Share

CHAPTER 6-TOUCH

Author: Leigh Obrien
last update Huling Na-update: 2024-08-01 16:24:13

"Okay, bababa na ako ngayon."

Pagbaba ni Estrella sa hagdan, dumeretso siya sa living room at nakita si Lola Conchita na may kinakausap na batang lalaki na pansin niyang kamukhang-kamukha ni Nicholas.

Tingin niya kaedad lamang ito ng kanyang anak na si Catherine na anim na taong gulang pa lang. Nakasuot naman ang batang lalaki ng plain white shirt at brown na pants. Mataba ang pisnge nito na masarap kurutin.

Ang alam ni Estrella, pangalan nito ay Nikolai na inampon ni Nathan mula sa isang orphanage pero pansin niyang may pagkakahalintulad siya kay Nicholas. Pagkakamalan talagang anak ni Nicholas ito dahil sa pagkakahawig nila.

Lumapit si Estrella sa gawi ng matanda at bumati. "Magandang tanghali, Lola Conchita. P-pasensiya na po dahil natagalan ako ng gising."

Ngumiti lang ang matanda sa kanya. "It's okay. I understand but next time you have to be early." Mabilis niyang binalik ang tingin sa bata. "Nikolai, ito pala ang iyong Tita Estrella, ang asawa ng iyong Tito Nicholas."

Sumulyap si Nikolai sa kanya at ngumuso na parang naiinis. Mas lalong namangha si Estrella na titigan ang mukha niya ng malapitan at nagpa-alala ito sa kanya kay Catherine. Pareho pala silang may singkit na kulay kayumangging mata at maliit na nunal sa kaliwang pisnge.

"Nikolai, she's the wife of your Uncle Nicholas." Paliwanag ni Lola Conchita sa bata na walang ideya na kinasal pala ang tito niya kahapon.

Tumingin ulit si Lola Conchita kay Estrella. "Ikaw na muna ang bahala sa batang ito mula ngayon."

Tumango si Estrella na nilapitan si Nikolai at binati. "Hello, Nikolai. How are you?" Nginitian niya ito kahit nakasimangot sa kanya.

Isang lukso ng dugo ang naramdaman ni Estrella kay Nikolai, sobrang gaan din ng loob niya at mas lalo niyang na-miss ang nawawala niyang anak na lalaki na pinangalanan niyang Carson.

"I don't like you." Sabi ni Nikolai, umiwas siya ng tingin at naupo sa sofa para bumalik sa panonood sa kanyang gadget.

Nagkibit-balikat nalang si Estrella at hindi na ito pinilit para makipag-usap. Kita niyang mukhang stress na si Lola Conchita dahil sa ugali ng apo. "Ayos lang Lola Conchita, hindi lang siguro siya sanay sa ibang tao."

"Spoiled kasi ang batang ito at matigas ang ulo. Kaya maari bang ipaubaya ko sa iyo ang pag-aalaga sa kanya. Siguraduhin mong maayos ang lagay niya at magiging maayos din ang pakitungo ko sayo." Seryosong sabi ni Lola Conchita.

"Walang problema. Lola. Tungkulin kong alagaan ang asawa ko at pati na rin ang apo ninyo."

Nasisiyahan ang matanda sa pagiging handa niya sa mga bagay-bagay lalo na sa kasalan kahapon na mag-isa niyang ginawa ng walang anumang pagkakamali. "Dahil d'yan, may maganda akong balita para sa iyo. Pinag-utusan ko ang aking assistant na ipa-rehistro ang anak mo sa isang prestigious academy para doon na rin siya mag-aral kasama si Nikolai."

Medyo nagitla si Estrella sa binigay nito sa kanyang anak pero iyon talaga ang isa sa makukuha niyang benepisyo kapag nagpakasal siya kay Nicholas. "Maraming salamat po sa inyong tulong Lola Conchita."

"Besides, gusto kong bigyan ka ng trabaho sa aming clothing company para may magawa ka rin na ibang pagkaka-abalahan maliban sa pag-aalaga kay Nicholas at Nikolai. Sabihan mo lang ako kung gusto mo ng posisyon doon, makakapasok ka sa anumang oras." Dagdag pa ni Lola Conchita.

