Nataranta si Estrella sa kung ano ang gagawin. Naunahan siya ng kaba dahil nanumbalik sa kanya ang mga panahong nagkaroon ng allergic reaction ang sariling anak na muntikan ng malagutan ng hininga. Naabutan nina Yaya Merrill kasama ang mag-asawang si Nathan at Janice na nagkaroon ng allergic reaction si Nikolai. Pati rin sila ay nataranta pero mabuting kaagad na nailabas ni Yaya Merrill ang gamot nito. Itinurok niya sa balikat nito ang epinephrine at mayamaya pa nawala ang pamumula ni Nikolai. "Muntik mo ng patayin ang anak ko!" Sigaw ni Janice. Matalim niyang tiningnan si Estrella na sobrang nag-aalala sa lagay ng bata. "I'm so sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin ni Estrella. "Hindi sinasadya? O sinadya mo lang talaga para mawalan kami ng tagapagmana? Estrella, huwag ako! Alam ko kung anong binabalak mo!" Walang preno ang bibig nitong magbintang. "Janice, mag-ingat ka sa pananalita mo. Bakit ko naman iyon gagawin sa inosenteng bata?" Nabubuwiset si Estrella sa pagmumukha ni J
Tinawanan lamang ni Estrella ang hapdi na naramdaman niya sa kanyang pisnge. "Oh? Bakit ka galit? Akala ko ba haka-haka lang ang mga iyon?" Nagugustuhan ni Estrella na makita sa mga mata ng dating step-sister na guilty ito sa mga nagawa niya sa pamilya De Silva. Nanigas si Janice sa kanyang kinatatayuan habang pinipigilan ang mga namumuong luha sa mata. Sobrang triggered siya sa tuwing binabanggit ang tungkol sa mga taong kanilang pinaslang kapalit ng mga nakaw na yaman. Magmula noong nagkaroon ng malubhang sakit ang ama ni Estrella na si Don Miguel De Silva, kinuha kaagad iyon na opportunidad ng ina ni Janice na si Beatrice Meneses para kunin ang mga yaman ng pamilya. Naging kasabwat din si Janice na patumbahin si Lauren at sa tulong ni Nathan, napagtagumpayan nila ng kanyang ina na alisin ang pangalan nila ngunit hanggang ngayon, hindi niya mapagkakaila na usap-usapan pa rin sa kanilang bayan ang biglang pagkawala ng pamilya De Silva. "Wala kang pinagkaiba sa mga bobong t
Nasurpresa si Estrella nang makita si Nikolai na nakatayo sa hagdan. Hindi niya inasahan na magsasalita ang batang ito na inakala niyang hindi siya gusto bilang asawa ng kanyang uncle. Nagitla ang mag-asawa dahil sa pagsulpot ng bata, hindi rin nila inasahan na sisirain nito ang kanilang plano. "Nikolai, go back to the clinic. You need to rest." Sinenyasan siya ni Janice na bumalik pero hindi ito nakinig. Bumaba si Nikolai at nagpunta papalapit sa kanyang lola. "I saw it, lola. Janice is lying." Sumbong niya pa. Nanlaki ang mga mata ni Janice, "What? Nikolai? I am your mom! Tinuturuan ka ba ng babaeng 'yan para magsinungaling ha??" "No, you're the one who's teaching me how to lie." Sagot ni Nikolai. Malakas na ang loob niya na kalabanin ang mag-asawa dahil bago na-aksidente si Nicholas, naging legal custodian niya rin ito kaya siya nanatili sa puder nito. Hindi naging responsableng magulang sina Nathan at Janice kaya napilitan si Nicholas na kunin ang bata. Walang alinlangan nam
NAGKULONG sa loob ng banyo si Lauren, at kanina pa nakatitig sa hawak na pregnancy test. Nakita niyang mayroong lumabas na dalawang linya, which means positibo ang resulta at dapat siyang maging masaya na natupad na ang kahilingan niyang magkaroon ng anak. Ngunit nabalot siya ng pangamba dahil hindi siya sigurado kung si Nathan ba ang tunay na ama ng dinadala niya. Naaalala niya pa ang gabing iyon na nagising siyang hubo't hubad katabi ang isang lalaki na hindi niya maaninag ang buong mukha dahil madilim ang kwarto. "Nathan??" Tawag niya sa lalaki pero hindi ito umimik. Nagmamadali itong kinuha ang mga nagkalat niyang damit sa sahig para magbihis. "Darling, can you please turn on the lights?" Suyo ni Lauren pero hindi ito sumunod kaya siya naguguluhan. Napaupo siya sa kama at sinubukan na abutin ang lampara sa mesa para buksan ang ilaw. Bago niya pa mabuksan ang ilaw, nakalabas na ang lalaki sa pintuan. Napakamot ng ulo si Lauren kung bakit hindi namamansin ang asawa mata
