Share

CHAPTER 9-INSULT

Nataranta si Estrella sa kung ano ang gagawin. Naunahan siya ng kaba dahil nanumbalik sa kanya ang mga panahong nagkaroon ng allergic reaction ang sariling anak na muntikan ng malagutan ng hininga.

Naabutan nina Yaya Merrill kasama ang mag-asawang si Nathan at Janice na nagkaroon ng allergic reaction si Nikolai. Pati rin sila ay nataranta pero mabuting kaagad na nailabas ni Yaya Merrill ang gamot nito. Itinurok niya sa balikat nito ang epinephrine at mayamaya pa nawala ang pamumula ni Nikolai.

"Muntik mo ng patayin ang anak ko!" Sigaw ni Janice. Matalim niyang tiningnan si Estrella na sobrang nag-aalala sa lagay ng bata.

"I'm so sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin ni Estrella.

"Hindi sinasadya? O sinadya mo lang talaga para mawalan kami ng tagapagmana? Estrella, huwag ako! Alam ko kung anong binabalak mo!" Walang preno ang bibig nitong magbintang.

"Janice, mag-ingat ka sa pananalita mo. Bakit ko naman iyon gagawin sa inosenteng bata?"

Nabubuwiset si Estrella sa pagmumukha ni J
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status