Ang Everlane clothing company ay pag-aari ng ama ni Estrella noon na ninakaw ni Janice at ng ina niyang si Beatrice. Nang nakipag-balikan kay Beatrice ang biological na ama ni Janice, sila na ang sumakop sa buong kompanya, inangkin nila ito na parang sila ang nagpatayo.

Isa iyon sa babawiin ni Estrella dahil mula iyon sa pinaghirapan ng ama na ninakaw lamang ng mga taong naghugas kamay sa kanyang pagkamatay. "Matatanggap ko ang iyong alok, Lola. Maraming salamat po ulit."

"Mabuti naman. Alam kong nakakapagod na palagi nalang umupo at magbantay kaya mas maganda na may trabaho kang gagawin pagkatapos mo siyang pagsilbihan."

Nag-usap sila ng matanda ng ilang minuto at tinuruan siya nito kung ano ang ibang gagawin upang pagsilbihan ang asawa. Nananghali muna si Estrella kasama ang matanda at ang apo nito bago bumalik sa kwarto.

Pagbalik niya sa kwarto, naghanda siya sa susunod na gagawin. Kumuha siya ng maliit na planggana na nilagyan ni Yaya Merrill ng maaligamgam na tubig. Kailangan niyang punasan ang katawan ng asawa dalawang beses sa isang araw, sa umaga at gabi. Gawain ito ng nurse ni Nicholas pero obligasyon na ito ni Estrella ngayon bilang asawa.

Nasa tabi na siya ng kama habang pinipiga ang malinis na puting towel tsaka unang pinunasan ang mga kamay at mukha ni Nicholas. Sunod niyang hinubad ang damit nito para punasan ang dibdib tsaka balikat.

Sanay naman si Estrella sa ganitong trabaho dahil naging caregiver siya sa Germany upang makaipon ng pera, pangtustos ng pangangailangan ng anak. Nakakapagod itong trabaho na tiniis niya ng ilang taon at ngayon babalik siya sa dating gawain pero sandali lamang ito, kaya niyang tiisin para lang makuha ang hustisya.

Yumuko ng kaunti si Estrella para tanggalin ang butones ng suot ni Nicholas. Pagtanggal nito, napansin niyang mayroon itong kalmot sa dibdib. Nagtataka si Estrella kung may nangyari ba dito. Tuluyan niyang pinunasan ang dibdib nito pababa sa tyan. May magandang pangangatawan si Nicholas kahit matagal na itong nakahilata.

Napatingin din siya sa ibabang bahagi ng katawan ng asawa at napalunok ng laway dahil mukhang may malaki itong alaga na itinatago.

Itinuturing nalang ni Estrella na isang kabayaran itong pagsisilbi niya kay Nicholas matapos niyang magtaksil kagabi.

Ilang beses ng sumagi sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Oliver at napapailing siya na maalala ang kabaliwang nagawa. Mayroon naman siyang natamong pasa sa katawan dahil sa pakikipag-rambol niya kay Oliver bago siya bumigay sa gusto nito.

Malapit na siyang matapos sa pagpupunas sa mga binti at paa ng asawa pero aksidente niyang nasagi ang private part nito. Nagulat si Estrella na makitang nagising ito ulit.

"S-sorry." Paumanhin ni Estrella. Balak niya sanang umalis para tawagan ang nurse niya pero hindi niya inasahan ang susunod na mangyayari.

Biglang hinila ni Nicholas ang kanyang kamay kaya siya nagitla.

"Sino ka?" Kasing-lamig ng kanyang katawan ang kanyang boses.

Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ni Estrella at parang hindi siya bibitawan.

"A-ako ang bago mong asawa." Natatarantang sagot ni Estrella at pansin niyang nasurpresa ito.

