganyan ang tono mo? May nangyari na naman ba kay Mama?" Anya ni Lucas at sadyang tinaasan ang boses para marinig ng Lolo niya. Hindi naman siya nabigo dahil napatingin sa kanya ang lahat dahil para mas ginalingan niya pa ang pag-arte. "M...masakit..." Malakas na hikbi ni Rhea kaya maging si Lucas ay kinabahan na. Halatang seryoso kasi ito at hindi nagbibi
RHEA's MABILIS na lumipas ang araw at palapit na rin ng palapit ang araw ng kasal. Hindi ko namalayan na lagpas dalawang linggo na rin pala simula ng kupkupin ako ni Lucas sa condo niya. Maraming mga nangyari. Una, nakilala ko na iyong kinatatakutang Lolo ni Lucas na si Don Lucio at ang asawa naman nitong si Lola Amanda. Ewan ko lang ah, kung bakit takot na takot si Lucas kay Don Lucio eh', napakalambing naman nilang mag-asawa. Lalo na si Lola Amanda, ang dami niyang kwento sa akin patungkol sa childhood days ni Lucas at ng mga kapatid niya. Halatang tuwang-tuwa ito at syempre napatawa rin ako. Hindi ko kasi lubos akalain na bata pa lang, kumekerengkeng na si Lucas. Kaya pala, ganoon na lang ang turing sa kanya ng Lolo niya. Bukod pa doon, nakilala ko na rin ang mga kaibigan niyang kapwa tagilid din at ang masasabi ko lang, talagang nakakapanghinayang. Ikaw ba naman, halos tatlo silang nagsulputan sa condo tapos ang ga-gwapo pa at yummy ang katawan. Hindi payat, hind
LUCAS' Pagkaalis ni Rhea binalingan ko naman si Ravy para makisagap ng tsismis. Hindi pwedeng hindi ko malaman... halatang may tinatago eh, tinginan pa lang nilang dalawa may ibig-sabihin na. Ano kayang mayroon kung bakit ganoon na lang ang pagkulat ni Rhea kay Ravy. I know, hindi naman talaga bakla since birth itong si Mareng Ravy pero...bakit may ilangan? Hindi kaya magkababata sila? "What was that Ravy?" Pag-usisa ko agad sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Kung hindi pa kasi ako magsasalita hanggang ngayon nakadungaw pa rin ang mga mata niya sa pinasukang kwarto ni Rhea. "Oo nga mare, may hindi ba kami nalalaman ha?" Segunda naman ni Kumareng Nicole. Natural susunod na iyong iba kasi magkakaibigan kami eh, pare-parehong tsismosa. "Kaloka naman itech (ito)!" May poise na sigaw ni Ruffa saka lumipat sa upuang katabi ni Ravy at saka ito hinarap. "Anong meron? May patawag ka pa ng Ri? Magkakilala kayo? Tell us na nga!" Atat na atat na dagdag pa nito. Sa ha
THIRD PERSON's POV. KUMPARA noon, mas maagang nakarating si Rave sa lugar na pinaghiwalayan nila ni Rhea. Habang naghihintay ay naupo muna ito sa bench na madalas nilang upuan dati. At muli, sumariwa sa kanyang ala-ala ang mga pinagsamahan nilang dalawa na tila kailanman ay hindi niya makakalimutan. Sapagkat para sa kanya, ito ang kaunahang beses niyang magmahal gayundin ang unang beses siyang nasaktan. Ika nga ng iba, first love never dies. Hindi rin naman nagtagal ay dumating si Rhea, suot-suot ang isang sunflower dress na mas lalong nagpa-bata sa kanyang itsura. Bagamat malayo pa lang ay nakita niya na si Rave na nakaupo sa madalas nilang tambayan kapag napagod kakalibot.Nahihiya mang lumapit ay naglakas-loob si Rhea na maupo sa tabi nito dahilan para mapaurong sa gulat si Rave. Ilang minutong walang nag-imikan sa kanila. Parehong hindi makatingin sa isa't isa at kapwa hindi alam kung sino ang unang magsasalita o ano ang sasabihin. Tila nagblanko lahat ng pinaghan
