"Okay, bababa na ako ngayon." Pagbaba ni Estrella sa hagdan, dumeretso siya sa living room at nakita si Lola Conchita na may kinakausap na batang lalaki na pansin niyang kamukhang-kamukha ni Nicholas. Tingin niya kaedad lamang ito ng kanyang anak na si Catherine na anim na taong gulang pa lang. Nakasuot naman ang batang lalaki ng plain white shirt at brown na pants. Mataba ang pisnge nito na masarap kurutin. Ang alam ni Estrella, pangalan nito ay Nikolai na inampon ni Nathan mula sa isang orphanage pero pansin niyang may pagkakahalintulad siya kay Nicholas. Pagkakamalan talagang anak ni Nicholas ito dahil sa pagkakahawig nila. Lumapit si Estrella sa gawi ng matanda at bumati. "Magandang tanghali, Lola Conchita. P-pasensiya na po dahil natagalan ako ng gising." Ngumiti lang ang matanda sa kanya. "It's okay. I understand but next time you have to be early." Mabilis niyang binalik ang tingin sa bata. "Nikolai, ito pala ang iyong Tita Estrella, ang asawa ng iyong Tito Nichol
Naningkit ang mga mata ni Nicholas nang marinig ang sinabi ni Estrella. Alam ni Estrella na hindi siya makapaniwala na ipinakasal siya ng kanyang Lola Conchita kahit wala siyang kamalayan. "T-tatawagin ko muna ang doctor mo." Sinubukan ni Estrella na tanggalin ang mahigpit nitong pagkakahawak sa kanyang kamay. "No. We need to talk." Pinigilan siya ni Nicholas na umalis. "Gusto kong malaman kung bakit mo ba ako pinakasalan??" Seryoso niyang tanong. Hindi kaagad makasagot si Estrella, hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin. Nakahinga siya ng maluwag nang biglang bumukas ang pintuan at nakita nila ang doctor na nasurpresa rin na makitang gising na ang pasyente. Kaagad na nag-inspect si Dr. Alexis Sanchez sa vitals ni Nicholas kaya tumabi muna si Estrella na natulala saglit. "Kailan lang siya nagising?" Tanong ni Dr. Sanchez kay Estrella habang tinututukan ng flashlight ang mga mata nito."Nagising siya matapos ko siyang punasan." Sagot ni Estrella, pero hindi niya na sinabi na
"Ano bang nais mong iparating Alexis??" Mayroong inis sa boses ni Nicholas. Hindi pa rin siya komportable na binabanggit ang pangalan na iyon. "Calm down. I'm not teasing you. As a doctor I'm just glad na nagkaroon ka ulit ng erectile function. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin dati na ang huli mong sexual interaction ay doon sa dating asawa ng kapatid mo. Himalang nakaisa ka sa asawa mo ngayon, so I advice na maging malapit ka lalo sa kanya para tuluyan kang gumaling. Wala namang problema doon kasi legal mo siyang asawa." Advice ni Dr. Sanchez pero kita niya sa mukha nito na hindi ito sang-ayon. Ayaw niya namang pilitin ito sa bagay na hindi siya komportable. Tanging magagawa niya muna ay abisuhan ito para panatilihing maayos ang kalusugan. Paglabas ni Dr. Sanchez sa kwarto, nakita niya si Estrella na nakatayo sa sulok. "Kamusta siya?" "Mrs. I figured out that he regained his male function." Ipinaalam ni Dr. Sanchez ang bagay tungkol sa erectile dysfunction na sakit ni Nichola
Nataranta si Estrella sa kung ano ang gagawin. Naunahan siya ng kaba dahil nanumbalik sa kanya ang mga panahong nagkaroon ng allergic reaction ang sariling anak na muntikan ng malagutan ng hininga. Naabutan nina Yaya Merrill kasama ang mag-asawang si Nathan at Janice na nagkaroon ng allergic reaction si Nikolai. Pati rin sila ay nataranta pero mabuting kaagad na nailabas ni Yaya Merrill ang gamot nito. Itinurok niya sa balikat nito ang epinephrine at mayamaya pa nawala ang pamumula ni Nikolai. "Muntik mo ng patayin ang anak ko!" Sigaw ni Janice. Matalim niyang tiningnan si Estrella na sobrang nag-aalala sa lagay ng bata. "I'm so sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin ni Estrella. "Hindi sinasadya? O sinadya mo lang talaga para mawalan kami ng tagapagmana? Estrella, huwag ako! Alam ko kung anong binabalak mo!" Walang preno ang bibig nitong magbintang. "Janice, mag-ingat ka sa pananalita mo. Bakit ko naman iyon gagawin sa inosenteng bata?" Nabubuwiset si Estrella sa pagmumukha ni J