Kaugnay na kabanata

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 7-PRETENDER

    Naningkit ang mga mata ni Nicholas nang marinig ang sinabi ni Estrella. Alam ni Estrella na hindi siya makapaniwala na ipinakasal siya ng kanyang Lola Conchita kahit wala siyang kamalayan. "T-tatawagin ko muna ang doctor mo." Sinubukan ni Estrella na tanggalin ang mahigpit nitong pagkakahawak sa kanyang kamay. "No. We need to talk." Pinigilan siya ni Nicholas na umalis. "Gusto kong malaman kung bakit mo ba ako pinakasalan??" Seryoso niyang tanong. Hindi kaagad makasagot si Estrella, hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin. Nakahinga siya ng maluwag nang biglang bumukas ang pintuan at nakita nila ang doctor na nasurpresa rin na makitang gising na ang pasyente. Kaagad na nag-inspect si Dr. Alexis Sanchez sa vitals ni Nicholas kaya tumabi muna si Estrella na natulala saglit. "Kailan lang siya nagising?" Tanong ni Dr. Sanchez kay Estrella habang tinututukan ng flashlight ang mga mata nito."Nagising siya matapos ko siyang punasan." Sagot ni Estrella, pero hindi niya na sinabi na

    Huling Na-update : 2024-09-08
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 8-STUBBORN

    "Ano bang nais mong iparating Alexis??" Mayroong inis sa boses ni Nicholas. Hindi pa rin siya komportable na binabanggit ang pangalan na iyon. "Calm down. I'm not teasing you. As a doctor I'm just glad na nagkaroon ka ulit ng erectile function. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin dati na ang huli mong sexual interaction ay doon sa dating asawa ng kapatid mo. Himalang nakaisa ka sa asawa mo ngayon, so I advice na maging malapit ka lalo sa kanya para tuluyan kang gumaling. Wala namang problema doon kasi legal mo siyang asawa." Advice ni Dr. Sanchez pero kita niya sa mukha nito na hindi ito sang-ayon. Ayaw niya namang pilitin ito sa bagay na hindi siya komportable. Tanging magagawa niya muna ay abisuhan ito para panatilihing maayos ang kalusugan. Paglabas ni Dr. Sanchez sa kwarto, nakita niya si Estrella na nakatayo sa sulok. "Kamusta siya?" "Mrs. I figured out that he regained his male function." Ipinaalam ni Dr. Sanchez ang bagay tungkol sa erectile dysfunction na sakit ni Nichola

    Huling Na-update : 2024-09-15
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 9-INSULT

    Nataranta si Estrella sa kung ano ang gagawin. Naunahan siya ng kaba dahil nanumbalik sa kanya ang mga panahong nagkaroon ng allergic reaction ang sariling anak na muntikan ng malagutan ng hininga. Naabutan nina Yaya Merrill kasama ang mag-asawang si Nathan at Janice na nagkaroon ng allergic reaction si Nikolai. Pati rin sila ay nataranta pero mabuting kaagad na nailabas ni Yaya Merrill ang gamot nito. Itinurok niya sa balikat nito ang epinephrine at mayamaya pa nawala ang pamumula ni Nikolai. "Muntik mo ng patayin ang anak ko!" Sigaw ni Janice. Matalim niyang tiningnan si Estrella na sobrang nag-aalala sa lagay ng bata. "I'm so sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin ni Estrella. "Hindi sinasadya? O sinadya mo lang talaga para mawalan kami ng tagapagmana? Estrella, huwag ako! Alam ko kung anong binabalak mo!" Walang preno ang bibig nitong magbintang. "Janice, mag-ingat ka sa pananalita mo. Bakit ko naman iyon gagawin sa inosenteng bata?" Nabubuwiset si Estrella sa pagmumukha ni J

    Huling Na-update : 2024-09-15
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 10-LIAR?

    Tinawanan lamang ni Estrella ang hapdi na naramdaman niya sa kanyang pisnge. "Oh? Bakit ka galit? Akala ko ba haka-haka lang ang mga iyon?" Nagugustuhan ni Estrella na makita sa mga mata ng dating step-sister na guilty ito sa mga nagawa niya sa pamilya De Silva. Nanigas si Janice sa kanyang kinatatayuan habang pinipigilan ang mga namumuong luha sa mata. Sobrang triggered siya sa tuwing binabanggit ang tungkol sa mga taong kanilang pinaslang kapalit ng mga nakaw na yaman. Magmula noong nagkaroon ng malubhang sakit ang ama ni Estrella na si Don Miguel De Silva, kinuha kaagad iyon na opportunidad ng ina ni Janice na si Beatrice Meneses para kunin ang mga yaman ng pamilya. Naging kasabwat din si Janice na patumbahin si Lauren at sa tulong ni Nathan, napagtagumpayan nila ng kanyang ina na alisin ang pangalan nila ngunit hanggang ngayon, hindi niya mapagkakaila na usap-usapan pa rin sa kanilang bayan ang biglang pagkawala ng pamilya De Silva. "Wala kang pinagkaiba sa mga bobong t

