Sa paglipas ng pitong taon, nasa Germany si Lauren kasama ang babaeng anak na si Catherine. Pumunta sila ngayon sa airport at sumakay ng eroplano papuntang Pilipinas. Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe sa ere, hindi maiwasan ni Lauren na maalala ang mapait na nakaraan habang nakatanaw sa malawak na karagatan sa ibaba. Naaalala niya kung papaano niya nilabanan ang malalakas na hampas ng alon sa mga oras na iyon ngunit hindi siya sumuko hanggang sa mayroong tumulong sa kanyang mangingisda na dinala siya sa dalampasigan. Nakaligtas man siya matapos na ipatapon ng dating asawa at step-sister sa karagatan pero hindi niya na magawang bumalik sa kanilang bayan dahil wala na siyang mababalikan. Nalaman niya ring ipinalabas nilang isang aksidente lamang ang pagkamatay ng ama habang ipinakalat din nila na sumama siya sa ibang lalaki. Napagdesisyunan naman ni Lauren na palitan ang kanyang pagmumukha at ang kanyang pangalan bilang Estrella Watson. At ngayon, nagbabalik siya sa San Lo
Sa sobrang gulat ni Estrella, napaatras siya sa kama at tatawagin sana ang nurse nito pero nakita niyang patuloy pa ring gumagalaw ang kanyang mga daliri. "N-Nicholas??" Tawag niya at sinundot ang kanyang balikat ngunit hindi ito tumutugon. Nilapitan niya ulit ito pero natapilok ang kabila niyang paa kaya siya natumba sa ibabaw ng asawa. Narinig niya rin itong napadaing ng mahina. "Sorry sorry." Mabilis na tumayo si Estrella at inayos ang sarili. Sinubukan niya itong alalayan para makaupo pero medyo mabigat ang pangangatawan ni Nicholas kaya hinayaan niya nalang ito sa ganoong posisyon. "K-kamusta ka?" Tanong ni Estrella habang kinakaway ang kaliwang palad malapit sa mukha nito. Nakatitig lang ng deretso ang mga mata ni Nicholas sa namumula niyang mukha. Naiilang tuloy si Estrella sa paraan ng kanyang pagtitig kaya siya napatingin sa ibang direksyon. Kinikilabutan pa rin siya na bigla itong nagising matapos niya itong kausapin. Nasabi sa kanya ni Lola Conchita na m
AKALA ni Estrella ay madali lang kausapin si Oliver pero para itong estatwa na nakatitig sa kanya. Mukhang naiinis ito dahil sa bigla niyang pagsinggit sa kanilang usapan. "Can you wait for me after this?" Malamig na tugon ni Oliver. Tumango si Estrella at tumayo sa gilid, naghihintay na matapos sila sa kanilang pag-uusap. Matapos ang ilang minuto, nagsi-alisan na ang mga kasamahan ni Oliver, napalingon siya sa direksyon ni Estrella na walang ideya kung ano ang sunod na gagawin. "Ihatid mo ako sa ika-pitong palapag." Utos ni Oliver, dumeretso siya sa elevator at sumunod sa kanyang likuran si Estrella na mas lalong kinabahan. Pinindot niya rin ang button sa palapag na iyon kung saan namamahinga si Oliver sa isang presidential suite. "Saang kwarto po ba kayo naka-book sir?" Tanong ni Estrella paglabas nila doon sa elevator. Tahimik lang si Oliver na lumapit sa pintuan na may numerong nakaukit na 1307, inilabas niya ang kanyang key card at ini-swipe doon sa door card kay
"Nagkakilala na ba tayo?" Malumanay na tanong ni Estrella kay Oliver. Mas lalong naguluhan si Oliver kung ano ba ang nais nitong iparating. "No. Ngayon lang kita nakita." "Seven years ago? Isa ka ba sa dumalo sa party ng pamilya Chua?" Nauutal pa niyang tanong, umaasang malalaman kung tama ba ang kanyang hinala. Wala namang maalala si Oliver sa nangyari noon kaya siya napailing. "Are you trying to distract me, Estrella?" Isip niya na baka pinapaikot lang siya nito para hindi niya ituloy ang gagawin. "Stop it. Hindi mo ako mapapaikot sa mga salita mo." "Just answer my question and hahayaan kitang gawin ang gusto mo. Nandoroon ka ba sa gabing iyon??" Pag-uulit ni Estrella. Pansin ni Oliver na seryoso ito kaya sinubukan niyang alalahanin ang nakaraan na pumunta siya sa mansyon ng mga Chua. Wala siyang maalala dahil sa dami niyang napuntahan pero magsisinungaling siya para makaisa. "Wala akong maalala but maybe, I was there." Sagot ni Oliver. Ramdam ni Estrella na pinagl