Sa paglipas ng pitong taon, nasa Germany si Lauren kasama ang babaeng anak na si Catherine. Pumunta sila ngayon sa airport at sumakay ng eroplano papuntang Pilipinas. Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe sa ere, hindi maiwasan ni Lauren na maalala ang mapait na nakaraan habang nakatanaw sa malawak na karagatan sa ibaba. Naaalala niya kung papaano niya nilabanan ang malalakas na hampas ng alon sa mga oras na iyon ngunit hindi siya sumuko hanggang sa mayroong tumulong sa kanyang mangingisda na dinala siya sa dalampasigan. Nakaligtas man siya matapos na ipatapon ng dating asawa at step-sister sa karagatan pero hindi niya na magawang bumalik sa kanilang bayan dahil wala na siyang mababalikan. Nalaman niya ring ipinalabas nilang isang aksidente lamang ang pagkamatay ng ama habang ipinakalat din nila na sumama siya sa ibang lalaki. Napagdesisyunan naman ni Lauren na palitan ang kanyang pagmumukha at ang kanyang pangalan bilang Estrella Watson. At ngayon, nagbabalik siya sa San Lo
Sa sobrang gulat ni Estrella, napaatras siya sa kama at tatawagin sana ang nurse nito pero nakita niyang patuloy pa ring gumagalaw ang kanyang mga daliri. "N-Nicholas??" Tawag niya at sinundot ang kanyang balikat ngunit hindi ito tumutugon. Nilapitan niya ulit ito pero natapilok ang kabila niyang paa kaya siya natumba sa ibabaw ng asawa. Narinig niya rin itong napadaing ng mahina. "Sorry sorry." Mabilis na tumayo si Estrella at inayos ang sarili. Sinubukan niya itong alalayan para makaupo pero medyo mabigat ang pangangatawan ni Nicholas kaya hinayaan niya nalang ito sa ganoong posisyon. "K-kamusta ka?" Tanong ni Estrella habang kinakaway ang kaliwang palad malapit sa mukha nito. Nakatitig lang ng deretso ang mga mata ni Nicholas sa namumula niyang mukha. Naiilang tuloy si Estrella sa paraan ng kanyang pagtitig kaya siya napatingin sa ibang direksyon. Kinikilabutan pa rin siya na bigla itong nagising matapos niya itong kausapin. Nasabi sa kanya ni Lola Conchita na m
AKALA ni Estrella ay madali lang kausapin si Oliver pero para itong estatwa na nakatitig sa kanya. Mukhang naiinis ito dahil sa bigla niyang pagsinggit sa kanilang usapan. "Can you wait for me after this?" Malamig na tugon ni Oliver. Tumango si Estrella at tumayo sa gilid, naghihintay na matapos sila sa kanilang pag-uusap. Matapos ang ilang minuto, nagsi-alisan na ang mga kasamahan ni Oliver, napalingon siya sa direksyon ni Estrella na walang ideya kung ano ang sunod na gagawin. "Ihatid mo ako sa ika-pitong palapag." Utos ni Oliver, dumeretso siya sa elevator at sumunod sa kanyang likuran si Estrella na mas lalong kinabahan. Pinindot niya rin ang button sa palapag na iyon kung saan namamahinga si Oliver sa isang presidential suite. "Saang kwarto po ba kayo naka-book sir?" Tanong ni Estrella paglabas nila doon sa elevator. Tahimik lang si Oliver na lumapit sa pintuan na may numerong nakaukit na 1307, inilabas niya ang kanyang key card at ini-swipe doon sa door card kay
"Nagkakilala na ba tayo?" Malumanay na tanong ni Estrella kay Oliver. Mas lalong naguluhan si Oliver kung ano ba ang nais nitong iparating. "No. Ngayon lang kita nakita." "Seven years ago? Isa ka ba sa dumalo sa party ng pamilya Chua?" Nauutal pa niyang tanong, umaasang malalaman kung tama ba ang kanyang hinala. Wala namang maalala si Oliver sa nangyari noon kaya siya napailing. "Are you trying to distract me, Estrella?" Isip niya na baka pinapaikot lang siya nito para hindi niya ituloy ang gagawin. "Stop it. Hindi mo ako mapapaikot sa mga salita mo." "Just answer my question and hahayaan kitang gawin ang gusto mo. Nandoroon ka ba sa gabing iyon??" Pag-uulit ni Estrella. Pansin ni Oliver na seryoso ito kaya sinubukan niyang alalahanin ang nakaraan na pumunta siya sa mansyon ng mga Chua. Wala siyang maalala dahil sa dami niyang napuntahan pero magsisinungaling siya para makaisa. "Wala akong maalala but maybe, I was there." Sagot ni Oliver. Ramdam ni Estrella na pinagl