    Huling Na-update : 2024-09-16
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 11-DEFEND

    Nasurpresa si Estrella nang makita si Nikolai na nakatayo sa hagdan. Hindi niya inasahan na magsasalita ang batang ito na inakala niyang hindi siya gusto bilang asawa ng kanyang uncle. Nagitla ang mag-asawa dahil sa pagsulpot ng bata, hindi rin nila inasahan na sisirain nito ang kanilang plano. "Nikolai, go back to the clinic. You need to rest." Sinenyasan siya ni Janice na bumalik pero hindi ito nakinig. Bumaba si Nikolai at nagpunta papalapit sa kanyang lola. "I saw it, lola. Janice is lying." Sumbong niya pa. Nanlaki ang mga mata ni Janice, "What? Nikolai? I am your mom! Tinuturuan ka ba ng babaeng 'yan para magsinungaling ha??" "No, you're the one who's teaching me how to lie." Sagot ni Nikolai. Malakas na ang loob niya na kalabanin ang mag-asawa dahil bago na-aksidente si Nicholas, naging legal custodian niya rin ito kaya siya nanatili sa puder nito. Hindi naging responsableng magulang sina Nathan at Janice kaya napilitan si Nicholas na kunin ang bata. Walang alinlangan nam

    Huling Na-update : 2024-09-17
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 12-POSITION

    Sinilip ng maigi ni Estrella ang ilalim ng kama at nakita niya ang isang itim na wig ng lalaki. Napaisip siya kung kanino ito at papaano ito napunta sa ilalim ng kama ni Nicholas. Napatingin ulit si Estrella sa katawang nakahinga sa ibabaw ng kama at napagtanto niya na isa itong pekeng katawan ng tao. Kinilabutan si Estrella sa sobrang totoo nito at walang pinagkaiba sa hulma at hitsura ng asawa. Tanging nasa isip ngayon ni Estrella ay kung nasaan ang tunay na Nicholas at kung bakit ba ito nagpapanggap. Mas lalo naman siyang kinabahan nang biglang namatay ang ilaw. Nanlamig ang buong niyang katawan nang maramdaman na may tao sa paligid. Bago pa siya lumingon, may naamoy siyang nakakahilong pabango sa paligid na naging dahilan kung bakit siya unti-unting nawalan ng malay. Kinabukasan, bumisita si Dr. Sanchez sa mansyon para tingnan si Estrella dahil natagpuan ito ni Yaya Merrill na walang malay. "Kamusta ang iyong pakiramdam?" Tanong ng doktor sa kanya. Nakatulala lang si Estrel

    Huling Na-update : 2024-09-22
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 13-WHISPER

    Nagbingi-bingihan lang si Estrella kahit na nasa harapan niya na si Janice na kulang nalang ay tapikin siya sa noo. Sa inis ni Janice, hinila niya ang hawak na phone ni Estrella at nakuha niya na sa wakas ang atensyon nito. "Ano bang problema mo, Janice? Gusto mo bang maligo ulit ng sopas??" Sarkastikong niyang pagkakasabi at umunit ulit ang dugo ni Janice nang maalala ang katangahan niya. Inis na inis si Janice na gusto niya ring gawin kay Estrella na maligo sa mainit na sopas. "May problema nga ako at ikaw 'yun." Ngumisi si Estrella at bigla siyang tumayo, hinarap niya ang babae na kita niyang natakot sa kanyang presensiya. Napalunok ng laway si Janice. Aminado siyang natatakot siya sa aura ni Estrella pero inisip niya na nasa kanya pa rin ang alas dahil pagmamay-ari niya itong Everlane. "Naglakas loob ka pa talagang pasukin itong teritoryo ko.""At bakit takot na takot ka? Hindi ko naman aagawin 'to sayo. Kumalma ka nga!" Natawa si Estrella na tingnan ang reaksiyon niya.Ngumi

    Huling Na-update : 2024-09-22
  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 14-FIGURE