RHEA's"L-Lucas?" Anya ko sa gitna ng aking pagkagulat. Paanong nandito siya? Sa pagkakaalam ko wala dapat siyang alis ngayon kaya paanong nandito siya sa harapan ko."Sorry Mars, kailangan ko ng iuuwi itong fiance ko. Lagpas na siya sa curfew." Madiin niyang sagot na walang halong kabaklaan bago ako hilain paalis na wala man lang babala."S-saglit lang Lucas, hindi pa ako nakapag-paalam kay Rave." Pigil ko habang tinatanggal ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. "Teka nga, a-ano ba...Lucas!" Sigaw ko pa ngunit tila naging bingi ito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak kaya wala na akong nagawa kundi magpatianod nalang sa kanya hanggang sa nakalayo na kami. "Ano ba bakla! Nasasaktan na ako." Malakas na singal ko sa kanya habang hinihila ang kamay ko pero wala pa rin itong reaksyon kaya mas lalo akong nainis. "Sabi ng nasasaktan ako eh!" Nanggagalaiting saad ko sabay hinto sa paglakad dahilan para mapahinto rin siya. Humarap naman siya sa akin a
RHEA's'I'm so jealous, bae...''I'm so jealous, bae...''I'm so jealous, bae...'NAIINIS na napabangon ako sa kama at sinambunutan ang sarili. Bwisit! bakit hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Wah! Ayoko na...Bakla, patulugin mo naman ako. Maawa ka alas-onse na. Tigilan mo na iyong isip ko. Ayoko pa namang mapuyat pero hindi talaga ako makatulog. Iyong mga paru-paro ko sa tiyan, ang lilikot. Nakangusong napalingon ako sa katabi kong pader na siyang kadikit ng kwarto ni Baks. Haysh, bakit niya ba kasi sinabi iyon? Tapos may kasama pang halik. Shookt...Napahawak na naman ako sa labi ko. Ano ba naman 'yan, itong kamay ko kusang kumikilos. Hindi nakikisama sa akin. Malalim akong humingi habang sapu-sapo ang dibdib ko. 'Rhea, Calm down bakla si Lucas lang iyan.' Anya ko sa sarili ko. Kahit pa kinikilig ako, ayoko
Lumipas ang isang buwan"Araw ng kasal"RHEA'sTHIS is it! Ikakasal na ako sa lala-este baklang nakakita lang sa akin sa daan noong napalayas ako ni Aling Mercy. Kasalukuyan akong nag-iisa sa terrace ng isang kwarto na nilaan sa akin ng Mama ni Lucas. Wala pa kasi iyong mag-aayos sa akin kaya napag-desisyunan kong magpahangin na lang muna at mag-isip-isip. Ikakasal na ako ng hindi man lang mahahatid ni Papa sa altar. Hindi ko maiwasan na hindi sila maalala lalo na sa okasyon ngayon. Ito kasi iyong pangarap nila sa akin noong una palang. I am thankful though, hindi ko kasi akalaing mag-vo-volunteer si Don Lucio na ihatid ako kahit hindi naman kami gaanong close dahil hanggang ngayon I still feel intimidated.Napaluha na lang ako sa mga nangyari saka pumikit, "Pa, Kuya, ikakasal na ako pero wala na kayo. Kayo pa naman din ang nagsabi na kayo ang maghahatid sa akin sa altar kung sakaling ikasal ako. Si Mam
THIRD PERSON's POV. HINDI maalis ang ngiti ng mga taong dumalo sa kasal nina Lucas at Rhea.Karamihan sa mga dumalo ay ang mga kamag-anak ng pamilyang Villareal at kaibigan ni Lucas kasama na ang mga bakla. Mga petals na nagkalat sa paligid na tila kasing kulay ng Cherry Blossom. Mga Pink and White Roses na mas lalong nagbibigay ng Romantic Ambience. Lalo pa silang nasiyahan ng tumunog na ang Bell at lumabas ang Pari hudyat na sisimulan na ang kasal.Kasabay ng pagtugtog ng mga inarkilang musicians ay ang paglakad ni Lucas patungo sa aisle. Hindi naman maiwasan na tumili ang mga babae dahil sa angking kagwapuhan nito na labis naman ikanadiri ng huli. Hindi rin nagtagal ay ang Mag-asawang Lucianda at Adam ang naglakad sa gitna at umupo sa upuan na para sa kanila. At syempre ang pinakahiihntay ng lahat ay ang pagdating ng bride kasama ang escort nitong si Don Lucio. Lahat ng mga bisita ay napahanga
After five months...THIRD PERSON's POV. PAGOD na nagkatinginan sina Kaley at 'yong iba pang kaibigan ni Lucas sa kanya. Maging sina Luciana, Lucia at Luca ay nayayamot na habang pinagmamasdan ang kapatid na palakad-lakad sa harapan nila."Kuya, Can you just sit?! I'm feeling dizzy because of you!" Reklamo ni Lucia kay Lucas na napakagat na lang sa sariling kuko dala ng nerbyos. "She's right Lucas. Walang mangyayaring masama kay Rhea okay?" Paninigurado naman ni Rave. "I can't." Iling ni Lucas. "I did some research online and it says, masakit daw ang manganak. Baka nasasaktan ang asawa ko." Nag-aalalang dagdag pa nito. Nanggigigil na napatayo naman si Ruffa sa upuan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lucas."Calm down, Mars. She will be okay." Anya pa ng beki. Pagkaraan ay siya na rin mismo ang nagpaupo kay Lucas sa inupuan niya kanina. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Midwife na nagpaanak kay Rhea kaya agad na dinalungan ito ni Lucas. "Kamusta ang lagay ng a
THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali.How dare him!Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa.May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawalan ng m
RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo
RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin
RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir
LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl
THIRD PERSON's POV.KASALUKUYANG bumibiyahe pabalik sa syudad sila Ruffa kasama ang mga kapatid ni Lucas. Tahimik ang lahat maliban sa dalawa na sina Kaley at Lucia na laging nag-a-away. "Tigil-tigilan mo akong bakla ka! Wala ako sa mood." Naiinis na saway ni Lucia kay Kaley. Si Kaley ang nagmamaneho gaya ng dati at si Lucia naman ang nasa passenger seat. Si Rave walang ganap, busy sa headphone niya gaya ni Nicole na katabi ni Luca."Oh talaga?" Asar ni Kaley sa babae. "Ang lakas mo ngang magsuot ng two piece eh, flat naman iyong dibdib mo.""You pervert!" Nanggigigil na singhal ni Lucia at binigyan ito nang masamang tingin. Hindi naman kasi makaganti ang babae dahil ito angnagmamaneho gaya ng unang pumunta sila sa Baguio.Iniwas niya na lang ang sarili niya kahit na nangangati na siyang suntukin ang katabi dahil sa pang-aasar nito. Mahirap na at baka ma-aksidente pa sila. "Fl-" Nahinto si Kaley sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ng dalaga. Kinuha naman ni Lucia ang cellphon
THIRD PERSON's POV."Are you sure na dito na lang kita ihatid?" Pag-uulit ni Clinton kay Rhea nang makababa sa sasakyan. Nandito na kasi sila sa tapat ng condo building ni Lucas. "Yup! Magta-taxi na lang ako mamaya. I know na ngayon ang pasok mo sa trabaho dahil 2 days ka lang. Masyado na akong nakakaabala sa iyo." Alanganing napangiti ang babae. "Fine! but if you need anything just call me." Napipilitang anya ni Clinton. Ayaw man niyang iwan mag-isa ang babae ngunit kailangan sapagkat maraming naghihintay na gawain sa kanya sa Agency.Napatawa naman si Rhea dahil halatang napipilitan lamang ang lalaki sa pag-iwan sa kanya."Opo, Sige na umalis ka na baka ma-late ka pa." Pantataboy nito pagkaraan ay niyakap ang lalaki dala na rin ng pasasalamat niya. Si Clinton ang unang pumutol ng yakap at hinalikan sa noo ang babae. Pagkatapos ay lumakad na ito patungong driver's seat. Ngunit bago ito pumasok ay tumingin muna ito muli sa kanya."One more thing, text me your new address. Okay?" P
THIRD PERSON's POV."Gising ka na pala." Bati ng kakapasok na si Lucas hawak-hawak ang isang tray ng pagkain. Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Rhea sa kumot na nagkukubli sa kanyang kahubaran.Napansin naman ito ni Lucas. Inilapag niya ang pagkain sa may bed side table at naiilang na tumingin sa babae. "Ano...K-kain ka m-muna." Hindi makatingin na sabi nito.Lumakad naman patungo si Lucas sa mga gamit niya at kumuha ng damit na pwedeng ipasuot sa asawa.Pagkakita ay tahimik niya itong inabot, "Oh, S-suotin mo muna. Alam kong h-hindi k-ka k-kumportable." Nahihiyang tinanggap naman ito ng huli at dahan-dahang kumilos paalis ng kama, habang takip-takip ng kumot. Hindi naman nito mapigilang mapasinghap nang maramdaman siya ng sakit sa pagkababae niya,"Ouch!" Atungal niya pa bago muling napaupo sa gilid ng kama. Nag-aalalang lumapit naman si Lucas sa asawa saka naupo sa tabi nito. "A-about what happened last night..." Panimula ng namumulang si Lucas at saglit na napahinto, tila