Tinawanan lamang ni Estrella ang hapdi na naramdaman niya sa kanyang pisnge. "Oh? Bakit ka galit? Akala ko ba haka-haka lang ang mga iyon?" Nagugustuhan ni Estrella na makita sa mga mata ng dating step-sister na guilty ito sa mga nagawa niya sa pamilya De Silva. Nanigas si Janice sa kanyang kinatatayuan habang pinipigilan ang mga namumuong luha sa mata. Sobrang triggered siya sa tuwing binabanggit ang tungkol sa mga taong kanilang pinaslang kapalit ng mga nakaw na yaman. Magmula noong nagkaroon ng malubhang sakit ang ama ni Estrella na si Don Miguel De Silva, kinuha kaagad iyon na opportunidad ng ina ni Janice na si Beatrice Meneses para kunin ang mga yaman ng pamilya. Naging kasabwat din si Janice na patumbahin si Lauren at sa tulong ni Nathan, napagtagumpayan nila ng kanyang ina na alisin ang pangalan nila ngunit hanggang ngayon, hindi niya mapagkakaila na usap-usapan pa rin sa kanilang bayan ang biglang pagkawala ng pamilya De Silva. "Wala kang pinagkaiba sa mga bobong tao na g
Nasurpresa si Estrella nang makita si Nikolai na nakatayo sa hagdan. Hindi niya inasahan na magsasalita ang batang ito na inakala niyang hindi siya gusto bilang asawa ng kanyang uncle. Nagitla ang mag-asawa dahil sa pagsulpot ng bata, hindi rin nila inasahan na sisirain nito ang kanilang plano. "Nikolai, go back to the clinic. You need to rest." Sinenyasan siya ni Janice na bumalik pero hindi ito nakinig. Bumaba si Nikolai at nagpunta papalapit sa kanyang lola. "I saw it, lola. Janice is lying." Sumbong niya pa. Nanlaki ang mga mata ni Janice, "What? Nikolai? I am your mom! Tinuturuan ka ba ng babaeng 'yan para magsinungaling ha??" "No, you're the one who's teaching me how to lie." Sagot ni Nikolai. Malakas na ang loob niya na kalabanin ang mag-asawa dahil bago na-aksidente si Nicholas, naging legal custodian niya rin ito kaya siya nanatili sa puder nito. Hindi naging responsableng magulang sina Nathan at Janice kaya napilitan si Nicholas na kunin ang bata. Walang alinlangan nam
NAGKULONG sa loob ng banyo si Lauren, at kanina pa nakatitig sa hawak na pregnancy test. Nakita niyang mayroong lumabas na dalawang linya, which means positibo ang resulta at dapat siyang maging masaya na natupad na ang kahilingan niyang magkaroon ng anak. Ngunit nabalot siya ng pangamba dahil hindi siya sigurado kung si Nathan ba ang tunay na ama ng dinadala niya. Naaalala niya pa ang gabing iyon na nagising siyang hubo't hubad katabi ang isang lalaki na hindi niya maaninag ang buong mukha dahil madilim ang kwarto. "Nathan??" Tawag niya sa lalaki pero hindi ito umimik. Nagmamadali itong kinuha ang mga nagkalat niyang damit sa sahig para magbihis. "Darling, can you please turn on the lights?" Suyo ni Lauren pero hindi ito sumunod kaya siya naguguluhan. Napaupo siya sa kama at sinubukan na abutin ang lampara sa mesa para buksan ang ilaw. Bago niya pa mabuksan ang ilaw, nakalabas na ang lalaki sa pintuan. Napakamot ng ulo si Lauren kung bakit hindi namamansin ang asawa mata
Sa paglipas ng pitong taon, nasa Germany si Lauren kasama ang babaeng anak na si Catherine. Pumunta sila ngayon sa airport at sumakay ng eroplano papuntang Pilipinas. Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe sa ere, hindi maiwasan ni Lauren na maalala ang mapait na nakaraan habang nakatanaw sa malawak na karagatan sa ibaba. Naaalala niya kung papaano niya nilabanan ang malalakas na hampas ng alon sa mga oras na iyon ngunit hindi siya sumuko hanggang sa mayroong tumulong sa kanyang mangingisda na dinala siya sa dalampasigan. Nakaligtas man siya matapos na ipatapon ng dating asawa at step-sister sa karagatan pero hindi niya na magawang bumalik sa kanilang bayan dahil wala na siyang mababalikan. Nalaman niya ring ipinalabas nilang isang aksidente lamang ang pagkamatay ng ama habang ipinakalat din nila na sumama siya sa ibang lalaki. Napagdesisyunan naman ni Lauren na palitan ang kanyang pagmumukha at ang kanyang pangalan bilang Estrella Watson. At ngayon, nagbabalik siya sa San Lo