    Nagyelo ang katawan ni Ryan matapos marinig ang boses ni Estrella. Lumingon siya at nakita itong nakatayo sa pintuan. Ngumiti siya bigla para hindi siya mag duda at may baon na rin siyang palusot. "May problema ba, Ma'am? May binubulong lang po ako sa kanya. Isang kahilingan. Ang sabi nila, makakatulong sa taong tulad niya kapag kinakausap. Tama ba?" Puno ng pagdududa si Estrella pero napatango nalang din siya, ginagawa niya rin iyon at ng ibang taong bumibisita sa asawa pero ramdam niyang may kakaiba sa ikinikilos nitong assistant ni Oliver Tan. Tumango si Estrella bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Tama. Mabuti iyan pero maari ko bang malaman kung ano ang laman ng hawak mong folder?" Kanina niya pa napansin ang hawak nitong red folder na tingin niya ay may nilalaman na dokumento. "Ahh..Isa po itong document sa trabaho ma'am. Wala naman itong kinalaman kay Sir Nicholas." Pagsisinungaling ni Ryan. Ang dokumentong hawak niya ay kailangan ng pirma ni Nicholas bilang si Oliver Tan

    Huling Na-update : 2024-09-22

Pinakabagong kabanata

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 87-

    Kahit na hindi hinahawakan ni Ji Chengzhou ang mga babae, hindi ibig sabihin na hindi niya naiintindihan ang mga babae. Makikita niya kaagad kung ito ay hindi sinasadyang paglalantad o sinadyang pang-aakit."Alisin mo yan."Nag-pause sandali si Shilan Bai, at pagkatapos ay malumanay na sinabi: "Matagal ko itong inihaw, at nabasa ng langis ang aking mga kamay. Kapatid na Cheng, subukan mo naman."Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang maputi na kamay sa harap ng kanyang mga mata. May ilang maliit na pulang tuldok nga sa likod ng kanyang kamay.Itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang mga mata, ang kanyang mga mata ay bumagsak sa mukha ni Bai Shilan na may hindi kilalang kahulugan, "Inaakit mo ba ako?"Hindi inaasahan ni Bai Shilan na magiging direkta si Ji Chengzhou. Bahagyang nagulat siya, at pagkatapos ay tumingin sa paligid na parang magnanakaw. Ang lahat ay nag-uusap at nagtatawanan, at walang nakatingin sa kanila.Tanggihan ito, ngunit samantalahin ang pagkakataon.Nag-atubili la

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 86-

    Sa barbecue, may isa na nakita si Estrella na lumapit at nagmadaling nagsabi, "Anuman ang gusto kainin ni Mrs. Ji, ihahain ko para sa iyo." "Salamat." Ngumiti si Estrella, "Kaya ko naman gawin ito mag-isa." "Ang amoy ng usok dito ay medyo matapang. Sabihin mo na lang ang pangalan ng putahe. Ihahain ko iyon sa sandaling ito at ibibigay ko sa iyo." Nalaman ni Estrella na ang dahilan kung bakit siya sinusuyo ay dahil siya ay asawa ni Nicholas. Nakita niya ito noong nakaraan, at halos lahat ng mga masamang tao ay sumusunod sa yapak nina Nicholas at Li Jinyan. Gayunpaman, siya ay nag-ihaw ng mga skewers para pakunin si Nicholas. Hindi niya ito gagawin sa iba, at hindi ito masyadong hindi tapat. "Talagang hindi ko kailangan, salamat." "Huwag kang magpakitang ikaw-ay, si Mrs. Ji siya at hindi niya naman tayo hinuhusgahan." Sinabi ni Bai Shilan ng may pagkainis. Kumurap ng bahagya si Zhao Wen, na may halong hiya at kaba sa pagkakaroon ng isang tao na nagsabi ng kanyang saloobin, "Eh...