"Okay, bababa na ako ngayon." Pagbaba ni Estrella sa hagdan, dumeretso siya sa living room at nakita si Lola Conchita na may kinakausap na batang lalaki na pansin niyang kamukhang-kamukha ni Nicholas. Tingin niya kaedad lamang ito ng kanyang anak na si Catherine na anim na taong gulang pa lang. Nakasuot naman ang batang lalaki ng plain white shirt at brown na pants. Mataba ang pisnge nito na masarap kurutin. Ang alam ni Estrella, pangalan nito ay Nikolai na inampon ni Nathan mula sa isang orphanage pero pansin niyang may pagkakahalintulad siya kay Nicholas. Pagkakamalan talagang anak ni Nicholas ito dahil sa pagkakahawig nila. Lumapit si Estrella sa gawi ng matanda at bumati. "Magandang tanghali, Lola Conchita. P-pasensiya na po dahil natagalan ako ng gising." Ngumiti lang ang matanda sa kanya. "It's okay. I understand but next time you have to be early." Mabilis niyang binalik ang tingin sa bata. "Nikolai, ito pala ang iyong Tita Estrella, ang asawa ng iyong Tito Nichol
Naningkit ang mga mata ni Nicholas nang marinig ang sinabi ni Estrella. Alam ni Estrella na hindi siya makapaniwala na ipinakasal siya ng kanyang Lola Conchita kahit wala siyang kamalayan. "T-tatawagin ko muna ang doctor mo." Sinubukan ni Estrella na tanggalin ang mahigpit nitong pagkakahawak sa kanyang kamay. "No. We need to talk." Pinigilan siya ni Nicholas na umalis. "Gusto kong malaman kung bakit mo ba ako pinakasalan??" Seryoso niyang tanong. Hindi kaagad makasagot si Estrella, hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin. Nakahinga siya ng maluwag nang biglang bumukas ang pintuan at nakita nila ang doctor na nasurpresa rin na makitang gising na ang pasyente. Kaagad na nag-inspect si Dr. Alexis Sanchez sa vitals ni Nicholas kaya tumabi muna si Estrella na natulala saglit. "Kailan lang siya nagising?" Tanong ni Dr. Sanchez kay Estrella habang tinututukan ng flashlight ang mga mata nito."Nagising siya matapos ko siyang punasan." Sagot ni Estrella, pero hindi niya na sinabi na
"Ano bang nais mong iparating Alexis??" Mayroong inis sa boses ni Nicholas. Hindi pa rin siya komportable na binabanggit ang pangalan na iyon. "Calm down. I'm not teasing you. As a doctor I'm just glad na nagkaroon ka ulit ng erectile function. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin dati na ang huli mong sexual interaction ay doon sa dating asawa ng kapatid mo. Himalang nakaisa ka sa asawa mo ngayon, so I advice na maging malapit ka lalo sa kanya para tuluyan kang gumaling. Wala namang problema doon kasi legal mo siyang asawa." Advice ni Dr. Sanchez pero kita niya sa mukha nito na hindi ito sang-ayon. Ayaw niya namang pilitin ito sa bagay na hindi siya komportable. Tanging magagawa niya muna ay abisuhan ito para panatilihing maayos ang kalusugan. Paglabas ni Dr. Sanchez sa kwarto, nakita niya si Estrella na nakatayo sa sulok. "Kamusta siya?" "Mrs. I figured out that he regained his male function." Ipinaalam ni Dr. Sanchez ang bagay tungkol sa erectile dysfunction na sakit ni Nichola
Nataranta si Estrella sa kung ano ang gagawin. Naunahan siya ng kaba dahil nanumbalik sa kanya ang mga panahong nagkaroon ng allergic reaction ang sariling anak na muntikan ng malagutan ng hininga. Naabutan nina Yaya Merrill kasama ang mag-asawang si Nathan at Janice na nagkaroon ng allergic reaction si Nikolai. Pati rin sila ay nataranta pero mabuting kaagad na nailabas ni Yaya Merrill ang gamot nito. Itinurok niya sa balikat nito ang epinephrine at mayamaya pa nawala ang pamumula ni Nikolai. "Muntik mo ng patayin ang anak ko!" Sigaw ni Janice. Matalim niyang tiningnan si Estrella na sobrang nag-aalala sa lagay ng bata. "I'm so sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin ni Estrella. "Hindi sinasadya? O sinadya mo lang talaga para mawalan kami ng tagapagmana? Estrella, huwag ako! Alam ko kung anong binabalak mo!" Walang preno ang bibig nitong magbintang. "Janice, mag-ingat ka sa pananalita mo. Bakit ko naman iyon gagawin sa inosenteng bata?" Nabubuwiset si Estrella sa pagmumukha ni J