Share

CHAPTER 4-REMEMBER

AKALA ni Estrella ay madali lang kausapin si Oliver pero para itong estatwa na nakatitig sa kanya. Mukhang naiinis ito dahil sa bigla niyang pagsinggit sa kanilang usapan.

"Can you wait for me after this?" Malamig na tugon ni Oliver.

Tumango si Estrella at tumayo sa gilid, naghihintay na matapos sila sa kanilang pag-uusap. Matapos ang ilang minuto, nagsi-alisan na ang mga kasamahan ni Oliver, napalingon siya sa direksyon ni Estrella na walang ideya kung ano ang sunod na gagawin.

"Ihatid mo ako sa ika-pitong palapag." Utos ni Oliver, dumeretso siya sa elevator at sumunod sa kanyang likuran si Estrella na mas lalong kinabahan.

Pinindot niya rin ang button sa palapag na iyon kung saan namamahinga si Oliver sa isang presidential suite.

"Saang kwarto po ba kayo naka-book sir?" Tanong ni Estrella paglabas nila doon sa elevator.

Tahimik lang si Oliver na lumapit sa pintuan na may numerong nakaukit na 1307, inilabas niya ang kanyang key card at ini-swipe doon sa door card kaya ito tumunog at bumukas.

Nalilito naman si Estrella kung papasok din ba siya pero sinenyasan siya nito na sumunod sa loob. Pagpasok niya, namangha siya na makita ang maaliwalas na kwarto at view sa labas. Mayroon ding mga naka-display na mga modernong kagamitan na dolyares ang halaga.

Habang napapatingin siya sa paligid, narinig niya ang pagpatay ng ilaw. Napalingon siya kay Oliver na naglakad papalapit sa kanya at akma siyang hahalikan.

"L-lasing ka po Sir Oliver." Pigil niya at naamoy din ang hininga nitong amoy alak.

Bahagyang tumingin si Oliver sa mukha niya at nagtaka. "Papaano mo nalaman ang pangalan ko??" Seryoso niyang tanong.

Pekeng pangalan kasi ang ginagamit niya sa publiko para masiguro ang kaligtasan at piling mga tao lang ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao.

Napalunok ng laway si Estrella at hindi alam kung papaano iyon ipapaliwanag pero naghanap siya ng idadahilan. "N-narinig ko lang po na ganoon ang tawag sa inyo ng lalaking kausap niyo kanina sa baba. Tsaka, a-ano po palang pinag-usapan ninyo ni Mr. Chua?"

Nagdududa si Oliver na pagmasdan ang pamilyar niyang mga mata. "Bakit mo ba iyon tinatanong??"

"A-ano kasi, may nagsabi sa akin na huwag mo ituloy na makipag-ugnayan kay Nathaniel dahil masama ang mga binabalak niya." Dagdag pa ni Estrella.

"Sino ba siya para pagsabihan ako sa gagawin ko?" Nagitla si Estrella sa bigla nitong pagkahawak sa magkabila niyang balikat.

Itinanggal din ni Oliver ang facemask na nakatakip sa mukha niya at naningkit ang mga mata niya na maaninag ang hitsura ni Estrella.

Wala ng choice si Estrella kung hindi magpakilala.

"Ako si Estrella Gomez. Ang bagong asawa ni Nicholas Chua. Alam kong may masamang binabalak ang kapatid niya laban sa akin." Ani ni Estrella at inilugay ang nakataling buhok.

Napatango si Oliver pero wala siyang balak na tumulong ng walang kapalit. "I'm willing to help you pero gusto kong bigyan mo ako ng pabor."

Napakurap si Estrella at kinakalma ang sarili. "Kung tunay kang kaibigan ni Nicholas, huwag mong hayaan na sirain siya ni Nathan. Wala siyang matinong plano." Dikta niya pa.

"Alam ko. Pero papaano kita tutulungan kung hindi mo ako papaburan??" Nakangising sabi ni Oliver.