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 85-

    Tiningnan ni Ji Chengzhou ang mabait na babae sa harap niya at sinabi, "Uminom ka." "Uminom?" Nagulat na tanong ni Estrella. Bahagyang itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang kilay, "Bakit, ayaw mo ba?" "Oo, siyempre ay pumapayag ako." Nagpakumbaba si Estrella, "Ako'y sobrang tuwang-tuwa." Agad na may dinalang dalawang baso ng champagne ang isa. Hawak ni Estrella ang baso ng alak at tinitigan ang seryoso at dignified na lalaki sa wheelchair. Naramdaman niya na talagang hindi maipredikta ang kanyang asal. Bakit nga ba siya pumayag? "Isang baso ng alak, isang baso ng alak..." Nagsimula na naman ang ingay. Yumuko si Estrella at iniabot ang kanyang kamay upang hakbangan ang braso ni Ji Chengzhou. Bigla niyang inilipat ang baso ng alak sa ibang kamay, pinaubaya na lamang niya itong walang laman, at tinitigan siya ni Estrella nang walang kamalayan kung bakit. Ang babae ay nakasuot ng mahabang palda na may V-neck ngayong gabi. Siya'y yumuko at medyo kita ang kanyang dibdib. Mula sa ang

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 84-

    Hindi nagsalita o gumalaw si Ling Ruonan, patuloy lamang siyang umiiyak. Tanging si Li Jinyan lamang ang narito, siya siguro ang dahilan. Hindi naglakas-loob si Ling Ruonan na magalit sa kanya, kaya hindi rin siya nagsasalita. Tumayo si Estrella. Hinawakan siya ni Ling Ruonan, "Saan ka pupunta?" "Pag-uusapan ko si Li Jinyan." Mariin na sinabi ni Estrella. Medyo nagulat si Ling Ruonan. Hindi niya inaasahan na isang babae na ilang beses pa lamang niyang nakasama ay magtatanggol kay Li Jinyan para sa kanya. Sa susunod na sandali, naisip niya na mabait si Estrella sa kanya dahil siya ay anak ni Ling Jinghang. Iniibig lang ni Estrella si Wujiwu. Biglang ngumiti si Ling Ruonan. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha, ngunit ang mga dulo ng kanyang mga labi ay pumihit ng may pang-uuyam, "Ulol na fan." Binuksan ni Estrella ang kanyang bibig upang ipaliwanag, ngunit napagtanto na wala siyang maisasagot. Tumahimik siya ng ilang segundo bago sabihin, "Hindi ko papayagan na apihin ka ng s

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 83-

    "Wala itong kinalaman sa iyo." Ling Ruonan ay lumihis at sinalubong ang numero ng bahay sa kanyang tabi, nag-isip ng sandali, saka naglakad papunta sa elevator. Sumunod din si Estrella sa tingin ni Ling Ruonan at nakita na ito ay kwarto ni Mr. Oliver Tan. Pagkatapos ay hinabol niya ito at sinabi, "Wala ka pang kumain. Marahil hindi ka pa kumakain ng tanghalian. Puwede ba akong kumain kasama mo?" Binalewala ni Ling Ruonan ang kanyang alok. "Masama para sa iyong sikmura kung hindi ka kakain. Ako na ang bahala sa pagkain mo." Tuloy pa rin na binalewala ni Ling Ruonan at pumasok sa elevator. Nang makita niyang pumasok din si Estrella, napuno na ng pasensya ang kanyang puso. Iniabot niya ang kanyang kamay upang hadlangan ang pinto ng elevator at nagsabi ng malamig: "Kung gusto mo si Ling Jinghang, hanapin mo siya. Nanggugulo ka ba sa akin?" Nais sana sabihin ni Estrella na hindi niya gusto si Ling Jinghang at sinundan niya siya dahil iniingatan niya ito, ngunit wala siyang karapatang

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 82-SKEPTICAL

    Kinabukasan, nagising si Estrella na nagitla nang matagpuan na nasa sahig pala sila natulog buong gabi. "Bakit tayo natutulog dito sa sahig?" Napakamot sa ulo si Estrella na walang maalala. "Nahulog ka dito dahil sa sobrang likot mong matulog." Sabi ni Nicholas na nakahiga pa rin dahil inaantok pa. Walang maalala si Estrella na itinapis ang kumot sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na pang-itaas. Sinubukan niyang tumayo pero agad siyang natumba dahil naipit pala ang laylayan ng kumot sa mga paa ni Nicholas. Mabuting nasalo siya ng asawa sa mga malapad nitong dibdib. "Lagi ka nalang nahuhulog sa'kin, ah?" Takang tanong ni Nicholas. "Oo naman, matagal na akong nahulog sayo, hindi mo pa rin ba alam?" Panunukso ni Estrella. Umismid si Nicholas sa paglalandi niya ng kay aga. "Tigilan mo'ko. I'm not stupid, Estrella. I know what you're doing." Nababasa ni Nicholas ang mga ikinikilos nito simula pa dati na pinaglalaruan lang ang feelings niya. "Talaga? Pero baka nakakalim

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 81-SHARE

    Naawa si Nicholas nang malaman iyon, at pinunasan niya naman ang mga luha nitong tumulo sa kanyang pisnge. "It's okay to be scared." Pinakalma niya ang asawa at hinila para yakapin. Hinayaan ni Estrella ang sarili na ilabas ang kanyang tinatagong takot at unti-unti namang gumaan ang kanyang loob dahil sa pag-comfort ng asawa. Sa dami ng mga trauma ni Estrella, lahat ng mga iyon ay tiniis niyang harapin. Unang una, nilabanan niya ang sumisilakbo niyang damdamin laban kay Nathan at Janice na pumatay sa kanya. Pangalawa, nagawa niyang palitan ang kanyang orihinal na mukha para lang takpan ang bakas ng kanyang nakaraan. Panghuli, hinayaan niyang matali siya kay Nicholas na gagamitim niya lang para sa paghihiganti. At sa mga pagkakataong ito, nakaramdam na ng kakaiba si Estrella sa lalaking hindi niya dapat magustuhan. Naglalaban na ngayon ang kanyang puso't isipan kaya litong lito na siya sa kung anong tunay niyang nararamdaman para kay Nicholas. Sa kabila ng kanyang takot, unti-

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 80-ATTRACTION

    Hindi inasahan ni Estrella na ganoon ang magiging aksyon ni Nicholas pero sinabayan niya nalang din ito para tuluyan ng makuha ang kanyang loob. "At naakit ka na ba sa'kin? Huh?" Tugon ni Estrella, nilalabanan niya ang titig ng mga mapupungay nitong mata. Hindi agad makasagot si Nicholas na napatingin sa kanyang mga mata na parang naghahanap ng kasagutan, at bumaling ang kanyang tingin pabalik sa kanyang mga mapupulang labi. Sa isang iglap, bigla silang naghalikan dalawa at hinayaan ni Estrella ang lalaki na namnamin ang kanyang labi. Nadala na rin si Estrella sa halik ng asawa kaya siya sumagot at ibinalot ang kanyang mga braso sa leeg nito. Nasa ibabaw siya kaya nagagawa niyang halikan ang asawa ng mariin. Bigla namang bumukas ang pintuan at pareho silang nagitla na makita si Lola Conchita na siya ring hindi makapaniwala sa nakita. Walang nasabi ang matanda kung hindi isinara ang pinto para bigyan sila ng privacy. Kaagad naghiwalay ang dalawa na parehong kinakalma ang sarili p

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 79-BEACH

    Hinayaan nalang ni Oliver na makatulog si Estrella pero naiinis pa rin siya na pinagkaisahan siya nito para mapunta siya sa ibang babae. Pinagmasdan niyang natutulog si Estrella sa kanyang kama. At alam niyang nagpapanggap lang ito kaninang nahihilo para makatakas sa kanya. Napangisi nalang din si Oliver sa mga kagagawan nito para lubayan siya. Kinabukasan nagising si Estrella at nagitla siya nang mapagtanto na hindi pala siya nakauwi sa mansyon kagabi. Dali-dali siyang bumangon at nag-ayos. Napahinto naman siya nang makita si Oliver na nakaupo sa tapat habang nakatitig sa kanya. "Estrella, ulitin mo 'yung ginawa mo at hindi ako magdadalawang na isumbong kita sa asawa mo na nagkikita tayo." Pananakot ni Oliver. Napalunok ng laway si Estrella at napilitang ngumisi. "Oo na. Hindi na mauulit, Oliver."Wala ring sinabi si Oliver at tumayo ito sa kanyang kinuupuan at naunang umalis sa kwarto. Naiwan si Estrella sa loob na pinagpawisan dahil sa takot na ilantad ni Oliver kay Nicholas an

DMCA.com Protection Status