Ramdam ni Estrella ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso sa pagdikit ng kanilang katawan. "Kung ano man ang binabalak mo, huwag mo ng ituloy."

Napailing si Oliver. Hindi siya papayag na hindi makuha ang kagustuhan. "So ayaw mo ng tulong ko? It's so simple, Estrella. Ibigay mo ang gusto ko, ibibigay rin ko ang gusto mo. Quits."

Bumuntong hininga si Estrella at umiiwas kay Oliver pero ayaw siya nitong bitiwan. "Sleep with me and I won't help him anymore." Bulong niya.

Nanindig ang balahibo ni Estrella sa pagtama ng mainit nitong hininga sa kanyang balat. "I can't do that. Bago lang ako ikinasal kay Nicholas." Walang balak si Estrella na pagtaksilan ang asawa kahit na hindi niya ito mahal.

"Ano naman kung magtataksil ka sa kanya? Wala siyang kamalayan kaya wala kang dapat na ikabahala. We can keep this a secret from him." Panghihikayat ni Oliver, hinawakan niya ang beywang nito pero inalis ni Estrella ang kanyang mga nakapulupot na kamay.

"Sinabi ng ayaw ko!" Pagtatanggi ni Estrella at bigla siya nitong hinalikan sa labi kaya niya ito nasampal sa mukha.

Nanlaki ang mga mata ni Oliver na napatingin sa kanya at uminit ang kanyang ulo. "Ibang klase ka..." Halos pabulong niyang sabi.

Mabilis namang tumakbo si Estrella patungo sa pintuan pero hindi niya ito mabuksan. Natatakot siya na baka anong gawin sa kanya ni Oliver.

"Do you really think I'd let you go after that??" Bakas sa boses ni Oliver ang galit kaya natataranta si Estrella na naghanap ng malulusutan.

"I will teach you a lesson." Akma siyang hahablutin ni Oliver pero mabilis na nakaiwas si Estrella at sinipa siya sa gitna ng kanyang hita.

Napadaing si Oliver at muntik ng matumba pero pinatulan niya ang babae. Nahuli niya ang binti nito at hinila ng malakas kaya natumba si Estrella at nahampas sa sahig.

Nahilo si Estella dahil tumama ang kanyang ulo. Naramdaman niyang binuhat siya ni Oliver papunta sa kama.

"Hindi mo magugustuhan kung itutuloy ko ang pagtulong kay Nathan, diba?" Pumatong siya sa ibabaw ni Estrella na nagpupumiglas pero medyo nanghihina na siya dahil sa pagkakabagok.

Nagsisisi siya kung bakit siya nagpadalos-dalos ng desisyon at ngayon nasa kamay siya ni Oliver na may masamang binabalak.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Estrella. Pinipilit niya pa ring makawala pero mas malakas si Oliver na mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila niyang kamay.

"Ikaw ang may kailangan sa akin kaya huwag ka ng mag-inarte!" Inis na sabi ni Oliver habang itinatanggal ang butones ng blouse ni Estrella.

Pinaghahalikan siya ni Oliver sa leeg at hindi maiwasan ni Estrella na manginig. Bigla niya namang naamoy ang isang pamilyar na pabango nito.

Lalong nanghina si Estrella na naalala ang misteryosong lalaki na nakasama niya noong gabing iyon.

Saglit na natigilan si Oliver, napatingin sa reaksyon ng mukha ni Estrella. "I was wondering. Kung tutulungan ko si Nathan, ano bang mangyayari sayo? Pwede mo naman sabihin sa akin kung bakit."

Walang reaksyon si Estrella na patuloy na inaalala ang nakaraan. Naisip niyang isang posibilidad na baka si Oliver ang lalaking iyon na nakabuntis sa kanya.

"Hey?" Tawag sa kanya ni Oliver na medyo naguguluhan kung bakit ito nanahimik.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status